FAMOUS MEMBERS OF THE CULT

1089 Words
FAMOUS MEMBERS OF THE CULT Pagkakain na pagkakain pa lang ni Maxine ng kanyang pananghalian, ay hindi na siya nag-abala pang manuod. Umakyat na kaagad siya sa kanyang silid, kinandado pa niya ito para hindi maantala muli ang kanyang pagbabasa. Sa isip isip niya, tamang-tama ang oras ng pagbabasa niya ngayon, dahil tanghali na rin naman at tapos na siya sa lahat ng mga aasikasuhin niya. Oras na 'to ng pahinga niya. Imbis na magpahinga siya, iniangat na muli niya ang iskrin ng laptop niya, at pinagpatuloy siya sa pananaliksik niya tungkol sa illuminati na 'yon. Dinaig pa niya ang gumagawa talaga ng mga pananaliksik na kailangang idepensa. Dahil sa ginagawa ngayon, alam mong gusto at mas nagiging curious pa siya lalo sa ginagawa niyang pananaliksik. Kaagad niyang inilagay sa search bar ng Google ang kanina pang bumabagabag na tanong sa isipan niya. Members of the illuminati- Heto ang inilagay niya dun. Kaagad naman niyang binuksan ang unang link. Bumungad sa kanya ang dami ng mga sikat na pangalan ng mga singers na miyembro ng samahang ito. Sa una, hindi pa siya naniwala. Kaya namna hindi pa siya nakuntento. Tsinek niya ang iba pang mga link patungkol dito, at kailangan na nga lang niya tanggaping... Pare-pareho ang mga taong nasa listahan ang lumalabas. Hindi naman sinabing tama itong nandun talaga ang lahat nang 'yun sa kulto, pero pare-pareho ang lumalabas kung hahanapin sa ibang link. Jay Z, Beyonce, Drake, Eminem, Rihanna, Britney Spears, Kanye West, Kesha, Lady Gaga. Ipinapakita rin sa artikulo na ito, na kabilang din pala si Adolf Hitler dito. Marahil siguro sa ninais na pagsakop nito sa buong mundo, noong mga panahon pa ng ikalawang digmaan. Nakitaan din kasi ito ng iba't-ibang mga simbolong ginagamit na parehas sa mga nabanggit na mang-aawit. Ilan lang ang mga iyan sa nakapaloob dito. Pero sa dami ng nakalagay dito, isang tao lang ang umagaw ng atensyon niya... "Lady Gaga, The Illuminati Puppet," Pagbasa ni Maxine ng malakas. She's reading between the lines, "s**t! ILLUMINATI PALA TALAGA SI LADY GAGA?!" Hindi na niya napigilan pa ang sarili niyang basahin nang malakas ang nabasa niya sa internet. Kahit saan mang dako siya tumingin, ayun ang nakabansag kay Lady Gaga kaya naman kaagad niyang tiningnan ang kaakit-akit na article na 'yun. Binasa niyang mabuti ang lahat patungkol kay Lady Gaga. Inuna niya, ay 'yung mga okay sign, o all seeing eye sign na ginagamit ni Lady Gaga sa bawat music video nito, na minsan pa'y itinatapat niya sa mata niya. May mga animo'y screen shots pa nito sa bawat music video niya. "Baphomet?" Mahinang sambit nito sa sarili. Nabasa niya kasi ang tungkol daw sa Baphomet na 'yun, na ginaya raw ni Lady Gaga, dahil parehong may litrato ang dalawa na para bang ipinapakita ang pagkakatulad nun. Baphomet is an enigmatic, goat-headed figure found in several instance in the history of occultism. Hindi niya maiwasang tingnan mabuti ang litrato sa iskrin. Kitang-kita niya nga kung paano ito kinopya ni Lady Gaga. Inusisa pa niyang mabuti ang lahat ng nakapaloob sa bawat artikulong nababasa niya. Unti-unti siyang napapanganga habang binabasa itong maigi. "The Illuminati is an openly and admitted Satanic organization. Lady Gaga is an open Satan worshiper. The Illuminati’s beliefs are Lady Gaga’s beliefs. Their symbols are her symbols. Her statements are their statements. Everything about Lady Gaga is straight from the century old book of the Illuminati. The scary part is, Lady Gaga has memorized every word of the Illuminati’s secret doctrine. She promotes their vile and evil messages in all of her music. She simulates their real world s****l rape and human enslavement in her videos. And she endorses and publicly recommends their evil practices every day and in every way to your children..." Hindi alam ni Maxine kung ano ang magiging reaksyon niya sa nabasa. Dahil bukod sa hindi siya makapaniwalang totoo pala ito, naalala niyang obsessed na obsessed dito ang Ate niya. Na kulang na lang, eh sambahin na lang niya itong si Lady Gaga. Lahat kasi ng mga kanta nito, ay kabisado ng ate niya, pati na rin ang mga sayaw nito sa bawat kanta niya. Iniisip niya, kung tuloy tuloy na kayang malason ang pag-iisip ng Ate niya? Ano nang gagawin niya? ** Halos isang oras na siyang nakaupo, hindi pa rin talaga siya natitinag sa kinauupuan niya. Patuloy pa rin siyang nanunuod ng mga music videos ni Lady Gaga. Iyon muna kasi ang pinagtuunan niya ng pansin. Halos lahat nga yata ng mga kanta nito ay tiningnan niya sa Youtube upang usisain kung totoo nga ba talaga ang nabasa niya sa mga blogs at artikulo. Sinubukan niyang isaliksik kung kasama nga ba sa kultong 'yon, si Katy Perry. Hindi naman niya kasi nabasa kung andun ba si Katy Perry. Iniidolo niya ang Hollywood singer na 'yun, kaya naman kinakabahan siya kung kasama ba ito dito o hindi. "If the Illuminati exist, I would like to be invited," Perry told Rolling Stone. "I see all that shitt and I’m like: 'Come on, let me in! I want to be in the club." Heto ang unang bungad kay Maxine nang mabasa niya ang artikulong pabirong gusto raw pala ni Katy Perry na mapabilang sa kultong, illuminati. Para bang, halos gumuho ang mundo ni Maxine nang malaman niya ang tungkol dito. Kaagad niyang isinaliksik ang kanta nitong Dark Horse, na talaga namang paboritong-paborito niya. Ipinakita rito ang iba't-ibang piramiteng simbolo. at iba't-ibang mata na nakalagay sa buhok niya, at iba pang ginawang disenyo gamit din ang mata. Pati na rin ang iba't-ibang hayop na ipinakita sa video na ito. Hindi niya lubos maisip na hindi na pala basta singer si Katy Perry. Naalala niya sa binasa niya, na pag sobrang sikat na ng isang singer at kung malalalim pa ang ibig sabihin ng mga ginagawa nitong MTVs, ay hindi na ito pangkaraniwan lang. Tulad nga nila Lady Gaga at Katy Perry, isa sila sa mga sobrang sikat na mang-aawit na ngayong henerasyon... Hindi pa siya nakuntento. Pinipilit niyang itaga sa utak niya na kalokohan lang ang lahat nang 'yon. Pinipigilan pa rin ni Maxine ang sarili niya na maniwala tungkol sa nabasa niya. "Hindi maaari..." Umiiling siya habang hawak niya ang ulo niya. Isinara na lang niya muli ang iskrin ng laptop niya, at inalis ang eye glasses sa mata niya. Pagod na siya, pagod na siyang magbasa pa lalo na't masama pa ang patungkol sa kanyang iniidolo. Sobrang dami na niyang nalalaman. Siguro hanggang dito na nga lang muna...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD