bc

Kidnapped by the Mafia Brothers

book_age18+
2.7K
FOLLOW
13.6K
READ
revenge
love-triangle
possessive
kidnap
mafia
drama
bxg
office/work place
enimies to lovers
brothers
like
intro-logo
Blurb

Isang happy go Lucky si Selena, Dahil nga sa solo itong anak lahat ng luho ay binibigay ng mga magulang nito. Idolo nito ang kanyang ama na isa sa may mataas na katungkulan sa bansa. Akala ni Selena Madison ay perpekto na ang kanyang pamilya.Hanggang sa kidnappin siya ng isang lalaking hindi niya akalain na magpapatibok ng puso niya.Paano kung tuluyan na siyang mahulog sa lalaki at malaman niya sa huli na isa lang pala siyang kabayaran para sa ama nitong may madilim na lihim.

Si Tristan Ashford maagang naulila sa kanyang mga magulang. Pinatay ang ama nito sa mismong harap niya pati ang ina nito ay nadamay

kaya pati ito ay namatay. Nakita niya ang taong pumatay sa mga magulang niya kaya naman pinangako niya sa sakanyang sarili na ipaghihiganti niya ang pagkamatay ng kanyang mga magulang at pagkawala ng kanyang kakambal na si Zedrick Ashford. Kinuha ito ng isa sa kasamahan ng taong pumatay sa kanyang magulang.w

Wala siyang nagawa dahil isa lamang siyang bata noon. Kaya naaman pinangako niyang kukunin niya ang pinakamahalagang tao sa buhay ni Mr.Madison at ito ang magiging kabayaran sa pagpatay nito sa kanyang mga magulang.

Sabay sabay natin subaybayan ang kwento ni Selena Madison,Tristan Ashford at Zedrick Ashford.may happy ending ba sa isang pag iibigan na nagsimula sa paghihiganti.Abangan!!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
SELENA POV "Selena! Selena! Selena! Nasaan ka ba babae ka? Yuhoooo......hays, nandiyan ka lang pala babae ka kanina pa ako sigaw ng sigaw dito, kakaloka ka!" "Sino ba naman kasi nagsabi sayo magsisigaw ka diyan?" "Kanina pa kasi kita hinahanap, eh. Ano bang ginagawa mo dito sa garden?" "Ano pa kung hindi nagpapahangin. April may itatanong nga ako sayo." "Ano 'yun, Selena! Mukhang seryoso ka ata ngayon, ah!" Napabuntong hininga ako bago humarap sa kaibigan ko. "Panget ba ako, April? 'Yung totoo, huh. Hindi ako magagalit, promise!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa at ang baliw kong kaibigan ay bigla na lamang akong tinawanan kaya naman binatukan ko ito. "Aray! Grabe naman ang lakas nun, huh! Muntik nang humiwalay ang ulo ko sa leeg ko, kalurke ka! Teka, bakit mo ba kasi naitanong kung panget ka?" Tumingala ako sa langit habang napapabuntong hininga. "Sagutin mo na lang ang tanong ko, April. Panget ba ako?" wika ko ulit dito na nakakunot na ang noo. Humarap ito sa akin at sinabi, "Hay, naku, Selena Madison, tanga lang o bulag ang magsasabing panget ka, noh! Dami ngang nagkakagusto sayo, eh. Sa ating magbabarkada ikaw ang diyosa kaya, bakit mo naman naitanong kung pangit ka? Okay ka lang ba?" "Kung ganu'n bakit ni isa wala man lang nanliligaw sa akin samantalang kayo nila Maris at Hailey may mga nobyo na, ako na lang ang walang nobyo sa ating apat eh." Lumapit si April sa akin at tinapik tapik ang aking balikat. "Ano ka ba siguro mga natatakot sila manligaw sa 'yo. Teka, 'di ba may mga nanliligaw naman sa 'yo na mayayaman din at anak pa ng kaibigan ng Daddy mo? Anong nangyari sa mga 'yun?" Tumayo na ako at inayos ang nag-suot ng ako nang dress. "Haist, bwesit na mga lalaki 'yun. Isang araw lang mga nanliligaw tapos 'di na bumabalik at take note, ha, ni wala manlang paramdam. 'Di ba? Nakakainis 'yun. Kaya feeling ko tuloy ang panget-panget ko. Saka, bakit naman sila matatakot manligaw sa akin, aber?" Tumayo na rin si April at inakbayan pa ako nito. "Eh, kasi po isa kang Madison at anak ng isang magaling na Senador ng Pilipinas at namamayagpag din po ang pangalan niyo sa business world. Oh, 'di ba, sino 'di matatakot manligaw sa 'yo? Dami mo pang julalay...okay? Okay. Ganito na lang mag-boy hunting na lang tayo mamaya gabi. 'Di ba friday naman ngayon? Tamang-tama wala tayong trabaho bukas. Tatawagan ko si Mariz at Hailey." Siguro nga kailangan ko rin mag-relax muna matagal na rin akong hindi gumigimik. Masyado kasing madaming pinapagawang trabaho sa akin si Dad, eh. Gusto nito na pag-aralan ko ang ibang trabaho sa opisina niya para raw kapag ako na ang hahawak sa company namin ay hindi na ako mahihirapan pa sa pagha-handle nito." "Hmm...tama, April, baka ngayong gabi ko na makilala ang lalaking para sa akin. Maasahan ka talaga sa lahat ng oras Aprilyn," wika ko kay April na nakangiti rin ng malapad sa akin. "'Yan ganyan lang dapat so paano mamayang gabi, ha, baka naman isama mo pa mga julalay mo, Selena. Kalurke, last time na kasama mo mga julalay mo ang boring lang ng gimik natin. Alam mo 'yun. Kulang na lang pati sa banyo ay bantayan ka ng mga tauhan ng daddy mo," sambit niya na may pang-aasar sa akin sabay tawa siya nang malakas. Napasimangot ako, ewan ko nga ba kay Dad kung bakit lagi ako nitong pinapasamahan sa mga bodyguard niya kaya naman minsan tinatakasan ko ang mga ito, at tulad nang dati tatakasan ko uli ang mga ito. "Ako na ang bahala sa mga 'yon. Doon tayo sa dati, ha, thank you, Aprilyn," wika ko sa kaibigan ko sabay yakap nito sa akin. - - - "Grabe ang daming tao ngayon, ah," wika ni Hailey sa tatlo. Ito ang napaka-kikay na halos makitaan na ito sa iksi ng suot nito. "Malamang friday night ngayon 'di ba? Kaya madami ang gumigimik, duh!" Si Maris naman ang mahilig mambara kay Hailey kaya madalas silang dalawa din ang lagi nagkakaaway. "Teka, asan na ba si Selena? Sabi niya tatakasan niya mga body Guard niya, eh Asan na kaya ang babaeng 'yun?!" wika ko sa dalawa kong kasamang nagkakairingan na naman. Humanap sila ng bakanteng table na pang apatan at maigi na lang nakahanap sila agad. "Ang tanong kong makakatakasa ba naman 'yang si Selena sa dami niyang bodyguard. Naku, good-luck sa kaniya," banggit ni Hailey. Maya-maya pa ay bigla na lamang may tumabi kay Hailey, naka-jacket ito na may hood. Sisitahin na sana niya ito pero nangtanggalin nito ang hood, si Selena lang pala na hinihingal pa. "Bwesit na mga 'yun ang hirap takasan. Buti na lang nakatakas ako," inis na sabi ni Selena nang una but then, napangiti siya dahil tagumpay siya sa pagtakas sa mga bodyguards na laging nakabuntot sa kaniya. "Hoy, Hailey, narinig kita, ah. Wala ka ba bilib sa akin?"—"Sa totoo lang nahirapan talaga akong takasan ang mga bodyguard ni Dad pwede naman ako gumimik talaga pero kailangan kasama ko ang mga ibinigay na bodyguard ni Dad sa akin." … "Boss, nakatakas siya sa mga bantay niya pero huwag kayo mag-aalala alam ko kung saan pumunta si Ms. Selena! Sa LoadedBar. Boss. Sige po, Boss, masusunod!" "Jet, sa loadedBar tayo!" "Yes Boss!" … "Yeah!!! Party-party! Nakaka-miss din ang ganito, hindi ba, guys?!” maligayang sigaw ni Selena sa mga kasama niya. "Hoy, Selena, hindi ka ba binabanas diyan sa suot mo?” nakangiwi na wika ni Hailey. At tama ito dahil medyo nababanas na nga si Selena sa suot niyang jacket. "Okay, wait, punta lang ako restroom. Hubarin ko lang jacket ko. Order pa kayo! Sagot ko!" Nagpalakpakan pa ang tatlo habang sumasayaw. "Haist, ano ba yan! Saan ba ang restroom dito? Oppssss, sorry!" Habang hinahanap niya kung saan ang restroom napabangga siya sa isang lalaki. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kaniya pakiwari niya ay matanda lang ito sa kaniya ng ilang taon kahit medyo madilim pero halatang may itsura ito at malaki ang katawan. Lalampasan na sana niya ito nang bigla itong nagsalita. "Are you lost?" Nilingon niya ito at nagulat siya nang bigla siya nitong hatakin at halikan. Dahil sa tama ng alcohol sa katawan ginantihan niya ito na akala ata nito ay papalag siya kaya ipinulupot niya ang mga braso niya sa leeg nito. Naamoy niya ang mabango nitong hininga na lalong nagpainit sa kaniya. Bigla itong bumitaw sa paghalik sa kaniya at nilapit nito ang bibig sa kaniyang tenga dahilan para mapapikit siya dahil sa kiliting hatid nito sa kaniya. "You'll be mine soon, baby,” bulong nitong sabi at sa malaking boses. Napamulat si Selena bigla at sa pagmulat niya wala na ang lalaking kanina lang ay umangkin sa kaniyang labi. "Hey, Selena, are you okay? Kanina ka pa nakahawak sa mga labi mo. Anyare sa ‘yo?” Hindi na lang namalayan ni Selena na nakatingin pala sila Mariz at April sa kaniya. “Bakit ganu’n parang nasa labi ko pa rin ang labi ng lalaking yun? Totoo kayang may humalik sa akin o imagination ko lang yung kanina? Umiling-iling ako baka dala lang ng tama ng alcohol sa katawan kaya kung anu-ano ang nai-imagine ko,” bulong ni Selena sa sarili niya. "Hey, guys, may kasama nga pala ako si Chadie, Brenton,Winston at Robert. Guys, I want you to meet my friends, si April, Mariz at syempre si Selena Madison!" Pagpapakilala ni Hailey sa apat na lalaking kasama nito, nakipagkamay naman silang apat. Maya-maya lumapit ang tinawag nitong Winston kay Selena. Cute ito, ‘di kagwapuhan pero pwede na rin. Habang nakikipagkwentuhan si Selena kay Winston pakiramdam niya ay may matang nakatingin sa kaniya kaya naman nagpalinga-linga siya pero wala naman siyang makitang nakatingin. Halos lahat ay nagsasaya at sumasayaw kaya naman ibinaling na lang niya ang attention niya kay Winston. Naisip niya baka guni-guni niya na naman na may nakatingin sa kaniya. "Selena, anak ka ba ni Senador Henry Madison, ang pinaka magaling na senador ng bansa?” “Ayaw ko man sabihin dito na oo dahil baka mamaya katulad ng ibang lalaking nakikilala ko ay layuan din ako kapag nalaman anak ako ni Henry Madison,” pagdadalawang isip ni Selena. “Ah, ano…oo, bakit?" Ngumiti lang siya nang malapad dito. "Ah, wala naman. Grabe, ang swerte ko pala kausap ko ngayon ang anak ng sikat na businessman at senador ng bansa. Wow, pwede bang magpa-autograph mamaya?” Hinampas ni Selena ito sa braso habang nakangiti, sa tingin niya kasi ay cool ito kasama si Winston kaya nag-enjoy siyang kakwentuhan ito dahil galing din ito sa mayaman na pamilya. “Para kang sira ano. Ako, artista?” natatawang reply ni Selena. “Teka, maigi pa sumayaw na lang tayo. Tingnan mo mga kaibigan natin mga sumasayaw na. Ano, let’s go!" pag-aaya niya rito na kaagad naman ito pumayag. Masyadong madikit si Winston kahit medyo umiiwas si Selena rito pero kusa nitong dinidikit ang katawan sa katawan niya. At nasa kalagitnaan na sila nang pagsasayaw ng biglang may magpaputok ng baril kaya naman halos lahat ay nataranta at nagkagulo. Hindi naman niya mahagilap ang mga kaibigan niya. Pati na rin si Winston na kanina lang ay nasa tabi niya ay biglang nawala. "Hala, asan na kayo, Mariz, April, Hailey?! Asan kayo!" sigaw ni Selena. Then, may isang kamay ang humaplot kay Selena at hinila siya nito palabas. Hindi niya ito mamukaan dahil nakatalikod ito sa kaniya habang hila ang kamay niya. Pagkalabas ay kaagad nitong isinakay si Selena sa motorsiklo nitong itim, nagsuot agad ito nang helmet kaya hindi niya nakita kung ano itsura nito. Kinuha nito ang dalawang kamay niya at iniyapos sa bewang nito. Ang weird lang ng pakiramdam niya dahil pakiramdam niya ay safe na safe siya sa isang istrangherong lalaking ito. Inihilig niya ang kaniyang ulo sa likuran nito at mas niyakap niya pa ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook