CHAPTER 2

1695 Words
SELENA POV "Teka lang pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan mo?" Mukhang 'di ata ako naririnig ng estrangherong ito kaya tinapik ko pa ito sa balikat pero hindi man lang ako nito nilingon. "Baba! BILIS!!" Napadiretsyo ako ng upo sa motorsiklo nito dahil sa sinabi nito. Bakit parang galit ata ito? Kaya naman dali-dali na akong bumaba at paglingon ko sa likuran ko nandito na ako sa labas ng bahay namin. "Teka, pa-paanong?" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil ang bilis umalis ng estrangherong 'yun. Hinabol ko pa ito ng tanaw ngunit napakabilis nitong nawala. Iiling-iling na lang ako pumasok ng gate, nagulat pa ang security na nasa gate nang bahay namin. "Se-Señorita, saan po kayo nanggaling?" Tinapik ko sa balikat ang security guard namin. "Shhh...Kuya, 'di mo ako nakita ngayong gabi, ha, 'wag kang maingay kay Dad, okay ba?" nakangiti kong wika dito at napa-oo na lang ito sa akin. Ako naman ay sa kusina dumaan para 'di ako mahalata ng mga tauhan ni Dad na nasa labas lang ng pintuan ng bahay nmin para akong magnanakaw na dahan-dahang pumapasok sa loob ng kusina. "Saan ka nanggaling bata ka, ha?" Nagulat ako nang biglang nabuhay ang ilaw at alam kong kay Dad ang boses na ‘yun. "Oh. Hi, Dad, bakit gising ka pa po?" tanong ko kay Dad na masama ang tingin sa akin. Kilala ko na si Dad kapag galit, seryosong-seryoso ang mukha nito. "Ah, eh, sa kwarto Dad bale kukuha lang po sana ako ng makakain nagutom po ako bigla, eh. Nahihiya naman po ako manggising pa sa mga katulong. Ikaw, Dad, gusto mo ba ng makakain?" Akmang bubuksan ko na ang refrigerator ng magsalita muli si Dad. "Kailan ka pa natutulog ng naka-make up at ganyan ang suot mo, Selena?" Napakagat labi ako, sabi ko na nga ba mahirap maloko si Dad. Unti-unti akong nag-angat ng ulo at nakita ko ito na nakalagay ang dalawang kamay sa likod nito. Alam kong galit na talaga ito, halatang 'di talaga ito naniniwala sa akin. "Eh, Dad kasi ganito 'yun. Dad, bale kasi si ano...Dad!" Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko kay Dad kaya naman lumapit na lang ako rito at niyakap ko ito. "Kailan ka pa natutong magsinungaling, Selena?" tanong ni Dad curiously pero alam kong kumalma na ito. Isang yakap ko lang kay Dad ay alam kong mawawala agad ang galit nito kaya naman napangiti ako. "Eh, kasi naman Dad nakakairita na ‘yang mga bodyguards mo. Kahit saan na lang lagi nakabuntot. At saka, Dad, kasama ko naman sila Aprilyn. Nagkaakitan lang po kaming gumimik. Huwag ka na magalit, Dad, please... Sorry na po, Daddy kong Pogi...hmmmm... love you, Dad!" Niyakap na rin ako ni Dad at kagaya nang dati kapag may nagagawa ako mali isang yakap at lambing ko lang kay Dad ay nawawala na ang inis o galit nito sa nagawa ko. "Sa susunod 'wag muna gagawin 'yan, ha, sana naiintidihan mo anak na delikado ang panahon ngayon. Lipana ang mga masasamang tao. Iisa ka lang na anak ko kaya naman ayaw kong may mangyayari masama sa nag-iisang unica hija ko." Pagkasabi nu'n ay hinalikan ako ni Dad sa noo gaya na lagi niyang ginagawa kapag naglalambing ako. "Alam ko naman, Dad 'yun pero kaya ko naman po ang sarili ko at saka, Dad naman sa edad kong 23 kayang-kaya ko na ang sarili ko. Ano pa at nag-aral ako ng karate.” Umakting pa akong parang nangangarati kaya naman napahalakhak ng tawa si Dad na napakasarap sa tenga. "Naku, naku, bata ka. Sige na matulog ka na at malapit ng mag-umaga!" banggit ni Dad habang pinisil ang baba ko. "Sige, Dad, goodmornyt. I love you sa favorite kong Daddy na napakapogi at napakabait pa," tugon ko at iniwan ko na si Dad sa kusina at umakyat na ako sa aking silid. ... "Siguraduhin niyong walang makakalapit sa babaeng 'yun. Akin ang babaeng 'yun at hindi siya maaring hawakan ng ibang lalaki. She. Is. Mine!" Naihagis ko ang basong may lamang alak. "Malapit na kitang singilin, Henry Madison," aniya ko habang tina-target ang litrato ng matandang lalaking 'yun na pumatay sa aking mga magulang. "Boss, nakahanda na po ang mga tauhan natin. Signal niyo na lang po ang hinihintay para masimulan ang paglusob sa bodega." Tumaas ang sulok ng aking labi at hinarap ko ang isa sa aking mga tauhan. "Sige na siguraduhin niyong wala kayong ititira. Bilisan niyo lang ang trabaho, gusto kong magulantang ang mga hinayupak na 'yun! SIGE NA KUMILOS NA KAYO!!!" Kaagad naman tumakbo palabas ang mga tauhan ko. Kinuha ko ang bote ng alak at ininom iyon. Napahawak ako sa aking mga labi dahil biglang may pumasok sa aking isipan at saka ko kinuha ko ang susi ng aking motor. "Hmm..." "You are mine baby! Akin ka lang! " "Hmm... bakit ang bango ng hininga mo? Ah..." "F**k!!! Ah..." Kaagad kong inilayo ang katawan ko kay Selena, hindi pa ngayon ang oras para kunin ko ang p********e nito. "Sisiguraduhin ko sa ‘yo na hahanap hanapin mo ang tamis ng mga halik ko, baby." Hinalikan ko muli ito sa mga labi at agad na naman niyang ipinulupot ang mga braso niya sa leeg ko. Tinanggal ko ang pagkakapulupot ng braso nito sa leeg ko bago pa magbago ang isip ko dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang alaga ko. "Mukhang palaban ka, baby, ah. Kaunting panahon na lang maangkin na kita," bulong ko rito habang ito ay tulog na tulog. Mukhang akala nito ay nanaginip lang siya. Gumalaw ito bahagya kaya naman napaangat bahagya ang suot nitong night dress. Umangat na naman ang sulok ng aking labi at dahan-dahan ko tinanggal ang panty nito at himalang 'di man lang ito nagising sa ginawa ko. … "Huwaggggg!!!” Bigla akong napabangon ng upo. Bakit pakiramdam ko may humahalik sa akin kanina at gumaganti rin ako nang halik? Ano kaya ‘yun? Bigla ako nakaramdam ng malakas na hangin, napatingin ako sa terrace at nakita kong nakabukas ito. "Paanong nabuksan ito?” tanong ko sa akin sarili habang sinasara muli ang sliding door na salamin dito sa aking terrace. Nakaramdam ako nang parang basa sa aking p********e at ng kapain ko iyon nanlaki ang mga mata ko. Bakit wala akong suot na panty? Nasupo ko ang aking ulo at bahagyang inalog-alog ito. "Haist, ano ka ba self kalasingan ko pati pagpa-panty nakalimutan ko na. Pe-pero, bakit nagawet ako down there? At pakiramdam ko may kahalikan pa ako at familiar ang halik na ‘yun… Ah, ano ba ‘yan? ‘Di na ako iinom ulit kung anu-ano naiisip ko. Isang panaginip lang ‘yun. Tama, panaginip lang ‘yun.” Dumiretsyo ako sa closet ko at kumuha ng panty at saka ako bumalik na muli sa pagkakahiga. Malapit ng mag-umaga, ilang oras na lang ang itutulog ko. — "Hoy, babae ka bakit bigla kang nawala? Huh? Hinanap ka pa namin sa labas ng Bar pero waley ka talaga. Saan ka ba nagpunta kagabi nung nagkagulo, babae ka?" Nandito sa opisina ko si Aprilyn at bahagya ko hinihilot ang aking sintido na kumikirot-kirot. ‘Di na rin kasi ako dinalaw ng antok kanina kaya ito para akong lutang. "Hoy, may kausap ba ako? Heller!!!” "Ano ba, April, kita mong masakit ang ulo nang tao, eh. Haist, paabot nga ng tubig, Friend.” Kaagad naman nitong inaabot sa akin ang isang bottle ng tubig. "Eh, kasi naman friend kanina pa ako kuda ng kuda rito ‘di mo naman ako pinapansin. Saan ka nga ba nagpunta kagabi?” Bago ko sagutin si April ay inubos ko muna ang laman ng bottle na binigay nito. Nanlaki pa kunwari ang mata nito dahil naubos ko ang tubig. "Haist, ewan ko sa inyong tatlo naturingan ko kayong mga kaibigan pero iniwan niyo ako sa loob ng Bar. Ang bilis niyo pa nawala, tsk. Buti na lang may-" ‘Di ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang bigla bumukas ang pinto nang opisina ko. "Oh, Hailey, okey ka lang? Hinga muna may elevator naman, friend pero, bakit mukhang sa hagdan ka dumaan?” Tama si Aprilyn mukhang sa hagdan ito dumaan dahil hingal na hingal pa ito. Nagtawanan kami ni April dahil sa itsura ni Hailey, sayang naman ang suot nitong dress na halos makita na ang kaluluwa. Pawisan kasi ito at hinihingal. Maya-maya pa nagsalita na rin ito. "Huh? Seryoso ka ba? Sino raw ang may gawa, Hailey? Naku, kawawa naman pala si Winston" Nagulat kami ni April ng sabihin ni Hailey na nasa ospital si Winston at nabugbog daw ito nang mga lalaking ‘di nito nakilala. "’Yun na nga, eh, ‘di nga niya nakilala kung sino nangbugbog sa kaniya, mga naka-mascara daw ang mga ito kaya ni isa wala siyang nakilala. Ayun ang kawawang Winston bugbog sarado." Kawawa naman si Winston mukhang mabait pa naman ito. Siguro bibisitahin ko na lang ito sa ospital para kumustahin. "Ay, nga pala sabi raw pala nung mga nangbugbog kay Winston layuan ka raw, Selena, kalurke, ha. Aminin mo nga sa amin Selena may boyfriend, ka na ba?" Napaangat ako ng tingin kay Hailey. Ano bang sinasabi nito wala ngang nagtagal sa mga manliligaw ko, boyfriend pa kaya? "Sus, maka-Boyfriend ka naman diyan. Wala nga ni isang nakakatagal sa panliligaw sa akin, boyfriend pa kaya?” Saglit na nag-isip ang dalawa habang ako naman ay lalo lang sumasakit ang sintido. "Hmmm… kung wala kang boyfriend, posible kaya na ang Dad mo ang nagpabugbog kay Winston, Selena?” Nainis ako sa sinabi ni Hailey. Napaka-prangka talaga nito, ‘di nag-iisip sa mararamdaman ng kausap niya. Kaya naman tumayo ako bago magsalita. "Alam mo, Hailey, hindi ganu’n ang Daddy ko. ‘Di niya magagawa ang magpabugbog ng tao kaya ikaw kung wala kang magandang sasabihin itahimik mo na lang ‘yang bibig mo. Isa pa, malay ko pa na baka may ibang kaaway ‘yang si Winston tapos pagbibintangan mo pa ang Daddy ko. Diyan na nga kayo!” asar kong sabi sa kanila. Iniwan ko si Hailey at April sa loob ng opisina ko at naiinis ako kay Hailey dahil sa pagbibintang nito kay Dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD