“Mauna na ako Baby. Sigurado ka bang mag isa ka nalang uuwi?”
“Oo, alis na. Mag pahinga ka na.”
“Sige. Tawagan mo ako kapag malapit ka na sa apartment.”
Nag paalam na si Jenna na mauunang umuwi. Kanina pa kasi masakit ang kaniyang puson kaya naman pinauna ko na siya. Nagpaiwan muna ako rito sa night club dahil hindi pa kami tapos mag ayos ng mga gamit namin sa dressing room. Mag a-alas tres na ng madaling araw ng matapos kami kung kaya’t doon lamang ako nakapag hilamos at nakapag palit ng bagong t-shirt at pantalon.
“We're going now Baby. See you around.”
“Okay. See you again Laura, Crystal. Stay safe.”
Sila Laura at Crystal ay kasamahan ko rin sa trabaho at entertainers din na kagaya ko. Si Laura ay isang Russian at si Crystal naman ay Brazilian. Gaya namin ni Jenna, mag kasama rin silang dalawa sa iisang tirahan. Ang pinag kaiba nga lang ay kasama nila ang kanilang handlers. Nag suggest sana kami sa aming mga Mamang na sa isang tirahan nalamang kaming apat ngunit hindi sila pumayag dahil sa rason na:
“Hindi kami makakahanap ng jowa kung nasa paligid namin kayo.”
Nakakatawa man ang kanilang dahilan pero wala kaming magagawa. Matapos kong makapag ayos ng sarili at maitali ang aking buhok ay nag paalam na rin akong uuwi. Abala ako sa pag che-check ng cellphone ko ng biglang may tumawag sa aking pangalan. Nagulat pa ako dahil pasado 3:00 AM na pero nandito pa rin siya at mukhang mag isa nalang dahil wala akong mahagilap na Seijuro sa paligid.
“S-Sir. Kayo po pala.”
“Yep, ako nga.”
Ngumiti siya ng bahagya bago humikab. Matapos akong ilayo kanina ni Tokyo kay Genji ay nakapag usap kami ng konti. Nalaman kong may lahing Pilipino rin pala siya kaya simula noon ay Tagalog na kaming nag usap. Mabuti na rin 'yun dahil hindi rin naman ako magaling mag English.
“Ba't nandito pa kayo? May inaantay ka po ba?”
“Yep. Ikaw.”
Halatang inaantok na siya sapagkat pangalawang hikab na niya ngayon. Ang kaso, bakit niya ako hinihintay?
“May kailangan ka po ba sa'kin?”
“Wala naman. Masama bang ihatid kita pauwi sa inyo?”
“Hindi naman pero diba alam niyo naman ang rules namin sa night club?”
“Yes, I am fully aware and it doesn't say I am forbidden to drive you home.”
May punto nga naman siya. Kaso ngayon palang kami nagkakilala eh. Kahit pa napaka gwapo niya, Oo inaamin kong gwapo talaga siya, hindi pa rin tama na basta-basta akong sasama sa kaniya.
“Salamat Sir pero huwag na po kayong mag abala. Okay lang po ako.”
“You sure? I just want to make sure you're safe. Sige ka, mamaya niyan inaantay ka rin pala noong pangit mong stalker.”
Inayos niya ang pagkaka sandal sa kotse at inilagay din sa bulsa ng pantalon ang kaniyang dalawang kamay bago ako muling hinarap.
“Hindi naman po siguro. Ganoon lang po talaga siya pero mabait naman. Nasobrahan lang ata sa alak kanina. Sige po, mauna na ako. May tumatawag po sa cellphone eh. Salamat ulit.”
Agad na akong nag excuse kay Tokyo at nag lakad palayo bago dali- daling sinagot ang tawag ni Junno sa messenger.
“Hi mahal, ba't ang aga mo atang nagising?”
“May problema kasi mahal.”
“Ano ba 'yun?”
“Delayed ang flight ko papunta riyan sa Japan dahil sa lintik na virus na 'to.”
Ramdam at rinig ko ang frustration ni Junno ngayon dahil matagal na niya itong inaasam ngunit wala naman kaming magagawa sa sitwasyon ngayon. Kahit pa sabihin nating makapunta nga siya ngayon rito sa Japan ay hindi rin kasiguraduhan ang kaniyang trabaho dahil may mga negosyo ngayong pansamantalang nakasara kagaya ng akin.
“Okay lang 'yan mahal. Isipin mo nalang na para sa...”
“Anong okay?! Hindi 'to okay. Ano ba naman 'yan Baby, akala ko pa naman pwede mo akong matulungan.”
“Haah? Mahal, gusto ko man tulungan ka pero hindi ko kontrolado ang sitwasyon ngayon.”
“Baka pwede mo akong ihingi ng tulong sa Mamang mo o kahit kanino.”
“Ano? Paano ako hihingi ng tulong sa kanila na sila rin mismo ay walang trabaho ngayon. Ako, wala rin akong trabaho ngayon kaya mas mabuti ng nandiyan ka muna sa Pilipinas. Konting tiis lang mahal at makakarating ka rin dito.”
“Ah ewan. Wala rin palang silbi ang pag tawag ko sa'yo. Kalimutan mo nalang ang sinabi ko.”
“Mahal, teka...”
Napabuntong hininga nalamang ako ng pinutol ni Junno ang tawag. Ganito nalang siya palagi, kapag hindi nasusunod ang gusto ay parang bata kung magmaktol. Mahal ko si Junno, walang duda iyon pero minsan hindi ko na rin kaya ang ganito niyang ugali.
Ang kaso, bakit ganito? Bigla nalamang lumabas sa aking isipan ang nakangiting mukha ni Tokyo at kung paano niya ako titigan kanina. May sa mahika ata ang imahe niya't bigla nalamang nag laho ang inis at lungkot na nararamdaman ko ilang minuto ang nakalilipas.
“Tokyo Lee.”
Ang ganda ng pangalan niya. Bagay sa kaniya. Nakauwi na kaya siya? Malamang oo, iniwan mo eh. Sabagay, parang tanga namang umasa ako na susundan niya para makiusap na sumabay ako sa kaniya't ihatid sa apartment namin ni Jenna. Hindi naman kami close at mas lalong hindi siya mag kakainteres sa kagaya kong entertainer sa night club. Masyadong malayo ang estado ng aming buhay sa isa't isa. Bakit ko nga pala iniisip kung bagay kami o hindi? Sinabi ko palang na walang duda ang aking pag mamahal kay Junno pero heto ako ngayon at iniisip si Tokyo. Natawa nalamang ako subalit naputol ang aking pag iisip ng biglang may humarang sa aking mga kalalakihan.
“D-Dare desu ka?”
Ngumisi lamang sila sa akin hanggang sa ang lalaking nasa gitna ay sumenyas. Doon ay may biglang nag takip ng aking bibig gamit ang isang tela na parang may gamot kung kaya’t sinubukan kong pigilan ang aking pag hinga para hindi ko gaanong malanghap ang gamot. Bagama’t mas malakas sila sa akin kaya madali nila akong natangay papunta sa isang sasakiyan. Medyo kinakapos na rin ako ng hininga kung kaya’t kahit ayaw ko sanang mag huminga ay kailangan ko na. Doon ay unti-unti ng nawawalan ako ng malay dahil sa nalanghap kong gamot. Bago ko man naipikit ng tuluyan ang aking mga mata ay alam kong may taong papalapit sa'kin at hangad akong mailigtas sa mga masasamang taong gustong tumangay sa akin.
∞∞∞
Palakas ng palakas ang naririnig kong tawa rason kung bakit nagising ang aking diwa. Nang maimulat ang aking mga mata ay nasilaw pa ako sa sobrang liwanag ng ilaw kung kaya’t napapikit ako kaagad hanggang sa muli ay dahan-dahan kong binuksan ang mga ito. Napagtanto kong nasa ibang lugar ako kaya naman agad akong napabangon.
“Hey sleeping gorgeous. You're finally up.”
