**
Sacrifices not necessarily mean giving up your life; it is just your way of dealing with some circumstances happen in unexpected days. Some sacrifices might be helpful but some made the situation worsen so better choose what sacrifices you'll make.
**JOHANN'S POV**
"I'm sorry son but Shannon refused on our condition, baka naman pwedeng kalimutan mo na ang kasal na iyon?" Dad told. It's been 4 days since Shannon talked to me about that matter and this thing is exactly what I expected.
"Don't worry Dad, I know she'll refuse. Let's just forget it." Nakita ko naman ang ngiti sa mga mata ni Dad ng sabihin ko iyon. Alam kong ayaw niyang gipitin si Tito Seb ng dahil lang dun.
"Why just pursue her personally?" Dad suggested. That's really a NO NO for me. There's no way for me to do that, I just need her, I wanted to get her and after I get what I want, I will leave her with the same pain she caused me.
"That's a good idea Dad but I doubt she'll like it." I response with a fake smile, kung ano man ang meron sa'min dalawa ni Shannon ay kami lang ang dapat na mamagitan dun. Family is always excluded in it but if necessarily.....who would have known what could I do.
"Hahaha....kailan ka pa nawalan ng confidence son........blah.......blah..." Patuloy lang si Papa sa mga sinasabi niya pero wala na roon ang atensyon ko. I'm currently thinking about my next step para makuha ko si Shannon. And I will make sure that she'll the first one to surrender herself in my trap.
"What do you think son?" Dad asked, I didn't know what his talking about since I was not listening in the first place. Kanina pa siya nagkwekwento ng kung ano-ano pero wala ni isa sa mga iyon ang pumasok sa isip ko.
"I'm sorry Dad, I got spaced out ano nga po ulit ang sinasabi niyo?"
"Well, I'm thinking if we could invest to Seb's company, it's kind of small one but at least we could give it a try?" And that hits my mind. A great idea pops in. Napangisi nalang ako ng maisip kung ano ba ang dapat kong gawin and this would be the only thing I could do to get her.
**SHANNON'S POV**
"It's your fault...." Singhal niya sakin habang tumutulo ang luha nito. He's in pain and I see it clearly in my eyes, this is the first time na nakita ko siyang umiyak. Is it really my fault? Is it wrong to do the right thing?
"Y-you don't u-understand J-Johann, it's not what you think." I tried to explain my side pero hindi niya ko binigyan ng pagkakataon.
"What I understand is that she left me because of you!" Kasalanan ko ba talaga ang nangyari? All I wanted is to protect him from her anong mali kung protektahan ko ang taong mahal ko laban sa mga taong kagaya niya.
"J-johann..." I tried to reach out for his hand pero lumayo lang siya at tumalikod pero bago pa ito makaalis ay nagbitaw pa siya ng mga salita na hindi ko kayang makalimutan.
"I don't want to see you ever again. I wish this would be the last." he said it as he left me dumfounded.
Krriiiiingg.....
Napabalikwas ako kasabay ng pagtingin ko sa orasan para malaman kung anong oras na. Nang makita kong 4:30 na ng madaling araw ay tumayo na rin ako at pinatay ko na ang alarm. Nagising kasi ako ng maaga o mas tamang bang sabihin na hindi talaga ako nakatulog ng maayos dahil sa mga bumabagabag sa isip ko, hindi ko alam kung bakit bumabalik na naman sa ala-ala ko ang mga bagay na iyon, ilang taon ko ng pilit kinalimutan ang pangyayaring yun pero bigla bigla nalang bumalik kagaya ng pagbabalik niya sa buhay ko.
Flashback
2 years had passed at nakatira pa rin kami sa bahay ng mga Vuenavista hindi kasi pumayag si Tita at Tito na umalis pa kami, ang sabi nila samin ay mas maganda daw na magstay nalang kami dito since mas accesible daw ang bahay nila sa school na pinapasukan namin nila Johann and we're at the end of the year naman na din kaya malapit ng kaming grumaduate ng sabay-sabay. About naman sa bahay na pinarenovate namin, tapos naman na yun last year pa pero mas pinili nalang ni papa na paupahan muna iyon para dagdag extra income na rin para naman kahit papaano ay makapagshare naman kami kila tita sa mga gastusin dito sa bahay.
A lot of things had happened at isa na'ron ang pakikitungo ni Johann sakin, at first, napakailap niya talaga sakin, halos hindi nga niya ko kinakakausap kung hindi lang talaga kinakailangan pero along the way parang nasanay na rin siya sa existence ko.
"Johann, can I ask kung pwede mo kung turuan dito sa math? Di ko kasi magets ehh." Medyo nahihiya ako pero lagi ko namang ginagawa yun kaya ayus lang siguro kung magpaturo ako ulit.
"Tsk, you're really unbelievable; ilang beses ko ng itinuro ito sayo hindi mo pa rin makuha." He said with a bit irritation in his voice, paano ko ba naman kasi maiintindihan yan kung kagaya mo ang magtuturo.
Napayuko nalang ako at umarteng nahihiya, nakita ko namang pailing-iling lang ito.
"Come here." Pagkasabi niya nun ay umupo naman na'ko sa tabing upuan niya at nagsimula na siyang ituro ang aralin. May kung anong binabanggit siya about sa x and y na kung ano-ano pang foil method at by means and extreme na sinasabi niya pero wala akong naiintindihan. All I understand is how his face looks so handsome like a prince in the fairytales.
"Hey, are you even listening?" He reprimanded when he noticed that I was staring at him.
Tumango naman ako dahil paniguradong magagalit ito kung sakaling sabihin kong wala akong naiintindihan. Nakita ko naman ang alinlangan sa mga mata nito ng tumango ako pero ngumiti ito ng nakakaloko.
"As always, you're drooling over me hahahahahaha......" Sabi nito sabay tawa ng nakakaloko na siya namang ikinapula ng mukha ko.
"Hoy hindi ahh!! Yabang nito!" Sabi ko sa kanya sabay hampas ng mahina sa braso niya. That's another thing na nagbago, nakikipagbiruan na rin siya sakin kahit papaano. Alam kong alam niya kung anong feelings ang meron ako para sa kanya pero ano pa nga bang magagawa ko kung may mahal naman siyang iba. Yes I know that he has a girlfriend. Hindi alam ng kapatid at parents niya na may girlfriend siya at hindi ko alam kung bakit niya iyon inililihim.
How did I know? Syempre kapag mahal mo ang isang tao, natural lang na malaman mo ang lahat ng bagay tungkol sa kanya, you can all call me a stalker or obsessed pero ano nga bang magagawa ko? Love is blind eka nga nila kaya kahit alam kong may mahal siyang iba ay minamahal ko pa rin siya, although wala siyang pagtingin sakin. How ironic, right?
"Oh ba't natahimik ka? Pikon na yan ohh..." Pang-aasar pa niya sabay pisil sa ilong ko. He always do that at okay lang iyon sakin, samantalang ako naman ay umarteng parang naasar nga.
"Ewan ko sayo!" saad ko sabay hampas ulit sa kanya pero nakaiwas siya.
"Hahaha kala mo makakadalawa ka ahh.." tumawa siya ng nakakaloko at ang tawang iyon ang nagpakinang ng mga mata ko. Everytime na nagbibiruan kami ng ganito ay alam kong kahit hindi niya ko mahal at one sided lang ang feelings ko para sa kanya ay sapat na sakin kahit kaibigan lang ang kaya niyang ioffer.
"Johann bro, tara dun sa court, basketball tayo." Bigla naman dumating si Kuya at inaya si Johann. Ano pa nga ba? parang sila pa nga ang magkapatid dahil sa sobrang close nila. Basta basketball at ibang sports ang usapan, magkasundo sila.
"Sige Bro, saglit lang magbibihis lang ako." Tugon ni Johann. At tumalikod na ito sakin na siya namang ikinasimangot ko.
"Uy yang nguso mo baka makagat ng ipis yan hahahahahaahaha" Napasimangot naman ako lalo ng marinig ko ang pang-aasar pa ni Kuya.
"Ewan ko sa inyo, magbasketball na nga kayo! Bwisit!" Singhal ko na ikinatawa nito.
Isinubsob ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga libro ko para naman makakuha ko ng mataas na grades. Kahit naman ganito ko, pag-aaral pa rin ang number one sakin kaya kahit medyo hindi ko pa naiintindihan ang lahat ng itinuro ni Johann ay pinilit ko nalang magfocus pero parang hindi ko yata magagawa iyon lalo pa ng makita kong bumaba na si Johann suot ang kulay asul niyang Jersy.
Hindi ko alam kung anong hitsura ko pero isa lang ang masasabi ko. Ang hot niya talaga!
"Hoy, yung laway mo!" Saway naman ni Kuya ng makitang titig na titig ako kay Johann.
"Yan kapatid mo, Patay na patay sakin kahit kailan." Sabi naman ni Johann na nakipag-apir pa kay kuya. Ayoko mang mainis ay padabog kong kinuha ang mga libro saka padabog na umayak papunta sa kwarto ko. Narinig ko pang nagtatawanan ang dalawa pero hindi ko nalang pinansin at dumeretso lang sa paglalakad. Nadaanan ko naman ang kwarto ni Jess kaya naisipan kong kumatok para naman kahit papaano ay may makakwentuhan ako.
"Bess, halika pasok ka." Sabi niya sabay hila sakin papasok ng kwarto niya ng makita niya na ako ang kumatok. Bess ang tawag niya sakin dahil bestfriend ko siya. Yes, bestfriend ko siya, siya nga ang dahilan kung bakit ako nagkagusto kay Johann at nagulat pa nga kami noong unang nalaman namin na magkaka-ibigan pala ang mga magulang naming.
"Bess...tulungan mo naman ako dito sa Math di ko magets ehh." Saad ko dito ng nakanguso samantalang ito ay napakamot lang din sa ulo niya.
"Bess naman eh, mangangamote tayo niyan. Alam mo naman na hate ko ang math diba?" reklamo naman nito.
"Subukan mo nalang, alam ko naman na mas magaling ka sakin dito?"inabot ko naman sa kanya ang libro at nag-aral lang kami hanggang sa hindi naming napansin na hapon na pala. Nagulat nalang kami ni Jess ng kumatok si Tita sa kwarto at tawagin kami para magmiryenda.
Pagkababa naming ay siya namang dating ng dalawang pawisang barako. Sino pa nga ba kundi ang kuya ko at si Johann, nakita ko namang namula si Jess na siyang katabi ko habang nakatingin sa kuya ko. Napangiti naman ako ng mapansin ko iyon, I'm not numb for me to get the meaning of her action even she's not telling me a thing, I know that she has a feelings for my brother.
"Bess,ikaw ha!" Pang-asar ko pa dito na siya namang ikinatingin nito sakin.
"It's not what you think!" Tanggi nito sabay iwas ng mata sakin. Ngayon niya sabihin sakin na mali ang iniisip ko. I'm not even saying a single thing so why being too defensive? Napailing nalang ako at tumungo na sa pwesto nila Tita.
**
Days go too fast, at habang tumataggal ang panahon ay lalo ding lumalalim ang pagtingin ko kay Johann. Ang akala ko nung una ay sapat nang makaibigan lang kami, na okay lang na may mahal siyang iba at ako itong si tangga na mamahalin lang siya kahit anong mangyari. Dati sapat na sakin na malapit lang siya sa tabi ko kahit na ang totoo ay malayong-malayo kami sa isa't-isa pero masasabi ko pa rin bang sapat na ako sa ganito kung kaya ko namang gawin ang lahat para mahalin din niya ko?
Ou takot ako na baka lumayo siya kaya hindi ako kumikilos, takot ako na baka mawala ang friendship na pinaghirapan kong makuha at iningatan ko ng dahil lang sa gusto kong maging masaya siya at ang pinakatatakutan ko ay ang sabihin niyang hindi niya ko mahal dahil may mahal siyang iba. Maraming bagay ang kinatatakutan ko kaya lahat ng nararamdaman ko ay itinago ko sa napakaraming love letter na ngayon ay balak ko nang ibigay sa kanya.
I'm not selfish! I just want to give it a shot, kung hindi niya tatanggapin alam kong masasaktan ako ng todo but at least I did this kaysa pagsisihan ko balang araw na hindi ko man lang nagawang ipaglaban ang pagmamahal ko.
Papunta ko ngayon sa classroom niya para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. He might reject me before I could bare to say a word pero kailangan kong subukan.
Nang malapit na'ko sa classroom niya ay doon ako napahinto dahil sa kinakabahan ako sa maaring mangyari. You can do it Shannon! Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ko ay nagtuloy ako sa paglalakad hanggang sa nadaanan ko na ang bintana ng classroom nila, halos wala na palang studyante at pawang mga cleaners nalang ang natira pero nasan na si Johann?
"Kuya, nakita mo ba si Johann?" Tanong ko sa lalaking may hawak ng mop.
"You're Shannon right?" tumango naman ako sa tinuran nito.
"I know it's my lucky day to see you." Ano daw? Nakakaloko naman itong lalaking ito.
"Pardon?" I asked sarcastically.
"May I invite you for a date? And can I get your number as well?" Napasimangot naman ako sa sinabi nito. Akmang magrereklamo sana ako ng biglang lumapit ang isang babae.
"Ahh Miss Shannon right? Pasensya ka na rito sa pinsan ko. Maloko lang talaga yan, by the way, Johann went to the gym baka nandun pa siya, nagmamadali kasi siya kaninang umalis eh"
"Thank you!" Pagkatapos kong magpasalamat ay nginitian ko ito at tumalikod na, rinig ko pang nagtatalo silang magpinsan pero nagmadali nakong umalis sa lugar na iyon.
Mabilis akong naglakad kung masasabi ko nga bang lakad pa ang ginawa ko. Nang marating ko naman na ang gym ay wala naman ng tao pero pumasok pa rin ako para malaman ko kung talagang wala ng tao sa lugar na iyon.
Pumasok ako sa loob ng gym at ng masiguradong walang tao dun ay tatalikod na sana ako ngunit napahinto ako ng marinig ko ang kakaiban ingay.
"Ahh.." Ano yun? May tao ba dito? Tinatanong ko ang sarili ko kung tama nga ba ang naririnig ko hanggang sa mapagtanto kong sa likod ng stage nanggagaling ang ingay.
"Ohh....ohhhh.... Harder babe...ahh....HARDER!!!!" Nangilabot ako ng mapagtanto ko kung ano ang naririnig ko at halos mawalan ng daloy ng dugo ang mukha ko ng makita ko kung ano ang kababalaghang nagaganap.
What the f*ck! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng makita ko ang isang pamilyar na tao na paparating.
Dali akong tumakbo papunta sa taong iyon. Namumutla ako dahil sa nakita ko at halos di makagalaw pero pinilit kong kumilos para hindi na masaksihan ni Johann ang kababalagahan na paniguradong dudurog sa puso niya.
"Shannon? What are you doing here?" Tanong niya.
"I-I'm l-looking for y-you." Nginig ang dila ko habang sinasabi ang bagay na iyon.
"Wait, are you okay? You look pale." Sita pa nito sa'kin, napatingin nalang ako ng may lungkot sa mga mata. Alam kong masasaktan siya at hindi ko kakayanin iyon. Kailangang ko siyang ilayo dito.
"SHANNON!" Yun ang huli kong narinig bago ako bumagsak sa mga bisig ni Johann, ramdam ko naman na nataranta siya at binuhat na'ko palabas ng gym. Hindi talaga ko nawalan ng malay, kinailangan ko lang ilayo siya sa bagay na makakasakit sa kanya.
Habang buhat-buhat niya ko ay hindi ko napigilan na mapaluha dahil sa awa na nararamdaman ko para kay Johann, hindi ko akalain na nagparaya ako ng dahil sa isang babaeng hudas at salawahan! I hate her! I hate the both of them! Curse them to hell!
End of flashback
**
Buong maghapon na ibinuhos ko sa office ang stress ko para naman makalimutan ko na ang mga pangyayari noon. Mabuti nalang at hindi ako ginambala ni Johann sa maghapon dahil busy rin ito sa mga meetings nito pero hindi pa rin mawala wala ang kakaiba nitong tingin sa tuwing kinakailangan ko itong kausapin tungkol sa mga meetings niya.
Nakakailang? Yes I admit that working with him is not an easy task pero kailangan ko pa ring magtrabaho dahil kahit papaano ay tinulungan din naman niya si Papa sa business nito kahit hindi ako pumayag na magpakasal.
Kung iba lang sana ang sitwasyon baka pumayag pa'ko pero maraming ng nangyari at nag-iba. Hindi na ako yung Shannon na dati ay patay na patay sa kanya. Hindi na nga ba? Hindi ako sigurado pero isa lang ang natitiyak ko. I won't fall for him once again dahil masasaktan lang ako kapag nagkataon.
**JOHANN'S POV**
You will fall for me again. I know you will. Hindi ako papayag na ako lang ang magdurusa samantalang kinalimutan mo na ang kasalanan mo sakin.
"Sir, Mister Sy has arrived, I just wanted to inform you that the meeting will start in 10 minutes." Pagkasabi niya nun ay nginitian ko siya. I've noticed the uneasiness in her action at halata kong kahit hindi niya sabihin ay may pagtingin pa rin siya sakin. Hindi ko lubos maisip na ang pagkagusto na iyon ay aabot sa sukdulan.
Flashback
I decided to introduce her in the family today kaya naghanda ako para bago man lang umalis sila Tito Seb, Shun at syempre si Shannon ay makilala man lang nila ang babaeng mahal ko. I decided to keep her as a secret on her own will. Sabi niya kasi ay hindi pa siya handa na harapin ang pamilya ko kaya pinagbigyan ko siya sa gusto niya kaya naman tuwang-tuwa ako ng bigla siyang pumayag na ipakilala ko na siya sa pamilya ko ngayon.
Uwian na kaya naman dali akong lumabas para puntahan na siya sa Gym kung saan kami magkikita. Masaya na parang kinakabahan, yan ang nararamdaman ko ngayon but I'm sure that when I get to see her face ay mawawala ang tension sa dibdib ko. I never been this damn in love ngayon lang kaya hindi ko alam kung normal lang ba na ganito ang pakiramdam ko.
Habang palapit ng palapit ang mga paa ko patungo sa gymnasium ay mas patindi ng patindi ang kabog ng dibdib ko pero parang naglaho ang lahat ng excitement ko ng makita ko ang isang scenario.
"WHAT THE F*CK!" Hindi ko napigilang ang sarili ko na suntukin ang lalaking kahalikan ng babaeng mahal ko.
"PAPATAYIN KITA!!! YOU MORON! HOW DARE YOU!!!" Galit ang umiral sakin ng makita ko ang ginawa nilang kahayupan.
"STOP IT JOHANN!! STOP IT!!!" Nang marinig ko ang sigaw niya ay doon lang ako natauhan. Halos walang malay na ang lalaki dahil sa bugbog ko and the hell I care.
"THE HELL SOPHIA!!! WHAT IS THIS!!!" I asked firmly. I can't believe that she can do this to me. I love her to the point that I'm sure that I'm gonna marry her after we graduated and then she cheated on me?
Masakit na makita na ang babaeng mahal na mahal mo, ang babaeng akala mo siya na ang panghabang buhay na makakasama mo at ang babaeng pinagkatiwalaan mo ay lolokohin ka lang at ang mas masakit ay yung handa ka ng tanggapin siya ng buong-buo sa buhay mo tapos tatalikuran ka lang ng dahil sa ibang lalaki.
"ANSWER ME!!!" I can't believe this, hindi ko napigilan na mapaluha ng dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko. This is the first time I cry over a thing. Masakit at nakakamatay ang nararamdaman kong sikip sa dibdib ko ngayon pero kailangan ko ng kasagutan.
"LEAVE US ALONE!!! I HATE YOU.... AND DON'T EVER SEE ME AGAIN!" Sigaw niya na mas dumurog sa puso ko. What? Is that all she can say? After what she did pero bakit parang ako pa ang may kasalanan?
"Brenn..w-wake up babe." Kitang-kita ko kung papaano niya inaalo ang lalaki niya tapos ako pa ngayon ang papaalisin niya.
"Sophia...how c-could you do this to m-me? I-I l-love you" I said in a low tone voice. It's a bit cracked pero wala nakong pakialam kung sabihin man nilang bakla ako dahil sa umiyak ako. Ang sakit eh, ang sakit-sakit na parang binibiyak ang dibdib ko.
"Johann..." Napalingon naman ako ng marinig ko ang mahinang boses na tumawag sakin. Alam kong hindi si Sophia iyon.
"Shannon, what are you doing here?" Mahina kong tanong habang nanatiling nakaluhod. I know that I looked pity pero wala nakong pakialam.
Nagulat nalang ako ng bigla nalang sumugod si Sophia kay Shannon at sinampal ito dahilan para mapatayo ako para pigilan ito.
"Stop it Sophia, stop!" Pigil ko dito.
"IT'S ALL HER FAULT!" Sigaw nito na hindi ko maintindihan.
"HOW DARE YOU TO DEMAND FOR MY EXPLANATION WHEN IN FACT YOU'RE THE FIRST ONE WHO CHEATED ON ME.......and we're even now!"
"W-what are you talking about?" Ano bang sinasabi niya? I didn't know what she's talking about and now, she's pointing the blame on me.
"Don't put the blame on me Sophia, kitang-kita ko ang ebedensya. I SAW YOU K-KISSING THAT BASTARD!" Masakit sabihin pero mahirap tanggapin na makitang hinalikan ng iba ang taong mahal mo.
"AND DON'T FOOL ME TOO! WHY DON'T YOU JUST TALK TO THAT BITCH.....ALAM KONG MATAGGAL NIYO NAKONG NILOLOKO, SHE DID EVEN TELL ME NA GINAGAMIT MO LANG AKO! KAYA BAGO MO PA MAGAWA IYON INUNAHAN NA KITA." Napalingon naman ako kay Shannon na ngayon ay hindi makatingin ng deretso sa mga mata ko. so is this true?
"SHANNON, W-WHAT IS SHE T-TALKING ABOUT?" Gusto kong maging mahinahon pero kilala ko si Shannon and I can tell that she's hiding something from me, it's totally shown in her expression.
"That's t-true. I told her e-everything." Nang marinig ko yun ay mas gumuho ang mundo ko. I can't believe na pati pala siya ay nagawa akong lokohin.
"W-what? What have you told her?" I asked tensely and when she answers back, that hits the reason of this chaos.
"I told her about our secret a-affair." What is she talking about? Affair? I didn't even remember that I have an affair with anyone except for Sophia so what she's talking about now?
Dali naman akong lumapit kay Sophia pero pinagtabuyan ako nito.
"Sophia, don't believe her....we don't have an affair.....SHANNON TELL HER THE TRUTH!!" Sigaw ko pa kay Shannon pero nagbingi-bingihan lang ito na parang walang narinig. Nakita kong umiiyak siya pero para saan ang iyak na'yon? Naguguilty ba siya? Why is she doing this to me!!!
"GET YOUR HANDS OFF OF ME! I DON'T WANNA SEE YOU AGAIN! AND DON'T EVEN DARE TO GIVE YOUR SHITTY EXPLANATION BECAUSE I WON'T BELIEVE YOU." Pagkatapos nitong sumigaw ay dali nitong inakay ang lalaking binugbog ko at lumakad na paalis pero bago pa nito ako lampasan ay hinawakan ko ito sa braso at nagmakaawa sa huling pagkakataon.
"I'm so sorry Sophia....I love you...please d-don't leave me." I even kneeled in front of her pero wala iyong nagawa dahil sa bandang huli ay iniwan pa rin niya ako at yun ang huli naming pagkikita.
End of flashback
"Sir, are you even listening?" Shannon is infront of me discussing about the meetings I need to attend to.
"You look beautiful today." I compliment her as I stare in her angelic face. That's quite true, she has a beauty that made you believe it's true but when you discover what's behind it, you'll screw up because it's dangerous! She's devil.
Pero ng matitigan ko ang maganda niyang mukha ay doon ko naalala na ang maamong mukha na mayron siya ay isa lang balat kayo. She's a kind of person that once you been attached and trusted to, that's the time she'll bite you behind your back.
"I'll go ahead Sir." Pagkatapos noon ay umalis na siya at tumalikod. Napailing nalang ako at nagpangiti ng mapait.
I can't believe that I was able to get attached to you back then....
**