Hindi ako makapaniwala na ngayong gabi na ang aking huling performance pansamantala sa night club. Ilang araw ang makalipas mula ng malaman namin ni Jenna ang malungkot na balitang hatid nila Mamang Beauty at Mamang Jolina, pansamantala munang ititigil ang operation ng night club dahil sa epekto ng tumataas na kaso ng virus at para na rin sa kaligtasan ng karamihan.
“Dalawang options lang ang ibinigay sa'tin. Una, no work no pay. Meaning empleyado pa rin tayo ng night club pero wala muna tayong sasahurin pansamantala. Pangalawa, separation pay. Meaning may pera ka pero uuwi ka na ng Pilipinas.”
Bagama’t delikadong umuwi at bumyahe ngayon kung kaya’t kahit masakit man sa kalooban ay pareho kami ni Jennang nag desisyong manatili nalamang dito sa Japan at mag hintay hanggang sa bumalik ang operation ng night club. Hanggang next year pa naman ang aming kontrata rito kaya sana bago mag expire ang kontrata namin ay makabalik na sa normal ang lahat.
Katatapos ko lang mag palit ng aking susuotin para sa performance mamaya ng pumasok si Jenna sa dressing room. Pansamantala tuloy akong natigil sa pag lalagay ng make up ng dire-diretso siyang nag lakad papunta sa aking tabi.
“Baby, okay pa ba ang make up ko?”
“Oo, okay pa. Bakit?”
“Talaga? Bakit parang hindi masyadong halata? Teka, pahiram ako ng eyeliner mo.”
Kinuha niya ang eyeliner at inayos ang kaniyang make up sa mata. Mukhang hindi pa siya kontento sapagkat sunod naman niyang kinuha ay ang lipstick at nag lagay sa kaniyang mga labi. Halos retouch na nga ang kaniyang ginagawa ngayon at pang huli ay ang pag spray ng pabango.
“Okay na ba?”
“Ah.. Oo. Mag pe-perform ka ba?”
“Hindi.”
“Ba't ganiyan ang make up mo?”
Nalaman kong siya pala ang naka toka ngayon sa table ni Seijuro kaya pala glowing ang bruha. Kanina nag rereklamo pa 'yan na masakit ang puson. May buwanang dalaw kasi kaya alam niyo na.
“In fairness doon sa isa niyang kasama. Gwapo rin. Kung hindi siguro si Seijuro ang una kong nakilala malamang na crush at first sight ako sa lalaking 'yun.”
“Crush at first sight talaga?”
“Oo. As in. Baka pag nakita mo siya mamaya ‘di lang bra mo ang matanggal, pati panty mo laglag.”
“Loka. Labas na nga at baka hinahanap ka na ng Seijuro mo.”
“Sana nga maging official Seijuro ko na siya. Charot! O sige, good luck nalang mamaya.”
“Salamat.”
Pagkaalis ni Jenna ay sinimulan ko ng mag lagay ng make up sa mukha at nag ayos ng buhok. Pinlantsa ko rin ito bago nag lagay ng curlers dahil feel ko ngayong magkulot sa dulo ng aking buhok.
“Ay ang boba.”
Ang bilin nga pala sa akin ay mag lagay ng hair extension ngayon kung kaya’t natigil ako sa pagkukulot at hinanap ang hair extension. Ang kaso nalibot ko na ang dressing room ay wala akong mahanap na hair extension kaya naman kinailangan kong lumabas para hanapin si Mamang Beauty.
“Beauty wa doku desu ka?” Tanong ko sa kasamahan kong hapon dito sa club.
“Suteji. Asoko.”
“Domo.”
Dumiretso ako ng stage at doon ay naabutan ko si Mamang Beauty na abala sa pag bibigay instructions kung paano ang arrangement ng stage.
“Mamang Beauty.”
“O Baby, ba't nandito ka? Dapat doon ka lang sa loob.”
“Sabi mo kasi mag lagay ako ng hair extension. Ang problema wala akong makita sa dressing room.”
“Ganoon ba? Kahit sa drawer na pink?”
“Wala po. Hinalughog ko na ang lahat ng drawer wala eh.”
“Nasaan kaya 'yun? O siya, antayin mo ako. Pag wala pa rin yung extension mo ay kakalbuhin natin si Jolina tapos buhok niya ang gawin nating extension haah. Malapit na rin akong matapos dito.”
Pareho kaming nagkatawanan ni Mamang Beauty sa kaniyang sinabi lalo na't saktong dumaan si Mamang Jolina. Mabuti nalang at hindi narinig dahil malamang mag aaway na naman ang dalawa. Pagkatapos ni Mamang Beauty sa stage ay sabay na kaming bumalik ng dressing room at nag hanap ulit ng hair extension hanggang sa 30 minutes nalamang ang natitira bago ako mag perform.
“Asan ba kasing hair extension 'yun?”
“Huwag nalang kaya Mamang tutal kinukulot ko naman ang buhok ko.”
“O sige. Mag kulot ka nalang. Halika na rito ng matulungan.”
Sa harap ng vanity dresser ay sinimulan ni Mamang ayusin ang aking buhok. Hindi rin siya nakontento sa aking make up kaya naman maging make up ay inayos niya na rin. Sunod na inayos niya ay ang eyeshadow at eyeliner ko at pang huli ang pag spray niya ng hairspray sa aking buhok na naka curlers.
“Ang ganda ganda talaga ng alaga ko. O sige na, labas na. Mamaya mo na tanggalin 'yang curlers mo, mga 5 minutes bago ka umakyat ng stage.”
“Opo Mamang Beauty.”
Itinali kong mabuti ang suot kong roba saka lumabas. Dahil medyo nanunuyo ang aking lalamunan kaya humingi ako ng tubig sa bartender namin. Nilagyan niya pa ng straw dahil mapapagalitan kami ni Mamang kapag nasira ang aking lipstick.
“Ganbatte Baby-san.”
“Arigatō Honjo-san.”
Matapos uminom ng tubig ay nag tungo na ako sa gilid ng stage at tiningnang maigi ang pagkaka arrange nito. Bagama’t pansamantalang mag papahinga ang night club ay tinodo talaga ang design at decoration sa stage. Nilingon ko rin ang aking audience at saktong nadako ang tingin ko sa isang lalaking mukhang nakatingin din sa akin. Medyo madilim sa parte niya kung kaya’t hindi ako sigurado kung nakatingin talaga siya sa direksyon ko o hindi.
“Baby.”
Nang matanggal ang curlers sa buhok ko’y tinawag na rin ako sa stage. Pero bago ako nag puntang backstage ay ginawaran ko ng ngiti at kindat ang lalaking nakatingin sa akin.
“Good evening ladies and gentlemen..”
Tuluyan ko ng hinubad ang puting robe at tiningnan ang aking suot. Ewan ko ba, kahit isang taon ko ng ginagawa ito ay hindi pa rin mawala-wala sa'kin ang pagka ilang at kaba tuwing tatapak ako ng stage.
“Kaya ko 'to.”
Sapagkat malaki ang aking kita sa trabahong ito kaya alam ko na hindi mag tatagal ay makakabayad din kami ng utang at hindi ko na kailangang gawin pa ito balang araw. Mag ne-negosyo nalamang ako ng bigasan o gulayan tutal 'yun naman talaga ang balak ko bago pa man ako nag punta rito sa Japan.
“Please welcome, Baby..”
Nag simulang mag hiyawan ang audiences ng tawagin ang pangalan ko lalo na ng lumabas ako at nag simulang sumayaw.
(B.M: Naughty Girl by Beyoncé)
Hindi pa man nangangalahati ang performance ko ay panay lapag na ang mga manunuod ng kani-kanilang pera sa stage. Yen, dollars, euros, pounds, ngumiti lamang ako sa kanila habang nag sasayaw. Sa totoo lang para sa akin ay life saver din ang tip na ibinibigay nila. Halos ito kasi ang pinang gagastos ko sa pang araw-araw sapagkat buo kong ipinapadala ang sahod ko sa Pilipinas.
Nang madako muli ang aking mga mata sa table kung saan naka upo ang lalaking nakatingin sa akin kanina ay medyo maaliwalas na ngayon sa parte nila kaya naman kitang-kita ko na siya ngayon. Muli ay nag tama ang aming paningin at ewan ko ba, nakaramdam ako ng init sa aking mukha ng ngumiti siya sa'kin at itinaas ang iniinom niyang bote ng alak. Tiningnan ko kung sino ang kasama niya’t natagpuan si Seijuro at ang kasama nitong babae na nanunuod din sa akin. Siya na siguro ang tinutukoy ni Jenna kanina. Tumayo ang lalaki at nag lakad palapit ng stage kung kaya‘t halos lumabas sa aking dibdib ang aking puso dala ng kaba. Ngunit idinaan ko nalamang ito sa ngiti para hindi ako mahalata.
Pagkalapit niya sa stage ay lalo kong nakumpirma ang taglay nitong kagwapuhan. Hindi kagaya ng iba na naka suit and tie, siya ay nakasuot lamang ng simpleng V-neck white shirt at denim jeans pero angat ang kaniyang presensya at appeal kumpara sa karamihan. Maging ang ibang kababaihan dito ay hindi rin mawalay ang mga mata sa kaniya. Nag lapag siya sa stage ng naka rolyong pera at ngayon ay siya naman ang kumindat sa akin bago bumalik sa kanilang pwesto. Kalma Baby!
Dahil malapit ng magtapos ang aking performance kung kaya’t oras na para tanggalin ang kailangang tanggalin. Hindi na bago sa akin ang mga matang nakatingin sa aking hinaharap tuwing hinuhubad ko ang aking bra pero ng tumingin ako sa table kung saan nakapwesto ang bago naming customer ay seryoso itong nakatingin lamang sa akin, hindi sa aking hinaharap ngunit sa mga mata ko mismo. Hindi niya nilubayan ang aking mata hanggang sa ako na ang unang nagbaba ng tingin. Matapos ang performance ay kaagad akong bumaba at sinalubong ni Jenna ng roba.
“Kotang-kota ka na naman girl sa tip. Ayun na nga sa stage si Mamang Beauty at kinukuha ang pera mo.”
“Ah.. Oo nga.”
“Ba't hindi ka yata masaya Baby? May problema ba?”
“Wala. Okay lang ako.”
“Sigurado ka? Nga pala, may gusto sanang makipag kilala sa'yo pero kung hindi ka okay pwede ko naman kausapin.”
“Hindi, okay lang. Sino ba 'yan?”
“Si Tokyo. 'Yung kasama ni Seijuro.”
Halos maubo ako ng malaman kung sinong gustong makipag usap sa akin. Tokyo. Tokyo pala ang pangalan niya. Maging pangalan niya ay intimidating din. Sinamahan ako ni Jenna na makapag bihis muna bago kami nag punta sa table nila Tokyo. Ilang hakbang nalang at malapit na kami sa table ng bago naming customer ng biglang may humablot sa aking braso.
“Genji?”
“Baby.”
Lasing na ngumiti ng kakaiba sa akin si Genji kaya naman nakaramdam ako ng pangingilabot. Ngayon ko na naman lang siya nakita matapos kong tanggihan ang kaniyang alok na date.
“Date me Baby. I will give everything to you.”
“Genji-san. I thought we talked about it already.”
“No, you're just playing hard to get.”
Lalong hinigpitan ni Genji ang pagkakahawak sa'kin kaya napa aray ako. Sinubukan man ni Jenna na paghiwalayin kami ni Genji ngunit tiningnan siya nito ng masama at pinagbantaan.
“Genji-san, you are hurting me. Please let go of my arm.”
“Iie. Baby, daisuki. Hontou ni daisuki.”
“Get your filthy hands off her, you son of a b***h!”
Naramdaman kong may humapit sa aking baywang kaya naman biglang bumitaw si Genji sa akin. Sa oras na ‘yon ay natagpuan kong naka kulong na ako sa isang braso at nang makilala kung sino ang nakahawak sa akin ay hindi ko maiwasang magulat. Maging si Genji ay parang nagulat din kung kaya’t tinapunan niya nalamang ako ng nakakatakot na tingin bago siya umatras at umalis.
“You okay Baby?”
Tanging tango lamang ang naisagot ko sa kaniya kaya unti-unting ngumiti ang lalaki sa akin rason para lalong bumilis ang t***k ng aking puso.
“You really are the crowd's favorite huh? I'm Tokyo Lee by the way.”