Chapter 8

1364 Words
Ygo Kasalukuyan na nasa opisina si Ygo nang mag-ring ang mobile phone niya habang kasalukuyan siyang tumitipa sa computer. Si Dylan Cimmaro ang kanyang caller, isa sa naging matalik niyang kaibigan sa New York. Isa itong half Filipino at half Spanish. Pero nangingibabaw ang pagiging espanyol nito kung magbabase sa itsura nito. Sa ugali ay mas lamang ang pagiging Pilipino nito kaya mabilis silang nagkasundo. Nakilala niya ito nang matulungan niya ito minsan na masiraan ito ng sasakyan sa kalagitnaan ng highway sa New York. Kasalukuyan na siyang pauwi galing sa kanyang isang kliyente nang madaanan niya ang isang sasakyan na nakatirik sa gitna ng daan. Pagkuwan ay hinintuan niya ito. Pagbaba niya ay roon pa lamang niya nakita si Dylan na kasalukuyan na nakadukmo. Tinapik na lamang n'ya ito sa likod. Nakatulog na pala ito sa ganoon na kalagayan. "Hello, Sir," wika niya rito. Nang magmulat ito ay makikita sa mukha nito ang pag-aliwalas niyon. "Is there anything I can help?" tanong niya rito. "Oh, yes," mababakas sa mukha na nabuhayan ito ng pag-asa. "Thank you," hinawakan nito ang isang kamay niya. Napatingin siya kaya mabilis nitong binawi ang kamay. "Sorry, I'm just glad that finally, someone attempted to help me." "I see," nakakaunawang wika naman niya rito. "My car suddenly stopped. It's been three hours since I was looking for someone who can help me fix my car. But nothing came and attempted to help me. I'm already tired of calling for help." "Sorry to hear that. So would you like me to find out what was the car's problem?" tanong niya rito. "Ofcourse, please." "Okay, I will just get my tools," wika niya rito at kinuha sa loob ng kotse ang kanyang gamit. Nakaugalian na niya na dalhin kahit saan niya magpunta ang mga gamit. Mahirap kasi ang bigla ka na lang masiraan sa daan. Pati nga spare parts ay lagi siyang may dala. Pagbalik niya ay amaze itong nakatingin sa kanya. Hindi siguro ito makapaniwala na halos yata lahat ng gamit sa paggawang sasakyan ay mayroon siya. Hindi pa nga ito nakatiis at tinanong siya kung mekaniko siya. Sinabi niya na hindi. Sinabi lamang niya rito na natuto lang siya kalaunan sa paggawa ng minor na sira ng sasakyan dahil na rin sa hilig niya ang magbutingting. Bukod pa sa may ideya talaga siya ng kaunti dahil na rin sa nature ng trabaho niya. Dali-dali niyang tiningnan ang sasakyan nito. Nang makita ang problema ay nasiyahan siya. Hindi naman pala siya mahihirapan. Matapos ang mga labing-limang minuto siguro ay nagawa na niya ang sasakyan nito. Labis-labis ang pasasalamat nito at binibigyan pa nga siya ng bayad ngunit hindi niya tinanggap. "Thank you so much, Sir," wika nito sa kanya. "It's okay. You're welcome. It's my pleasure to help." Masaya siya na nakakatulong kahit paano. Iba ang pakiramdam na ikaw naman ang pinasasalamatan dahil ikaw ang tumulong. Iba ang feeling na may napasaya ka. Iba ang feeling na hindi na ikaw ang nangangailangan ng tulong. Iyon siya ngayon. Gusto niya talaga na dumating ang araw na hindi na siya ang mangangailangan ng tulong. "By the way, I'm Dylan Cimmaro," pakilala nito sa kanya at inilahad ang palad nito sa kanya. "Nice to meet you, Dylan. I'm Rodrigo Balthazar," pakilala rin niya rito at tinanggap ang palad nito. "This may sound weird but can I ask if you're a Filipino?" tanong nito sa kanya. "Yes, Sir. I am a pure Filipino," proud na sagot niya sa tanong nito. "Oh, nice to hear that," masayang wika nito sa kanya. I'm also a Filipino although not fully blooded. I'm half Filipino and half Spanish." "Oh, it's good to hear that, kababayan pala kita," wika niya. "Yes, Kabayan," masayang wika nito. "Do you know how to speak in Tagalog?" tanong niya rito. "Yes, actually," sagot nito sa kanya. I also grew up in the Philippines before we decided to move here to New York," mababakas sa mukha nito na proud rin ito sa sarili bilang isang Pilipino. "Ganoon ba?" "Oo," natatawang wika nito sa kanya.  "So, let's speak in Tagalog na lang?" "Oo, pare," itinaas nito ang kamay at nakuha naman niya ang ibig nitong ipakahulugan sa kanya. Nag-hi-five sila. Doon nagsimula ang pagiging matalik nilang magkaibigan. At dahil ito ang pinakamatalik niyang kaibigan ay ito ang napili niya na tumayo bilang Best man niya sa kasal niya. Mabuti nga at sakto na nasa Pilipinas na ito ngayon kaya naman mabilis na lang itong makakarating sa kasal niya. "Oh, pare, napatawag ka," tanong niya rito. "Ready ka na ba sa Friday?" wika nito sa kanya. Ang tinutukoy nito ay ang sinasabi nito sa kanyang regalo. Sa Laguna muna siya dederetso pagdating niya ng Pinas. Kinabukasan na lamang siya dideretso ng Bulacan kasama na si Dylan. Sa mansyon na ng mga Salvador ito tutuloy bilang guest niya. Natatawa siya sa regalo nito. Hindi naman siya excited sa totoo lang. Hindi naman kasi niya talaga gusto ang regalo nito. Kaso ay baka magtampo kaya pagbibigyan na niya. "Kailangan pa ba'ng paghandaan iyan, pare?" natatawang wika niya rito. "Oo naman, pare. Baka mapalaban ka." "Malakas `to, pare," nakangisi na wika niya. "Okay, sige, pare. Hintayin na lang kita. May aasikasuhin lang ako." "Galingan mo'ng asikasuhin, pare," biro niya.  "Syempre, pare, kilala mo`ko. Alam mo na," sakay nito sa biro niya.  Natapos ang usapan nila. Napasandal siya sa kanyang swivel chair. Nag-inat-inat siya. Pagkuwan ay tumingin sa kisame. Ilan araw na lamang talaga at ikakasal na siya. Napakabilis ng panahon. Hindi niya inakala na si Alexandria ang mapapangasawa niya. Siguro baka iyon talaga ang nakatakda sa kanya. Problema niya ngayon kung paano itong sasabihin kay Pia, ang existing girlfriend niya. Isa itong half Filipino at half American. Tulad ni Dylan ay lumaki rin ito sa Pilipinas pero nagdesisyon na manirahan na sa America. Nakilala niya ito sa isang business gathering. Mayroon spare parts shop ng mga sasakyan ang pamilya nito at may ilan branch na rin sa ilang dako ng New York. Kasalukuyan itong nasa business trip sa Japan kaya naman hindi pa niya ito nakakausap. Magmula nang tanggapin niya ang hiling ni Don Amado Salvador na itinuring niyang ama ay hindi pa rin niya alam kung paanong kukuha ng tyempo na sabihin kay Pia ang mangyayari na kasalan. Napabuntung hininga siya. Kailangan na niya itong hiwalayan. Pero paano? Buong akala nito ay sila na sa huli. Ano'ng gagawin niya? Ayaw naman niyang sabihin ang kanyang sitwasyon sa pamamagitan ng tawag at baka hindi sila magkaintindihan. Kahit paano ay minahal na rin niya si Pia. Bukod sa taglay nitong kagandahan bunga ng pinagmulan nitong lahi ay masasabi niyang okay naman ito. Mabait naman ito. Iyon nga lamang ay totoong walang perpektong tao. Wala itong alam sa gawaing bahay. Hindi ito marunong magluto. Iyon sana ang pinapangarap niyang babae pagdating ng araw. Iyong tipong ipagluluto siya ng pagkain. Pero tanggap na niyang hindi maibibigay ni Pia iyon. Nasanay kasi sa maalwan na buhay si Pia. Tanggap na sana niya ito kung sakali man na ito na ang makatuluyan niya. Willing na siyang mag-adjust. Pero heto at sa isang iglap ay ikakasal na siya. Ang mahirap pa ay hindi niya halos kilala ang bride niya. Nakasama man niya ito sa iisang tirahan ay wala silang pinagsaluhan na masaya. Palagi itong galit sa kanya. Wala siyang alam ngayon sa pagkatao nito maliban sa kaalaman niyang hindi siya nito gusto sa pamilya nito dati. Kumusta na nga kaya ito? Sa nagdaan na taon ay hindi niya alam kung ano na nga ba ang itsura nito. Kapag may pinapadalang litrato si Don Amado na kasama ito ay puro nakayuko. Walang matinong kuha. Kapag tinitingnan niya ang mga nakasinop na litrato nito sa kanyang photo album ay natatawa siya. Wala kasi talagang matinong kuha ito. Sigurado siya na sinasadya nito ang pagyuko. Galit pa rin siguro ito sa kanya. Ramdam naman niya iyon noon pa man. Kaya nga nang magdesisyon si Don Amado na pag-aralin siya sa America ay pumayag na lamang siya kahit alam niyang mamumuhay na naman siya muling nag-iisa. Malungkot rin ang walang kasama. Pero inisip na lamang niya na sasaya si Alex kapag umalis siya at hindi na siya nito makikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD