bc

Bitter Sweet Lover( A TIMELESS SERIES 2)PREVIEW

book_age18+
226
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
arrogant
dominant
manipulative
drama
bxg
city
office/work place
lies
like
intro-logo
Blurb

"I did that because narealize ko na mas magandang maghiwalay tayo. Dahil ayaw kong dumating ang panahon na dahil sa pagmamahal na meron tayo ay lalo nating mawasak ang isa't isa. . . I'm sorry."

-Novice

A Timeless Series 2

Bitter Sweet Lover

babz07aziole

romance

BLURB:

Kilalang walang sinasanto ang katulad ni Novice De Guzman. Pagdating man sa business world o usaping buhay.

Hindi siya nangingiming kalabanin ang sino man hahadlang sa kaniyang mga plano. Kung kinakailangan niyang pumatay, magagawa niya.

Sa kabila ng lahat ay mapapasunod siya ng taong higit na kinasusuklaman nito- ang sariling ama.

Iminungkahi nitong magpakasal siya, pumayag si Novice kahit labag sa kaniyang loob.

Natuklasan niyang kilala niya ang babaeng napipisil nito para sa kaniya.

Walang iba, kun'di si Shaina Monuz, ang dating nobya ng binata!

Ipapakita niya sa nagmamagaling na ama na maling-mali ito na ipakasal siya.

Pakikisamahan ni Novice ang babae at sasaktan katulad ng dati...

Pero namamalayan na lang niyang unti-unti siyang nahuhulog dito, kasabay ng pagkasira ng pagsasama nila, dahil na rin sa mga maling desisyon ng binata.

Maisasalba pa ba niya ang pagsasama nila? O hahayaan niyang muling mawala ito sa kaniyang buhay...

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
MARAHAN hinahawakan ni Novice ang ilang hibla ng buhok ni Shaina na humahaplos sa pisngi niya. Habang tumatagal ay lalo gumaganda ito sa kanyang paningin. " Masaya ka ba honey?" tanong ng binata rito. Nanatili naman itong nakatingin sa kaniya, tila kumislap pa nga ang mga mata nitong nakatunghay sa kaniya ng mga sandaling iyon. Kasalukuyan siyang nakaunan sa kandungan nito. " Oo naman honey, mahal na mahal kita. . . " malambing na anas ni Shaina na nagpalukso ng t***k ng puso ni Novice. Maluwang siyang napangiti, agad na siyang tumayo. Nakatingin lang naman ang dalaga rito, wari'y nagtataka sa kakaibang ikinikilos niya. Pinanuod lamang ni Shaina ang pagsamsam ni Novice sa mga kasuotan nitong nagkalat sa lapag. Katatapos lamang nila sa isang mainit na pagniniig. Pakiramdam niya may mali, magkagayunman ay hindi niya pinagsisisihan na ibinigay niya ang pagkabirhen kay Novice. Hanggang sa tuluyan siyang tapunan ng tingin ng binata. Wala na ang dating nanunuot na titig nito na laging nagpapanginig ng mga tuhod niya sa tuwina, ngayon ay kababakasan na ng kalamigan. " Ganoon ba, Hindi ba't sabi ko naman sa iyo mag-eenjoy ka sa company ko. Pero, ngayon pa lang pinuputol ko na ang lahat ng meron sa atin. . . " Buhat sa sinabi nito ay tuluyang namasa ang magkabila niyang mata sa napipintong pag-luha Nakagat niya ang ibabang labi, sa mga oras na iyon at hindi niya mapaniwalaan ang mga katagang nanulas sa bibig ng lalaking pinakamamahal niya. " Ano bang nagawa ko? Novice, mahal naman kita at nararamdaman kong mahal mo rin ako!" Matatag na hayag ng dalaga. Panigurado siya sa mga katagang binigkas. Dahil taliwas sa ikinikilos ni Novice ang mga pinagsasabi nito patungkol sa kanya ngayon. Patuloy pa rin kasi itong binubulag ng sariling galit dahil sa nangyari rito noon. "Alam ko, nararamdaman ko Novice na mahal mo ako!" Patuloy ni Shaina. Bigla siyang napapikit matapos niyang mapasigaw ng makita niyang padaskol na ibinalibag ng binata ang lamesa na nasa may gilid. Kitang-kita ni Shaina ang poot sa mukha nito, ang pagkuyom ng mga kamao nito. Na tila anumang oras ay sasalakayin siya nito sa kinaroroonan niya. Mahigpit niyang hinawakan ang makapal na tela na tanging tumatakip sa kahubdan niya. " Manahimik ka na lamang Shaina! Ayusin mong sarili mo. Sana sa pagbalik ko ay hindi na kita maratnan sa pamamahay ko. Isama mo na rin ng lahat ng basurang dinala mo!" Bulyaw nito. " A-Ano bang pinagsasabi m-mo Novice, Hindi ba't n-nangako tayo sa isa't isa. Diba?" Hindi natitigatig na habol ni Shaina, mabilis siyang yumakap dito ng tuluyan itong tumalikod sa kanya. "Leave Shaina. . . Bago pa man kita kaladkarin palayas sa bahay ko." Malamig nitong sabi. Wala ng nagawa si Shaina, matapos na alisin ng binata ang mga braso niyang nakakapit sa matipunong katawan nito. Hindi aakalain ni Shaina na ganoon kadali siya nitong sasaktan, katulad ng kung gaano niya minahal ang lalaking may kaugnayan sa paghihirap ng kanilang pamilya. Ngayon ginagantihan na siya nito sa paraan na alam nito, upang makabawi sa pananakit ng kakambal niyang si Shaira rito . . .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook