Chapter 5

1152 Words
"Hello, good afternoon po, Miss Alex at Miss Mika," nakangiting wika sa kanila ng designer na may hawak na malaking bag sa kanang kamay. Pamilyar ito sa kanya. May boutique ito sa bayan at malapit ang pwesto nito sa palengke. Nakaramdam na naman s'ya ng awa sa sarili. Akala pa naman niya ay bigatin na designer ang kinuha ng kanyang Papa. Bumangon na naman ang inis niya sa mga nangyayari sa kanya.  "Ahmmm… Ako nga po pala si Percy," pakilala nito sa sarili. Inilahad pa nito ang palad sa kanya ngunit hindi niya pinansin. Napilitan na lamang nitong ibaba ang palad nang wala isa man sa kanila ni Mika ang nag-react o umabot ng palad nito. Sabagay kakilala na rin naman nito sa mukha at pangalan ang dalawang dalaga dahil madalas nitong makita dati ang dalawa sa bayan. Iba nga lamang sana iyong makilala nito ng pormal Ang mga dalaga. "Ahmmm, heto nga po pala ang brochure na pwede po ninyo na pagpilian sa design na gusto n'yo po sa wedding niyo," magalang na wika na lamang ng designer habang binubuksan ang zipper ng bag at kinukuha ang tinutukoy nitong brochure. Nang makita ito ay agad na iniabot kay Alex. Kilala na kasi nito si Alex dahil sikat ang pamilya Salvador sa lugar nila. "Ahmmm.. oo nga pala," tugon ni Alex dito at kinuha ang brochure na iniaabot nito sa kanya. "Maupo ka," pormal na paanyaya ni Alex dito. "Pili ka lang ng maibigan mo'ng design diyan, Miss Alex," nakangiting wika nito sa kanya. Pinagmasdan nito ang korte ng katawan niya habang busy siya na nagtitingin sa brochure. Sa tantya nito ay halos lahat ng wedding gown na tinahi niya ay magpi-fit dito. Maganda kasi ang hubog ng katawan nito. "Palagay ko ay hindi na po tayo magkakaroon ng adjustment sa wedding gown niyo," wika nito sa kanya.  "Ganoon ba?" matipid niyang sagot at bahagyang nginitian lamang niya ito. Siguradong wala itong ideya na hindi naman talaga niya gusto ang magaganap na kasalan. Pagkuwan ay tiningnan niya si Mika sa tabi niya na nagkunwari na busy sa pagsipat sa hawak niyang brochure na tinitingnan niya. Pinili nitong manahimik kaysa magbigay ng opinyon. "Opo, Miss Alex, siguradong mamumukadkad ang kagandahan niyo sa mga likha ko," pagmamalaki pa nito sa kanya. Nginitian lamang niya ito bilang tugon sa sinabi nito. Alam na niyang maganda siya. Pero ano'ng sense ng ganda niya kung ang kasama niyang lalakad sa dambana ay isang tikbalang? Nagngingitngit ang kalooban niya kapag naaalala niya si Rodrigo. "Napakaswerte naman ng mapapangasawa niyo, Miss Mika," dagdag pa nito. "Talagang swerte siya!" hindi niya namalayan na naging sarkastiko ang tinig niya sa pagkasabi niyon. Kaya nakakunot ang noo na tumingin ito sa dalaga. Pagsiko ni Mika ang nagpaalala sa kanya ng inasal niya. "Ahmm… talagang swerte siya sa akin," ulit niya sa mahinahon na tinig. "Syempre, maganda ako, hindi ba?" mayabang niyang wika rito. "Oo naman, Miss Alex" sang-ayon nito sa kanya. Hindi nito maintindihan ang inaasta nito maliban na lamang talaga kung totoo ang tsismis sa bayan. Sa lahat kasi ng nabigyan niya ng serbisyo sa kanilang lugar ay ito pa lamang si Alexandria Salvador ang nakita niya na tila hindi masaya. Sa bagay ay baka totoo nga ang bulong-bulungan na biglaan lang na kasalan ang magaganap. Ayon sa naririnig niya ay sapilitan na ipinapakasal ni Don Amado Salvador ang kanyang nag-iisang anak sa batang kinupkop nito noon. Natatandaan din niya ang batang iyon. Matanda siguro siya roon ng limang taon. Matagal ng naninirahan sa Amerika ang batang iyon at hindi na umuwi ni minsan man. Ano na nga kaya ang itsura nito ngayon? Maging siya ay napapaisip.  "Precy, ito na lamang," wika niya sa designer habang itinuturo niya rito ang natipuhan na gown. "Ah, ito po ba? Oo nga po, maganda ito, Madam. Bagay talaga ito sa inyo." "Ikaw po, Miss Mika? May napili na po kayong isusuot?" baling nito sa kaibigan niyang si Mika. Kilala na rin kasi nito si Mika.  "Oo, Precy, iyong nasa page 34 ang akin," sagot naman nito.  "Ah, okay," wika ni Precy at inilipat sa page 34 ang pahina. Nang makita iyon ay natuwa ito. "Maganda ito, Miss Mika, siguradong lulutang ang ganda mo kapag sinuot mo ito." "Oo na, inulit mo lang naman iyong sinabi mo kay Alex," halos bulong na wika ni Mika. "Ano po, iyon, Miss Mika? Hindi ko po kasi masyadong narinig." "Ahmmm, wala, sabi ko naniniwala naman kami sa'yo. Kaya nga ikaw ang napili ni Don Amado na designer kasi nga maganda talaga ang mga likha mo," kunwari ay puri na lamang ni Mika. "Diyan naman ako nakakasiguro, Miss Mika," mababakas ang pagmamalaki sa boses ni Precy. "Wala pa'ng nagsabi sa akin na hindi sila nagandahan sa mga likha ko." Nagsimula na ito sa pagtaas sa sarili. Nagkakatinginan na lamang sila ni Alex sa mga pabida nito. Mabuti na lamang at dumating si Yaya Miling na may dala-dala na meryenda. Doon pa lamang natigil ang bibig ni Percy. Pagkatapos nitong magmeryenda ay sinukatan na sila nito. Nang matapos silang sukatan ay nagpaalam na ito na magtutungo sa bahay ng anak ng mga trabahador nila na kasama sa magiging abay. Naiwan sila ni Mika sa sala pero nagpasya silang sa kwarto na lamang sila mag-usap.  "So, ano ang totoo mo'ng plano ngayon?" nakapamaywang na wika sa kanya ni Mika pagkasara pa lamang ng pinto ng kwarto niya. Siya naman ay humilata sa kama na tila hapong-hapo. "Iyon na nga, si Raily na lamang ang pag-asa ko," sagot niya at pagkuwan ay nilapitan siya ni Mika naupo ito sa gilid ng kanyang kama. "Alam mo, Best, this time hindi ko talaga alam kung papaboran ko ang trip mo," wika nito pagkuwan ay tiningnan nito ang mga kuko na marahil ay bagong manicure. "Hindi ko ito trip, Mika. Seryoso ako," may bahid ng inis na wika niya sa kaibigan. Hindi naman pinansin ni Mika ang inis niya. Sa kabilang banda ay naiintindihan siya nito. Alam nito na hindi ito ang oras para kontrahin niya ang kaibigan. "Isa pa ay sinabihan niya ako kagabi na mahal niya ako," dagdag pa niya. "Eh kung ganoon. Kailan mo ba talaga balak na ibigay ang perlas kay Raily?"  "Bukas na siguro," walang gatol niyang wika sa kaibigan. "Huwag mo ng tangkain na kontrahin ang sinasabi ko dahil malapit na ako'ng masakal." Sa halip na makasal ang tamang salita na dapat sabihin niya ay masakal ang sinambit niya. Dahil totoo naman. Talaga naman na masasakal na siya kay Rodrigo. Siguradong delubyo sa buhay niya ang mangyayari kapag naikasal na sila. "Sino ba kasing nagsabi na kumokontra ako?" eksaheradang wika nito sa kanya. "Kaya nga nandito ako, oh! Para tulungan ka sa kabaliwan mo!" "Hindi pa ako, baliw, malapit pa lang!" "Oh, siya, dapat planuhin na natin ang gagawin mo, bukas. Kung talagang hindi ka na magpapapigil," wika na lamang ni Mika sa kanya. Sinimulan na nila ang plano.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD