Chapter 7

2258 Words
Alex Tiningnan niya ang alarm clock na nakapatong sa lamesita na nasa gilid ng kanyang higaan. Alas tres pa lamang pala ng madaling araw. Ipinasya niyang bumaba para uminom sa kusina. Isinuot niya ang pulang roba na nakasabit sa upuan na nasa harap ng tokador niya. Nakasuot lamang kasi siya ng manipis na nighties. Binuksan na niya ang pinto. Nakapatay ang halos lahat ng ilaw maliban sa terrace at harap ng mansyon. Ginamit na lamang niya ang flash light para makita ang dinaraanan.  Bumaba na siya ng hagdanan. Grabe ang panaginip niya na iyon. Patong-patong na kamalasan. Namatay pa yata siya sa huli. Napaisip tuloy siya kung may masamang ibig sabihin ba ang panaginip niyang iyon. Sabagay bakit pa ba niya itatanong iyon sa sarili? Malamang na ang ibig sabihin ng panaginip niyang iyon ay ang kasal niya. Bangungot ang araw ng kasal niya. Binuksan niya ang refrigerator at kinuha ang isang pitsel na may laman na tubig. Kumuha na rin siya ng baso sa istante at inilapag sa mesa. Nilagyan niya ang baso ng malamig na tubig mula sa pitsel at agad na tinungga iyon. Tila naibsan ang pamamawis niya. Naglagay siya ulit ng tubig sa baso at tinungga. Medyo bumuti na ang pakiramdam n'ya. Napasandal siya sa lababo at mariin na napapikit.  Ipinasya na niyang muling pumanhik sa kwarto niya. Sinikap niyang kunin muli ang tulog at swerte naman na nakatulog siyang muli. Pag-ring ng cellphone ang nagpagising sa kanya. Kinapa niyang ang cellphone na nasa unan niya. Nang makita niya caller screen ay nawala ang antok niya. Si Raily ang tumatawag. Bumangon siya at sinagot ang tawag. "Hello, Honey," agad na wika nito sa kabilang linya. "Hi, good morning, Honey," sagot niya sa malambing na tono. "Mamaya ha, don't forget," paalala niya rito. "Actually, ang tungkol nga sa bagay na iyan ang itinawag ko, Honey…" "Bakit, may problem ba?"  "Ano, kasi, biglaan lang ang guesting ko sa Cebu…" "Ah, okay," iyon lang naman pala. Nagpaalam ito sa kanya bilang isang girlfriend nito. Nang ma-realize niya ang ibig nitong sabihin. "Cebu?! Ang layo noon ha!" napalakas ang boses niya. "Sorry, I mean lang is malayo iyon, Hon.." "Oo nga eh… Bale hindi muna tayo matutuloy mamaya…" "Hah?!" nagpanik na siya. Paano na ang plano niya kung pupunta ito ng Cebu? "Babalik din naman ako agad." "Kailan?"  "Five days ako roon," sa halip ay sagot nito. "Five days?!" "Oo. Teka, may problema ba tayo?!" hindi na itinago ni Raily ang pagkairita sa boses. Kanina pa kasi niya nahihimigan sa dalaga na parang ayaw nito na pumunta siya ng Cebu. Hindi naman pwede ang gusto nito at hindi niya pwedeng palampasin lahat ng oportunidad na darating sa kanya. Pasikat na siya. Kahit na maganda ang dalaga at type niya ay wala itong karapatan na pigilan ang anuman na gagawin niya. Mabuti nga at sinabi pa niya rito ang gagawin. Kung ngayon pa lamang ay magiging hadlang na ito sa pangarap niya ay mabuti pa siguro na iwasan na lamang niya ito. Hindi lamang naman ito ang babae sa mundo. Marami kayang nagkakandarapa na kababaihan sa kanya ngayon. Napaurong naman bigla ang dila ni Alex nang hantaran na iparinig sa kanya ni Raily ang pagkairita sa kanya. Nakagat niya ang kanyang labi. "Sorry, nabigla lamang ako. Excited lamang kasi ako na makita kang muli…" "Ah, okay," wika ni Raily sa dalaga. Maganda naman pala ang rason nito. "Iba talaga ang sikat at gwapo," sa loob-loob niyang wika. "Pupuntahan na lamang kita agad kapag nakabalik na ako," pakonswelong wika niya sa dalaga. "Okay," sagot na lamang niya rito. Wala na siyang chance sa binata. Isang linggo na lamang bago ang kasal. Nakaramdam siya ng panghihina. Wala sa loob na ini-end niya ang tawag. Napakunot naman ang noo ni Raily sa bigla na pagpatay ni Alex sa call. Napakibit na lamang siya ng balikat. Kung pinatay nito ang tawag ay ayos lamang sa kanya. Wala ng dahilan para muli pa niya itong tawagan. "Ano na ang gagawin ko?" kausap niya sa sarili. Tumingin siya sa kanyang cellphone. Pagkuwan ay nasabunot niya ang sarili. "Grrrrrrr! P*steng buhay `to!" naiinis na himutok niya. Kapag minamalas ka nga naman. Sunod-sunod pa. Ipinasya na lamang niyang tawagan si Mika. "Hello, Best," wika ni Mika sa kabilang linya. Kasalukuyan itong nasa garden at inaayos ang ginagawang resume sa kanyang laptop habang umiinom ng kape. "Wala ng pag-asa…" halos maluha-luha niyang wika sa kaibigan na si Mika. "Wait, ano'ng wala ng pag-asa ang pinagsasasabi mo?" "Si Raily, pupunta ng Cebu mamaya. Five days siya roon." "What?!" "Wala na, patay na ang plano…" "Ganoon ba?" malungkot naman na wika sa kanya ni Mika. "Condolence," dagdag pa nito.  Nang marinig ang sinabi ni Mika ay tuluyan na siyang napahagulgul. "Ano nang gagawin ko, Best?" humihikbing wika niya sa kaibigan. Mika "Alam mo, Best… Accept mo na lang ang destiny mo," payo niya sa kaibigan na si Alex. Nalulungkot man sa sinapit ng kaibigan ay wala naman siyang magagawa.  "Wala ka na ba'ng naiisip na ibang paraan?" tanong nito. "Kung sa pagpapabuntis mo ang sinasabi mo ay wala na ako'ng alam. Sa totoo lang ay hindi naman kasi ako agree sa plano mo. Baka kaya nangyari ang ganitong umalis si Raily ay dahil sa mali ang balak mo'ng gawin at baka pagsisihan mo lang," wika niya kay Alex dahil alam niyang mali talaga ang balak nitong gawin.  Patlang ay katahimikan mula kay Alex. Hindi na ito nakasagot kay Mika. Nakagat na lamang ni Mika ang sariling labi. Ayaw sana niyang magkakagalit sila ng kaibigan hangga't maaari. "Sige na nga, mag-iisip pa ako ng ibang solusyon sa problem mo," wika muli niya kay Alex dahil sa huli ay hindi pa rin niya matiis ang kaibigan. Nakikinita kasi niya ang itsura ng kaibigan sakaling magkaharap sila. Maganda ito pero kapag ganito na may problem ito ay para itong basang sisiw. Nakakaawa ang mukha. "Oh, siya. Mamaya na lamang," muli ay wika niya kay Alex. Naririnig na naman kasi niya ang pagpasok ng ilang sasakyan sa bakuran nila. Dumating na naman ang barkada ng kuya niya. Pinagbuksan na siguro ni Ditas, isa sa kasambahay nila. Mabuti pa na magkulong na lamang siya sa kwarto. Boys talk na naman sigurado ang pag-uusapan ng mga ito. Minsan na kasi niyang narinig ang kwentuhan ng mga ito. Puro kabastusan. Kahit na liberated siya ay nababastusan siya sa kwentuhan ng mga ito pagdating sa mga kalahi niya. "Umisip ka rin ng paraan. Tapos pag-usapan na lang ulit natin." "Sige, pero dapat matapos na natin agad ang next plan natin, Best. Gagahulin na kasi tayo sa oras," nag-aalalang wika nito. "Sige, bye na!" Umakyat na siya. Nakasalubong niya ang Kuya Mike niya na pababa na sa hagdanan. "Hello, Mika, nagmamadali ka yata?" "Nandiyan na naman kasi ang mga barkada mo," pairap niyang wika rito. "Hindi ka na nasanay," natatawang wika nito at nagtuloy-tuloy na sa pagbaba ng hagdanan.  Naisara na niya ang pintuan nang maalala ang laptop niya sa garden. One, two, three seconds ay napilitan siyang bumaba upang kunin ang kanyang laptop. Hindi niya pa niya naipasa ang resume sa company na gusto niya na aplayan kung sakali. Tuloy-tuloy sana siya sa garden nang maulinigan niya ang pagtatawanan na naman ng barkada ng Kuya niya. Huminto siya sa gilid na natatabingan ng halaman. Sa kung ano'ng dahilan ay bigla siyang naging enteresado sa pinag-uusapan ng mga ito nang mahagip ng tenga niya ang Wall flower club na dati pa niyang naririnig sa mga ito. Mga mayayaman daw ang mga members ng naturang club plus mga gwapo halos. Naintriga siya bigla.  "Ano na, pare? Kailan kayo magpapa-member sa club?" dinig niyang tanong ni Adrian. Kabisado niya ang boses ng mga barkada ng kuya niya. Kaya alam na niya kung sino sa mga ito ang nagsasalita. "Open sila ngayon for membership," dagdag pa nito. "Napakamahal naman kasi ng membership diyan, pare…" sagot naman ni Emmanuel. "Sulit naman kasi ang membership, pare. Ako nga kaka-renew ko lang ng membership ko. Maganda roon. Safety is the best policy talaga. Kesa nagpupunta kayo sa nagkalat na club diyan na kung sino-sinong babae lang ang kinukuha. I suggest doon na kayo sa safe." "Hindi pwede si Emmanuel diyan, pare," singit naman ni Kuya Mike niya habang tumatawa ng nakakaloko. "Hindi nga ba at bawal ang pangit diyan?" "Ta*an*ado ka, pare," sagot ni Emmanuel sa sinabi ng Kuya Mike niya. "Hindi ako pangit." Lihim siyang natawa sa usapan ng magbabarkada. "Oo nga naman, pare, hindi naman pangit si Emmanuel, grabe ka, exotic lang," nagtawanan naman ang lahat sa tinuran ni Darwin. "Taran**do kayong lahat. Hindi ako mapapabilang sa grupong ito kung hindi tayo pare-pareho ng itsura!"  "Pero, seryosong usapan, mga pare… Magpa-member na kayo," wika muli ni Adrian. "Bakit ba pilit mo kaming sinasali diyan, pare?" tanong ng Kuya Mike niya. "May recruiters fee ba iyan?"  "Syempre wala! Grabe kayo. Marami ako'ng pera para pag-interesan ko ang recruiters fee. Hindi ako mapapabilang doon kung poor ako!" mayabang na wika nito sa mga kasama. "Gusto ko lang na makasama ko kayo na mag-happy-happy sa club. Doon nakakasiguro kayong safe ang mga alaga niyo dahil sa policy nila. Hindi makakapasok ang mga may aids at HIV plus hi-end ang mga babae roon. Hindi basta-basta. Plus legit. Walang raid. Tapos malapit pa rito sa atin. Hindi niyo na kailangan na lumabas ng probinsya," mahabang pahayag ni Adrian sa lahat. "Pag-isipan namin, pare," wika ni Emmanuel. "Bilisan niyo lang, mga pare. Limited lang ang slot na in-open nila ngayon. May mga pasabog kasi sila ngayon. May mga artistang members na sa club. Who knows kung isa sa mga pinapangarap niyo sa telebisyon ang nandoon na. Kesa ini-imagine niyo lang. Pwede naman na mahawakan niyo ng personal," dagdag pa ni Adrian na may bahid na malisya ang boses. At hindi siya inosente para hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Mulat na rin siya sa sinasabi nito. Nagkalat na ang porn movies at s*x scandals. Plus may experience na siya sa sinasabi nito. Naisip niya, grabe. May ganoon pala talagang club. Ano'ng ibig sabihin nito na may artista? It means jackpot-an kung sakali na mapatapat sa'yo ay artista? Nagulat pa siya nang biglang sumulpot sa harapan niya si Darwin. Nakangising tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Kanina ka pa riyan?" tanong nito sa kanya. "Hindi naman. Actually kadarating ko lang. Kukunin ko iyong laptop ko. Nakalimutan ko eh." "Ah," tila hindi kumbinsido na wika nito sa kanya. "Iyong laptop mo ba? Nasa upuan. Itinabi ng Kuya mo." "Sige, kukunin ko na." Iniwan na niya ito dumeretso na siya sa garden. Pagbungad pa lamang niya sa garden ay nakangising ngiti na ng mga barkada ng Kuya niya ang nakatingin sa kanya. "Hello, Mika," sabay-sabay na bati sa kanya ng barkada ng Kuya niya.  "Hi," kaswal lamang na bati niya. "Kuya, iyong laptop ko, kukunin ko," wika niya sa kanyang Kuya. Hindi na niya pinansin ang mga kaibigan nito. Inabot naman nito sa kanya ang kanyang laptop. Pagtalikod niya ay dinig pa niya ang sinabi ni Emmanuel at sinagot ng Kuya niya. "Pare, masungit talaga ang kapatid mo no? Sayang, maganda pa naman," komento ni Emmanuel. "Huwag niyong pansinin. Bawal ninyong tingnan ang kapatid ko. Galawin niyo na lahat huwag lang ang kapatid ko. Paalala lang," sagot ng Kuya niya. Iyon naman ang pinakagusto niya sa Kuya niya. Hindi nito hahayaan na kantiin siya ng mga barkada nito. Kahit kasi may mga itsura naman din talaga ang mga ito ay wala siyang type. Malapit na siya sa hagdanan nang makita na naman na pabalik na si Adrian sa garden. Naisipan niyang tawagin ito. "Adrian, narinig ko kanina ang pinag-uusapan niyo nila Kuya," kaswal niyang wika rito. "So?" "May kaibigan ako na mahilig sa babae." "Talaga?" amuse na tiningnan siya nito. "Oo. Sayang din ang komisyon mo kung sakali." "Nagpapatawa ka ba, Mika? Walang komisyon na involve kaya ko ini-invite ko na sumali ang kuya mo." "Talaga ba?" tanong niya sa nakakaloko na tinig. "Pwede ba Mika. Kung nang-aasar ka lang maiwan na lang kita." "Ito naman pikon agad. Binibiro lang kita. Ito na lang. May calling card or address ba roon para personal na puntahan ng friend ko?" Binigyan niya ng diin ang salitang friend kay Adrian. "Hindi sila nag-eentertain ng walk-in doon, Mika. Kakailanganin niyo ng refferal ng isang member na sa club bago kayo makapasok doon." "Exactly, kaya nga hinihingan kita ng calling card mo para iyon ang ipapakita ng kaibigan ko." Kunot ang noo na nakatingin lamang si Adrian sa kanya. Tila pinag-aaralan nito kung nagsasabi ba siya ng totoo. "Pinagti-trip-an mo ba ako?" "Mukha ba ako'ng nagti-trip? Nasaan na? Bilisan mo, hinihintay ka na nila Kuya roon.  "Grabe ka, Mika." "Ano'ng grabe, ayaw mo pa may komisyon ka?" "Wala nga ako'ng komisyon sa bagay na iyan sabi na eh. Ano ba!"  "Bakit ka ba napipikon?"nakangising wika niya rito.  "Hindi ako napipikon." "Kung ganoon nasaan na ang calling card?" Napilitan ito na kunin ang wallet nito at kunin ang calling card na hinihingi niya. "Ibibigay mo rin pala. Pinatagal mo pa," wika niya rito at pagkuwan ay sinuri ang card. "Hmmm… Wall flower club pala." Tumataasang kilay niya habang tinitingnan niya ang details sa card. "Oh siya, tsupi na!" Itinulak na niya si Adrian.  Napakamot na lamang ito sa ulo. Iniisip nito na pinagti-trip-an siya ng dalaga pero hindi naman niya ito pwedeng kantiin at malalagot siya kay Mike. Ang totoo ay may crush rin siya sa dalaga. Kaso ay masisira ang pagkakaibigan nila ng kuya nito kapag nagtapat siya. Ipinasya na lamang niyang bumalik sa garden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD