Mika :
"Hello, Best," wika ni Alex mula sa kabilang linya.
"May naiisip na akong solusyon sa problems mo. Pero suggestion lang ito actually… Kasi ikaw pa rin naman ang magdedesisyon kung gusto mo ang naiisip ko, Best."
"Teka, ano ba ang suggestion mo?" tanong nito sa kanya.
"Well, gusto mong pumasok sa club?"
"Club?!" gulantang na wika nito sa kanya.
"Teka, lang, huwag kang maghisterikal muna. Alam ko na ang iniisip mo. At nagkakamali ka. Hindi ka magiging pakawala."
"Ano bang ibig mo'ng sabihin, Best, kasi?"
"Well kanina lamang nandito ang mga barkada ni kuya. And may narinig kasi akong pinag-uusapan nila…," binitin muna niya ang sasabihin upang pakinggan ang isasagot ni Alex sa kanya.
"Ano'ng pinag-uusapan nila?"
"About doon sa isang club na malapit lamang dito sa amin…"
"Napano iyong club na ito?"
"Well, baka sakaling ito na ang solution sa problem mo, Best."
"Paano mo'ng nasabi?"
"Kasi pwedeng doon mo makita ang hinahanap mo'ng bubuntis sa'yo. I heard na puro raw mga gwapo ang mga pumapasok at member sa club na iyon."
"Teka, teka lang, ibig mo ba'ng sabihin sa akin ay papasok ako roon bilang hostes para mabuntis ako?"
"Oo. Teka, h-hindi!" nalilitong wika niya kay Alex. Paano ba ang tamang salita na dapat niyang sabihin?"
"Ano ba talaga, Best?
"Wait, pakinggan mo muna ako."
"Sige, pakikinggan kita."
"Ganito kasi iyan. May club nga hindi ba? Isa sa member ng club na iyon ay si Adrian, barkada siya ni kuya. Ini-invite kasi niya sila kuya na magpa-member na rin. Sa club na tinutukoy nito ay ang mga members ay mayayaman, gwapo at higit sa lahat ay hindi basta-bastang tao sa lipunan. Malinis at siguradong walang sakit na aids or ano pa man dahil may continues check up ang mga ito every three months yata," mahabang paliwanag niya sa kaibigan habang palakad-lakad sa kabuuan ng silid niya. Medyo nakakaramdam din kasi siya ng stress sa suggestion niya sa kaibigan. Inaaalala rin niya ito. Baka kasi mapahamak ito. Pero ito na lang kasi ang talagang naiisip niyang mabilisan na solution sa problema ng kaibigan niya. "Basta something ganoon. Including iyong mga babaeng nagtatrabaho sa nasabing club ay malinis at hi-end pa. Hindi nga ako makapaniwalang may ganoong klase na pala ng club ngayon. At alam mo ang mas nakakaintriga?" dagdag niya.
"Ano?"
"May mga artistang members ng club!" excited niyang wika sa dalaga.
"Talaga ba? So, ano na nga ang main suggestion mo?"
"Ikaw, malamang sa malamang ay alam mo na ang ibig ko'ng ipakahulugan sa mga sinabi ko sa'yo."
"Papapasukin mo ako bilang hostes doon?"
"Parang ganoon na nga."
"Teka, hindi naman ako ganoon kababa para sa sinasabi mo, Best," protesta ni Alex sa kanya.
"Of course, I know. Pero kasi sabi mo ayaw mo'ng si Rodrigo ang makauna sa'yo at maging ama ng magiging anak mo hindi ba?"
"Oo nga! Sinabi ko iyon. Pero hindi ibig sabihin noon eh, kahit kanino ko na lang io-offer ang perlas at virginity ko noh. Hindi pa ako baliw para gawin iyon!"
"Sabi ko nga. Ako lang naman is iyon ang suggestion ko sa'yo. Kasi paalala ko lang ha, sinabi mo sa akin na umisip ako ng paraan at solusyon diyan sa problema mo. At ang naiisip ko nga is iyon nga. At hindi ko ipinipilit sa'yo ang suggestion ko. Ikaw pa rin ang magdedesisyon niyan. Ngayon kung okay naman sa'yo ang suggestion ko. Maiging gawin na natin as soon as possible. Mamayang gabi na. Let's do it na. Malay mo mapatapat ka sa idolo mo na si Gino hindi ba?" Ang tinutukoy niya ay ang idol ni Alex na heartrob actor sa telebisyon.
"Para naman nakakasiguro ka na nandoon si Gino."
"Aba, malay natin hindi ba? Kung member din pala siya roon."
"Iyon na ang pinakamagandang solusyon sa problem mo. Maliban na lang kung may iba ka pa'ng prospect maliban kay Raily."
"Hindi ba at sabi mo ay member ang barkada ng kuya mo na si Adrian diyan? Paano kung sa kanya ako mapatapat?"
"That's what we call destiny! Joke! Hindi naman siguro. Malaki ang club na iyon kaya hindi na siguro kayo magkikita roon. Pero kung magkita kayo roon baka ganoon nga destiny iyon kung sakali," natatawang wika niya sa kaibigan. "Hindi ka naman lugi kung sakali kay Adrian. Gwapo rin naman siya at mayaman."
"Hindi ko siya type," mabilis na sagot sa kanya ni Alex.
"Iyon nga lang. Pero mas okay na kaysa kay Rodrigo hindi ba?"
"Well, sabagay tama ka din naman."
"So, ano? May desisyon ka na ba?"
"Pag-iisipan ko sandali," wika niya.
"Sige, tawagan mo na lang ako kung may desisyon ka na. Hopefully mayroon na hanggang mamaya para makapag-ready na tayo."
"Pagkatapos?"
"Ano'ng pagkatapos?" kunot ang noo na tanong niya kay Alex.
"Pagkatapos, ano'ng gagawin?"
"Akala ko ba pag-iisipan mo muna?"
"Napag-isipan ko na. Go na tayo riyan."
"Ganoon kabilis? Nakapag-isip ka na nga?!" hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.
"Oo nga!"
"G*ga ka talaga noh? Hindi mo man lang pag-aaralan muna ang sinabi ko?"
"Eh, bakit ko pa pag-aaralan? Malamang, ikaw napag-aralan mo na iyan. Gagahulin na tayo sa oras. Tiwala ako sa'yo."
Natampal ni Mika ang sariling noo. Ito na nga ba ang sinasabi niya kaya ayaw niya sana na sa kanya magmula ang ideya. Baka sa huli ay kargo de konsensya pa niya ang mangyayari sa kaibigan kapag nagkaroon ng aberya. "Seryoso ka?" pagkuwan ay muling tanong niya. Baka sakali na mag-backout ito. Medyo magulo talaga ang isip niya. Gusto niyang tulungan ang kaibigan kaya niya inirekomenda ang naisip na ideya pero ngayon na pumayag ito ay gusto niyang magsisi!
"Oo, teka, ikaw itong nag-suggest tapos ngayon parang hindi ka sigurado."
"Sigurado naman, kaso," nakagat niya ang ibabang labi. "Sige na nga. Basta, kailangan mo ng pumunta rito. Magdala ka ng pang-isang linggo mo'ng damit kung kinakailangan. Kasi rito na natin paplanuhin ang lahat. Nasukatan ka na rin naman ng gown. Uuwi ka na lang one day before the wedding," wika na lamang niya sa kaibigan.
"Sige," wika ni Alex at pinatay na ang call.
Alex
Dali-dali niyang kinuha sa ilalim ng kanyang higaan ang travelling bag. Sinadya niya na roon lamang iyon ilagay. Binuksan niya ito at tiningnan ang mga laman. May mga sadyang damit na naka-ready na roon kung sakaling may biglaan siyang pupuntahan at kumpleto na halos ang laman. May toothpaste, tooth brush, sabon at kung ano-ano pa. Sinuri niya kung kasya ng pang-isang lingguhan ang laman… Nagtungo siya sa tokador at binuksan ito. Namili pa siya ng ilang sexy dress. Siguradong iyon ang isusuot niya dahil club ang pupuntahan niya. Bahala na talaga si drakula. Nang sabihin ni Mika sa kanya ang plano nito nang una ay medyo naalangan siya. Ngunit bigla siyang na-challenge. Naisip niya na parang magandang adventure ang pumasok sa isang kakaibang club na puro gwapo ang laman. Tapos may artista pa na miyembro? Ngayon lang siya nakarinig ng ganoong klaseng club. Ewan niya pero parang baliw siyang kinikilig. Kaya buo ang loob na papasukin na niya iyon. Baka mamaya ay last na pala niyang maranasan ang maging masaya ay pinalampas pa niya. Wala pa man din divorce dito sa Pilipinas. Lifetime pasakit na sigurado pagkatapos ng adventure niya sa club na iyon. Nang masiguro niya na okay na at kumpleto na ang lahat ay nagtungo na siya sa kanyang banyo para maligo. Hinubad niya ang lahat ng saplot. Binuksan niya ang shower at nagpakasawa sa patak ng tubig na inilalabas niyon. Muli ay nagmumuni-muni siya. Grabe, kabaliwan talaga ang papasukin niya ngayon. Mas malala ito kesa ang magpabuntis kay Raily. Papasukin niya ang mundo ng prostitusyon this time. Mabuntis lang. Nababaliw na yata talaga siya. Katangahan pero may bahagi sa sarili niya ang tila nasasabik pa sa posibleng mangyayari. Mabilis niyang tinapos ang paliligo at nagbihis na. Isinuot niya ang simpleng blouse at tinernohan niya ng pantalon na maong na hapit sa kanyang balakang. Rubber shoes na lamang ang pinili niyang pansapin sa paa. Madali kasi siyang matapilok minsan. Kung hindi man ay matisod. Ewan niya kung ano ang problema sa paa niya. Hindi na rin siya talaga nasanay sa may takong na sandals. Mabuti na lamang at biniyayaan naman siya ng height kaya naman okay lang na hindi siya mag-heels. Lumabas na siya ng kwarto na bitbit ang kanyang travelling bag. Nakasalubong niya sa labas si Yaya Miling niya.
"Alex, saan ka pupunta?" kunot ang noo na tanong nito sa kanya pagkatapos ay tumingin sa dala-dala niyang travelling bag na obviously ay puno ng laman. "Ano iyan?" Sita nito sa travelling bag.
"Ahmmm, Yaya, pupunta lamang ako kila Mika… Limang araw siguro ako roon."
"Limang araw?!" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.
"Opo, Yaya," matatag na wika niya rito. "Huwag mo na ako'ng kontrahin,Yaya. Last ko ng pagsasaya ito. Alam mo naman na ayaw ko sa pangit na si Rodrigo. Kapag nakasal kami ay siguradong magiging impyerno na ang buhay ko."
"Nagkakamali ka lamang ng sina----."
"Huwag mo na siyang ipagtanggol, Yaya! Alam mo naman ang lahat. Huwag kayong mag-alala. Hindi ko tatakasan ang kasal ko. Mahal ko si Papa at hindi ko siya kayang i-disappoint. Ikaw ng bahalang mag-explain kay Papa." Sa twina ay alam niyang ito ang tagapagtanggol niya sa kanyang Papa kaya siguradong pagtatakpan siya nito. "Aalis na'ko,Yaya," paalam niya rito.
"Sige, basta nag-iingat ka na lamang, Alex." Wala na itong nagawa kaya tinungo na lamang nito ang gate para buksan. Kailangan na niyang makaalis dahil baka dumating na ang kanyang Papa at mapurnada pa ang pag-alis niya. Ginamit niya ang kanyang kotse. Bahala na kung magalit ang Papa niya. Ang mahalaga ay makalaya siya pansamantala sa rehas na magkukulong sa kanya sa habang panahon. Tinungo niya ang kanyang kotse at umalis na.
Yaya Miling
Pagtanaw na lamang sa papalayong kotse ni Alex ang nagawa ni Yaya Miling. Hindi lingid sa kanya ang inipon na sama ng loob ni Alex kay Rodrigo. Magmula kasi nang kupkupin ni Don Amado si Rodrigo ay nawalan na ng oras ang ama kay Alex. Pakiramdam nito ay nakalimutan na siya ng ama at inagaw ito ni Rodrigo. At ngayon ay nakatakda pa itong ikasal sa taong pakiramdam nitong inagaw ang lahat mula rito. Nabulag si Alex sa kabutihan ni Rodrigo dahil nangibabaw sa puso nito ang galit sa binata. Naging bingi ito sa paliwanag niya. Sa twina ay hindi nito siya binibigyan ng pagkakataon na depensahan si Rodrigo. Lagi nitong sinasabi sa kanya na siya na lamang ang mayroon ito kaya inaasahan nito na lagi lamang siyang nasa side nito. Ngayon ay napagtanto niya na nagkamali siya. Dapat noon pa ay iwinasto na niya ang maling paniniwala nito. Saksi siya sa kabutihan ni Rodrigo pero hindi niya ipinaalam kay Alex iyon. Umaasa na lamang siya na magiging maayos ang lahat kapag kasal na ang dalawa. Walang imposible pagdating sa pag-ibig.
Alex :
Tumawag si Mika sa kanya na magkita sila sa may Recto sa Maynila. Mayroon daw itong pinagawa roon at hindi na nito sinabi kung ano. Pagkatapos nito sa Recto ay umuwi na sila ng Laguna. Pinagbuksan sila agad ng gate ng maid. Pagkuwan ay umakyat na sila sa kwarto ni Mika upang pag-usapan ang kanilang plano. Mula option one hanggang option three ang nabuo nilang plano.