Kabanata 3

2472 Words
PARANG MATATANGAL ang ulo ko sa lakas ng pagalog sa balikat ko ng kung sinong walang pusong gumigising sa akin. Sobrang sakit ng ulo ko kaya kahit gusto kong imulat ang mata ko hindi ko magawa. Parang may pumipiga sa bungo ko. At ang mga mata ko parang may lupa ang hirap imulat. Umungol na lang ako para magprotesta sa ginagawang pag yugyog sakin dahil feeling ko talaga lalaglag na ang ulo ko kaunting-kaunti nalang! Nagawa ko namang imulat ng kaunti ang isang mata ko para makita ang walang hiyang gumigising sa akin pero malabo ang tingin ko. Kinusot ko iyon. Hanggang sa luminaw. "Kiara?" Lintik na babaeng to hindi na naman nakainom ng gamot niya ang aga-agang nanggigising. Tinabig ko ang kamay niya. May sinasabi siya pero di ko naiintindihan. May naririnig akong sumisigaw at umiiyak. Napakunot ang noo ko at pinilit kong bumangon. Nanlaki ang mata ko ng tuluyang magmulat at makitang maraming tao sa paligid ko. Nakita ko si mommy na umiiyak at inaalo naman ito ni daddy habang si Kiara ay mabilis na itinapis sa akin ang kumot. Si lolo naman ay hawak ang shotgun niya at nakatutok sa katabi ko.. Wait katabi ko! f**k! napalingon ako agad sa katabi ko.. si Juancho gulo-gulo ang buhok, namumutla itong nakatingin sa lolo ko. Tabingi pa ang salamin nito sa mata. Hubad baro ito at natatakpan lang ng kumot ang ibabang katawan. Napatingin naman ako sa sarili kong katawan agad kong nahila ang kumot at itinakip sa katawan ko na hubad din. Agad namang nag sink in sa akin kung anong nangyayari. Shit "Hayup ka! Pananagutan mo ang apo ko kung ayaw mong sumabog ang utak mo!" Nanggagalaiting sigaw ni Lolo kay Juancho. Napalingon ako kay lolo. "L-lo" protesta ko. "Tumahimik ka Erika!" Sigaw nito sakit galit na galit pag katapos ay bumaling uli kay Juancho "Ano lalake papanagutan mo ba ang apo ko o babarilin kita?" Napa nganga ako. Pananagutan? Ako? s**t tang ina "Huminahon ka muna Damian." Awat dito ng Lola Constantina. Nasa tabi ito ni Lolo at pigil pigil ang esposo sa pag huhuramentado. "Huminahon?! Ginalaw ng hayup na yan ang apo ko tapos gusto mong huminahon ako?! Hala Pareng Gusting ikasal mo na areng mga lintik na ito!" Napamaang ako sa sinabi ng lolo ko. Seryoso ito at mukhang walang makakapigil sa desisyon nito. Lumapit naman ang isang matanda naring lalaki na may hawak na mga papel. nakasuot ito ng pajama at t-shirt na puti. "K-kasal? Teka.. teka.. Lo, ayokong mag pakasal" natatarantang tutol ko. Marahas na napalingon sa akin si Lolo. Namumula ito sa galit, mukang malapit ng atakihin. "Ikakasal ka sa ayaw o sa gusto mo Erika kung ayaw mong pati ikaw e, barilin ko!" Labas na ang litid ng Lolo ko. Napalunok ako dahil mukang seryosong seryoso ito at desedido na maipakasal ako. Lalong sumakit ang ulo ko. Mukang hindi si Marius ang makakapatay sakin kundi ang pinakamamahal kong abuelo. Tumingin ako sa dereksyon ni daddy pero mukhang di ko ito mahihingan ng tulong dahil ang sama rin ng tingin sa akin, si mommy naman ay nakasubsob lang sa dibdib ni daddy. Nilingon ko naman si Juancho sa tabi ko, tahimik lang ito kahit namumutla parin pero wala naman sa itsura nito ang pagtutol o baka shock parin kaya hindi alam kung ano ang i-re-react? Lumapit na sa amin ang kumpare ni Lolo sa paanan ng kama siya pumwesto. Ngali-ngali kong sipain kaya lang baka bigla akong barilin ni Lolo . Wala ako sa sarili ko kaya hindi ko na naintindihan ang mga pinagsasabi nila. Namalayan ko nalang na inabutan nila kami ng singsing para isoot sa isa't isa pag katapos ay may pinapirmahan sa aming mga papel. "You may now kiss the bride.." Sabi nung nagkasal sa amin na hindi ko alam kung saan ba napulot ng lolo ko sa ganitong kaaga. Doon ako parang natauhan. Ikinasal ako ng nakahubo't hubad at tanging kumot lang ang saplot, habang naka upo sa kama, gulo gulo ang buhok at may muta pa sa mata. This is not my f*****g dream wedding! Himutok ko. Nag pupuyos sa galit ang kalooban ko. Feeling ko ay naisahan ako. Kinalabit ako ni Kiara kaya nakakunot ang noo na tinignan ko ito. "Kiss daw." kinikilig pa na sabi nito. Ang sarap dagukan. "Kiss?!" Eksaherado kong sigaw "Bakit di na lang kame mag pulot gata sa harap nyo tutal hubo't hubad nyo naman kaming ikinasal!" Galit na sigaw ko. Natahimik ang lahat ng nasa loob ng kwarto ko. Nanginginig ako sa galit. Si daddy ang unang naka bawi "Shut up Erika! You did this to yourself so bear with it!" Bulyaw sa akin ni daddy saka hinila na palabas ng kwarto ko si mommy. Si Lolo naman ang bumaling sakin. Hindi na ito galit at kalmado na pinaubaya na rin nito ang shotgun niya kay Lola. "Mag si labas na tayo" Ani nito sa mga taong naiwan pa sa loob ng kwarto ko. "Mag bihis kayo at bumaba para mag almusal" Sabi pa nito bago tuluyan ng lumabas. Naiwan kaming dalawa ni Juancho sa kwarto ko. Wala ni isa sa amin ang nagtatangkang kumilos man lang. Parang shock parin ito. Mula pa kanina wala itong imik. Di kaya nalunok na nito ang dila niya? Ipinikit ko ang mga mata ko nagbabakasakaling panaginip lang ang lahat ng ito. Kinurot ko rin ang braso ko at nasaktan ako kaya nakakasiguro ako na hindi panaginip ang lahat. Totoo ang lahat ng ito! Kasal na ako! Mabilis akong tumayo walang pakialam kung hubad man ako sa harap ni Juancho. Nagmamadali akong pumasok sa banyo. Binuksan ko kaagad ang shower at naligo. Nakatapis lang ako ng tuwalya ng lumabas ako ng banyo. Nakita ko si Juancho na nakabihis na at nakaupo sa gilid ng kama. Nakayuko ito, gulo gulo parin ang buhok nito. Nakaramdam ako ng inis dito dahil hindi man lang ito nagreklamo kanina. Ni wala kahit isang pag tutol na lumabas sa bibig nito. "Bakit di ka tumutol kanina?" Galit na nameywang ako sa harap niya. Nag-angat ito ng tingin pero agad ding nag iwas ng makitang nakatapis lang ako ng tuwalya. Namula ang mukha nito. "T-tama lang naman na panagutan kita dahil nagalaw kita" parang maamong kordero na wika nito. Agad namang nag-init lalo ang ulo ko sa sinabi nito. napasapo ako sa noo ko "My ghaad! Tanga kaba? Hindi lang naman ikaw ang lalaking naka s*x ko! One night stand lang dapat yon!" Nakakagigil. Dahil lang sa may nangyari sa amin naisip na nitong may pananagutan siya sa akin kaya hindi na siya tumutol? Humarap ito sa akin at una kong napansin ang kulay tsokolate nitong mata. Kahit pala bagong gising napaka gwapo nito. Napalunok ako sa naisip. Landi pa girl! landi pa! "Hindi ako kagaya ng mga lalaking yon. Marunong akong humarap sa consequence ng mga ginawa ko at kaya kong manindigan." Mahina man ang pag kakasabi nito non pero mariin na para bang yon ang pinakatama nitong ginawa. "Eh di wow!" Inirapan ko na lang siya dahil wala akong maisagot sa sinabi niya. Gwapo nga ang drama naman. Mahilig siguro itong manood ng teleserye. Lumakad ako papunta sa walk in closet ko at kumuha ng masusuot at walang pakialam na nag bihis sa harapan nito. Sabay na kaming lumabas ng kwarto at pumunta sa dining room. Naroon na rin sina daddy, mommy, lolo, Lola at Kiara. Wala na yung nagkasal sa amin. Tumabi ako kay Kiara at tumabi naman sa akin si Juancho. Nagumpisa na kaming kumain lahat at wala man lang nagtatangkang magsalita. "Juancho kelan mo balak dalhin dito ang mga magulang mo?" Si Lolo. Seryoso ang mukha nitong nakatingin kay Juancho. "Kakausapin ko ho ang mga itay na pumunta dito, Don Damian." Magalang na sagot ni Juancho. Tumikhim muna ang Lolo ko bago nagumpisa uling kumain "Lolo Damian nalang tutal parte kana ng pamilya" napalingon ako kay Lolo busy parin ito sa pag kain. "Ok po." Tugon naman ni Juancho. Mukhang relax na ito dahil magana na itong kumakain. "Mabuti pa pag katapos kumain ipahahatid kita sa driver para makuha mo na ang mga gamit mo sa inyo" Napahinto naman sa pagkain si Juancho saka seryoso ang mukha na tumingin sa Lolo ko "Bakit ho?" "Dahil dito kana titira. Kasal na kayo ng apo ko kaya dapat lang na mag sama na kayo sa iisang bubong" "Aware naman po ako sa bagay na yon pero gusto ko po sana na mag bubukod kami ng asawa ko ng tirahan" parang bigla namang kumabog ang dibdib ko sa sinabi nito. Parang ang sarap pakinggan ng 'asawa ko'. Napatango tango naman ang Lolo ko, ang daddy ko naman nahuli kong napangiti sa sinabi ni Juancho. Mukang mapride ang napangasawa ko. "Bueno, ipapahanda ko kay Linda ang mga gamit ni Erika para maisama mo na sya sa titirahan nyong mag asawa. Hindi na ako umimik at least malalayo ako sa bunganga ni daddy sa pangungulit niya na mag take over ako sa company. GUSTO KONG LUNUKIN ang relief na naramdaman ko dahil malalayo ako sa pangungulit ni daddy sa akin sa pag take over ng company habang nakatingin ako sa bahay na titirahan namin ng 'asawa' ko. Isang lumang bungalow na hindi ko alam kung pwede pa bang tirahan. Well mukha naman well maintained kahit luma na pero por favor naman! "Dito mo 'ko ititira?" Hindi ko mapigilan ang disgusto sa boses ko. Nilingon ko ito pero mabilis na itong bumaba sa kotse ko. Oo kotse ko ang ginamit namin dahil walang kotse ang asawa ko! Inaantay ko kaninang mag pakita ng violent reaction ang Lolo ko at parents ko ng sabihin nitong Wala siyang kotse. It means poor siya! Pero wala akong napala! Kumaway pa ang mga tinamaan ng magaling habang pasakay kame ng kotse kanina. Parang tuwang tuwa at hindi man lang nagaalala sa akin. Come to think of it ni walang nag tanong kung kaya ba akong buhayin ng lalaking ito! Ahhh bakit ba kasi ang init init kagabi at napag diskitahan ko tong lalaki na to! f**k ang kati kati mo kasi Erika! My ghaad! Agad na rin akong sumunod kay Juancho papasok sa bahay. Bitbit nito ang maliit na traveling bag na nadala ko dito galing Manila. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay, maayos naman iyon at mukhang malinis. May dalawang kwarto, Nakita kong ipinasok ni Juancho ang gamit ko doon sa unang kwarto malapit sa isa pang pinto na sa tingin ko ay banyo. Hindi naka tiles ang sahig pero makintab at mapula. May sala set na kawayan at 32" na flat screen TV na nakapatong sa isang maliit na bookshelve na puno ng mga.. libro! ano pa ba? Nag lakad ako papunta sa isang pinto na natatabingan ng kurtina, kusina pala. Nandoon na rin ang pabilog na 6seater dining table, narra iyon. Lumapit ako sa nakasarang pinto katabi ng lababo binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang laundry area, may washing machine at dryer doon, meron ding poso. Nangunot ang noo ko, dali dali kong nilapitan ang lababo at pinihit pabukas ang gripo, ng may tumulong tubig doon nakahinga ako ng maluwag dahil mag bibigti na ako pag sa poso pa kami iigib ng tubig. "Anong ginagawa mo?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng bigla itong magsalita mula sa likuran ko. Agad ko itong nilingon para lang mapanganga sa tumambad sa akin. Isang makatulo laway na katawan. Wala itong damit pang itaas at naka jogger pants lang ito na puti. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga abs nito na ang sarap haplusin. Napakagat labi ako habang dahan-dahang inaangat ang tingin hanggang huminto na naman sa dibdib nito. Makinis ito at maputi. Tumikhim ito kaya naipilig ko ang ulo ko at napipilitang tumingin sa mukha nito. Nakasuot na naman ito ng salamin sa mata. Malaki ang rim ng salamin nito at pabilog iyon. Magulo parin ang buhok nito pero nakadagdag lang yon sa appeal nito. Nakangiti ito kaya labas ang dimple nito na nagpa-cute dito ng husto. Mukha itong anghel. Anghel na nakakatakam. Ang sarap molestiyahin ng anghel na ito. Shit nakaka wet naman this guy! "Naayos ko na yung gamit mo doon sa kwarto. Baka gusto mong magpahinga na muna" anito habang nakangiti sa akin. Feeling close. "O-ok." Lihim ko na lang naipaikot ang mata ko ng bahagya pang pumiyok ang boses ko. Bigla kasing parang nailang ako at bumilis ang t***k ng puso ko. Naglakad na ako palabas ng kusina. Tumabi naman ito para makadaan ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ko dahil baka bigla ko itong madakma kapag napatapat ako dito. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalagpas ako sa kanya at makapasok sa kwarto na pinasukan nito kanina. Hindi kalakihan ito. Napatingin ako sa kama naupo ako doon at bahagyang umalog -alog sinusubukan ko kung malambot iyon, malambot naman at satingin ko makakatulog naman ako doon kahit papaano pwede ng pag tyagaan. May built in cabinet doon. Nakita ko sa itaas non ang traveling bag ko. Malinis din at mabango ang kwarto niya. May mga shelves din doon at may mga libro. Mahilig siguro talaga siyang mag basa. Napabuntong hininga ako. Ito na ang magiging bahay ko hanggang di pa ako nakakaisip ng paraan kung pano makakabalik ng Manila. Bukas ang bintana at kahit electricfan lang ang meron sa loob ng kwarto presko at malamig naman para tuloy akong hinihila ng kama para matulog kaya humiga na ako hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. NAPANGITI AKO ng makita ko si Erika na nakahiga sa kama ko at natutulog. Nilapitan ko ito at maingat na inalis ang heels nito. Naupo ako sa gilid niya at pinagmasdan ang maganda nitong mukha na dati ay pinapangarap ko lang pero ngayon ay akin na siya. Asawa ko na siya ngayon. Napangiti ako sa isiping iyon. Tumaas Ang kamay ko at hinawi ang buhok nitong nakaharang sa mukha nito. "Hindi na kita pakakawalan pa prinsesa ko. Akin ka na at wala ng makakaagaw sayo mula sa akin. Ang tagal kong hinintay ang oras na ito, ang maging akin ka" marahan kong pinadaanan ng daliri ang mapupulang mga labi nito. Napapikit ako sa init na gumapang sa katawan ko, naramdaman ko rin ang pag kabuhay ng pagnanasa para sa babaeng mahal ko at ngayon ay asawa ko na. Tama ito ng sabihin nitong ito ang una kong karanasan. Dahil hindi ko kayang makipag siping sa iba kung hindi lang din ito, matagal ng panahon ng mag desisyon akong ito lang ang babaeng mamahalin at makakaniig ko. At kagabi ang pinakamasayang gabi sa buhay ko. Hindi man ako ang nakauna sa kanya sisiguraduhin ko naman na ako ang magiging huli nito. Tumayo na ako at lumapit sa built in cabinet saka kumuha ng tuwalya at bihisan para maligo. Kailangan ko pang magluto para sa prinsesa ko. Napangiti ako dati pinapangarap ko lang na maiapagluto ang prinsesa ko pero ngayon hindi na lang ito pangarap kundi isa ng reyalidad. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD