21

1961 Words
Ilang araw ang lumipas ay nahahalata kong umiiwas sa'kin si Tokyo. Sinubukan ko man siyang kausapin ngunit palagi niya akong binibigyan ng dahilan na kesyo may meeting siya, may inaatupag na mga papeles, o kaya naman ay nag lalaro siya ng kaniyang games kung kaya’t heto at nag mumukhang ako pa ang atat na mag pakasal sa kaniya sapagkat ako palagi ang kasama ng kaniyang mama sa pag aasikaso ng kakailanganin sa kasal. Wala naman problema sa'kin ang sumama at sa pag aasikaso ang kaso sana naman ay kausapin niya ako ng sa ganoon ay maayos na namin ang hindi namin pagkakaintindihan. Nakababahala na kasi ang kaniyang pag iwas. “Kumusta na nga pala ang pamilya mo hija? Hindi na ba talaga sila makakadalo sa kasal ninyo ni Tokyo?” Bumalik ang aking diwa sa realidad ng marinig ang tanong ni Mrs. Lee kaya agad akong napatingin sa kaniya. Hindi naman siya nakatingin sa'kin sapagkat nakadapa siya ngayon at nag papamasahe ng kaniyang likod. Nandito kasi kami ngayon sa spa. Kailangan daw naming mag relax matapos ang mahabang araw ng pagiging abala sa mga kakailanganin sa kasal. “Maayos naman po sila sa awa ng Diyos. Sa ngayon po ay hindi muna dahil sa pandemya. Naiintindihan ko naman po.” “Ganoon ba? Nakakalungkot naman. Excited pa man din akong makilala ang pamilya mo Baby. Kailangan ko rin silang pasalamatan dahil kung wala sila, wala ka rin sana ngayon dito sa mundong ito. Eh di hindi sana masaya ang Tokyo ko ngayon.” “S-salamat po.” 'Yun nalamang ang namutawi sa aking bibig. Masaya ba talaga si Tokyo sa'kin? Mukhang masayahing tao naman talaga siya at kung masaya man siya sa'kin eh bakit niya ako iniiwasan ngayon? Bagama’t mas nauna akong natapos kay Mrs. Lee kaya naman nag paalam muna akong lalabas upang bumili ng maiinom. Kasalukuyan akong nasa harap ng isang vending machine ng biglang tumunog ang aking cellphone. “Hello Jenna.” “Oy girl, punta kami ni Mamang bukas diyan sa Kanagawa.” “Anoo?! Sinabi mo kay Mamang?” “Eh.. Sorry Baby. Nadulas kasi ako. Hehe!” Kabilin-bilinan ko pa man din sa kaniyang sekreto lamang ito. Ano pa nga bang magagawa ko? “Sino pang napagsabihan mo?” “Wala na. Siya lang. Pero huwag kang mag alala, mahigpit na ipinagbawal ko rin sa kaniya na huwag ichichismis sa iba.” “Jenna ah..” “Oo girl, pramis. Kami lang dalawa ang nakaka alam.” Si Jenna lamang ang pinag sabihan ko at nakaka alam ng lahat ng kaganapan sa aking buhay. Noong una ay tutol sana siya ngunit nang napag isip-isip niya rin na malaki talaga ang utang na loob ko kay Tokyo ay ito lamang ang kaniyang nasabi: “Basta girl, sinasabi ko sa'yo. Bawal mainlove okay? Mahirap kalaban ang puso alam mo 'yan. Oo, mabait si Tokyo. Sobrang bait pero balita ko kay Seijuro ay matinik sa mga babae iyang mapapangasawa mo.” Siguro nga playboy si Tokyo pero naniniwala naman ako sa sinabi niya noon na nag bago na siya ngayon. Malaki ang tiwala ko sa kaniya kung kaya’t panatag akong hindi niya iyon basta-basta sisirain. “Anong oras kayo pupunta rito?” “Umaga. Kailangan din kasing kausapin ni Seijuro si Tokyo tungkol sa negosyo ata kaya makakapag chikahan galore tayo bukas. Wait, why not magkaroon na rin tayo ng bridal shower mo bukas? Kahit simple lang.” “Ano ka ba, huwag na.” “Mag tigil ka riyan Baby. Kailangan mo 'yan. Kahit pa sabihin nating pang anim na buwan lamang ang kasal ninyo ay mag iiba na ang takbo ng buhay mo kapag naikasal ka na.” “Eh kailangan pa ba talaga ng bridal shower na 'yan? Gastos lang 'yan eh.” “Did I hear bridal shower?” Napatda ako ng marinig ang boses ni Mrs. Lee sa aking likod. Tapos na pala siya at kasalukuyang nakangiti sa akin. “Ah.. Opo. Pupunta po ang mga kaibigan ko rito bukas. Bibisita lang pero wala naman pong bridal shower na magaganap.” “Then I'll make it happen. Mabuti nalang nabanggit mo 'yan. The bridal shower is one of the highlights of a woman before getting married. Sige, I'll call my assistant para makapag handa na bukas. Matulog ka ng maaga ngayon because tomorrow is a big day for you.” “Pero Mrs. Lee..” Kaagad niya na akong tinalikuran at kinuha ang kaniyang cellphone upang tawagan ang kaniyang assistant. “Diba? Kahit si Tita Nanette agree sa bridal shower.” “Ikaw kasi eh.” “Baby, okay lang 'yan. Ba't ba ayaw mo? Dahil magastos? Girl naman, hindi mo kailangan problemahin 'yan. Ginagawa namin 'to dahil deserve mong maging masaya. Saksi ako sa pag hihirap mo Baby at masaya ako na kahit papaano ay may mga taong nag papahalaga sa'yo bukod sa'min ni Mamang. Halos araw-araw nga akong nag dadasal na ang kasal mo ay hindi lang pang anim na buwan eh.” “Salamat Jenna. Pinapaiyak mo naman ako. Alam mo namang mababaw lang ang luha ko.” “Walang ano man girl, ikaw pa. Oh siya, sabi nga ni Tita Nanette ay mag beauty rest ka na para fresh na fresh ka bukas sa bridal shower mo.” “Sige, lalo ka na at buntis ka. Alagaan mo ang inaanak ko ah.” “Oo naman. Alagang-alaga nga ako to the point nasasakal na ako sa pag aalaga ni Seijuro pero okay lang. Alam ko namang ginagawa niya 'to dahil mahal niya kami ng anak niya.” “Tama 'yan at hindi ako tutol sa ginagawa ni Seijuro basta ba sa ikabubuti ninyong dalawa. Sige, good night na.” Nang mawala sa linya si Jenna ay kaagad na rin akong bumalik sa hotel at sinunod ang bilin nila sa aking mag pahinga ng maaga. ∞∞∞ Alas siyete palang na umaga ay nakaligo't nakapag bihis na ako. Palabas na sana ako ng aming kwarto ni Tokyo ng marinig kong tinawag niya ang aking pangalan kaya naman agad ko siyang hinarap. Kinukusot pa niya ang kaniyang mga mata ng bumangon siya mula sa pag kakahiga hanggang sa tuluyan na siyang naka upo sa kama. “Saan ka pupunta?” “Sa lobby. Sasalubungin ko lang sila Jenna at Mamang.” “Oh.” Tumango-tango lamang siya kaya tumalikod na ako ngunit muli ay tinawag niya ang aking pangalan. “Antayin mo na ako. Sabay na tayong bumaba.” “S-sige.” Matapos makapag stretching ng kaniyang mga braso ay tumayo na rin siya sabay dampot ng kaniyang mineral water sa bed side table. Mukhang uhaw na uhaw siya sapagkat dirediretso ang inom niya hanggang sa may hindi sinasadyang bumuhos na tubig mula sa bibig niya pababa sa kaniyang katawan. Ewan ko rin ba sa sarili ko at imbes na umiwas ay sinundan ko pa kung saan patungo ang tumulong tubig. Naputol lamang ang aking atensyon ng marinig ang mapanuyang ngisi ni Tokyo. Nang madakong muli ang aking mga mata sa kaniyang mukha ay nakatingin na rin siya sa'kin hanggang sa binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. Nakakahiya! “Ba't ka nakatayo lang diyan?” “Haah? Kasi baka kailangan mo ng space?” “What space are you talking about? Come here.” “Ahm. Okay.” Lumapit nga ako kagaya ng sabi niya ngunit hindi ako dumiretso sa kaniya. Sa kabilang side ng kama sana ako patungo kung saan ang aking pwesto ng bigla niya akong hilahin at ikulong sa kaniyang mga bisig. Naramdaman ko ang pag higpit ng kaniyang yakap sa'kin sabay pag baba ng kaniyang ulo sa aking balikat. “Tokyo, ayos ka lang ba?” “I'm okay Baby. I am now okay Baby ko.” “May problema ka ba?” “Nah. May narealize lang ako from the past few days.” “Hmm.. Sige. Gusto mong mag share? Baka makatulong ako.” “I'll share it with you on our wedding day.” Nang mag angat siya ng kaniyang ulo ay kitang-kita ko ang panunumbalik ng saya at sigla sa kaniyang mukha na nakasanayan kong palaging nakikita sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasang mag taka kung anong sasabihin niya sa'kin sa araw ng kasal namin. Kaya ba siya umiiwas dahil may iba rin siyang bagay na pinag hahandaan sa aming kasal? Mag tatanong na sana ako ngunit bigla nalamang niya akong ginawaran ng isang halik sa mga labi bago siya nag tungo sa banyo upang maligo. Nang handa na rin si Tokyo ay sabay na kaming nag tungo sa lobby ng hotel. “Can you wait for me here Baby ko? Kakausapin ko lang si Krista.” “Kakausapin?! Bakit?” “Haha! Breathe Baby ko. Halika na nga, sumama ka nalang.” Hinawakan niya ang aking kamay at pareho naming binisita si Krista sa kaniyang opisina. All smile na sana si Krista ng masilayan si Tokyo ngunit nabawasan ito ng makitang nakasunod ako. “Yes Sir? How can I help?” “Were you able to check the guy?” “You mean Gale?” Kaagad na nag salubong ang aking kilay ng marinig ang pangalan ni Gale kaya tinanong ko kaagad si Tokyo. “Pinapaimbestigahan mo si Gale?” “Not really. He's your new friend, right? Gusto ko lang makasigurong walang masamang motibo sa'yo ang taong 'yun. Go on Krista.” “May I?” Bagot na tanong ni Krista sa'kin kaya tumango lamang ako. Napag alaman naming journalist pala sa Pilipinas si Gale. Kaya pala nasabi niya sa'kin noon na pag bumalik na siya ng Pilipinas ay sasalubungin na namam siya ng stress. Ngayon ay naiintindihan ko na. Naextend daw ang stay ni Gale rito sa hotel dahil may urgent daw ito na kailangang gawin sa trabaho bago umuwi ng Pilipinas. “That's why he's familiar. Thanks Krista.” “Pleasure's all mine Sir.” Muli ay isang malagkit na tingin na naman ang nahuli ko kay Krista patungo sa direksyon ni Tokyo. Mukha bang wala ako rito sa kaniyang harapan para hindi ko makita ang kaniyang ginagawa? “Tokyo surely appreciate your help Krista but please, stop staring at him as if he's naked in front of you. Give up. Let's go Tokyo.” “Uh.. Y-yeah, sure.” Nagpaubaya na si Tokyo ng siya’y hilahin ko palabas ng opisina ni Krista. Nakakainis eh. Nakita niyang ikakasal na nga ang tao pero kung makatitig at makangiti ay wagas lang. Si Tokyo lang ba ang lalaki sa mundong 'to? Nag patuloy lamang kami sa pag lalakad hanggang sa nakarating kaming muli sa lobby ng hotel upang hintayin sila Jenna. Saka ko lang siya binitawan ng pareho na kaming nakaupo sa sofa na malapit sa reception area. “Ba't ka tumatawa-tawa riyan haah?” “Nothing Baby.” “Gusto mo bang bumalik doon?” “No. Of course not. Dito lang ako sa tabi mo.” “Ikaw. Halatang-halata ng nilalandi ka ni Krista ba't wala ka man lang diyan imik?” “Kasi po wala lang 'yun. Sanay na ako sa mga ganoon.” “Hindi mo dapat hinahayaang ganiyan Tokyo. Problema 'yan sa mapapangasawa mo talaga sa hinaharap.” “Okay okay. I'll do something about it para naman hindi ka na mag selos Baby ko.” “Hindi ako nag seselos. Sinasabi ko lang 'to dahil..” “Mahal mo ako?” Natameme at umurong ang aking dila sa tanong ni Tokyo. Buti nalang at dumating na ang mga inaantay naming panauhin upang mag iba ang direksyon ng aking atensyon sapagkat nagulat ako sa kaniyang sinabi. Naniniwala na ba siya ngayon sa pag ibig? Ito ba ang narealize niya nang mga nakaraang araw? Hindi na tuloy ako makapag hintay sa araw ng kasal. Ano kayang sasabihin niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD