“Tama ba talaga ang narinig ko?”
Tanong ni Tokyo sapagkat hindi siya makapaniwalang pumapayag na ako sa kaniyang plano. Mali man ang lokohin ang kaniyang magulang ngunit kung tutuosin ay ako naman ang puno't dulo kung bakit siya nahihirapan ngayon. Oras na para ako naman ang tumulong sa kaniya. Hindi rin naman kakayanin ng aking konsensya na mag sara ang kaniyang kumpanya lalo na't kitang-kita ko kay Tokyo kung gaano niya ito kamahal. Hindi man ito ang pinangarap kong kasal pero kung makakatulong naman ako ay hindi na ako mag rereklamo pa.
“Oo nga, pumapayag na ako.”
“Jeez Baby, you just made me the happiest man alive.”
Niyakap niya ako’t binuhat sabay umikot-ikot pa kaya naman sinaway ko siya kaagad dahil bukod sa nakakahilo ay pinagtitinginan rin kami ng mga housekeepers at drivers dito sa kanilang mansion. Nakangiti naman sila kagaya ng dati ngunit nakakahiya pa rin. Nang maibaba ako ni Tokyo ay sumeryoso ang kaniyang mukha at pinakatitigan ako.
“Thank you, Baby. I mean it. Pinasaya mo talaga ako ngayon. Ang selfish man ng pabor na hinihingi ko sa'yo..”
“Tokyo, huwag mo ng isipin 'yan. Ako naman ang may kasalanan kung bakit ka nasangkot sa aksidente ni Genji. Nadamay ka pa maging ang pamilya mo. Nararapat lang na ayusin ko 'to.”
“Natin Baby. Ayusin natin 'to. We're in this together remember?”
“Oo nga pala.”
Inilagay niya sa likod ng aking tenga ang ilang takas kong buhok bago niya ako ginawaran ng halik sa noo at ibinilin sa mga housekeepers na ihatid ako sa kwarto upang makapag pahinga. Nag paiwan muna sa salas si Tokyo dahil kailangan niya raw tawagan ang abogado at ilang tauhan niya para ibilin ang naiwan kong apartment. Nang maihatid ako sa kwarto ni Tokyo ay kaagad akong nag hubad at pumasok ng banyo para maligo. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang balikan ang nangyari sa akin kanina na siyang dahilan para lumabas muli ang mga luha sa'king mata. Alam kong hindi kagandahan ang ugali ni Junno ngunit hindi pa rin ako makapaniwalang kaya niyang umabot sa pananakit at pambabastos sa akin.
Sa kagustuhan kong malinisang maigi ang aking katawan ay hindi ko namalayang nandito na pala sa kwarto si Tokyo at nakapasok na ng banyo. Naabutan niya akong umiiyak kaya naman natigil ang pag sasabon ko sa sarili at sinalubong ang kaniyang mga matang may bakas ng awa para sa akin. Pareho kaming tahimik lamang na nakatingin sa isa't isa hanggang sa nagsimulang maghubad si Tokyo ng kaniyang suot at lumapit sa akin para sabayan ako sa pag ligo. Kinuha niya rin ang botelya ng body wash at nag lagay sa kaniyang kamay bago ito ipinahid sa aking braso. Hinayaan ko lamang siya sa kaniyang ginagawa habang ako ay patuloy na umiiyak. Matapos ang braso ay iniharap niya ang likod ko sa kaniya at doon naman niya ako sinabon hanggang sa sumunod ang aking hita at binti.
“Turn around Baby.”
Sinunod ko ang kaniyang utos at pang huling sinabon niya ay ang aking harapan. Una sa leeg, sa dibdib bukod sa aking s**o, at pang huli ay ang aking tiyan bago niya ako binanlawan.
“Ewan ko nalang kung hindi pa mawala ang bacteria ng hayop na 'yun sa katawan mo Baby ko.”
Umiling-iling pa siya habang binabanlawan ang aking buhok. Nang sumulyap siya sa'kin ay ngumiti siya saka itinuon muli ang atensyon sa aking buhok.
“Tokyo?”
“Hmm?”
“Bakit ka ganito sa'kin?”
“What do you mean?”
“Bakit sobra-sobra ang atensyon na ibinibigay mo sa'kin? Mayaman ka't magandang lalaki, mabait, alam ko rin na maraming babae ang nagkakagusto sa'yo at hinahangad na sa kanila mo ibaling ang iyong atensyon. Bakit ako? Bakit mo inaaksaya ang panahon mo sa kagaya ko lamang kahit alam mo namang wala kang mapapala sa'kin? Halos problema pa ang dinala ko sa buhay mo.”
Tumigil siya pansamantala sa kaniyang ginagawa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa bago niya ibinalik ang kaniyang paningin sa aking mukha. Ngisi lamang ang tugon niya sa tanong ko bago siya nag patuloy sa pag babanlaw sa'kin. Nang matapos ay kumuha siya ng tuwalya at bathrobe para sa'ming dalawa.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”
“Kailangan ko pa ba talagang sagutin 'yun?”
“Tokyo naman..”
Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko bago nag suot ng kaniyang bathrobe. Sabay na rin kaming lumabas at naupo sa sofa ngunit kakaupo ko palang ay kaagad niya akong pinatayo at hinila palapit sa kaniya kung kaya’t napaupo ako sa kaniyang kandungan. Ipinulupot niya rin ang kaniyang braso sa aking baywang saka tumingala sa'kin.
“I'm happy when I'm with you Baby. I've met plenty of women. I had s*x with plenty of women..”
“Ano?!”
“Easy Baby. Huwag ka ng mag selos.”
“H-hindi ako nag seselos for your information.”
“Haha! Whatever you say. Dati 'yun bago kita nakilala. Ngayon hindi na. Anyway, as what I've mentioned, I met a lot and all of them were just after money, looks, and s*x. None of them gives a f**k of what and how I feel. But you, you are something.” Kinuha niya ang aking kamay at dinala ito sa kaniyang mga labi saka hinalikan bago siya muling nag patuloy sa pagsasalita.
“Guaranteed you are beautiful physically but for me, the most beautiful part of you is your heart. You have faith in love and marriage that’s why my charm's not working on you. No woman also has the guts to argue with me and at the same time expresses her concern for me that's why what happened was the other way around. I was charmed by you instead to the point I want to shower my attention to you and I want to protect you because you deserve it. So never think I am wasting my time on you.”
“Sinabi mo rin ba 'yan sa mga babae mo noon?”
“Baby naman. Syempre hindi. Ngayong seryoso na ako pag dududahan mo na naman ba ako? Ouch Baby, ouch.” Umakto na naman siyang parang nasasaktan kung kaya’t natawa nalamang ako.
“Mapanakit ka talaga ng damdamin Baby ko. Halikan kita riyan eh.”
“Sige nga.”
“Naughty girl. Next time pag okay na 'yang sugat mo sa labi. Besides, nauna na ang honeymoon natin bago ang kasal.”
Naantala ang aming pag uusap ng tumunog ang cellphone ni Tokyo kung kaya’t pareho kaming napatayo. Bumalik ako sa pag kakaupo sa sofa habang si Tokyo ay saglit na pumasok sa banyo sapagkat nasa bulsa ng hinubad niyang pantalon kanina ang kaniyang cellphone.
“Hello?”
Pagkalabas ni Tokyo ay bumalik siyang muli sa aking tabi at hinila na naman ako para paupuin sa kaniyang kandungan. Hindi pa ba siya nangangalay?
“Sou ka? Hai, wakarimasu. Domo.” Matapos niyang makipag usap ay huminga siya ng malalim.
“Alam mo bang illegal ang papeles ng ex mo?”
“Haah? H-hindi. Kaya siguro nakapunta siya kaagad dito sa Japan.”
“Yeah, hindi ko alam kung anong mangyayari sa kaniya though I want to see him behind bars.”
“Ipapakulong mo sa Junno?”
“Of course. Harassment and violence ang ginawa niya sa'yo Baby. Hindi ko pwedeng palampasin 'yon.”
“Pero Tokyo..”
“Don't tell me you still care for that motherfucker?”
“Hindi naman sa ganoon..”
“Ganoon naman pala. Bahala na ang abogado ko sa kaniya.”
Mariin niyang pagtatapos ng aming pag uusap tungkol kay Junno. Bakas sa mukha niya ang disgusto kay Junno na nag paalala sa akin kung paano siya nagalit kanina kaya naman hindi na ako muling nag salita pa. Bahala na ang batas kay Junno at bahala na rin ang Diyos sa kaniyang nagawang kasalanan. Tumayo nalamang ako sa pag kakaupo mula sa kandungan ni Tokyo na siyang ipinagtaka niya kung kaya't hinuli niya kaagad ang aking kamay.
“Where are you going? Are you mad at me again? Aalis ka na naman ba?”
“Kukuha lang sana ako ng damit natin.”
“Why?”
“Maka why ka riyan. Ayaw mo bang mag bihis?”
“Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong mo?”
“Aba..”
Mahina kong pinalo ang kaniyang braso na siyang nag palambot ng expression ng kaniyang mukha. Sabay na rin kaming nag tungo sa kaniyang walk in closet at kumuha ng damit.
“Asan pala ang mga magulang mo Tokyo?”
“They are in Tokyo that is why we own this house for now.”
“Magugustuhan kaya nila ako?”
“Of course especially mama. Ito warning lang, kung overwhelming para sa'yo ang ibinibigay kong atensyon at panahon, wait until you experience mama's.”
“Sa kaniya ka siguro nagmana.”
“Maybe.”
Matapos naming makapag bihis ay inaya niya akong bumaba para kumain ngunit hindi pa man kami nakakalabas ng kwarto ay may narinig kaming sunod-sunod na katok sa pinto kung kaya’t pareho kaming nagkatinginan.
“Wait here.”
Si Tokyo na ang nag bukas ng pinto. Nang mabuksan ito ay tumambad sa'min ang isang babae na medyo may edad na. Siguro mga 5'2 ang taas at medyo chubby ang katawan. Tatlo kaming hindi nakapag salita at nag papalit-palit ng tingin hanggang sa binasag ng babae ang katahimikang namamagitan sa'ming tatlo.
“Totoo nga ang sabi ng mga housekeepers natin..”
Hindi na pinansin ng babae si Tokyo at dumiretso ito rito sa loob. Nang makalapit ay hinawakan niya ang aking kamay at pinakatitigan ang aking mukha ngunit nag salubong ang kaniyang kilay at nilingon si Tokyo. Teka, parang mag kahawig sila ni.. OMG!
“Anong nangyari sa kaniya, anak? Sinaktan mo ba siya?”
“Hindi po Ma'am. Wala pong kasalanan si Tokyo.”
“Pilipina ka?” Manghang tanong ng mama ni Tokyo sa akin. Tiningnan ko si Tokyo na napahimas nalamang ng kaniyang batok bago lumapit sa'min.
“Anong nangyari sa labi mo hija?”
“Ah ano po..kasi..”
“Kinagat ko ma. Hindi ko napigilan eh.”
Pareho kaming nagulat ni Mrs. Lee sa sinabi ni Tokyo ngunit isang pilyong ngiti lamang ang tugon niya sa amin. Nang makabawi ay tiningnan ko ng masama si Tokyo pero patay malisya lamang siya at nag kibit balikat.
“Anyway, Mama, meet my girlfriend, Billie Jean Rosas. Baby, meet my mom, Nanette Lee.”
Alanganing ngumiti ako sa nanay ni Tokyo ng ipakilala niya akong nobya. Kahit na alam kong pagpapanggap lamang ito ay hindi ko maiwasang makaramdam ng munting saya sa aking puso lalo na ng sabihin ni Tokyo na ako ang babaeng gusto niyang makasama ng pang habang buhay.