Nakita ko si Tokyo na nakapwesto sa isang coffee table at nakaharap sa laptop. May suot din siyang headset at may kausap.
“Paano guys, AFK muna ako. May importante lang akong gagawin. Next time nalang.” Matapos niyang mag paalam ay hinubad niya ang headset at lumapit dito sa kama saka na upo malapit sa akin.
“The doctor's right. Medyo napasarap ang tulog mo dahil sa gamot na nalanghap mo kaninang umaga. Kung hindi ka pa siguro nagising ngayon baka hinalikan na kita.”
Bahagya pa siyang natawa sa sinabi niya samantalang ako ay hindi pa rin maintindihan ang mga nangyayari. Ang huli kong naalala ay may tatlong lalaking gustong kumuha sa akin.
“I'm just kidding. Somnophilia is not my thing. Anyway, how are you feeling now? Are you hungry? Do you want water or tea or me?”
“Teka, asan ako? Anong nangyari?”
“Well, you're here in my hotel room. Kanina muntik kang ma-kidnap lang naman. Mukhang may balak din silang.. Uhm, may balak silang pag samantalahan ka. Buti nalang at nakita kita agad kaya hangang zipper lang sila ng pantalon mo.”
Napatakip ako ng bibig sa nalaman. Bakit nila gagawin sa akin 'yun at bakit nila ginagawa iyon? Namalayan ko nalamang na bumuhos na pala ang aking luha kung kaya’t ang kaharap ko’y biglang nataranta.
“Hey.”
Lumapit si Tokyo at medyo nag alangan pang yumakap sa akin. Sapagkat binabalot ako ng takot ngayon kaya naman hinayaan ko muna siyang yakapin ako. Nang maikulong ako sa kaniyang mga bisig ay nakaramdam ulit ako ng seguridad sa piling niya kagaya ng naramdaman ko kagabi nang protektahan niya ako mula kay Genji.
“I'm sorry I was late. I'm really sorry.”
Pag hingi niya ng tawad kahit hindi naman kailangan dahil wala naman siyang kasalanan. Patuloy din siya sa pag haplos ng aking buhok para mapatahan ako’t mapakalma.
“Don't you worry now. As long as you're here with me no one can touch you. I won't let them hurt you again, Baby. I promise.”
Nang matagumpay akong napatahan ay kaagad akong nag angat ng tingin sa kaniya rason para muntik na mag lapat ang aming mga labi. Nagkatinginan din kami at heto na naman ang kaniyang mga mata na halos pumapasok sa aking kaluluwa kung kaya’t ako na ang unang nag bitaw at pinunasan ang mga luha sa aking mata’t pisnge.
“Salamat. Maraming salamat.”
“You're welcome.”
Ngumiti siya sa akin bago tumayo para kumuha ng tubig at ipainom sa akin. Nang maubos ko ang tubig ay saka ko lang naalala si Jenna.
“Kailangan ko ng umuwi.”
“Why?”
“Si Jenna. Kailangan na naming mag hanap ng malilipatan. Baka alam din ng mga gustong dumukot sa'kin kung saan ako nakatira. Baka madamay si Jenna.”
“Oh. 'Yun lang? Huwag kang mag alala, akong bahala.”
Kinuha ni Tokyo ang kaniyang cellphone at may tinawagan. Ilang segundo lang ay may kausap na siya sa kabilang linya.
“Seijuro, can you take care of Jenna for me or rather for Baby? Yeah, I'll explain everything later. Alright, cool. Bye.” Nag thumbs up pa siya sa'kin bago ini-end ang tawag.
“Problem solved. Huwag ka ng umuwi.”
“Pero..”
“Trust me Baby. You're not yet safe out there so stay here with me for the meantime, okay? Now, get plenty of rest or you may call the room service if you are hungry. I'll just take a shower. Be right back.”
Sabay talikod niya sa akin at nag martsa papasok ng banyo hudyat na buo na ang kaniyang desisyon para sa akin. Ngunit, ang mas naka agaw ng aking atensyon ay ang benda sa kaliwang kamay niya. Hindi lamang ‘to basta benda sapagkat may bakas din ito ng dugo.