CHAPTER 6

3653 Words
** Loss and Gain, those two words are exactly opposite but what you wouldn't know about the two words is it being connected to each other. Not because you lose something you really lose it for life. Maybe, what you lost was just a borrowed thing from God and it's his way of getting it back on his hand for him to give you another thing to cherish for your happiness. IT'S SIMPLE TERM OF WHAT YOU GAIN IS WHAT YOU'LL LOST. **SHANNON'S POV** Bagong kasal? Anong nga ba ang pagkakaiba ng pagiging bagong kasal sa pagiging single? I doubt I know the answer. I never had a boyfriend and now, I'm married, dapat ba masaya ako ngayon dahil nakasal ako sa taong pinangarap at minahal ko pero bakit ibang-iba ang nararamdaman ko? Some part of me is having hesitation. A hesitation which I don't know what exactly was. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko. Magulo at maingay ang loob ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon, you can all think that I'm going crazy and I'm afraid I am going to be like soon. "We need to talk Shan" Napatingala ako ng makita kong nakatayo na siya sa mismong harapan ko. I can't believe na ganito na'ko katuliro para hindi siya mapansin. Hindi ko maipaliwanag pero bakit parang nagdadalawang isip siya. "Shan, It's about Tito Seb. Kakatawag lang sakin ni Dad" Saad niya na parang may kakaiba. "Kamusta ang operation ni Papa? Succesful yun diba? Kilala ko si Papa, matapang yun at tsaka panigurado ilang linggo lang nandito na sila. I can't wait to see him again" Nag-aalala ko ng sobra sa kalagayan ni Papa kaya siguro natutuliro ako. Idagdag mo pa yung pressure na nararamdaman ko dahil sa pagiging asawa ni Johann. Pero I'm quite sure na maayus lang si papa, kilala ko yun and I'm sure na hindi yun magpapatalo lang ng basta-basta ng dahil lang sa sakit niya. "Johann, tara kain na tayo medyo nagugutom na kasi ko ehh" Pag-aya ko naman dito pero bakit parang hindi ito mapalagay ay ni hindi siya makatingin ng derestso sakin. "Johann?" Tawag ko ng hindi ito agad nakasagot. "Shan....I'm s-sorry" What he's sorry for? A-anong nangyari? "B-bakit ka naman nag sosorry? Is there any problem?" I asked intently. Medyo kinukutuban ako sa uri ng tingin niya pero hindi pwedeng tama ang iniisip ko. AYOKO! "He c-can't go home" Ahh baka naman matatagalan lang ng uwi si papa dahil syempre magpapagaling pa siya. "O-of c-course, he can't go home yet, he undergone major operation kaya malamang ay kailangan pa niyang magp-" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng makita ko ang pagka-awa sa mga mata niya. At ang tuluyang nakapagpabagsak ng lahat ng pag-asa ko ay ang sunod niyang sinabi. "He didn't s-survive..." Hindi ko alam kung papaano ko tatanggapin ang sinabi niya. Is he really serious baka naman nagbibiro lang siya? "W-WAG MO KONG B-BIBIRUIN NG GANYAN JOHANN! IT'S NOT FUNNY!" I shouted at him. Hindi ko kayang tanggapin ang kahit anong biro lalo na at patungkol kay papa. "Listen to me Shan...." Hinawakan niya ang balikat ko bago siya muling nagsalita. Kinukutuban na'ko pero hindi pwedeng may mangyaring masama sa kanya. He can't leave us, kailangan ko pa ang papa ko. No! "We looked for the best neurologist to perform the operation b-but...............d-during the operation, Tito got cardiac arrest na hindi kinaya ng katawan niya. I-I'm sorry but.....HE'S G-GONE." "He's gone? How dare you to tell me he's gone!" No!! This can't be happening! This can't be! "NO! NO! H-Hindi yan t-totoo! Sabihin mo n-nagsisinungaling ka!" Hindi pa patay ang papa ko, hindi pa siya patay. Ayokong mawala siya! hindi ko kaya, sila lang ni Kuya ang meron ako kaya kahit ano gagawin ko sabihin lang niyang hindi totoo iyon. "Shan, I-I'm sorry but that's the truth" Pirmis nitong sabi na kita ko ang awa sa mga mata nito. Is he really telling the t-truth? N-NO! THIS ISN'T H-HAPPENING!!! "Hahahahahaha.....NAGBIBIRO KA LANG D-DI BA? OY I-IKAW AHH...HINDI MAGANDANG B-BIRO YAN! NATATAWA NA A-AKO KAYA S-SABIHIN MO NG BIRO LANG ANG L-LAHAT." I'm begging you please say you're lying! But his silence proves it right. Parang nasisiraan na ko ng bait, hindi ko kayang tanggapin ito! I CAN'T. "NO! P-PAPA KO!!! Hindi pa siya patay, nangako siya sakin ehh.....b-babalik siya sabi niya m-may business c-conference lang siya. H-Hindi siya patay please sabihin mo hindi pa siya patay!" Sigaw ako ng sigaw. Hindi ko matatanggap na mawawala lang siya ng ganun na lang. I wasn't even able to tell him proper goodbye. Ang akala ba niya ay hindi ako masasaktan kung hindi ko nalaman ang sakit niya? Kung ganun nagkamali siya dahil kung ngayon palang na alam ko na ang sakit niya at namatay siya ng dahil dun ay sobrang sakit na ang nararamdaman ko what more kung biglaan pa kaya? Siguro mababaliw ako. NO MABABALIW NA TALAGA AKO! "SHHHSSsssss.....everything will be alright, stop crying." Naramdaman ko nalang na niyakap ako ng mahipiT ni Johann. Mainit ang yakap niya pero hindi sapat iyon para mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon. **JOHANN'S POV** Napatulog ko na siya, I know that she would feel that pain, kung ako man ang mamamatayan ay baka ganun din ang maramdaman ko. All I can do for her right now is to stay by her side. Just this once, kakalimutan ko muna ang lahat ng bagay na pinaplano ko. I can't afford to hurt her in this situation. "Hello" I greeted after I picked up the phone. "How's she?" It's Shun; he's been calling me since yesterday after he informed me about what happen to tito. Even I, can't stand the fact that tito Seb was gone already. I expected that he was able survive the operation dahil sa pagkakakilala ko sa kanya bilang isang malakas na tao pero base na rin sa sinabi ng doctor ay nasa last stage na ito at masyado ng malaki ang tumor nito para alisin pa. "Okay lang si Shannon, napatulog ko na siya pero hindi niya matanggap ang nangyari. She freaked out a while ago" "I k-know she'd act that way.... but she has to accept this. She's brave, matatanggap din niya ito." "How 'bout you Bro? Kamusta ka?" I concerned. Alam kong masakit kay Shannon ito pero alam kong mas masakit ito kay Shun na siya mismo ang nakakita kung papaano binawian ng buhay ang papa nila. "Of c-course, I'm not okay but what else can I do? Wala na si papa, and besides I expected this to happen. Alam namin ang possibilities kung magpapaopera siya but I still i-insisted it. IT'S MY F-FAULT." Naawa man ako pero alam kong hindi makakatulong sa kanya ang awa. He needs space para makapag-isip at yun ang ibibigay ko. "It's not your fault bro, this might really be his time to go. At least we did our best to save him instead of leaving him alone and wait for him to die. I know na kung nasaan man si Tito ngayon ay masaya na siya kasama si Tita." Nang sabihin ko iyon ay hindi na ito umimik pero alam kong nasa kabilang linya pa rin ito kaya naman binanggit ko na rin ang tungkol sa funeral. "About Tito's funeral, ipinasikaso ko na. hinahantay nalang na dumating ang katawan niya. Just inform me the time of his arrival." "T-thank you" His voice is a bit cracked. He's crying I know that. Hindi na'ko nagsalita pa at ibinaba nalang ang linya. **SHANNON'S POV** It's been 15 days since I learned about what happen to my papa and today is his last day. Kailangan ko na siyang pakawalan. Nakatingin ako ngayon sa kabao niya na dahan-dahang ibinababa sa mitso. Hindi ko alam kung tanggap ko na nga ba talaga dahil masakit pa rin. Siguro nga ay hindi talaga pwedeng habang buhay mong makakasama ang mga taong mahal mo. Wala nga siguro talagang forever. Noong unang araw na makita ko ang mukha ni papa sa kabao ay talagang hindi ko siya matingnan. Hindi naman nagbago ang mukha niya sa kabao pero mahirap tanggapin na sa loob lang ng ilang araw ay kalangan ko na rin siyang pakawalan at ngayon ang araw na iyon. "I will try my best papa para hindi na ako umiyak. Diba ayaw mo kong umiiyak? Kaya yun ang gagawin ko. I love you Pa..... Rest in peace with mom." Pilit ko mang pinipigilan ang mga luha ko dahil alam kong ayaw akong makita ni papa sa ganitong situation ay bumagsak pa rin ang mga ito. Mahal namin siya ni kuya at malaki ang pagpapasalamat ko sa kanya dahil sa pag-aarugang ginawa niya samin. I'm aware that raising a single child would be a difficult thing to do pero nagawa niya iyon at ang lubos na ikinahanga ko ay ang pagtaguyod niya saming dalawa, kulang na nga lang ay ibigay pa niya samin ang isusubo niyang pagkain para lang di kami magutom ay gagawin niya. I love him so much. Kasabay ng pagkawala ng kabao ni papa sa aking paningin ay ang paghinto din ng luha ko. Alam kong nasaan man siya ngayon ay babantayan niya kami ni Kuya at alam kong hindi din niya magugustuhan kung ilulubog namin ang sarili namin sa kawalan ng dahil sa kalungkutan ng pagkawala niya. "I hate to say this but it's just the two of us now, be good to me little sister." Lumapit sakin si kuya para lang sabihin iyon. Alam kong itinatago lang niya pero nasasaktan din siya at ayaw lang niya itong ipakita sakin. Ngumiti nalang ako sa sinabi niya at yumakap sa kanya. "Kuya, don't ever leave me okay" Naramdaman kong nastiffen siya pero alam kong naintindihan niya ang sinabi ko kaya yumakap din ito pabalik. "I won't" Pagkatapos ng libing ay dumeretso na kami ni Johann sa bahay namin at si kuya naman ay umuwi na rin sa bahay namin dati, pinakiusapan ko pa si Johann na baka pwedeng sa bahay muna namin dati ako tumuloy dahil mag-isa si kuya at pumayag naman ito pero sabi ni kuya ay ayus lang daw siya, gustuhin ko mang samahan siya ay sinabi niyang wag na dahil magbabakasyon daw siya sa province namin sa batanggas para asikasuhin ang business namin at wala nakong nagawa doon. ** Mabilis lumipas ang panahon, it's been 2 months mula ng mailibing si papa, syempre masakit pa rin lalo na kapag naaalala ko ang mga happy moments namin pero kahit papaano ay tanggap ko na. Si kuya naman ay busy sa pag-ayus ng mga business branches namin at minsan ay dumadalaw din siya o minsan naman ay ako ang pupunta sa batanggas para dumalaw. Ganun lang ang set-up namin, wala naman kasing ibang mag-aasikaso ng business namin kundi si Kuya dahil wala akong interest although samin dalawa ni kuya ipinamana ang business na iyon. "Shan....Open the gate, I'll go ahead" Nakita kong bumaba na si Johann at kasalukuyang inaayos ang nektie niya kaya naman lumapit ako para tulungan siya. "Ano ka ba naman, ako na nga mag-aayus" Dali kong kinuha ang nektie niya at ako na mismo ang nag-ayus nito para sa kanya. Nakita ko namang nakatitig siya sakin. "What's the matter?" I asked confusingly. Iba kasi ang tingin niya sakin kaya napatanong ako. "We have talked about this? Am I right?" Tanong naman niya na medyo nakaangat ang kilay. "Yeah, I clearly know about it. Don't worry I'm just giving you a hand, n-nothing else." Saad ko naman at tumango lang ito. No attachment, yan ang nasa isip ko ngayon. Hindi ako pwedeng bumigay dahil ako na naman ang magiging kawawa sa huli. Matapos kong ayusin ang nektie niya ay sinundan ko na ito palabas ng bahay para pagbuksan siya ng gate. Habang paalis ang kotse niya ay naalala ko nalang bigla ang mga bagay na pinag-usapan namin ilang linggo na ang nakakaraan para sa set-up na kasal na ito. ** "Where are you going?" He asked as I walked down the stairs. Nagbihis ako ng natural kong uniform dahil may pasok na sa opisina pero hindi pa man ako nakakababa ng hagdanan ay sinita na niya ko na siya namang ipinagtaka ko. Ilang araw na rin mula ng mailibing si papa kaya kailangan ko ng pumasok sa office. "I'm off to work" I said that to him pero kumunot lamang ang noo nito. "You're not going anywhere because from now on, you're fired." Nagulat ako sa sinabi niya dahil bakit naman ako aalisin sa trabaho. As I have remembered, wala naman akong violation or whatsoever kaya napatingin ako ng nagtatanong sa kanya. "I'm sorry but as far as I'm concern, I di--" Mangangatwiran pa sana ako pero hindi ko na naituloy dahil nagsalita ulit ito. "We need to clarify things out." Pagkasabi niya noon ay hinila ako nito at dinala sa living room para makapag-usap. I don't have any idea kung ano ba ang pag-uusapan namin pero nafefeel ko na parang hindi maganda ang patutunguhan nito. Nakaharap lang ito sakin at mga limang minuto na siguro itong hindi kumikibo kaya naman ako na ang nagsalita. "What are we going to talk about?" Tumingin muna ito ng deretso sa mga mata ko bago ito nagsalita. "It's about our marriage set-up." He firmly said na ikinagulo naman ng isip ko. Nang akmang magtatanong na sana ko ay hindi ko na naituloy pa dahil sa mga sumunod nitong sinabi, ilang minuto niyang ipinaliwanag ang lahat sakin para maintindihan ko na hindi niya ko gustong pakasalan at ginawa lang niya iyon para sa kumpanya. Hindi ko alam kung totoo ba ang narinig ko mula sa kanya dahil napaka ironic naman na mangyayari talaga ang mga naisip ko dati pero isa lang ang masasabi ko. HE'S INSANE!!!! "Do you understand?" Aniya na parang isang simpleng bagay lang ang inilathala niya sakin. "I can't believe this." Saad ko. Hindi ko pinahalata pero medyo naluluha ako dahil sinayang ko lang ang isang sagradong bagay ng dahil sa walang kwenta niyang rason, If I had a choice that time, I wouldn't commit this insanity of him. "Don't expect anything from me, I DON'T LOVE YOU AND I WILL NEVER BE. I just need this marriage para sa kumpanya. At yun lang ang dapat mong isaksak sa utak mo." Dugtong pa niya. Kagaya nga ng iniisip ko dati, it's just an act kaya hindi nako nagulat pero hindi ko maiwasan na mainis dahil sa ginawa niya. "I'm not expecting anything from you, don't worry, I f-feel the same thing." Medyo nabulol pa ko at napangisi siya doon. I admit na natouch ako noong mga nakaraang araw na maganda ang pakikitungo niya sakin dahil namatayan ako pero dahil sa ipinapakita niya ngayon ay napagtanto ko na isa talaga siyang walang kwentang tao. "I hope you can stand that feeling till the end......." Hindi ko alam pero parang kinabahan ako sa tugon niyang iyon. Hindi kaya nahuhulog nako ulit sa kanya? Napailing nalang ako, hindi pwedeng mangyari ito. I won't allow him to ruin everything I built, pinilit kong kalimutan siya kagaya ng kagustuhan niya dati kaya yun ang dapat mangyari. Ipinaliwanag pa niya ang tungkol sa lahat ng dapat naming gawin sa pagpapanggap na ito at isa na roon ang pagreresign ko sa kumpanya na siya naman hindi ko sinang-ayunan. "Why would I do that? You have everything now, kasal na tayo diba? Pati ba naman trabaho ko kukunin mo pa rin?" "You're my wife and it's inappropriate for you to work for me as a secretary." Aniya. "You set me up in this situation at wala akong nagawa roon, hawak mo na ko kaya baka pwede namang kahit ito lang ibigay mo na sakin." "Give me a good reason for me to agree?" "I'm going to leave this marriage if you w-won't" Ilang sandali siyang hindi sumagot at parang pinag-iisipan kung papayag ba siya o ano pero sa bandang huli ay wala rin siyang nagawa kundi ang pumayag. "Okay then, do as you please." Pagkasabi niya noon ay tatalikod na sana siya pero nagbigay pa ako ng condition. "Wait, can we keep our marriage as a secret in the company?" Tanong ko naman sa kanya. "There's no way to do that, they all know that I got married" Aniya. "Pero hindi nila alam na ako ang asawa mo, just don't tell them. I just don't want them to feel uneasy with me around." Hindi siya nakakibo pero pumayag din siya. Pumayag nga ba siya? Hindi kasi siya sumagot pero wala din naman siyang magagawa. ** Pumasok ako sa opisina at kagaya ng dati ay may mga walang kwentang linta na naman na dumating. "I need to see Johann. Is he in there?" Mahinahon nitong tanong sakin pero maya maya'y tinaasan ako ng kilay. Hindi ko alam kung bakit ganun ang inasta niya pero nabwisit ako. "I'm sorry Ma'am but he's currently at the meeting" Sagot ko naman. "Okay then, sa loob ko nalang siya hahantayin" Turan nito at akmang papasok sa opisina pero hindi ko ito pinahintulutan. "HEY! WHAT ARE YOU DOING!" Galit nitong sita ng awatin ko ito mula sa pagpasok. "Anyone is not allowed to enter CEO's office without any permission from him." I told her na siya naman nitong ikinataas lalo ng kilay. Maganda sana ito pero kung ganito naman kamaldita ay hindi rin. "I'm sorry Miss, but who do you think you are to tell me that! Don't you know who am I?" Sarkastiko nitong sabi. Sino ba siya? I don't even care kung sino man siya wala akong pakialam. Napilitan man pero ngumiti pa rin ako, this is my job, nasa trabaho ako kaya kailangan kong maging professional. "I'm sorry Ma'am but policy is still a policy, yes you're right Ma'am, I have no idea who you are but I'm quite sure that I'm not going to break any rules in my company even if you tell me what lineage of famous families do you belong." Pinagdiinan ko talaga sa kanya iyon pero yung hindi halata syempre baka kasi mamaya ay may makarinig na sinigawan ko siya ay matanggal pa ako sa trabaho kaya kahit naiirita na'ko ay konting timpi pa. "YOU b***h!" Nagulat ako ng bigla itong susugod kaya napaatras ako, aba'y aatake pa ng hindi ako handa pero kung gusto niya ng gulo? I can give her that pero hindi sa ganitong paraan. Nahawakan ko ang kamay niya bago pa ito dumampi sa mukha ko. "I'm sorry Ma'am but you leave me no choice." Pagkasabi ko nun ay binitawan ko agad ng marahas ang kamay niya dahilan para mapatras ito. Kinuha ko agad ang telepono at pinidot ang isang button doon, that's the red button at kapag pinidot ko iyon ay pupunta agad ang pinakamalapit na gwardiya sa area upang alamin ang nangyayari. "Anytime soon darating na Ma'am ang mga gwardya para iguide kayo palabas. I'm sorry again, you need to leave." "NO! I WON'T LEAVE HERE, I NEED TO SEE JOHANN! IF JOHANN WILL FIND THIS IRRELEVANT ATTITUDE OF YOURS, YOU'LL GET FIRED!" Hindi na ko sumagot pa dahil wala naman patutunguhan kapag nagsalita pako. Sino ba siya? Isa lang naman din siya sa mga babae ni Johann, Sanay nako sa kanila .At anong akala sakin ni Johann? Tangga? Although hindi ko nakikita na may ginagawa sila ng mga babae niya sa office ay mamang na ako. It's quite obvious na may ginagawa silang milagro dahil kitang-kita ko kung gaano kagulo ang mga hitsura ng mga babaeng haliparot na lumalabas mula sa office niya. Offensive? Maybe it's kind of offensive pero gaya nga ng sinabi niya. This marriage means nothing kaya yun ang ginagawa ko. Painful? I....I d-don't think it is, why would I feel that? He doesn't love me kaya bakit naman ako masasaktan. "Ma'am, ano pong problema dito?"Tanong ng isang lady guard na dumating kasunod naman nito ang dalawa pang lalaking guard. "Will you guide this guest outside the company?" sabi ko naman dito. Pinipilit ko pa ding maging nice sa kanya kaya ko ginagawa ito. Ayoko lang makabastos. "b***h, ISUSUMBONG KITA KAY JOHANN! TANDAAN MO YAN!" Dali naman sinamahan ito ng mga guardya pero halatang naiirita siya sa presensya ng mga ito. Bago pa man makaalis ang isang gwardya ay nagbilin ako na wag na nilang papasukin ang babaeng iyon kahit kailan at sumang-ayon naman ito at ipinablock list sa record nila. Maya-maya'y narinig ko nalang tumunog ang telepono na nakakonekta sa loob ng opisina ni Johann. "Yes Sir?" "Dumating ba ang bisita ko?" He asked. Hindi na'ko kinabahan dahil ilang beses ko ng ginawa ito and so far hindi pa naman nalalaman ni Johann kaya minabuti kong magsinungaling. "As of the moment, there's no visitor coming. Don't worry sir, I'll inform you immediately when one of 'em has arrived." "Okay, just bring me a coffee for a while." Napangiti nalang ako ng ibaba ko ang telepono. Hindi ako takot na gawin ang ganung mga bagay sa babae ni Johann dahil malamang ay kung saang bar lang niya iyon nakilala at paniguradong walang kahit anong contact iyon kay Johann para makapagsumbong. Johann never gives his phone number to anyone unless it's important or a business matter. Yun ang pagkakakilala ko sa kanya. Nang inaabot ko dito ang kapeng tinimpla ko ay nakangiti ako dito. "Masaya ka yata?" He asked. "Nothing Sir, mukha kasing swerte ko ngayong araw." Napailing nalang ito at hindi na ako pinansin pa. Ang hindi niya alam. That smile is a smile of.... My victory......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD