**
Decisions will make you the bravest person alive because in every decision you will make, a struggling that you may take, can take you to your inner self. However, there's no good decision at all because the only thing that making it right is on how you would face the consequences after you have made one mistake.
**SHUN'S POV**
"What are you talking about Shun? Anong sinasabi mong bumaba ang sales ng branch natin sa Taguig?" Papa exclaimed as he astonishingly stares in me. I can't even say something. If I could just do something to save our company, I would do it.
"I'm very sorry Pa but I did my best to save that branch pero wala na talagang pumapasok na benta. We can't even reach our quota and worse, not even the capital has been recuperated." I told him truly. I went to Taguig last week to deal with the prior problems that our branch managers are complaining regarding the sales of our branch. I found out na may bagong tayong restaurant nearby our location and that has a major effect in our branch. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat pero kailangan ko itong harapin kaya napilitan akong magstay sa taguig pero hindi pa man ako nakaka 3days ay nagreport sakin ang branch manager namin sa Pampanga with the same problem. Ayaw ko na sanang sabihin kay papa dahil abala rin siya sa pagmonitor ng mga branches ng restaurants namin pero hindi ko na kinaya ang bigat ng responsibility kaya napilitan akong ipaalam sa kanya.
"So what are you suggesting then?" Papa asked calmly. Hindi ko alam kung bakit napakakalmado niya when in fact our company is gaining losses little by little.
"We need a major investor. I suggested this many times but you keep on rejecting my proposal"
"A partnership perhaps?" Tanong niya na medyo nagdududa, papa inherited this business from my late grandparents.
"Yes, pa and Vuenavista is my main prospect." Nang sabihin ko iyon ay napakunot ang noo niya. I know that if it's not about Shannon, he'll agree on me. Inaalala niya si Shannon dahil kapag humingi kami ulit ng tulong sa mga Vuenavista ay mauungkat na naman ang kasal na hinihingi ni Johann.
Hindi ko masisi ang kapatid ko kung bakit ayaw niyang pumayag pero mahalaga ito kay papa. This is the only thing that he wants to settle before he undergoes operation. There's one thing that Shannon didn't know, it's about papa's illness. Kailan lang nalaman ni papa ang tungkol sa sakit niya at nalaman ko lang ito noong bago kami pumunta sa Manila para sundan si Shannon.
He has brain tumor, and according to the doctors that we consulted a lot of times, they are stating same result which was the tumor is too big to be removed in his brain. Napakadelikado kung aalisin ito kaya hindi ko masisi si papa kung gusto na niyang ilagay sa ayos ang buhay namin.
"Pa, it's too stressful for you to do this job. Let me handle this, you need to rest." Hindi ko pinahalata kay papa ang awa ko sa kanya dahil kilala ko siya and he wouldn't want me to be weak just because I found out about his illness.
Oo masakit dahil alam ko na anytime soon ay pwede siyang mawala pero kung ipapakita ko sa kanyang nasasaktan ako ay mas lalo lang siyang mag-aalala. I'm the eldest son at ako lang ang kakapitan ni Shannon kapag nawala siya kaya hindi ko pwedeng ipakita kay papa na mahina ang panganay niya dahil hindi siya magiging masaya.
"Son, don't think too much about me, wala ito, kayang-kaya ni Papa mo." Napatungo nalang ako ng maramdaman kong lumapit ito sa likuran ko at tapikin ang balikat ko.
"Pa, can you change your mind about the operation?" I asked optimistically with a positive response.
"You know the reason why I don't want to take that operation. Don't worry about me." Hindi ko na natiis ng sabihin niya iyon.
"Don't w-worry about y-you? Papaano namang hindi ako mag-aalala Pa when I clearly knew that you are being trapped with a dangerous illness that might cause you dead kung hindi kayo magpapaopera." Napaluha na ako habang sinasabi ko iyon kay papa. Mahirap magdala ng ganito kabigat na responsibilidad lalo pa at ako lang ang nakakaalam nito.
Mahirap magtago ng totoo sa kapatid ko dahil alam kong magagalit siya sakin sa sandaling malaman niya ang lahat at siya lang ang hindi nakakaalam but I can't blame papa also for not letting me tell Shannon about his situation dahil alam namin na masyadong fragile si Shannon, she might be brave and bright outside but that is obviously her defense mechanism.
"A-anak, gusto ko pa kayong makasama kaya hindi ako nagpapaopera. You clearly knew that the chances of survival is less than 50 percent and not even 20 percent so how could I trust them to operate me when I'm not sure if I will be able to wake up after that damn operation. NATATAKOT AKO NA HINDI KO NA KAYO MAKITA!" Nakita ko nalang na napasapo si papa sa kanyang ulo, inakala ko noong una na inaatake na naman ito pero ng makita kong tumalikod ito at umupo sa couch at napahinga ako ng maluwag dahil nasiguro kong wala itong nararamdamang kakaiba ngayon.
"If you don't want to accept the operation Pa, better yet, tell this whole thing to Shannon."
"NO! I DON'T WANT HER TO SUFFER JUST BECAUSE OF ME, MAS MADALI NIYANG MATATANGGAP KUNG MAMATAY NA LANG AKO NG BIGLAAN, AND DON'T EVEN TELL YOUR SISTER THAT I HAVE A BRAIN TUMOR! DO YOU UNDERSTAND SHUN!" Pasigaw niyang sinabi sakin ang bawat salita na binitawan niya.
"I don't understand! Why you keep on thinking about Shannon's feelings? At p-paano naman a-ako Pa? nasasaktan din ako, d-do you ever think how t-traumatizing this situation is for m-me?"
"M-MALAKAS KA ANAK, KAYA N-NAGTIWALA AKO SAYO....TANDAAN MO IKAW ANG PANGANAY KAYA IKAW ANG POPROTEKTA KAY SHANNON! NAINTINDIHAN MO BA AKO ANAK?" Wala nakong nasabi ng sabihin ni papa iyon. I don't have a choice, ayokong suwayin ang kagustuhan niya pero ayoko ding ilihim sa kapatid ko ang situation that's why I let Shannon decide.....hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang tension ng pag-uusap namin ni papa kaya lalabas na'ko ng pinto.
"SHUN, TAKE CARE OF YOU SISTER." Pahabol pa niya. Hindi ko na nilingon pa si papa dahil ayokong makita niyang lumuluha ang anak niyang pinagkakatiwalaan.
"Y-YES I WILL." I can't help to cracked out my voice dahil sa pagpigil ko sa tuluyang pag-iyak.
Lumabas nako ng pinto na sinadya kong hindi isara ng maayos para marinig niya ang usapan. I'm sorry Pa but I need to do this. I let Shannon hear us talk.
"You're aware on the situation now..." She's silently crying outside the room, kitang-kita ang pait at sakit na nararamdaman niya kaya bahagya ko siyang niyakap at matapos ng ilang sandali ng pag-alo ko sa kanya ay binitawan ko na siya. She needs to be brave, hindi siya pwedeng maging mahina sa ganitong sitwasyon.
"Do me a favor Shan, will you be brave enough to face all of these circumstances? I won't force you to do something beyond your will because it's always your decision, ikaw ang magpasya Shan" I walked out as I told her that. Hindi ako galit, ayoko lang ipakita sa kanya na mahina ako dahil magiging sagabal lang iyon sa lahat ng dapat mangyari. I need to be man enough to face this circumstance.
**SHANNON'S POV**
I want to close my eyes tight as well as my ears, yung tipong wala nakong makikita at maririnig pa. Masakit na malaman ko na ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko ay posibleng mawala anytime soon.
"T-this is not r-real." I gasped for air dahil naninikip na ang paghinga ko, buong maghapon nakong nakahiga lang sa kama ko at patuloy ng nagmumukmok, hindi ako pumasok sa trabaho ngayon dahil hindi ko kayang itago sa sarili ko na nasasaktan ako sa nalaman ko.
Papa is a good father at wala siyang ginawang masama para mangyari sa kanya ito, tinatanong ko pa rin ang sarili ko hanggang ngayon kung ano bang nagawa kong masama para pahirapan kami ng ganito? Hindi ba ko naging mabuting anak? Kasi kung may mali akong ginawa ay willing naman ako magbago basta gumaling lang si Papa.
"S-shanon....open the door." I heard papa knocked.
"W-wait lang po Pa." I tried to sound normal para hindi niya mahalata ang garalgal kong boses dahil sa kakaiyak pero mukhang nagkamali yata ako dahil kahit pala anong gawin ko ay hindi mawawala ang sakit lalo na ng buksan ko ang pinto at makita si Papa na nakangiti sa harapan ko.
"Oh...bakit naman umiiyak ang prinsesa ko?" Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya ng dahan-dahan niyang pinupunasan ang mga luha ko kaya mas lalo akong napaiyak. Why is this happening? Hindi ko kayang wala ang papa ko. Alam kong naging mahina ng ipakita ko na nasasaktan ako pero ayoko rin naman mag-alala si Papa.
"What's the problem 'nak? Sinong nang-api sayo?" Nakatingin lang ako sa mukha ni Papa na nag-aalala kaya hindi ko naiwasang mapayakap sa kanya.
"S-sorry po Pa...."
"Bakit ka naman nagsosorry? What's the matter anak?" Mas lalo ko lang isinubsob ang mukha ko sa dibdib ni papa at umiling lang.
"Basta S-sorry po for everything." As I said that, a conclusion pops in my mind. I NEED TO DO SOMETHING FOR PAPA I WON'T LET HIM DIE LIKE THIS.
**JOHANN'S POV**
"What do you mean that you're accepting my offer?" I asked her with a question mark in my mind. Bigla nalang kasi siyang pumasok sa loob ng office ko at sinasabing pumapayag na siya. I know what she's pertaining to pero gusto kong marinig sa mismong bibig niya ang gusto niyang mangyari.
"You heard me right, I will marry you" Shanon said without any hesitation and it's kind of new for me.
"Ano naman ang nakapagpabago ng isip mo?" Hindi ko lang kasi lubos maisip kung ano naman bang makakapagpabago ng isip niya.
"I need to do this?" What's with that tone?
"That's so vague what do you mean by that? Is there any condition you want to ask for?" Nang tumango siya ay doon na ako napangisi. Alam kung mangyayari ito kaya ng mag-invest ako sa kalabang kumpanya nila ay hindi ako nagdalawang isip dahil alam kong yun ang magiging susi para pumunta siya sakin at hindi ako nagkamali.
"Any condition will do. Ano ba ang gusto mo? Partnership, perhaps?" I asked na parang alam ko ng ang nasa isip niya pero ng kumonot ang noo nito ay doon ako nagtaka.
"I don't need your money or anything about your wealth just h-help me convince papa." Convince tito seb? For what?
"Convince him for what?" Nagtataka lang ako kung bakit parang kakaiba siya pero ano pa man ang gumagambala sa kanya ay wala akong pakialam makuha ko lang ang gusto ko.
Pero nagbago ang lahat ng marinig ko ang sumunod niyang sinabi at ang pagtulo ng kanyang mga luha ang makakapagpatunay na totoo ang mga iyon.
"He has a b-brain tumor."
** SHANNON'S POV**
I told Johann about everything I want to happen; this is the only way para mapapayag ko si papa. Alam kong kung ako ang magcoconvince kay papa para dito ay hindi ito papayag gaya nalang sa hindi nito pagpayag ng pilitin ito ni kuya.
"Ano naman ang magagawa ko? You're the daughter and I'm just no one kaya paano ko mapapayag naman si Tito?" He asked confusingly. This is just a by chance para mapapayag si papa without me even knowing his situation at hindi niya pwedeng malaman na alam ko ang sakit niya dahil mas makakabigat lang iyon sa nararamdaman niya.
"Hindi alam ni papa na alam ko na ang sakit niya, si kuya lang ang nakakaalam na alam ko ang lahat. Matigas ang ulo ni papa at alam kong hindi siya papayag kahit anong sabihin ko. Kaya humihingi ako ng tulong sayo." Lintanya ko sa kanya habang siya ay seryosong nag-iisip.
"Paano kapag hindi ko siya napapayag?" Tanong niya.
"Then, no wedding will occur." Pirmis kong saad. Bahagya pa itong natahimik na nag-iisip kung ano ba ang dapat nitong gawin.
"Okay then, ako ng bahala." Pagkasabi niya non ay lumapit siya sakin at tinitigan ako sa mata.
"Just make sure that you'll follow the deal." Saad niya sakin ng seryoso. Halos konti nalang ang distansya ng aming mga mukha pero wala roon ang isip ko kundi sa pinag-uusapan namin.
"Wag kang mag-alala, after this favor, I'm willing to surrender myself in your hand" May alinlangan man sa isip ko ay ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil para sakin ito lang ang magiging tamang desisyon ko at kung sakali mang nagkamali ako? I'm willing to accept the consequences.
Tumalikod nako pagkatapos ng pag-uusap namin pero bago ko makalabas ng pinto ay naghabilin pa ko sa kanya.
"As I told you, he doesn't have to know na alam ko ang bagay na ito. Nasabi ko na kay kuya ang plano at kayo nalang ang bahalang kumumbinsi sa kanya para magpaopera abroad." Nang makita kong tumango siya ay doon na ko nagmadaling lumabas.
Hawak ko ang dibdib ko pagkalabas ko ng pinto dahil sa tindi ng kaba na nararamdaman ko.
"Sana tama ang desisyon mo Shanon." Sabi ko nalang sa sarili ko bago ko tuluyang bumalik sa desk ko para ipagpatuloy ang trabaho.
**
Isang linggo mula ngayon ng mag-usap kami ni Johann, alam ko ang bawat hakbang na ginagawa niya mapapayag lang si Papa dahil naikwento na ni kuya sakin kung papaano tumulong si Johann sa pagresolve ng issue ng kompanya at natutuwa akong malaman iyon. Nasabi ko na rin kay papa ang pagpayag kong magpakasal dito. Noong una ay nagtaka ito kung bakit ko ginawa iyon at naisip pa niya na kaya tumulong si Johann ay dahil lang sa pumayag akong magpakasal kaya naman napilitan akong magsinungalin para hindi na ito mag-alala, sinabi ko sa kanya na mahal ko pa rin si Johann kahit na naiilang ako ng sabihin ko iyon dahil kahit ako mismo ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Johann. Naguguluhan ako dahil baka pag nahulog ako sa kanya muli ay hindi niya ko saluhin at yun ang iniiwasan kong mangyari.
"Kuya, anong lagay ni Papa?" Nakita ko kasing kalalabas lang nito sa kwarto ni papa. Nakita ko itong nagsusuka kanina pero pinili kong magtago at hindi ito lapitan para hindi nito malaman na alam ko na ang nangyayari dito.
"Don't worry, ayus na siya. He's sleeping now, pinainom ko na siya ng pain killer." Saad nito pero bakit parang may alinlangan sa bawat salita nito. Ramdam ko iyon na siya naman nakakapagpakaba sakin.
"Ano na ba kasing nangyayari Kuya? Hindi niyo parin ba siya nakukumbinsi?" I asked worriedly.
"Ayaw niyang pumayag Shan, gusto daw muna niyang makitang ikasal ka bago siya magpaopera, but I'm afraid he can wait any longer?" Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nito kaya kailangan kong bumuo ng isang desisyon.
"Okay then, tell Johann that we'll get married soon." saad ko ng pirmis.
"That's impossible Shan, wedding preparation is not an easy tas-" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ng magsalita ako.
"We'll make it possible. We can go to a civil wedding"
"Shan, wedding is an important thing. Pati ba naman yun ay isasacripisyo mo?" Maging ako ay nag-aalinlangan din pero mas mahalaga ang buhay ni Papa kaysa sa dream wedding na pinapangarap ng lahat ng kababaihan.
3 araw ang lumipas hanggang sa dumating ang araw ng kasal, nagsuot lang ako ng simpleng white gown, hindi ito yung tipong pangkasal talaga pero wala na kaming oras para dun. Nakakapagtaka din na hindi na nagreklamo si Johann ng sabihin kong civil wedding nalang ang gawin namin, marahil batid din niya na hindi na makakapaghantay ang sakit ni papa sa kasal namin. At mukhang naintindihan din naman niya, samantalang si papa ay kontra talaga sa ganitong uri ng kasal pero sinabi ko sa kanya na saka nalang kami magpapakasal ni Johann sa simbahan. Dumating pa nga sa punto na muntikan na akong madulas patungkol sa nalalaman ko sa sakit niya buti na lamang at nandon si Kuya para pagtakpan ako.
"Hija, you looked gorgeous as always, I really want you to be my daughter in law and now, I can't believe this is really happening." Tita Jasmine complimented na siya namang ikinangiti ko.
"Thank you po tita" I responded with a genuine smile as well.
"Don't call me tita anymore, call me mommy, mapapangasawa ka na ng anak ko kaya anak na rin kita" Niyakap niya ko ng mahipit at alam kong tunay ang ipanapakita niya. I never thought na magkakatotoo ang wish ko dati 5 years ago na maging mother in-law ko siya but unlike today, I can't be truthfully happy dahil alam kong I'm still the same girl Johann used to ignore.
Hindi ko alam ang tunay na rason ni Johann sa pagpapakasal niya sakin pero ayon na rin sa mga naririnig ko sa kompanya ay kinekwestyon ng board of directors ang pamamahala ni Johann dahil wala pa raw itong tamang kakayahan sa pagpapatakbo, naniniwala kasi ang mga ito na ang isang CEO ay isang malaking responsibilidad at kailangan nito ng kasangga sa buhay at kung hindi ako nagkakamali ay pag-aasawa ang tinutukoy nila patungkol doon. I can't even imagine what mind they have for them to believe that insanity. Bakit nasusukat ba ang kagalingan ng isang tao sa kung may asawa siya o wala. It's not about s*x experiences for gaddamn sake its business!
Nagulat nalang ako ng may biglang yumakap sakin at doon nabalik ang pag-iisip ko. Napatingin naman ako sa gawi ng taong iyon.
"Bess...congratulation, I know this will happen, I'm happy for you." Nakangiti siya habang sinasabi iyon. Alam kong masaya siya para sakin pero parang may mali sa mga mata niya. May lungkot akong nakikita at nakumpirma ko kung bakit ng makita ko kung saan siya nakatingin.
"What happen, bess?" I asked worriedly.
"Don't mind me bess, it's your wedding day kaya dapat hindi ka mastress." Hindi ko alam kung anong meron sa pagitan nila ni Kuya pero nasisiguro kong may mali sa nangyayari. Kung may magagawa lang sana ko pero ano bang magagawa ko para ayusin ang kung anong meron sila kung yung sarili kong problema ay hindi ko maayus.
Nagsimula na ang kasal at dumating na si Johann, medyo nalate siya dahil sa may inasikaso siyang trabaho. Masakit para sakin na parang mas mahalaga ang trabaho niya kaysa sa kasal pero yun naman talaga ang totoo. I'm just a props na kailangan lang niyang gamitin para sa sarili niyang kapakanan.
Sino nga ba ako para magreklamo kung ako mismo ay ginagawa rin ito ng may kapalit. Magkaiba man ang rason na meron kami pero hindi parin mawawala ang katotohanang naggagamitan kami para sa sarili naming mga interest.
**JOHANN'S POV**
Nang matapos ang kasalan ay nagpasaya kaming dumeretso na bahay ko, yes I have my own house at ako lang mag-isa ang nakatira rito. Dad and Mom are residing in US kaya kami nalang ni Jess ang natitira dito sa Pilipinas pero hindi kami magkasama. Nandon pa rin siya sa dati naming bahay dahil she wants to be independent kaya ibinigay ko ang gusto niya.
"Where are we going?" She asked, napatingin naman ako sa kanya na prenteng nakaupo sa passenger seat.
"We are going home." Nang sabihin ko naman iyon ay hindi na siya kumibo.
Tumupad ako sa usapan na kumbinsihin ang papa niya at ipagamot ito sa America. Sa katunayan ay ngayong araw ang alis nito kasama sila Dad and Mom, alam nilang lahat ang tungkol kay tito pero hindi alam ni tito na alam din ni Shanon kaya ng magpaalam ito kanina ay sinabing business conference lamang ang pupuntahan nito.
"Are you worried about tito?" I asked. Tumingin lang siya sakin and I can see the anxiety in her eyes even she's not saying a word.
"He'll be fine." I said as I hold her hand for a comfort.
Tumingin siya sakin at sa kamay ko na nasa kamay niya, doon ko lang naisip kung bakit ko nga ba ginawa iyon kaya dali kong inalis ang kamay ko mula rito.
"Sana nga maging maayos siya." Yung ang huli niyang sinabi bago ko nakitang inilihis nito ang mukha niya sa kanang dereksyon kung saan hindi ko'to makikita pero kitang-kita from the rear view of the mirror how pain she's in, right now. May kung ano akong naramdaman ng titigan ko siya, parang gusto kong ihinto ang sasakyan at yakapin siya, nang pumasok sa isip ko ang bagay na iyon ay napailing nalang ako. Hindi pwedeng mangyari ito. I just feel pity on her. It's not care it's pity. I convinced myself a lot of times at ng mapakalma ko na ang malakas na pintig ng dibdib ko ay nagfocus nalang ako sa pagmamaneho.
Napahinga nalang ako ng malalim, I can't be weak, ikaw lang ang matatalo Johann kapag lumambot ka.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagmamaneho at hindi na muling umimik pa.
I did the right decision. You have to stick to the plan Johann... wake up....