Chapter 10

2090 Words
Wall flower club : Hindi pa rin makapaniwala si Alex na kasalukuyan na siyang gumigiling sa entablado. Suot lamang ay halos two-piece na lamang sa ikli at nasa harap ng mga mata ng mga lalaking parokyano ng nasabing club. Nakikipagsabayan siya sa mga babaeng gumigiling sa saliw ng maharot na musika. Mabuti na lamang at sadyang marunong siyang mag-pole dancing kaya naman hindi na siya nahirapan pa. Hindi niya akalain na ang napili niyang way of work out para mapaganda ang katawan ay magagamit niya ngayon. Hindi niya kailangan na magsuot ng sapin sa paa. Basta marunong sumayaw ay walang magiging problema. Sino nga ba'ng makapagsasabi na ang isang tulad niyang heredera at tinitingala sa lugar nila ay papasukin ang ganitong uri ng lugar bilang isang hi-end GRO. Kinailangan lamang niyang manood ng s*x scandal at porn movies upang magamit niya kapag may natipuhan siya sa lalapit sa kanya. Dati na siyang nakapanood nang mga porn movies for fun at curiosity. Iba nga lamang ang dahilan niya ngayon. Kailangan niyang pag-aralan ang galaw kung paano pasayahin ang ka-*ex. Para lamang mabuntis siya. Nakakahiya ang ginagawa niya sa totoo lang. Salamat na nga lamang at pwedeng magsuot ng maskara kaya natatakpan niya ang kanyang napakagandang mukha. Dalangin na lamang n'ya na sana ay hindi siya mapatapat kay Adrian, ang barkada ng kuya ni Mika. Kung hindi ay malas na naman siya at mabubuking sila sa kabaliwan nila. Maayos ang naging usapan nila kay Andrea, ang totoong may-ari ng entablado na inuukupa niya. Pumayag ito sa kasunduan na walang makakaalam ng mangyayari ngayong gabi maliban sa kanilang tatlo lamang. Binayaran nila ito ng malaki para lamang pumayag ito sa kanila na palitan ito ngayon araw sa trabaho nito. Hindi kasi sila pwedeng basta-bastang pumasok sa club. May sari-sariling key card pala ang mga nakakapasok doon. One day earlier : "Nandito na tayo sa parking ng club," wika sa kanya ni Mika. Inagahan nila ang pagtungo roon. Alas otso pa lamang ng gabi base sa kanyang relo. Nag-park na sila. "Are you ready?" tanong sa kanya ni Mika. "Yes na yes," masigla niyang wika sa kaibigan bagamat nakakaramdam siya ng kaba. "So, let's go." Confident na bumaba sila sa sasakyan. Plano nilang magtuloy-tuloy na pumasok para hindi sila mahalata. Ngunit naharang agad sila ng security mula sa entrance. "Miss, saan po kayo pupunta?" tanong ng security guard sa kanila. "Kuya naman, saan pa kung hindi sa loob hindi ba?" sagot ni Mika rito at nginitian pa n'ya ito ng napakatamis na may halong pang-aakit. Nagtungo sila roon ni Mika na posturang-postura. Labas ang cleavage at magandang-maganda upang akitin ang guard ng nasabing club para bigyan sila ng permiso na makapasok. "Baka nagkakamali kayo ng pinuntahan na club, Miss," wika nito sa magalang na pananalita habang salitan silang pinapasadahan ng malisyosong tingin mula ulo hanggang paa. "Hay, Kuya, hindi kami nagkakamali," si Mika ang sumagot. Batid nilang pareho ang tinging ipinukol sa kanila ng guard. Magsawa ito tutal ay hanggang tingin lamang naman ang magagawa nito sa kanila. Pabor pa nga sa kanila na naakit ito sa kanilang ganda. Iyon naman talaga ang nais nilang mangyari. Ang maakit ito para papasukin sila nito sa loob. "Dito talaga kami papunta. Bago ba kayong empleyado rito, Kuya?" "Naku, Miss, matagal na ako rito at ngayon ko lang kayo nakita rito. Hindi ito ang lugar para sa inyo." Kumakamot pa ito sa ulo. "Bakit naman?" "May entry card ba kayo?" "Mayroon, Kuya, kaso nakalimutan namin sa bahay," pagdadahilan nila. "Sige, kung ganoon maigi na kunin niyo muna. Hindi rin kasi kayo makakapasok sa club kapag wala ang card niyo. Alam niyo naman siguro iyon," wika nito sa kanilang dalawa na nakangisi. Nakakainis ang itsura ng guard parang nakakaloko pero pinili pa rin nilang maglambing dito. "Oo alam naman namin, Kuya, ikaw talaga," malambing na tinapik ni Mika ang balikat ng guard. "Susubukan lamang namin baka mapagbigyan kami hindi ba? After all new employee kami rito." "Sige kayong bahala, Miss," wika nito sa kanila habang halata na nagpipigil na matawa. "Okay, salamat, Kuya," mala*ding wika ni Mika rito at kinindatan pa ang guard. Pumasok na sila at hindi na pinigilan ng guard. Akala talaga nila ay makakalusot sila. Pagkapasok nila ay may pinto roon na nakasara. Nangangailangan ng card. Kinuha ni Mika sa bag ang inihandang card pero ayaw basahin ng system. Pinagawa ito ng kaibigan sa Recto nang araw na nagkita sila roon bago sila umuwi ng Laguna. "Magbantay ka na, Best… Ipapasok ko na," wika nito sa kanya habang sinusubukan na nitong ipasok ang card. "S*it! Ayaw basahin, Best," wika ni Mika habang ipinipilit ang card. "Try mo, ulit," wika naman niya rito. At muli nitong ipinasok ang card. "Ayaw talaga!" wika nito na tila nawawalan na ng pasensya. Pinagpapawisan na rin ito dala siguro ng stress. "Ako nga, i-try ko." Kinuha niya ang card sa kaibigan pero nakailang subok na siya ay ayaw pa rin. Ayaw basahin ng system. "Waley," muli ay wika niya sa kaibigan. "Tara na, baka may makakita pa sa atin dito. Bumalik na lamang tayo." Hinatak na siya sa kamay ng kaibigan. Paglabas nila ay ang nakakalokong ngiti ng guard ang sumalubong sa kanila. Pero pinili nilang manatiling may poise. Taas ang noo na dinaanan nila ang guard. "Bye, Kuya! See you later," paalam pa ni Mika rito. Pagkuwan ay bumalik na sila sa sasakyan. "So, ano na ang gagawin natin, Best? Hindi gumana ang first plan mo." "Oo nga eh, pambihira naman. Sabi sa Recto kayang ibukas nitong card ang kahit ano eh," dismayadong wika ni Mika sa kaibigan. "Second plan tayo," wika sa kanya ni Mika. "Sige," sagot naman ni Alex. Kinuha na niya ang kanyang damit na pamalit. Isang simpleng T-shirt at pantalon ang hinugot niya sa bag. Sa loob ng kotse siya magpapalit. Habang busy siya sa pagpapalit ng damit ay naka-focus naman ang mga mata ni Mika sa club. Wala naman makakapansin ng ginagawa nila dahil sobrang kapal ng pagka-tinted ng sasakyan ni Mika. Inuna niyang isuot ang pantalon. Pagkuwan ay saka niya hinubad ang kanyang above the knee dress at isinunod na isinuot ang T-shirt. "Best, tapos na'kong magpalit," wika niya sa kaibigan na nasa club ang paningin. "Ikaw naman." "Okay, sige." Nagpalit na rin ito ng kasootan na tulad ng sa kanya. Nang matapos ito ay pareho na nilang itinutok ang paningin sa club. Naghintay sila ng matagal sa labas at nagmasid-masid. Sa ginagawa nila ay mistula talaga silang ta*ga. Kaso nga lamang ay talagang planado na nila ang lahat kaya wala na talagang atrasan. Pinagmamasdan nila ang mga parating. Maging lalaki man o babae. "Best, napansin mo ba?" tanong ni Alex kay Mika. "Oo, napansin ko. Kaya naman pala nagpipigil ng tawa ang guard kanina sa atin. Taas noo pamo tayo kanina." Ang pinasukan pala nila kanina ay ang pasukan ng mga lalaking miyembro ng club. Ang pasukan ng mga babaeng malamang ay empleyado ng club ay sa likod. Kaya naman pala ganoon ang reaction ng guard sa kanila. Mistulang tanga talaga sila kanina. Ipinasya na nilang muling bumaba ng kotse. Nagtago sila sa may parteng natatabingan ng mga halaman. Nagsisidatingan na ang mga empleyado ng naturang club na palagay nila ay purong kababaihan. "Pagmasdan mo na ang mga dumarating na babae," wika sa kanya ni Mika. Balak nilang mamili ng isang empleyado na tutulong sa kanila upang mapasok ang naturang club. "Okay," sagot naman ni Alex kay Mika. Tuloy lamang ang pagdating ng mga empleyado nang may isang babae na pumasok pero lumabas muli. May kausap ito sa mobile phone. Tumingin pa ito sa orasan sa kamay bago muling kinausap ang nasa mobile phone nito. Marahil ay tinatantya nito ang oras. Sinenyasan siya ni Mika na mas lumapit sa babae upang marinig niya ang kung ano'ng paksa nito sa kausap sa cellphone. "Ano na naman ba ang ginawa mo, Kuya?" naiinis nitong wika sa tinawag nitong Kuya. Pagkuwan ay huminto ito sa pagsasalita at pinakinggan ang sinasabi ng kausap. "Ano'ng gagawin natin ngayon? Saan ako kukuha ng ipambabayad ko sa kuryente natin, Kuya?! Mapuputulan na tayo bukas! Tapos kinukulit na'ko ni Aling Gina sa upa! Ano ba iyan! Pambihira naman, Kuya. Kanino na naman ako uutang nito?!" Patlang ay huminto ito sa pagsasalita. "Oo na!" galit nitong sabi sa kausap. Pagkatapos ay pinatay na nito ang tawag. Kitang-kita sa mukha nito ang inis. Pagkuwan ay nagmamadali na pumasok na ito sa club. Lumapit na siya kay Mika at sinabi ang mga narinig niya. "Jackpot!" bulalas nito. "Problem solve! Tara na sa kotse," aya nito sa kanya at nagpatiuna na sa paglakad. "Hah?" tanging sambit niya. "Let's go, Alex!" Sumunod na lamang siya rito. Sumakay muli sila ng sasakyan. "So, what's the plan?" tanong niya rito. "Narinig mo iyong babae hindi ba? Nangangailangan siya ng pera. Siya na ang susi sa pagpasok mo sa club!" "Babayaran natin siya?" "Tumpak! Hihintayin natin ang paglabas niya mamaya at susundan natin siya." "Okay, sige. Magkano naman ang ibibigay natin?" "Diyes mil, para hindi siya makatanggi. Instant money." "Hindi ba masyadong malaki?" "Hindi naman masyado. Okay lang iyon, Best. Para magtuloy-tuloy na ang plano natin at hindi na magkaroon ng aberya hindi ba?" "Sabagay." "Isa pa, malaki rin ang sweldo niya diyan sa club. Baka kung maliit lamang ang offer natin ay baka tanggihan tayo." "Okay sige," sang-ayon na lamang niya sa kaibigan. "For the meantime, gusto mo ba na matulog muna tayo sa bahay? Uwi muna tayo or dito na lamang tayo sa kotse matulog?" tanong nito sa kanya. "Feeling ko mas mganda na dito na lamang tayo matuulog, Best. Para iwas tayo sa pagmamadali. Mabuti pa siguro ay maghintay na lamang tayo rito. Buksan na lamang natin ang bintana. Madaling araw sigurado ang uwi ng mga iyan. Mag-alarm na lamang tayo ng 3:00 gusto mo?" "Okay, sige." Nakatulog naman silang dalawa sa kotse dahil siguro sa pagod nila sa pag-iisip ng plano. Nagising sila sa alarm ng kanilang cellphone. Inaantok man ay pilit niyang ginising ang sarili. Ilang sandali lamang ay nagsisilabasan na ang mga empleyado. Alas kwatro pala ang pag-out ng mga ito sa club. Lumabas na si Mika ng sasakyan. Nagsuot ito ng itim na cap. "Sa gate ko na lamang abangan iyong babae. Ikaw dito ka lamang sa kotse. Sundan mo'ko mamaya," wika ni Mika sa kanya na sinang-ayunan niya. Tinanaw niya ito na naghintay sa gate. Habang tinatanaw niya ito ay hindi niya maiwasan na makonsensiya. Isinali pa kasi niya ito sa kagagahan niya. Pero ang g*ga naman ay sinuportahan pa siya. Kakaibang kaibigan ito sa kanya. Higit pa sa magkapatid ang turingan nilang dalawa sa isa't isa. Pinunan nito ang oras na hindi ibinigay sa kanya ng kanyang Papa. Sa twina ay hindi na sila halos nagkikita. Nasa iisang bahay sila pero tila napakalayo nito. Pero si Mika, kahit sobrang layo nito basta kailangan niya ang tulong nito ay palagi itong nasa tabi niya. Balang araw ay masusuklian din niya ang kabutihan nito sa kanya. Sumenyas na ito sa kanya bilang hudyat na nakita na nito ang babae kaya ini-start na niya ang kotse. Nagsimula na silang sundan ang babae. Nang sumakay ito ng traysikel ay dali-dali niyang isinakay si Mika at sinundan ang traysikel na lulan ang babaeng sinusundan nila. Hanggang sa bumaba ito sa isang eskinita. Wala silang nagawa kung hindi i-park ang sasakyan sa highway. Napilitan silang maglakad pareho. Sinundan nila ang babae nang bigla itong mawala. "Saan nagpunta iyon?!" dismayadong wika ni Mika sa kanya. "Ewan ko nga, biglang nawala eh," sagot naman niya habang lilinga-linga sa paligid. "Hindi naman siguro fairy iyon, ano?" Idinaan na lamang niya sa biro ang pagkadismaya. "Syempre, hindi. Baliw lang ang maniniwala na may fairy." Ano nang gagawin natin ngayon?" "Hindi ko rin alam. Honestly. Magagahol na tayo sa oras kung hahanap pa tayo ng ibang babae…" Lingid sa kaalaman nila ay nakahalata na pala ang babae sa kanila mula pa kanina na sundan nila ito. Nagkubli ito sa likod ng isang karton na nakakalat sa daan. Madaling naikubli ni Angela ang sarili dahil medyo nasanay na siya. Sa mundo ng trabaho na pinasok niya ay kailangan niyang maging alisto. Lalo pa at walang liwanag kung umalis siya at umuwi. Doble ang pag-iingat niya. Mahirap nang mabiktima ng mga kawatan at rapist sa daan. Ang ipinagtataka niya ay dalawang babae pala ang sumusunod sa kanya. Base sa naririnig niya ay hindi kawatan ang mga ito. Hindi naman mukhang armado ang mga ito. Kung ganoon, ano ang pakay ng mga ito sa kanya? Ipinasya na lamang niya na lumitaw sa pinagtataguan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD