THIRTY-TWO Ilang araw lang akong nagtagal sa ospital dahil parang lalo akong nanghihina tuwing naroon ako. Ayaw pa nga sanang pumayag ni Lance kahit pa pumayag naman na ang doctor ko, ngunit ipinilit ko ang gusto ko. Sa ilang araw na naming kasama si Baby Calix at mas naging masayahin si Lance. Siguro nga, sobrang laki ng puwang sa puso at buhay niya ang napunan ng anak namin. Sana kasali na rin sa napunan nito ang pangungulila sa taong makakasama niya habambuhay. Napangiti ako nang silang mag-ama ang nabungaran ko na nagpapaaraw sa hardin. Nakapikit lang si baby Calix at ninanamnam ang pag-indayog sa kanya ng ama habang nasa gitna ng arawan. Si Lance naman, akala mo’y may kasayaw kung makaikot sa anak namin. Hindi pa kaya nahihilo ang bata sa ginagawa niya? Sisitahin ko sana siya kaso h

