Genesis' P.O.V: Pabagsak na binitiwan ni Mr. Lee ang console matapos ang pang sampung 1v1 session namin sa game lab. Lalo pa siyang nainis ng makitang nag bubunyi ako sapagkat tatlong beses lamang siyang nanalo sa'kin. Syempre, sinong hindi matutuwa eh hindi lalampas sa bente ang panalo ko kay Mr. Lee pag dating sa games. Para sa'kin pang god level ang gaming skills ni Mr. Lee kaya maituturing kong achievement ito sa aking gaming career. LOL! “Paano ba 'yan Mr. Lee? Mukhang ikaw na talaga ang mag papa interview this time sa media.” “One more Genesis.” Bukod sa pag ce-celebrate ng aking pagkapanalo, napagkasunduan din namin na kung sinong matatalo ay siyang haharap sa media sa opening ng aming game tournament. Aside sa trabaho kong head game developer, nagiging spokesman niya na rin ako

