Gale's P.O.V:
Pabalibag kong ibinaba sa kama ang aking body bag dala ng sobrang inis sa boyfriend ni Baby.
“Immature. Tsk!” I just shake my head before pulling the pack of cigarette from my pocket. Papunta na sana ako sa balkonahe ng hotel room ng biglang tumunog ang aking cellphone kung kaya’t kaagad kong tiningnan kung sinong tumatawag.
“What? Nasa bakasyon pa ako Connor.”
“Sorry Gale. Hindi talaga sana kita iistorbohin pero si Bubbles kasi kinukulit ako for her article.”
“Huh? Ano naman ang kinalaman ko sa article niya? Alam naman niyang hindi ko na cover ang news tungkol sa mga artista.”
“I know. Hmm.. Paano ko ba sasabihin 'to? Ano kasi eh, may kumakalat kasing chismis dito sa Pinas tungkol kila Elize and Byrone.”
The moment I heard her name ay lalo lamang nasira ang aking mood. Kaya pala may pag aalangan sa boses ni Connor.
“Are you still there, Gale?”
“Yes, I'm listening.”
“Nandiyan din kasi silang dalawa sa Japan. Bukod sa shooting ng kanilang pelikula ay lihim na raw na nag pakasal ang dalawa.”
“Ganoon ba? Eh di congrats sa kanilang dalawa.”
“I'm really sorry, Gale.. Oy, teka..”
“Hi Gale! Bubbles here. Please Gale! Kailangang kailangan ko talaga ng article sa kanilang dalawa. Hindi ako tinatantanan ni Bossing. Kilala mo naman 'yun. Naririndi na nga ako eh. Bibigyan naman kita ng credit.”
“Bubbles, I'm sure you know my history with Elize, right?”
“I am fully aware Gale but you know, this is for work purposes naman diba? Besides, nandiyan ka na rin lang sa Japan. I'm sorry to ask this pero hindi ka pa rin ba talaga nakakapag move on sa kaniya?”
I've moved on. I've moved on to the point I don't want to see nor have any connection with that woman. Napansin ata ni Bubbles ang aking pananahimik kung kaya't narinig ko ang pag buntong hininga niya sa kabilang linya.
“Fine. Hindi na kita pipilitin.”
“Can you give me time to think about it?”
“Seryoso? Gagawin mo?”
“Hindi pa ako pumapayag. Huwag ka munang mag celebrate. Ang sabi ko ay pag iisipan ko.”
“Jeez, thanks in advance Gale. Haha! Tama 'yan, face your fears. Love you, pizza is on me when you get back.”
“And beer. Don't forget the beer.”
“Oo naman. Hindi na 'yan mawawala.”
I let out a soft chuckle before we bid our good byes. That brat. Kung hindi lang siya malakas sa'kin hinding hindi ko siya pag bibigyan. Matapos ang pag uusap namin ni Bubbles ay kaagad kong isinilid muli ang sigarilyo sa aking bulsa at lumabas ng hotel room. I need an ice-cold beer so I can conceptualize. I can do the article with pictures but the problem is how can I approach Elize? As much as possible ay ayoko sana talagang makasalamuha siya. Nakarating ako sa bar ng hotel at umorder ng beer bago nag punta sa pwesto kung saan malapit sa bintana at kitang-kita ang dagat.
“Here's your order Sir.”
“Thank you. May I know where's the smoking area here?”
“Yes Sir, on the bar's patio.”
“Thanks.”
Matapos kong maiabot ang tip sa bartender ay dinukot ko ang cellphone ko sa back pocket para matingnan ang latest news tungkol kay Elize.
“So, she's in Japan indeed.”
Ang kaso ay bigla nalamang nangunot ang aking noo ng makita ang isang litrato na kuha ng isang netizen. Well, let's just say Elize and Byrone are in a loveteam but for them to share a steamy kiss like this? Knowing Elize, kahit pa pelikula lamang 'to she won't go all out unless she's in a relationship with the guy that's why the rumors circulating might really be true. Nang hindi pa ako nakontento ay pinuntahan ko na rin ang kaniyang social networking sites. After our break up ay ngayon lang muli ako napadpad dito. I scan her posts and pictures but I do not see any hint if she's already in a relationship.
“Weird.”
As I continue doing my “research”, yes, research and I am not stalking her, a lady suddenly approaches me.
“I wonder why a good looking guy like you is being a loner here in the corner. I'm Krista. And you are?”
∞∞∞
Tokyo's P.O.V:
Shit! Why did I say that?
Naputol ang aking pag iisip ng makitang nakapasok na rin si Baby sa aming kwarto. I am expecting she'd say something after witnessing my impulsiveness but not a single word comes out from her mouth. Instead, she just carry out her usual night routine then goes straight to the bed. Worst, she did not even spare a second to take a glance at me. Is she really that pissed? Dala ng sobrang frustration kaya naman napag desisyonan ko nalamang lumabas muli ng kwarto at mag punta sa bar ng hotel. I need a sip to ease this annoying feeling before I go nuts. Sa bar ay may mangilan-ngilang umiinom din however an acquaintance caught my eye so I approach her space. Tapos na ata ang kaniyang shift kaya nandito na naman siya para mag happy hour.
“Mind if I join you?”
Nag angat siya ng kaniyang tingin at kaagad kong naaninag ang kasiyahan sa kaniya na may kasama pang pag pilantik ng kaniyang mahahabang pilik mata.
“I don't mind Sir. Please, have a seat.”
Since social distancing is real kung kaya't may certain spot na dapat kaming upuan. Matapos kong maupo ay si Krista na mismo ang tumawag sa waiter para ipag order ako ng usual kong beer at pistachio.
“You seem problematic Sir.”
“Am I that obvious?”
“Yeah. Your eyebrows are still meeting halfway.”
Sabay tawa niya ng mahina bago sumimsim ng kaniyang margarita. Huminga nalamang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ngunit hindi pa man ako tapos mag exhale ay nahagip ng aking paningin ang lalaking gustong agawin sa'kin si Baby. Heck, I can tell she's attracted to Baby. The way he looks and touches Baby.. Damn, nakakapag init ng bumbunan.
Mag isa lamang siya ngayon at tahimik na umiinom sa isang sulok habang nakatuon ang buong atensyon sa kaniyang cellphone. Napansin ata ni Krista ang direksyon kung saan ako nakatingin kung kaya't maging siya ay lumingon din para tingnan ito.
“Ooh.. Sexy.”
“No he's not.”
“Yes, he is. The broad shoulders and the biceps. Definitely every woman's kryptonite.”
“Are you swooning over him, Krista? Seriously? In front of me?”
“Maybe.”
She just shrug her shoulders before giving me a smirk. Anong meron ba sa lalaking 'yan? For the first time in forever insecurity is invading me. First, jealousy. Second was wrath and now this. What's next? Dumating ang aking inumin at kaagad ko itong sinunggaban at tinungga. Dahil siguro sa inis kaya hindi ko namalayang sa isang inuman ay naubos ko kaagad ang beer. Maging si Krista ay hindi makapaniwala kaya kaagad niya akong pinagbuksan ng isa pang bote habang abala naman ako ngayon sa pagpapak ng pistachio. Nang madakong muli ang aking paningin sa lalaking mang aagaw ay hindi pa rin nito nilulubayan ng tingin ang kaniyang cellphone. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pag kunot noo nito. Hmm.. I'm not sure but I think I've seen him before apart from our not so nice encounter a while ago.
“Krista, would you do me a favor?”
“You know I'd do anything for you.” Isang mapang akit na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Krista kaya kaagad kong sinabi sa kaniya ang aking pabor.
“I'll transfer money to your account later.”
“Money? I thought you'll join me later?”
“No, not anymore.”
“Wow. So that's the power of getting married huh? Tsk! You're already changing.”
“Am I?”
“Obviously. Ever since you met that woman.”
It’s my turn to give her a smile before finishing my last bottle of beer then heads back to the hotel room. As I step inside, I immediately laid my eyes on Baby. Hindi ko maiwasang matawa ng makita ko na namang naka nganga siyang natutulog. I am tempted to be honest but I should refrain kung gusto kong magkabati kami sa lalong madaling panahon.
Sapagkat amoy alak ako kung kaya’t kaagad kong hinubad ang suot kong polo at dumiretso ng banyo para maligo. Nakakahiya sa kaniyang tumabi ng mabaho samantalang kalat sa buong kwarto namin ang mala bulaklak niyang amoy which surprisingly has a calming effect, at least for me. Pagkatapos kong makapag linis ng sarili at makapag bihis ng damit pantulog ay akmang kukunin ko na sana ang blower para patuyuin ang aking buhok ng marinig ang halinghing ni Baby kaya kaagad ko siyang nilapitan.
“Hey, Baby.”
Dahan-dahan ko siyang tinapik sa balikat ngunit hindi siya nagigising bagkus nag iba lamang siya ng posisyon kaya naman nakatihaya na siya ngayon subalit nakanganga pa rin. Muli ay natawa ako bago inayos ang comforter sa kaniya.
“Matapos ang lahat-lahat..”
And now she's sleep talking. She never fails to amaze me kung kaya’t naupo ako sa kaniyang tabi upang kausapin siya. Baka man lang may ibigay siya ng numero at nang maitaya ko sa lotto. LOL!
“Ano ang matapos ang lahat-lahat, Baby?”
“Huwag kang ngingiti-ngiti sa'kin. Galit ako sa'yo.”
“Kanino ka galit? Sa'kin?”
“Ewan. Ang pogi mong walang hiya ka.”
Hindi ko napigilang humalakhak sa mga pinagsasasabi ni Baby kaya naman ipinagpatuloy ko pa ang pakikipag usap sa kaniya. Oh yeah, might as well record it too so I can show this to her later. Kaagad kong kinuha ang aking cellphone at sinimulang irecord siya.
“Huwag huwag.. Magagalit ang boyfriend ko.”
“Magagalit talaga ako kapag may lumapit pa sa'yo. I mean it.”
“Tama, may boyfriend ako. Si Tokyo.”
“At least alam mo kung sino ka sa buhay ko. Don't make me jealous again Baby. My heart cannot handle seeing you in the arms of someone else. Can't you tell that I'm falling..”
Wait, what? Dala ng gulat ay nabitawan ko ang aking cellphone at pinag masdan si Baby. Doon ay bigla akong minulto ng huling sinabi ni Krista bago ko siya iniwan sa bar kanina. Tuloy ay napalunok ako sabay patong ng kanang kamay sa aking dibdib. Pumikit din ako para pakiramdaman ang sarili. Shoot.. My heart is racing as f**k at lalo lamang nataranta ang puso't kaluluwa ko ng marinig ang sagot sa'kin ng ngayo'y natutulog pa ring si Baby.
“Oo, ako rin.”