"Sorry nagmamadali ako." Saad ko saka pinilit na binabawi ang aking braso sa kanyang pagkakahawak. Muli akong tumingin sa orasan ko. Magkahalong inis at kaba ang bumalatay sa aking mukha nang makita na hindi na ako aabot sa klase namin ngayon. Bakit kasi ang daming kamalasan ngayong araw? Gusto kong maiyak dahil pakiramdam ko napakamalas ko talaga sa buhay. Para akong kamalasan na tinubuan ng paa, kamay at ulo saka nagpagala-gala dito sa mundo. Una, mali ang sched na nakita ko kaya akala ko walang pasok ngayon. Pangalawa, nakalimutan ko kanina na papasok pala ako. Tumawa pa ako ng tumawa sa bahay. Pangatlo, ito. Hindi ako binibitawan ng lalaking ito na hindi ko naman alam kung bakit hawak ako at ayaw pakawalan. "Sorry po nagmamadali po kasi talaga ako eh." Muling sinubukan kong tanggal

