Natapos ang isang linggo na matiwasay kong nairaos lahat ng subjects ko. Pati ang quiz ko kay Miss A ay naihabol ko kahapon. Buti na lang at napakabait nya para bigyan ako ng konsiderasyon. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap iyong dahilan kung bakit mas naintindihan ni Ma'am ang pagliban ko sa klase noong isang araw. "It's okay. I heard from Mr. Ramirez that you're not feeling well since your experiencing diarrhea." "Argh!" Inis na sigaw ko at saka nagpagulung-gulong sa kama. Since wala kaming NSTP ngayon dahil busy ang professor namin, mas pinili kong manatili sa bahay kaysa sumama sa paggawa ng project nila Mimi at Alexia para sa kanilang barangay. Panigurado kasing hindi ko rin sila masyadong makakausap kahit sumama pa ako. Sa dami ba naman ng trabaho na sinasabi ni Ale

