CHAPTER 15 THIRD PERSON POV Habang binabaybay nina Asher at Yuyieh ang daan papunta sa penthouse na pagmamay-ari ni Asher sa Cavite, tahimik lang silang dalawa. Walang nagsasalita, pero ramdam ang bigat ng presensya ni Asher sa loob ng sasakyan. Nasa passenger seat na ngayon si Yuyieh, matapos siyang pagsabihan kanina sa restaurant na hindi siya pwedeng umupo sa likod dahil hindi naman driver si Asher. "May kailangan kang permahan pagdating natin," biglang sambit ni Asher habang diretso lang ang tingin sa daan. Napakunot-noo si Yuyieh. "Ha? Ano ‘yon?" Hindi siya sinagot ni Asher. Hindi rin siya nito nilingon. Napangiwi na lang si Yuyieh. Sa isip-isip niya, ang hirap talagang kausap ng lalaking ‘to. Pagkarating nila sa private penthouse ni Asher, nanlaki ang mata ni Yuyieh sa ganda

