ANG PAGBABALIK

3454 Words

CHAPTER 28   Hanggang dumating ang araw ng uwi na ako ng Pilipinas. Magkahalong excitement at takot ang nararamamdan ko. Ano kaya ang kanilang reaksiyon ngayong ibang Khaye na ang kanilang makakaharap? Ang version ng Khaye two point O. “Wala na akong kasama rito.” Halos ayaw bitiwan ni Joan ang aking isang bagahe. Maluha-luha siya. Malayo sa masayang hitsura niya noong sinundo niya ako dalawang taon na ang nakararaan. “May mga ibang kaibigan ka pa rin naman. Hayan nga’t lilipat na yung kaibigan mo sa iniwan kong kwarto.” “Oo, meron at meron naman papalit pero iba e. Kilala kasi natin ang isa’t isa at iba yung ipinamalas mong kabaitan sa akin. Yung kasama sa bahay na wala siyang pakialam kahit siya ang maglinis ng maglinis o kaya ay magluto ng magluto. Yung kaibigan na alam kong hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD