CHAPTER 14 ENNA POV Tahimik. Nakakabingi. Para kaming nasa simbahan na lahat ng Santo ay nakikiramay sa amin. Sinusulyapan ko si Asher, pero ni hindi man lang siya kumukurap. Napaka-cold talaga ng mokong na ‘to. Si Yuyieh naman, halata sa mukha niya ang pagkailang. Ewan ko ba kung naiintimidate siya sa presence ni Asher, o baka naman nagtataka siya kung paano ko nagawang maging kapatid ang lalaking kasing-lamig ng yelo. Napailing na lang ako at napabuntong-hininga. Diyos ko, kung hindi ako kikilos, baka tuluyan nang matunaw sa hiya si Yuyieh dito. Kaya ako na ang bumasag sa katahimikan. "So, Asher," sabi ko, inilapag ang tinidor ko at tiningnan siya ng matalim. "Kailan mo ipapakilala si Yuyieh kina Mommy at Daddy? Lalo na kay Lolo, ha?" Nag-angat siya ng tingin sa akin, malamig ang ti

