SIGNS AND SYMBOLS
"Maxine. Napanuod mo na ba ang music video ng kantang G.U.Y. ni Lady Gaga? Grabe, LSS talaga ako sa kantang 'yon!" Bulalas ng kapatid ni Maxine, habang kasalukuyang nakatutok lang sa laptop si Maxine.
"Ay nako. Fan na fan mo talaga 'yang si Lady Gaga, ate ah!" Sabi naman ni Maxine habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa laptop niya.
Pumunta siya sa site ng Myx, at dun siya humanap ng mga kanta na puwede niyang i-download. Matagal-tagal na rin, bago ulit siya magdownload ng mga bagong kanta na ilalagay niya sa phone niya. Music lover pa naman itong si Maxine.
"Ang astig kaya! Panuorin mo!" Masayang pagpupumilit ng Kapatid ni Maxine sa kanya. Oo, puwede 'yun. Masayang nagpupumilit.
Tumayo na lang si Maxine, at isinara na lang niya ang pinto ng kanyang silid. Napailing na lang siya sa pinagsasabi sa kanya ng Ate niya. Naisip niya, naturingang mas matanda sa kanya, eh 'yun pa ang mas nahuhumaling sa sikat na Hollywood singer na si Lady Gaga.
Out of the blue, binuksan niya ang Youtube sa laptop niya. Para bang, nacurious siya bigla sa sinabi ng Ate niya doon daw sa music video ng hinahangaan ng dalaga. Kaya naman, kaagad niyang hinawakan ang tipa ng kanyang laptop, at sinimulan niyang hanapin ang kanina pang gustong ipapanuod sa kanya ng kapatid niya.
G.U.Y. by Lady Gaga meaning. Sa dami-dami ng lumabas na suggested keywords, heto ang pumukaw sa atensiyon niyan. Hindi alintana sa kanya ang iba pang isinuggest ng Youtube sa kanya, tungkol sa kantang G.U.Y. ni Lady Gaga.
Pinindot niya kaagad ito, at kaagad lumabas sa screen niya ang iba't-ibang videos,
Lady Gaga G.U.Y. - An ARTPOP Film - Music Video Meaning And Analysis
Lady Gaga - G.U.Y. Artpop Film (Occult Analysis)
Lady Gaga G.U.Y. Illuminati Music Video Ritual Exposed
Mix - Lady Gaga G.U.Y. Illuminati Music Video Ritual Exposed
Lady Gaga - G.U.Y. Illuminati Freemason Symbolism. The Devil cast down.
Ilan lang 'yan sa mga lumabas sa screen niya. Kaagad siyang nagtaka. Ngayon pa lang naman kasi siyang sumubok magsearch ng kanta ni Lady Gaga. Pero, tila nagulat siya na may kahulugan pala ang kanta niyang G.U.Y.
"Illuminati? Parang pamilyar sa akin 'yun..." Kunot noong sambit ni Maxine sa kanyang sarili, habang nakahawak siya sa kanyang baba at para bang nag-iisip siya kung saan niya ba narinig ang salitang iyon.
Dali-dali siyang nagbukas sa kabilang tab. Inilagay niya kaagad ang google.com doon, at nang lumabas ito, kaagad niyang tinapa ang "illuminati".
illuminati signs, illuminati symbols, illuminati meaning, illuminati members- Heto kaagad ang bumungad sa suggested keywords niya nang itipa niya ito sa kanyang laptop.
Hindi na alintana sa kanya ang ginagawa niyang project. Wala na, tuluyan na siyang nakain ng kyuryosidad niya. Inalam niyang mabuti ang tungkol sa Illuminati na ito...
"...They also have ties to the freemasons, skull and bones, and the knights templar. Their ultimate goal is for a one world government which they will control, also a one world currency, and they want control and ownership of all land, property, resources and people. Also they manipulate political parties, and the legal and illegal drug trade and federal agencies related to all matters..." Patuloy niya sa pagbabasa nang mahina lang.
Napaisip siya bigla sa mga nabasa niya. Para bang, nakaramdam siya ng kilabot sa nabasa niya. Patuloy pa rin siya sa pagsasaliksik ng iba't-iba patungkol sa salitang ito. Hindi niya rin naman alam kung bakit parang curious na curious siya dito. Lalo pa't nalaman niyang may sademonyo pala ang salitang ito, mas lalo siyang ginanahang magsaliksik pang mabuti patungkol dito. Mahilig kasi si Maxine sa mga horror stories and movies.
Kaso sa lagay niya ngayon, hindi takot ang nararamdaman niya...
Kundi kilabot, sa hindi malamang dahilan.
"Ano ba naman, Maxine! Pinapakaba mo ang sarili mo eh. Tsk!" Sambit niya sa kanyang sarili nang ibaba niya ang eye glasses sa kanyang mata.
Marahan niyang hinilot ang ulo niya habang nakatutok pa rin siya sa iskrin ng laptop niya. Pinunasan niya ang pinakasalamin ng eye glasses niya, at muli niya itong sinuot.
**
Patuloy lang siya sa paghahanap ng iba't-iba pang mga impormasyon tungkol sa kultong iyon. Napag-alaman din kasi niya, na hindi lang pala ito basta kulto lang. Kundi, ang mga miyembro ng kultong ito, ay talaga naman palang malakas makaimpluwensiya lalo na sa larangan ng sining at musika. Hindi mo aakalaing, ang isang sikat na singer pala ay miyembro ng kultong 'to.
*TOK TOK TOK* "Maxine! Kakain na!" Tawag sa kanya ng kanyang ate sa labas ng kuwarto niya. Nakakandado pa naman ang pinto niya, kaya naman kampante si Maxine na hindi siya basta-basta loloobin ng kapatid niya.
Ganyan kasi ang kapatid niya. Kadalasan, ay lagi siyang ginugulat lalo na kung mag-isa siya, pag hindi nakakandado ang pinto ng kuwarto niya. Pero dahil nga dalang-dala na nga siya sa pananaliksik niya tungkol sa kultong iyan, sinabi niya sa sarili niyang hindi siya basta-basta magpapaistorbo kung kani-kanino.
"Mamaya na ako!" Sigaw ni Maxine habang nakatutok pa rin siya sa iskrin ng laptop niya.
"Ay nako! 'Wag kang magpaliban ng gutom diyan!" Sigaw pabalik ng ate niya.
Binalewala na lang niya ang sigaw nito, at pinagpatuloy na lang niya ang ginagawa niyang mabusising pananaliksik.
**
"Nakakatakot pala ito..." Muli niyang naisambit sa sarili niya, habang pinagpapatuloy niya ang pagpindot ng down arrow niya sa keyboard ng laptop niya.
Nasa seksyon kasi siya ng mga simbolo at mga palatandaan para umagaw ng pansin na isang miyembro ng kultong Illuminati ang mga tao.
Una, ay ang tinatawag na, The Pyramid. Pyramid is such a powerful symbol of illuminati.
"Teka! Edi ibig sabihin, sa Egypt din nagsimula ito?" Tanong niya sa kanyang sarili.
Kasalukuyan kasing, ang topic nila sa kanilang Araling Panlipunan, ay tungkol sa Egypt. Kung paano ginagawang mummy ang isang bangkay.
Ang bangkay raw kasi noon sa Egypt, ay pinupuluputan ng puting makakapal na tela o tissue. Pero bago ito puluputan, ay may tinatanggal na mga lamang loob dito. Puso lang ang ititira dito at ang katawan ng bangkay. Kasabay nun, ay ang pagpreserve ng mummy na iyon, sa loob ng Pyramid, kasama ang mga yaman nito. Sa yamang ito, kasama dito ang mga ginto, alahas, at kung anu-ano pang pagmamay-ari ng isang bangkay na iyon, dahil naniniwala silang dadalhin ng taong yumaon na iyon ang mga pagmamay-ari nila sa kung saan man sila pupunta...
Ang laking tulong din pala ng pakikinig ko sa eskwelahan. He he. Heto ang nasa isip ngayon ni Maxine, dahil iyon kaagad ang pumasok sa isip niya, nang malaman niyang may ibang ibig sabihin pala ang simbolong piramite.
Dumako siya sa ikalawa, heto ang, The All-Seeing Eye. It represents the Devil’s eye, watching Satan’s followers at worship.
Sa pagkabasa na pagkabasa ni Maxine nun, kaagad siyang napaisip...
Karamihan kasi sa mga napapanuod niyang music videos ng mga iniidolo niyang mga mang-aawit, ay tinatakpan ang isang mata. Minsan pa'y, nakakakita rin siya sa mga music videos ng maraming iba't-ibang estilo ng iisang mata lang. Ngayon niya lang din napag-alaman, na may iba rin palang ibig sabihin ito. Dahil nabasa niya, na mayroon din daw sa US dollar ang ganitong simbolo.
Tinatawag din pala itong, Eye of Providence, o mata ng diyus-diyosan o kung sino mang sinasamba nila.
At heto pa ang ikinabahala niya... Mas malakas pala ang puwersa, pag pinagsama ang piramiteng istilo at ang mata, lalo na kung 'yung matang iyon, ay nasa loob ng pyramid na iyon.
Kinutkot niya ang kamay niya, gamit ang kanyang bibig, "s**t. Ang creepy." Sabi pa niya...
Nilagpasan na niya kaagad ito. At ang ikatlo naman niyang napag-alaman ay ang, The Pentagram. Originally used as a protection against demons, it now symbolizes the triumph of matter over spirit.
Nagkaroon na siya ng ideya tungkol dito. Dahil nga sa hilig niya sa mga horror movies, nakakapanuod din siya ng mga possesion movies. Kadalasan kasi, ay nakakakita siya ng ganitong simbolo. Na para bang star, pero may bilog sa bawat sulok ng star na 'yon. Hindi siya masiyadong kinabahan sa katotohanang 'yun, dahil dati pa pala siya naniniwalang masama pala ang ibig sabihin nito.
"The Inverted Cross? Shemay. Nakakatakot 'to..." Binasa niya nang malakas ang sumunod na simbolong nakita niya.
Inverted Cross represent the destruction of Christianity.
Oo nga naman. Sambit niya sa kadulo-duluhan ng utak niya. Obyus nga naman, dahil nakabaliktad ang krus kung saan ipinako si Hesus.
Kaagad siyang nagsaliksik sa internet, kung mayroon bang music video na gumawa na may nakabaliktad na cross...
At sa hindi inaasahan... Napag-alaman niya...
Na ang kantang Alejandro ni Lady Gaga, ay mayroon pala. Pinanuod niya ito. At dahil nga kahit kaunti ay mayroon na siyang kaalaman tungkol sa illuminati, ay napansin niyang madami pala itong simbolong nakapaloob sa kantang iyon.
Hindi pa siya nakuntento, nagawa pa niyang saliksikin ang liriko ng kantang 'yun.
Feeling niya sa sarili niya, na kahit hindi ganun karami ang kaalaman niya tungkol sa illuminati, ay parang alam na niya kaagad ang ibig sabihin ng kantang Alejandro ni Lady Gaga. Sa video pa nga lang at sa liriko nito, ay malalaman mo na kaagad kung anong ibig sabihin nun.
The Number Of The Beast. "Ah! Heto pala 'yung 666... Akala ko, okay sign 'to." Kamot ulong pagkakasabi ni Maxine. Siguro, naisip kasi niyang kahit papaano pala ay may kaalaman na siya tungkol dito.
Tiningnan niyang mabuti ang simbolo na 'to, sa Google. Tatlong six sign. Numbers 666 represents the Anti-Christ who will control the Illuminati as he creates the New World Order.
Tiningnan niya kaagad ang kamay niya.
Naisip niyang, kaunting galaw niya lang pala dito, may mabubuo na kaagad 'tong iba't-ibang simbolo na kung hindi pa niya aalamin, ay hindi pa niya malalaman, dahil kadalasan niyang ginagamit na simbolo, ay 'yung 666 pag tinatanong siya kung okay ba siya.
Bigla tuloy siyang kinabahan. Naisip niya, na kailangang maingat na rin pala talaga siya sa mga pinaggagagawa niya.
Nasa dulo na siya ng site na ito, nang huling lumabas ay, The Devil's Horn (El Diablo). The hand-sign of the Devil’s Horn is flashed by many prominent politicians and wealthy entertainers.
Isang tao lang ang naisip niya dito...
Si Ryzza Mae ng The Ryzza Mae Show. Kadalasan kasi, heto na ang trademark ni Ryzza Mae, pero ang hinlalaki naman nito ay hindi nakalabas. Kaya, hindi naman sumagi sa isip niya na illuminati ang batang iyon.
Isinara niya ang iskrin ng laptop niya, at inalis niya ang salamin sa kanyang mga mata...
Hay, Maxine. Bakit ba pinagkakaabalahan mong alamin ang tungkol sa illuminati shits and everything na 'yan. Heto ang sinasabi ng utak niya.
Bakit nga ba siya naging mausisa tungkol dito? Simbolo at palantandaan pa lang naman 'yan...
Napabangon siya, "Teka! Sinu-sino naman kaya ang miyembro ng kultong 'yun?" Tanong niya sa kanyang sarili.