THIRTY-THREE Mahigit anim na buwan. Mahigit anim na buwan na matapos ang gabing iyon. Ang gabing nakita kong nakahandusay ang katawan ni Lance sa library. Mabilis namin siyang naisugod sa ospital nang mga oras na iyon. Akala ko’y may nangyari nang masama sa kanya, pero sabi ng doktor niya, fatigue lang daw kaya napanatag ako. Nagising din naman siya agad kinabukasan. Ayaw ko pa nga sanang lumabas siya noon pero mapilit siya dahil maayos naman na raw siya. Ilang araw pagkatapos ng pagkakaospital niya ay nag-aya siyang mag-beach daw kami. Masaya, nag-enjoy naman kami. Kasama rin namin si Santi. Siya lang din naman ang puwede naming imbitahan dahil siya lang din ang nakakaalam ng sitwasyon namin. “Hey, tulala ka na naman diyan. Malamig na ang pagkain,” ani Santi sa akin. Natulala na naman

