18

1849 Words
Third Person's P.O.V: “I love you Britney.” “I love you too Lucky but good bye.” Kaagad na nag yakapan ang mag kasintahan habang pareho silang lumuluha sa loob ng airport. Nang magkaroon ng lakas ng loob ay walang pag aalinlangang hinalikan ng lalaki ang kaniyang nobya sa harap ng maraming tao. Dahan-dahang ipinikit ng babae ang kaniyang mga mata bago siya tumugon sa halik ng kaniyang nobyo. “Cut! Brilliant.” Nag palakpakan ang director at ang mga crew sa huling eksena nila Elize at Byrone. Nauna si Elize na bumitaw sa halik saka niya tinapunan ng matalim na tingin ang binatang kaharap niya sapagkat pinasok nito ang kaniyang bibig. Ang nasa script ay simpleng dampi lamang ng mga labi kung kaya’t ngumisi lamang sa kaniya si Byrone bago niya ito tinalikuran upang hindi siya tuluyang sumabog sa galit. Dalawang taon na siyang nag tiya-tiyaga kay Byrone dahil ito ang ka-loveteam niya. Gustohin man niyang kumalas na sa tambalan nila ngunit tutol ang kanilang management sapagkat malakas ang kanilang hatak sa mga tao. “Kung alam lang nila.” Para kay Elize, si Byrone ang pinaka hambog na lalaking nakilala niya sa buong buhay niya. Kasinungalingan din na maginoo ito dahil never itong naging maginoo sa kaniya bukod sa harap ng camera. At higit sa lahat ay naiinis siya sa binata sapagkat pinapalabas nitong nag mamahalan silang dalawa kahit hindi naman. “They loved our make out session Elize. We should do it often.” “Mag solo ka Byrone. Diyan ka na nga.” Kahit may munting celebration sana ang production team dahil naging matagumpay ang shooting nila rito sa Japan sa kabila ng pandemya ay mas pinili ni Elize na mag paalam na para bumalik ng hotel. Napilitan pa siyang mag sinungaling na sumasakit ang kaniyang puson dahil hindi niya kayang makita ang pagmumukha ni Byrone ngayon. Nangangalaiti talaga siya sa galit. Tanging ang personal assistant lamang niyang si Shania ang kasama niyang bumalik ng hotel dahil nag paiwan ang kaniyang manager. Nakakahiya raw na wala ni isa sa kanila ang sasama sa celebration kung kaya't ito ang tumayo bilang kaniyang proxy. Nang makasakay sa service nila pabalik ng hotel ay agad na sumigaw si Elize na ikinagulat ni Shania at maging ng driver ng service. “Walang hiya talaga si Byrone!” “Nakita ko nga Miss Elize eh. Buti naitawid mo.” “Naku, kung alam mo lang Shan. Gusto kong basagin ang itlog ng hayop na 'yun.” Nakabalik sila Elize at Shania ng hotel na puro si Byrone ang paksa ng pag uusap. Dahil binabalot siya ng pagkasuklam kung kaya't hindi niya na napansing may isa pa palang baitang sa hagdan na kailangan niyang akyatin. “Oh shit..” Inaasahan na ni Elize na babagsak siya sa sahig ngunit agad nalamang may sumalo sa kaniya kung kaya't nagulat siya ng matagpuan ang sariling nakadapa sa ibabaw ng isang lalaki. Hindi lamang basta lalaki, isang gwapo at matipunong lalaki to the point nakalimutan niya ang inis na nadarama kanina. Mukhang nasaktan ito sapagkat bakas sa mukha ng lalaki ang sakit kung kaya’t kaagad siyang bumangon at naupo. 'Yun nga lang ay parang kakaiba ang nararamdaman niya sa pagitan ng kaniyang mga hita. “Miss, would you mind not sitting on my crotch? Your knee already hit it when you fell.” Halos kasing kulay ng kamatis ang mukha ni Elize ng mapag tanto kung ano ang kaniyang inuupuan kaya naman dali-dali siyang tumayo at umalis sa ibabaw ng lalaki. Nagsi-lapitan din ang mga hotel staff sa lalaki at inalalayan itong makatayo sapagkat masakit pa rin ang pagitan ng hita nito kung kaya’t hirap itong makatayo ng tuwid. “I'm really sorry.” “It's okay. It was an accident. Are you okay?” “Yes, I'm fine.” “Sure?” “Yes, I am sure. Are you okay?” Ngumisi lamang ang lalaki sa tanong niya bago ito muling nagsalita para sagutin ang kaniyang katanungan. “Despite of your body frame you're quite heavy Miss Iñivera. But yeah, I'll be okay. Enjoy your stay here and be careful next time.” Tinalikuran na siya ng lalaki at lumabas ng hotel habang naiwan namang speechless silang dalawa ni Shania. Nang makabawi ay nauna ng nag salita si Elize. “Did he just say I am heavy?” “Oo Miss Elize.” Hindi naiwasan ni Elize ang itaas ang isa niyang kilay dahil alam niya kung ano ang tinutukoy ng lalaking mabigat at 'yun ay walang iba kundi ang kaniyang dalawang malulusog na alaga. ∞∞∞ Baby's P.O.V: Kasalukuyang nasa designer boutique kami ng mama ni Tokyo dahil bukas ay magkakaroon kami ni Tokyo ng pre-nup shoot. Mamayang hapon ay babyahe kami papuntang Kanagawa sapagkat doon ang napag kasunduan naming dalawa na ganapin ang shoot at kasal. Masaya rin akong makakabalik ng Kanagawa dahil sa pagkakataong ito ay ma-eenjoy ko na ang tanawin kumpara noong binabalot pa ako ng takot. “Sa tingin ko ay bagay 'to sa'yo hija.” Ipinakita sa'kin ni Mrs. Lee ang isang floral halter beach dress at abaca high heel sandal na kulay puti. Maganda nga ang damit ngunit parang ayokong suotin dahil napaka mahal. “Maganda po kaso kulang po ang pera kong dala para pambayad sa damit at sapatos.” Natawa lamang si Mrs. Lee sa aking sinabi bago siya lumapit sa'kin at inabot ang napili niyang damit at sapatos. “Baby, hija. Magiging parte ka na ng pamilya namin kaya dapat ngayon palang ay huwag ka ng mahiya. Isa pa, matagal ko na rin pinangarap magkaroon ng anak na babae. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na dumating ka sa buhay namin, sa buhay ni Tokyo. Akala ko talaga wala na siyang pag asang mag bago pero heto, binago mo siya. Maraming salamat Baby.” “W-walang ano man po.” “Huwag sana kayong mag sawa sa isa't isa at patibayin niyo ang pag mamahalan ninyong dalawa ng sa ganoon ay huwag kayong magaya sa iba na nag hihiwalay kaagad.” Halos maubo ako sa pang huling sinabi ni Mrs. Lee kung kaya’t kaagad na akong nag paalam na papasok ng dressing room upang maisukat ang damit at sapatos na aking gagamitin. Habang nag papalit ay narinig ko ang isang pamilyar na boses na ngayon ay kausap na ni Mrs. Lee. “Nasa loob pa siya anak nag papalit. Teka, ba't ganiyan ka mag lakad?” “You don't want to know Ma.” Bagama’t narinig kong may pag aalala sa boses ni Mrs. Lee kung kaya't nag madali akong nag bihis. Hindi na rin ako nag abalang ayusin pa ang aking buhok at hinayaan na lamang itong nakalugay upang matingnan ko kaagad kung anong nangyari kay Tokyo. “Dali na anak, sabihin mo na sa'kin kung sino ang may gawa niyan sa'yo. Hindi ko hahayaang api-apihin nila ang unico hijo ko.” “Ma, hindi na ako bata. Okay lang talaga ako. Wala..woah..” Agad na nagkasalubong ang mga mata namin ni Tokyo ng lumabas ako ng dressing room. Maging si Mrs. Lee ay hindi maiwasang mangiti ng masilayan akong suot ang napili niyang damit. “Sinasabi ko na nga ba, it really suits you hija. Naalala ko tuloy noong kabataan ko, ganiyan na ganiyan din ako. Matangkad ka nga lang sa'kin.” “Salamat po.” “Kaya ikaw Tokyo. Huwag mo ng pakakawalan si Baby haah.” “Of course not.” Nagkangitian kaming dalawa bago nag excuse si Mrs. Lee upang bayaran ang damit at sapatos. Mukhang suki na siya rito sapagkat kanina pa niya kakuwentuhan ang manager nitong boutique. Ako naman ay bumalik na muna sa loob para mag palit. “Tokyo, ba't ka..” Hindi ko pa man natatapos ang aking sinasabi ay siniil niya na ako ng halik hanggang sa naramdaman ko nalamang ang likod kong lumapat sa salamin dito sa loob ng dressing room. Napakapit din ako sa kaniyang braso sapagkat nanghihina ako dulot ng bolta-boltaheng emosyon na bumabalot sa'kin ngayon dala ng kaniyang mapupusok na halik. Wala akong magawa hanggang sa bumaba ang mga labi ni Tokyo sa aking leeg at naramdaman ang hagod nito pati na rin ang hagod ng kaniyang dila. Kung tatagal ito baka kung ano pang mangyari sa'min dito at nakakahiya sapagkat nasa pang publiko kaming lugar at nasa labas lamang ang kaniyang mama. “Tokyo..sandali..” Naramdaman ko ang pag angat ng aking damit kasabay ang paglalakbay ng kamay ni Tokyo papuntang taas para tumbukin ang aking kahinaan. Sinusubukan ko man siyang sawayin ngunit mas nananaig na ang nararamdaman kong init ngayon lalo na ng sinakop ng kamay ni Tokyo ang itinatago kong hiyas. “Keep your voice low, Baby.” Bulong niya sa’kin kaya naman kinagat ko ang aking daliri upang pigilan ang sarili kong gumawa ng kakaibang ingay lalo na ng maramdaman kong may pumasok sa aking p********e. “Uhhmm..” Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nag tagal sa loob ng dressing room pero nangyari ang wala sa planong pangyayari. Pareho kaming hingal ni Tokyo ng matapos bago niya ako dinampian ng halik sa aking labi at sinimulang bihisan. “Ako na Tokyo. Kaya ko naman.” “Sure?” “Oo naman. Hello? Hindi na rin ako bata.” Natawa siya ng ibinalik ko sa kaniya ang sinabi niya kanina sa kaniyang mama habang inaayos niya ang kaniyang sinturon. Nadako rin ang kaniyang mga mata sa damit na isusuot ko para bukas at isang ngisi ang kumawala sa kaniyang mga labi. “Would you look at your dress Baby ko, Versace on the floor indeed.” “Hala, oo nga. Ikaw kasi. Ang pasaway mo. Teka, napano ka pala? Narinig ko kanina ang mama mo.” “Nothing serious Baby.” “May masakit ba sa'yo?” “Ikaw? May masakit ba sa'yo?” “Tse! Tinatanong kita ng maayos Mr. Lee.” “Tinatanong din kita ng maayos Mrs. Lee.” “Ewan ko sa'yo.” Matapos naming makapag ayos ng sarili ay pinulot ko na ang “versace on the floor” maging ang sapatos na gagamitin ko sa pre-nup shooting. “Paano na tayo lalabas dito? Mag dududa ang mama mo.” “Hmm.. I don't think an explanation is necessary Baby ko.” “Bakit?” “Come here.” Lumapit ako sa pinto ng dressing room kung saan nakasilip si Tokyo at laking gulat ko nalamang ng makitang nasa labas mismo ng pinto si Mrs. Lee at ang manager ng boutique. Pare-pareho kaming alanganing ngumiti sa isa't isa bago tuluyang binuksan ni Tokyo ang pinto sabay hapit sa'kin palapit sa kaniya. “W-wala po kaming ginagawang masama..” Agad kong depensa. “Naku hija. No need to explain. Naiintindihan namin.” “Pero po..” “Naku, matawagan nga si Theo na malapit na rin kaming maging lolo't lola. Tama 'yan, hindi na kami bumabata. Kailangan na rin namin ng apo. Keep it up!” Humahagikhik na naglakad palabas ng boutique si Mrs. Lee habang pareho naman kami ni Tokyo na tahimik na nakasunod lamang sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD