Kabanata 6

2459 Words
MALAKAS na hinampas ni Dad ang kamay niya sa desk niya. Namumula na ito sa galit. Pero wala akong pakialam! Galit din ako dahil parang kinakasangkapan niya ako para lang mag karoon ng anak na matagal na nitong pangarap! The hell?! Sampal sa akin na purihin niya ang anak ng iba pero ako na sarili niyang kadugo ni hindi niya nabigyan ng pansin kahit noong bata pa lang ako. Noon akala ko dahil busy sila sa trabaho, sa mga negosyo kaya wala silang time para sa akin. Hindi ba nila alam kung ano ang epekto non sakin? Nawalan ako ng ganang mag sumikap magaral at makakuha ng mataas na marka, dahil para saan pa? Wala rin namang nakaka appreciate non. Wala akong magulang na matutuwa kahit maging top one pa ko sa klase. Dahil busy sila sa pagpapalago ng pera. Kaya naman nagpasya ako na gawin nalang kung ano ang makapag papasaya sa akin. Kung saan mas makakakuha ako ng appreciation. Sa mga kaibigan at barkada na tuwang tuwa kapag nanlilibre ako. I feel special and wanted dahil lahat dumidikit sa akin and because of what? My parents hard earn money. Tutal binuhos naman nila ang buong atensyon nila sa paggawa ng pera. So I decided why not using it para makuha ang atensyon na hindi nila maibigay sa akin? "Tatanggalan kita ng mana kapag itinuloy mo ang annulment!" Galit na sigaw ng daddy niya. Para namang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko "You can't do that to me! Yan na nga lang ang kaya niyong ibigay sa akin ipagkakait mo pa! How dare you daddy!" Halos humihingal na sigaw ko rin. Napatayo na ako at nakipagtitigan sa daddy ko na parang natigilan sa sinabi ko. Bumuntong hininga ito at pilit kinakalma ang sarili. Muling naupo ang daddy ko saka tumitig uli sa akin. "Then take over the company Erika" malumanay na ang boses nito. Napatawa siya sa sinabi nito. Bakit ba pinipilit nitong pamahalaan niya ang kompanya? Marami namang mapag kakatiwalaang mamahala sa kompanya. "I have no choice Erika. You giving me no one. Kaya naman papipiliin kita. Mananatili ka sa kasal niyo ni Juancho at si Juancho ang i-ttrained ko bilang hahalili sa akin, mananatili kang makukuha ang lahat ng nanaisin mo gamit ang perang kinikita ng kompanya o tatanggalan kita ng mana at kahit isang kusing wala kang makukuha. Mabubuhay ka sa sarili mong paa at ang ibig sabihin non kailangan mong mag trabaho para mabuhay ka. Pero anong trabaho ang makukuha mo Erika? Hindi ka nakapag tapos ng college wala ka ring work experience. Sinong tatanggap sayo?" Napatiim bagang siya sa sinabi ng daddy niya. Ngayon niya pinagsisisihin kung bakit hindi siya nagtapos ng pagaaral, ni wala siyang matatawag na career! Wala akong maikatwiran sa sinabi ni Daddy. Bwisit! "Beggar's cannot be choosers, My dear daughter" nakakalokong dagdag pa ng daddy niya "Oh, by the way i will cut all of your cards, dahil may asawa kana responsibilidad ka na ng asawa mo simula ngayon" Malakas na napasinghap ako sa sinabi nito "You can't do that to me! How can he provide for me?! He is poor! he don't even have his own car, and his house daddy, ghaad! mas sosyal pang tignan ang pinagawang bahay ni lolo para sa mga katulong na nasa likod ng villa! Ni walang shower sa banyo niya he made me use that damn tabo! Beside ang sabi mo kapag nanatili akong kasal kay Juancho I can still live comportably like I used to?!" Halos umusok na ang ilong ko sa kakasalita sa daddy ko. Napapailing naman ang daddy ko. "The problem is, Juancho don't want to accept to be the CEO of our company" Natigilan siya tama ba ang narinig niya? Inalok na ng daddy niya si Juancho para pamahalaan ang kompanya pero tinanggihan nito? Pero kailan pa? "Kailangan mong kumbinsihin si Juancho na siya na ang humalili sa akin." Napatingin siya sa daddy niya. Ganon kalaki ang tiwala nito kay Juancho para ipag katiwala ang negosyo nila sa huli? "It's a win win situation Erika, pagnakumbinsi mo ang asawa mo mag kakaron na siya ng sapat na kakayahan na masunod ang luho mo at kami naman ng mommy mo makakapag retired na. Matatanda na rin naman na kami gusto naman naming makapag pasarap gamit ang perang pinaghirapan namin" sumandal ang daddy niya sa swivel chair nito. "And remember our main branch located in Manila, kung papayag si Juancho na siyang mamahala sa kompanya malamang na lumipat din kayo ng manila. Na sigurado naman akong pabor sayo" pangeengganyo pa nito. Napaisip siya. Ang main branch nga pala ng Arcega hotel and casino at bank ay nasa Manila. Makakabalik siya ng Manila ng walang ka hirap hirap. Makakabalik siya sa dati niyang buhay minus ang pangungulit ng daddy niya sa kanya. "Fine!" Kunyaring napipilitang pagsuko niya para hindi mahalata nito na bigla siyang na excite. Hindi naman siguro mahirap kumbinsihin si Juancho. All she need to do is lure him and give him a good f****d so he will give him what ever she wants. Mukha namang uto-uto si Juancho at halata namang attracted ito sa kanya madali na para sa kanya na kumbinsihin ito. Isa pa makikinabang din naman ito dahil mula sa pagiging empleyado ay magiging isang CEO na ito. An evil smirk form in her lips. Ngiting tagumpay naman ang ibinigay ng daddy niya sa kanya. DINAMPOT NIYA ang telepono at tinawagan ang ama niya "Pa, pumayag na ang apo mo" sabi niya ng sagutin nito ang tawag niya Tumawa ito na tila tuwang tuwa "Good, very good. Sigurado akong mapapapayag ng apo ko si Juancho. That boy is a gem Miguel, biruin mong  maisalba niya ang Almendra Internationals ng malagay ito sa pag ka bankrupt three years ago. Sinong magaakala na ang tahimik na bata na yon na binubully lang ng anak mo noon ay may nakatagong talento sa negosyo?" humalakhak ito "It's a good thing na mukang in love parin ang batang yon sa apo ko" Napailing na lang siya. Ideya ng papa niya na si Juancho ang pahawakin ng mga negosyo nila. Hindi naman siya tumututol doon. Sa katunayan ay mas pabor siya don. Kahit anak niya si Erika wala siyang tiwala dito na ipagkatiwala ang mga naipundar nila. Masyadong na spoiled ang anak niya, lumaki ito sa luho at ni hindi man lang nagpakita ng interes sa kompanya maliban nalang sa kinikita nito. Kaya naman pumayag na siya na ipakasal ang dalawa na inilihim niya sa asawa dahil paniguradong tututol ito kapag nalaman ang totoo. Tumulong din siyang i-set up ang anak para mapilitan itong maipakasal kay Juancho dahil kung hindi nila gagawin ang scheme na yon paniguradong mahihirapan silang mapapayag si Erika na magpakasal kay Juancho. Napakatigas pa naman ng ulo ng anak niya ni hindi natatakot sa kanya at hindi rin marunong sumunod. Nag usap pa sila sandali ng ama saka sila nagpaalamanan. Nasa Manila ang Papa niya dahil susunduin na nito ang matagal ng nawawalang apo nito na nag layas nung high school. SINUOT NIYA ang sa tingin niya ay magmumukha siyang ulirang babae. Nalaman niya kasi mula sa mommy niya na conservative ang pamilya na pinanggalingan ni Juancho. No wonder kung bakit sa idad ni Juancho virgin parin ng may mangyari sa kanila. Gusto niyang mag pa impress sa pamilya nito para naman ma good shot siya kay Juancho. Baka kasi mahirapan siyang makumbinsi ito dahil napagsalitaan niya kaninang umaga baka masyadong dinibdib nito ang sinabi niya. Isang turtle neck blouse at denim na skirt na hanggang tuhod ang suot niya na pinaresan niya ng flat gladiator saka niya inilugay ang buhok. Manipis lang din ang make up niya. Muli siyang tumungin sa salamin at napangiti sa nakita. Muka siyang santa sa ayos niya taliwas sa nakasanayan niya. Kinindatan niya pa ang sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto niya. Nandyan na raw kasi sa baba sila Juancho at ang pamilya nito sabi ng katulong na kumatok sa pinto niya kanina. Pagkababa niya sa hagdan nakasalubong niya pa si Kiara na paakyat naman. Halatang nagulat ito ng makita siya. "Oh sisimba ka? Saan ang bible mo?" Tanong nito sa kanya sabay hagikgik Hinintuan niya naman ito at itinaas ang kamay sa mukha nito. "Nakikita mo tong palad ko?" Tanong niya dito. Tumango naman ito na parang naguguluhan "Oo." "Gusto mong isampal ko to sa mukha mo?" Mataray na tanong niya dito. Mabilis naman itong umiling "Ayaw" "Bakit kaba pagala gala dito sa Villa? hindi kaba hinahanap sa inyo?!" Ang alam niya hindi ito basta basta pinalalabas ng bahay ng mga ito na nasa kabilang boundary lang ng lupang pag mamay-ari ng Lolo Damian nila. dahil takot ang mommy nito na kung saan mapapunta si Kiara. Mabilis kasi itong mauto at mabilis magtiwala, para itong bata. Dati kasi ay muntik na itong magahasa dahil sumama ito sa isang dayo na umeekstra sa niyugan ng mga ito, buti nalang ay may nakakita ditong mga tauhan ng Hacienda ng mga ito at nasaklolohan ang pinsan niya. "Kasama ko ang fiance ko" nakangiting sabi nito. Nangunot ang noo niya. "Fiance? Sino namang baliw ang nag ka mali sayo?" Natatawang tanong niya dito. Hindi niya ma-imagine na may mag seseryoso sa pinsan niya dahil may pag ka sintu-sunto ito. Isip bata pa sa idad na bente singko. Nag yuko naman ito ng ulo at parang maiiyak. Bigla namang nakonsenya siya. Tumikhim siya para pukawin ang atensyon nito pero nanatiling nakayuko ito at sumisinghot singhot "Ahmm.. Ehemm.. S-siguraduhin mo lang na ako maid of honor ako at hindi si Maria ha" mataray aniya rito. Nag liwanag ang mukha nito saka niyakap siya. Naipaikot niya nalang ang mata saka tinapik tapik ito para lumayo na sa kanya. "Sige na pupunta na ko sa dining room" aniya dito. "Sabay na tayo. Pinasusundo ka rin sakin ni Tito eh" parang batang umangkla pa ito sa braso niya. Sabay nga silang nagpunta sa dining room. Agad na sinalubong siya ni Juancho na nakapag palapad ng ngiti niya. Bumitaw siya sa pag kakaangkla sa kanya ni Kiara. Nakangiti ito ng alanganin sa kanya parang nag dadalawang isip pa kung lalapitan siya. Agad na hinalikan niya ito sa labi na halatang ikinagulat nito. "Sorry, napag antay ko ang family mo. Natagalan kasi ako sa pamimili ng susuotin. I want to make sure that they will like me kasi" malambing na aniko saka umangkla sa kanya. Para namang nababaghan ito sa kinikilos niya kaya malambing na nginitian niya ito "Wala kabang balak ipakilala ako sa kanila?" Nakataas ang kilay niya pero matamis paring nakangiti dito. Para namang natauhan ito "S-sorry. H-Halika ipapakilala k-kita" bahagya pang nag stummer ito. Dinala siya nito papalapit sa dining table at ipinakilala sa Lola nito. Nakangiting nagmano siya dito na ngiting-ngiti naman sa kanya, ganun din ang tatay nito na hindi ka-mukha ni Juancho. Maliit na lalaki lang ang tatay nito pero maamo ang mukha at mukhang respetado kahit sa simple lang ang pananamit. Sunod na nilapitan nila ay ang ate nito. Nagbeso sila nito. "Welcome to our family Erika, Im Angela, and this is my Husband Ishmael Capistrano and my two lovely daugthers Amber and Juliana" nakangiting pakilala nito sa asawa't anak nito. Napataas ang kilay niya ng matitigan ang asawa nito. Mukhang barumbado pero ang gwapo, mukha ring may sinasabi sa buhay base sa soot na mga mamahaling damit. Ganun din si Angela at mga anak nitong kamukhang kamukha ng tatay ng mga ito. Infairness ang gagandang lahi. Maganda rin si Angela, maamo ang mukha pati ang boses di makabasag pinggan sa hinhin. Tinanguan lang siya ng asawa nito ng magka tinginan sila. Mukhang suplado. Tse! "Ilang taon na ang mga baby mo?" Nakangiting tanong niya rito kahit wala naman siyang pakialam sa mga anak nito. Hindi kasi siya mahilig sa bata. Nakakairita ang mga ito lalo na kapag nag ta-tantrums. "Julianna is five and Amber is turning two next week. Punta kayo ni Juancho sa birthday niya." Tumingin muna siya kay Juancho na nakatingin din sa kanya bago sumagot "Yeah sure." Pinaghila siya ni Juancho ng upuan sa tabi ng ate nito saka naupo sa tabi niya. Dumako ang tingin niya sa lalaking katabi ni Kiara na katapat nman nila. Moreno pero gwapo din. Matangos ang prominenteng ilong nito at pangahan. Naka business suit ito na bagay na bagay dito. "Sino ka naman?" Nakataas ang kilay na tanong niya dito. "He's Kiara's fiance" ang daddy niya ang sumagot. "Oh" So, totoo pa lang may fiance na ang pinsan niya? "When pa?" Curiuos nong niya. "Since yesterday" sagot ng fiance ni Kiara "Im Princeton Mañego" anito. Tumayo ito at nilahad ang kamay na agad naman niyang tinanggap. "Mañego? Are you related to Marius Mañego?" Kinakabahang tanong niya. Napalunok pa siya ng laway. "He's my cousin" maikling sagot nito Oh f**k! Hindi niya naiwasang mapamura sa isip Pag minamalas ka nga naman oh oh Napangiti lang siya na feeling niya ay nauwi sa ngiwi. Kinakabahan siya. Hindi naman siguro nito alam na ex siya ni Marius? "Close ba kayo ng pinsan kong yon?" Nagulat pa siya ng mag tanong ito. Mabilis siyang umiling. "Ah no. May common friend lang kami pero hindi kami magkakilala personally" pagsisinungaling niya. Mahirap na baka pagnalaman pa nito na ex siya ng pinsang nitong baliw E, maikwento pa nito kay Marius na nagkita sila at malalaman ng huli kung nasaan siya. Tumango tango na lang ito. Nag umpisa ng kumain ang lahat. At habang kumakain ay napagusapan na ang kasal nila sa simbahan na halatang ang mommy niya ang sobrang excited. Siya naman ay binalingan si Juancho at inasikaso. Siya pa ang nag lalagay ng pagkain sa plato nito at halos subuan niya rin. Nahagip naman ng mata niya ang daddy niyang ngiting-ngiti sa kanya mukhang tuwang tuwa ito sa ginagawa niya. Si Juancho naman ay mukhang tuwang tuwa rin. Halatang masaya sa ginagawa niyang pag aasikaso dito Very good ka talaga Erika.. Mukhang di ka mahihirapang mapapayag si Juancho na mag take over sa kompanya. Lihim na nag diriwang siya. "Kain ka pa baby" malambing na aniya kay Juancho sabay subo dito ng morcon. Mamaya luto naman ng diyos ang ipapatikim ko sayo. Tignan ko lang kung hindi ka sumangayon sa gusto ko pag pinatirik ko yang mata mo sa sarap ng ipatitikim ko sayo mamaya. Pilyang bulong niya sa sarili. Binitawan niya ang tinidor na hawak niya saka pinagapang ang kamay sa mga hita nito. Napaderetso naman ito ng upo saka namumula ang mukhang napatingin sa kanya. Nginitian niya lang ito ng nakakaakit saka niya sensual na binasa ng dila niya ang labi niya. Kitang kita niya pa ang pag usbong ng pagnanasa sa mga mata nito. Lalo naman niyang itinaas pa ang mga kamay papunta sa p*********i nito na ikinapitlag dito. Naibuga nito ang kinakain ng pisilin niya ang p*********i nito "Are you ok baby?" Kunwaring nag aalalang ani niya dito. Inabutan niya pa ng tubig ito at hinimas himas ang likod. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD