Chapter 6

1161 Words
"Aayain natin si Raily na mag-disco bukas ng gabi. Pagkatapos ay sasama tayo sa place niya," seryosong wika ni Alex kay Mika. "Doon ay ipagkakaloob mo na instantly ang virginity mo?" tanong pa rin ni Mika kahit obviously ay iyon ang plano nila. "Oo, ano pa nga ba?" "What if, hindi ka nabuntis?"  Nagkibit lamang siya ng balikat at sinabing, "Okay lang, atleast hindi ang pangit na si Rodrigo ang nakakuha ng virginity ko noh." "Okay, sige. Ganoon na lang, mukhang hindi ka na rin kasi mapipigilan." Ipinasya na nilang tawagan si Raily. Swerte naman na pumayag ito. In fact ay tuwang-tuwa ito kaya naman naghanap na sila ng maisusuot niya sa cabinet niya. Inilabas niya pinaka-daring na cocktail dress niya para sa disco pa lamang ay mapainit na niya ito.  Araw na ng kasal ni Alex at Rodrigo. Masaya ang lahat ng tao sa paligid niya. Hindi niya inaasahan na lulutang ang ganda niya sa napakagandang wedding gown. Masayang lumapit sa kanya ang best friend niyang si Mika.  "Congratulation, Best," nakangiting wika nito sa kanya. Nagbeso-beso sila at pagkuwan ay hinalikan siya nito sa pisngi niya. Maging ito ay lumutang din ang kagandahan sa suot nitong puting-puti na gown. Niyakap siya nito. "Salamat, Best," lumuluhang wika niya sa kaibigan. Hindi niya alam kung para saan ang pagluha niya basta tumulo na lamang. "Oooppps… umiiyak ka ba, Best? Itigil mo iyan, g*g*!" suway nito sa kanya. "Masisira ang make up mo!" dagdag pa nito. "Hindi ko lang mapigilan, Best." "Pwes, pigilan mo!" Umalis ito sa pagkakayakap sa kanya at pagkuwan ay hinarap siya nito. "Ano ba naman iyan?!" "Girl, ayusin mo nga ulit ang make up nitong baklang ito!" utos ni Mika sa make-up artist pero hindi naman makapaghintay. Aligaga nitong kinuha ang foundation sa tokador. Mabilis na inayos nito ang make up niya. Nag-utos ito pero ito rin mismo ang gumawa. Nakatingin na lamang sa kanila ang make up artist. Marahil ay nahihiya. "Ano ba kasing dahilan at iiyak-iyak ka pa riyan!" reklamo nito sa kanya habang nire-repair ang make up niya. Binistahan nitong muli ang mukha niya at sinuri kung okay na. Nang ma-satisfied ito ay nginitian na siya. "Hayan, okay na," wika nito. Muli ay niyakap niya ang matalik na kaibigan. Takang-taka naman si Mika sa kanya. "Ano ba talaga ang nangyayari sa'yo?" tanong nito sa kanya.  "Wala, masaya lamang ako, Best." Habang yakap-yakap si Mika ay nakita naman niya na pumasok ng pintuan ang kanyang Papa. Napakagwapo nito at larawan ito ng kakisigan. Nakangiti ito sa kanya habang papalapit na. Nakasuot ito ng barong tagalog. Umalis na siya mula sa pagkakayakap kay Mika. Nagpaalam na rin ito sa kanya na mauuna ng bumaba. Tinanguan na lamang niya ito. "Napakaganda mo, Iha," puno ng pagmamahal na nakatingin sa kanya ang kanyang Papa. "Salamat po, Papa," matipid niyang sagot dito. "Ready ka na, Iha?" tanong nito sa kanya.  "Opo, Papa," matipid na wika niya.  "Kung ganoon ay tayo ng bumaba." Ini-offer nito sa kanya ang braso at malugod naman na tinanggap niya. Pagbaba nila ay nasa harapan na ng mansiyon nila ang munting karwahe na sasakyan. Napuno ng kasiyahan ang puso niya. Hindi niya inaasahan na ganoon kaganda ang sasakyan niya. Magmumukha siyang prinsesa sa harap ng lahat. Napatingin siya sa kanyang Papa. Tila naman naintindihan ng kanyang Papa ang ibig niyang sabihin. "Sakay ka na, Iha," inalalayan nito siya na makasakay. "Salamat po, Papa," wika niya nang makasakay na." "Walang anuman, Iha." Pagkuwan ay hinawakan nito ang palad niya. "Sige na, umalis na kayo, susunod ako. Hinihintay ka na ni Rodrigo." "Opo, Papa," malungkot na wika niya rito. At pagkuwan ay sinabihan na niya ang kutsero na umalis na sila. Nang makarating sa simbahan ay marami ang excited na naghihintay sa pagdating niya. Dinatnan niya ang kanyang Papa na nandoon na sa harapan at hinihintay ang pagdating niya. Paglabas niya ng karwahe ay inalalayan siya nito at pagkatapos ay nagpalakpakan ang lahat.  "Tara na, Iha?" tanong ng kanyang Papa. "Opo, Papa," kumapit siya sa braso nito at sa ilang segundo lamang ay naisaayos na ang mga magmamartsa na katulad ng mga abay at ninang. Nagsimula na ang wedding entourage. Nasa ayos ang lahat. Nang pumasok siya sa simbahan ay masayang nakatingin ang lahat sa kanya. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng simbahan. Napakaraming bulaklak ang nakapaligid sa simbahan. Napakaganda ng ayos. Kaya galak na galak ang nadarama niya. Ang groom niya ay nakangiti sa kanya pagpasok pa lamang niya. Napakagwapo nito sa suot nitong tuxedo. Pakiramdam niya ay ito na ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay niya. Nang nasa harapan na niya ang groom ay masuyo nitong kinuha ang kanyang kamay sa kanyang Papa. "Let's go, Alex?" wika ng baritonong boses nito. Napakaganda sa pandinig. Isang napakatamis na ngiti naman ang pinakawalan niya at nagtungo na sila sa harap ng pari. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng pari, nakatingin lamang siya rito. Basta masaya siya. Iyon lang. Ang huling tanong lamang ang inaabangan niya sa pari. "Ikaw, babae, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong kabiyak sa hirap man o ginhawa habang buhay?" tanong sa kanya ng pari. "Opo, father," nakangiting wika niya pagkatapos ay tumingin siya sa napakagwapo niyang groom. "Ikaw, lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng ito bilang iyong kabiyak sa hirap man o sa ginhawa habang buhay?" baling naman ng pari sa kanyang groom. "Opo, father," tiningnan rin siya ng gwapo niyang groom nang buong pagmamahal. Napakasarap ng kanyang pakiramdam. Wala na talaga siyang mahihiling pa. Hindi niya akalain na magiging masaya ang kasal niya. "Kung ganoon, maaari mo ng halikan ang iyong kabiyak," wika ng pari sa kanyang napakagwapong groom. Itinaas na nito ang belo niya at nag-angat na siya ng paningin bilang paghahanda sa napakatamis na halik na hinihintay niya. Ngunit pag-angat ng tingin niya, "Haaaaaaahhhhhhhhhhhhggggg! Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii," gimbal siya sa itsura ng lalaking nakatakdang halikan siya. Napakapangit ang humarap na lalaki sa kanya. Marahas na tumingin siya sa mga tao sa loob ng simbahan na ang mga itsura ay pawang nakangisi sa kanya na tila ba natutuwa sa nangyayari sa kanya. "Hindi! Hindi ito totoo!" Nagsimula na siyang humagulgul. "Hindi ito totoo!" Ibinalik niya ang paningin sa kanyang groom at walang naging pagbabago. Isang pangit na lalaki ang muli niyang nakita at tulad ng taong nakapaligid sa kanya ay nakangising nakatingin ito sa kanya. Hilam na sa luha ang napakagandang mukha niya. Ang mascara sa kanyang mata ay humalo na sa luha. Mistula na siyang isang white lady at hindi isang bride. Nagtatakbo siya habang humahagulgul. Nadapa ngunit bumangon at muling nagtatakbo. Walang alam na konkretong patutungunhan. Takbo! Sige lang… hanggang may, "Pitt! Piiiipit! dinig niyang busina ng isang sasakyan ngunit huli na ang lahat.  "Ahhhhhhhhggggg!" hinihingal na bumangon siya sa kanyang hinihigaan. Tumatagaktak ng pawis ang mukha niya na tila ba ay pagod na pagod dahil sa labis na pagtakbo. Dali-dali niyang tiningnan ang buong katawan niya. Buhay siya! Panaginip lang! Panaginip lang! Napahawak siya sa kanyang dibdib.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD