Chapter 12

2165 Words
Detalyado na ipinaliwanag sa kanila ni Angela ang pasikot-sikot sa club. Maging ang mga patakaran at bawal gawin sa club ay sinabi nito. Mabuti na lamang talaga at marunong siya sa pole dancing. Iyon pala ang numero unong requirements sa pagpasok sa naturang club. Hindi naman siya nakaramdam ng hiya sa audience. Iniisip niya lang na nagwo-work out siya at walang manonood. Hindi niya alam na siya na pala ang center of attraction ng club dahil sa suot niyang maskara. Pinainit niya ang halos parokyano ng nasabing club. Marami na ang sabik na makuha siya lalo pa at pa-misteryosa ang imahe niya. Bukod pa sa napaka-class n'yang galaw. Sa bawat haplos niya sa pole. Naroong halos idikit niya ang kanyang buong alindog. Pagkuwan ay tumuwad siya habang nakabitin sa pole at maglambitin at kung ano-ano pa. Maya-maya ay nagsimula na ang bidding. Hindi niya akalain na siya talaga ang pag-aagawan ngayong gabi. Maya-maya ay nagsalita na ang kung sino sa mikropono. "Angela is the newest star of the night!" masayang wika ng kung sinong ponsiyo pilato sa mikropono. Nakaramdam siya ng kakaibang saya. Hindi yata at siya si Angela, ang nagningning ngayong gabi. Nagsimula na ang bidding. Hindi na niya pinansin ang mga sumunod pang pinagsasabi ng tagapagsalita ng club. Wala naman siyang pakialam. Ang hihintayin na lamang niya ay ang paglapit sa kanya ng highest bidder. Lalapitan siya ng mga ito at magkakaroon siya ng benipisyo na mamili sa tatlong highest bidder. Kung type niya ang highest bidder ay pabor sa kanya dahil malaking pera ang papasok sa account niya. At swerte ni Angela dahil siya ang makikinabang sa tatanggapin niyang pera. Kung sakaling hindi niya magustuhan ang tabas ng mukha ng highest bidder ay pwede siyang mamili pa sa pangalawa at pangatlong bidder. Exciting pala talaga ang club na pinasok niya. Hindi niya maipaliwanag pero napakasaya ng pakiramdam niya ngayon. Pinag-aagawan ba naman siya. Kaya naman napapangiti siya habang sumasayaw. Atleast bago ang mangyayaring delubyo sa buhay niya simula sa araw ng kasal niya ay may babaunin siyang masayang sandali ng kanyang buhay. Literal na baon ang maidadala niya. Dahil siguradong magkakaroon siya ng pinakamamahal na anak. Sigurado iyon dahil si Angela mismo ang nagkumpirma na walang pangit na members ang club. Puro gwapo raw. Karamihan pa nga raw ay half Filipino at half foreigner ang member. Kaya naman sigurado na ang kanyang tagumpay! Sisiguraduhin niya na mabubuntis siya! "L*n*ek lang ang walang ganti sa pang-aagaw mo ng lahat ng sa akin, Rodrigo!" galit niyang wika sa isip. Sa hindi kalayuan naman ay nakatanaw ang magkaibigan na sina Ygo at Dylan. Katulad ng ibang miyembro ay naiintriga rin sila kay Angela. Iba din ang trip nito. Nagsuot pa ng maskara. "Ano, Pare, type mo ba?" nakangisi na tanong ni Dylan kay Ygo. Pagkuwan ay tinungga ang kopita na may laman na alak. Nag-iinit na rin kasi ito sa pagtanaw pa lamang sa nakamaskarang babae. "Type ko ang katawan, pare. Kaso ang mukha kasi ay natatakpan," sagot niya. Napapalunok siya sa galaw ni Angela. Sino ba ang hindi? Halos lahat ng nakahilera ay ganoon ang nadarama. Perpektong hugis ng katawan ang nasa harapan nila. Bukod pa sa sumasabay ang katawan nito sa maharot na musika at totoong pinaiinit nito ang buong club. Walang epekto ang aircon sa mga manonood dahil halos lahat sila ay nakaramdam ng kakaibang init sa katawan. Lalo na sa parteng gitna nila. Nagsimula na ang bidding. "Ayos nga iyan, Pare," nakangising wika sa kanya ni Dylan. "Akmang-akma siya na regalo sa'yo, hindi ba? Kung baga sa regalo, talagang nakabalot pa siya. Kaya palagay ko itinakda talaga siyang regalo para sa iyo, Pare." "Ganoon ba?" "Oo naman! Bilib din nga talaga ako kay Angela, parang alam niya na reregaluhan kita kaya binalot niya ang mukha niya," natatawang sabi pa niya sa kaibigan. "Hindi naman kaya ako ang mabulaga sa itsura niya mamaya, Pare?" biro niya sa kaibigan. "Wala kang magiging problema sa mukha. Lahat ng mga babae rito ay garantisadong maganda," sagot ni Dylan sa kanya habang nakatingin rin sa babaeng nakamaskara. "Walang nakakapasok na pangit sa club na ito. Garantisadong hi-end ang mga babae rito. Hindi kita idadala rito kung mapapahiya ako sa'yo," sigurado sa sinasabi na wika nito sa kaibigan. Maging ito ay nag-iinit sa ipinakikitang galaw ni Angela mula pa kanina pero hindi para sa kanya ang gabing ito. Maliban na lamang kung hanggang sa huli ay tanggihan ni Ygo ang dalaga. Doon siguro siya papasok sa eksena. Hindi na niya namalayan na panay ang lagok niya ng alak sa kopita. Pagkuwan ay tiningnan niya ang monitor na nagpapakita ng lagay ng bidding. Pataas nang pataas ang mga mga offer. "Siya lang ang bukod tanging nakamaskara sa stage," pagkuwan ay komento ni Ygo at hindi inaalis ang tingin sa babae. "Baka matindi ang pangangailangan niyan, Pare," natatawang wika naman ni Dylan kay Ygo. "Kaya gumigimik," dagdag pa nito. "Ganoon ba? In fairness effective ang gimik niya," sabi niya kay Dylan dahil talagang napalunok na siya ng kung ilang beses magmula pa lamang nang magsimula na sumayaw sa stage ang babae. Kung oobserbahan niya ang dalaga ay malakas ang hatak nito sa mga manonood. Malakas ang s*x appeal, sabi nga ng iba. Hindi nga rin siya makapaniwala at pati siya ay naaakit nito gayong napakarami na niyang nakitang babae na walang saplot sa katawan. Hindi na bago sa kanya ang makakita ng hubad na katawan. Ano'ng mayroon sa Angela na ito at tila pinatatambol rin nito ang puso niya gayong hindi naman niya nakikita ang itsura nito. Iginala niya ang paningin sa mga nag-offer ng presyo. Halos kalahating porsyento ng mga myembro ay sumali sa bid. Isang minuto na lamang at matatapos na ang bidding. Pinag-iisipan pa rin niya kung sasali siya sa bidding. "So, ano na, Pare?" untag sa kanya ni Dylan habang iniikot-ikot ang kinauupuan na swivel chair. "Malapit ng matapos ang bidding, oh. Ayaw mo ba talaga?" Muli ay nagsalita ang Bid announcer. "Ano na po mga bidders participant? Wala na bang tataas sa presyo ni Mr. Velasco? Siya ang highest bidder natin," sabi nito at pagkatapos ay iginala ang paningin sa paligid. Tatlumpung segundo na lamang at si Mr. Velasco na ang highest. Bibilang na'ko. In ten, nine, eight, seven, six, five, four," napahinto ito nang may tumaas pa sa in-offer ni Mr. Velasco. "So, may biglang humabol," wika nito habang ang mga mata ay nakatutok sa screen. Tuloy-tuloy ang galaw ng mga numero. Nagsitaasan pa hanggang naging pangatlo na lamang si Mr. Velasco sa pinakamataas. "Wow!" hindi makapaniwalang wika ng announcer. "Nangunguna na po si Mr. De Gracia. Pangalawa si Mr. Cimmaro at nasa ikatlong pwesto naman si Mr. Velasco. So, wala na po bang hahabol?" tanong nito sa lahat. Kung wala na po ay bibilang na po ako ulit ha. Five, four, three." Huminto ang announcer dahil muling gumalaw ang numero sa screen. Halos ang lahat ay sa screen muli nakatutok. At sa huli ay hindi umalis sa pwesto ang tatlong nangunguna kanina. "Well, well, well, matindi po ang ating labanan ngayong gabi, dear members. Nanatili pa rin sa itaas ang ating unang tatlong high bidders. Kaibahan nga lamang ngayon ay nagpalit po ng pwesto si Mr. Cimmaro at Mr. De Gracia habang nanatili naman sa ikatlong pwesto si Mr. Velasco. Sa huling tatlong segundo po ay muli akong bibilang kung may gusto pa po na humabol sa ating top three. Muli, three, two, one!" Nag-ring na ang bell. Hudyat ito na tapos na ang bidding. "Congratulations po sa ating high bidders. Maaari na kayong lumapit kay Angela." Nagpalakpakan na ang lahat. "Oh, Pare, good luck! Heto na ang susi," wika ni Dylan sabay abot kay Ygo ng susi ng kanyang unit. Itinulak na niya ang kaibigan. "Sana ikaw pa rin ang piliin ni Angela. At kung ikaw nga ang mapili ay i-enjoy mo ang regalo ko sa iyo ha," pahabol pa na wika niya sa kaibigan habang nakangisi rito. Bumaba na si Ygo. Hindi niya alam kung bakit habang papalapit siya sa babae ay mas lalong bumibilis ang pintig ng puso niya. Kasalukuyan na ito ngayon na nakaupo sa isang upuan na sadyang ginawa para sa star of the night. Mistula itong reyna ngayon. Kung kanina ay ang mga miyembro ng club ang nasa taas. Ngayon naman ay animo alipin sila ng nakamaskarang babae. Silang tatlong bidder na bagamat pare-parehong may mga itsura ay nakatingala ngayon sa dalaga na tila sumasamba sa kariktan nito. Samantala ay nag-uumapaw ang kaligayahan sa puso ni Alex. Sobrang saya ang pakiramdam niya dahil nagmukha siyang espesyal. Halos sambahin siya ng lahat dahil pinag-aagawan siya ng mga lalaki. Tawagin na siya ng iba na ma*an*i dahil tuwang-tuwa siya na binigyan siya ng atensyon ng mga lalaki at wala siyang pakialam. Sa matagal na panahon ay nagmistula siyang basahan na dinadaan-daanan lamang dahil magmula ng dumating si Rodrigo sa buhay nila ay wala ng pakialam sa kanya ang kanyang Papa. Pagkatapos ay maaalala lang kapag gagamitin na pampunas sa dumi sa paa dahil pakiramdam niya ay isang dumi si Rodrigo na ipupunas sa kanya tatlong araw mula ngayon. Hindi niya namalayan na umagos ang luha sa pisngi niya. Hindi siya dapat lumuha pero hindi niya mapigilan. Salamat na lamang at nakasuot siya ng maskara kaya walang makakakita ng pagluha niya. Iisipin siguro ng iba na masyado siyang madrama kapag nalaman nila na ganoon ang pakiramdam niya. Pero ano nga ba ang magagawa niya kung iyon ang mismong nararamdaman niya? Naibibigay man ng kanyang Papa ang lahat ng luho niya ay palagi niyang nararamdaman na may kulang. Hinahanap niya ang dati na aruga nito na hindi na naibalik pa sa kabila ng pag-alis ni Rodrigo sa tahanan nila. Umalis man ito ng mansyon at lumayo ay hindi ito binitawan ng kanyang Papa. Palagi pa rin itong paksa sa mansiyon. Pinupuri dahil sa mga achievements nito habang siya ay kulelat. Kaya naman ngayon na halos nasa kanya ang atensyon ng lahat ay wala naman sigurong masama kung i-enjoy niya. After all, tatlong araw na lamang at ikakasal na siya sa walang kwentang si Rodrigo. Ikiniling niya ang ulo upang alisin sa isip ang mga hugot niya sa buhay. Papalapit na ang tatlong prinsipe ng buhay niya. At OMG! Pare-parehong gwapo at maskulado ang mga ito. Pare-pareho rin halos ng taas. Ngunit ang talagang kumuha ng atensiyon niya ay ang nakasuot lamang ng simpleng polo shirt. Nang magtama ang kanilang mga mata ay lumakas ang kabog ng dibdib niya. Sa isang iglap ay pumasok sa alaala niya ang sinabi sa kanya ng isang classmate nila ni Mika na si Betina na kasalukuyan ng mayroon sariling pamilya at masaya sa takbo ng buhay ngayon. Four years ago : "Paano mo ba malalaman na siya na ang the one mo?" natatandaan niyang curious na tanong ni Mika sa classmate nila na si Betina. "Biglang kakabog ang puso mo. Iyon bang dinig mo ang pagtibok nito. Tapos kapag nagdidikit ang balat niyo palaging may kuryente." "Sus! Totoo ba iyan, Betina?" singit niya sa hindi naniniwalang tinig. "Sa pagkakaalam ko naramdaman ko na ang ganyan na pakiramdam na sinasabi mo eh. Madalas pa nga eh." "Teka, kanino?"interesadong tanong nito. Parang biglang nabuhayan ng dugo na tanong nito. "Hindi kanino ang tanong kung hindi saan?" "So, saan mo naramdaman?" "Edi sa mga thesis natin. Kapag hindi ko naipapasa! Hindi nga ba at nakakakaba iyon? Ibig bang sabihin noon ay in-love ako sa thesis ko dahil pinapakaba ako?" "*aga ka talaga noh? Seryoso ang usapan natin. Tapos bigla kang nagjo-joke!" "Hindi ako nagjo-joke! Totoo ang sinasabi ko," giit niya. "Pero balik tayo sa usapan. Iyon mismo ang naramdaman ko kay Drake. Spark at mabilis na t***k ng puso nang unang kita ko sa kanya." "Bakit ako hindi ko naramdaman kay Prince iyang sinasabi mo na iyan?" tanong naman muli ni Mika kay Betina. Matagal na rin kasi na kasintahan nito si Prince. Alam ng lahat na classmate nila noon kung gaano niya kamahal si Prince. "Ibig sabihin ay hindi siya ang para sa'yo," diretsahang wika ni Betina kay Mika. "Teka, ano'ng hindi para sa akin? Eh siya na nga ang gusto kong makasama habang buhay. Mahal ko siya eh." "Nakakasiguro ka ba na mahal ka talaga niya?" "Ay, grabe ayoko ng makinig sa'yo," naiinis na wika ni Mika kay Betina. Tinakpan ni Mika ang magkabilang tainga. Hindi nito matatanggap ang sinabi ni Betina. Ngunit makalipas lamang ang tatlong araw ay napatunayan nito ang sinabi ni Betina. Hindi ito laan kay Prince dahil niloko siya nito. Present : Paano ba niyang masasabi na baka nakatakda sila ng isa sa bidder at kasalukuyan na nagpapakabog ng sobra sa puso niya kung nakatakda na siyang ikasal? Hindi siguro totoo ang sinasabi ni Betina. Hindi bale, pagsasawain na lamang niya ang mata sa gwapong bidder. Bumagay sa katawan nito ang suot na polo. Nanggaling ito sa gawing kanan. Kakaiba ang dating ng aura nito. Sa palagay niya ay purong Pinoy ito. Samantalang ang dalawa pa ay halatang may dugo ng banyaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD