CHAPTER 7

3744 Words
** Not because you think you forget, you really were forgotten. Not because you think you can do it, you really are capable of doing it, and not because you think you had moved on, you really do. A lot of things might be misinterpreted and misunderstood depending on how you would want to think of it to be. **SHANNON'S POV** "WHAT THE HELL DID YOU DO SHAN! KUNG HINDI PA KO PUMUNTA SA MGA GUTIEREZ AY HINDI KO MALALAMAN!" Sigaw niya sakin. Hindi ako makaimik dahil alam kong ako ang nagkamali. Malay ko ba naman kasi na anak pala ng mga Gutierrez yung malditang babaeng iyon. "I'm sorry...Hindi ko naman kasi alam ehh" Pangatwiran ko pero hindi parin ako makatingin ng deretso sa kanyang mga mata. "That's exactly what I'm talking about!"Natutuliglig na ang taenga ko sa kanya dahil sa kasisigaw niya. Bakit ako lang ba ang may kasalanan? He didn't even inform me about that Gutierrez! For Christ sake! "Teka lang naman, bakit ako lang ba ang may kasalan! It's your fault too. You didn't even inform me that she's a Gutierrez!" Paninisi ko sa kanya. Defense mechanism, kailangan ko naman ipagtanggol ang sarili ko. Alangan namang umamin ako na kaya hindi ko pinapasok yung babaeng yun ay dahil sa akala kong babae na naman niya yun. Baka isipin niya eh nagseselos pa ko. "And you can't even admit your fault now? What else could I expect..." Pagkasabi niya noon ay tumalikod na ito. Ewan ko ba sa lalaking yan, ayaw pang umamin eh kaya lang naman siya nagagalit kasi nanghihinayang siya na hindi man lang siya nakascore sa babaeng iyon. Kung ano-ano pang pinagsasabi. Nandito kami ngayon sa bahay, day off ko kasi ngayon at bukas, ganun din siya, syempre ano naman gagawin ko sa office kung wala siya kaya sabay lagi ang dayoff namin. Minsan nga ay wala nakong dayoff dahil pinapasok niya ko kapag may gagawin din siya sa office at hindi naman ako makapagreklamo dahil siya ang boss. When it comes on the company na iniwan samin ni papa, okay naman ang pagpapatakbo ni kuya doon, bilib naman ako sa kanya dahil nakakaya niyang mag-isa ang business namin. Sabagay, matalino naman talaga iyon pareho nga silang Sumacumlaude ni Johann na grumaduate samantalang ako ay cumlaude lang ang inabot ng grades ko. Ewan ko ba hindi naman ako bobo pero hindi rin sobrang talino, nagtataka lang talaga ko hanggang ngayon dahil ni minsan ay hindi ko nakitang humawak ng libro ang makulit kong kuya pero naachieve niya ang pagiging sumacumlaude, I don't even remember him reviewing his notes as well unlike me na pinaghirapan ko talaga ang mga grades ko. Talagang nag-aral ako ng todo at nagsunog ng kilay para lang hindi bumaba ang grades ko buti nga nagawa ko yun eh. Pumasok nalang ako sa kwarto namin ni Johann para matulog na dahil gabi narin. Masyado kasing hyper itong lalaking ito at kakauwi lang namin ay pinagalitan na ako agad. "Maliligo lang ako..." paalam ko dito ng makita kong nagbabasa ito ng libro. Ibinaba naman nito ang hawak na libro at nilingon ako. "How many times do I have to tell you that whatever you would do is none of my business? Do whatever you want, understood?" sarkastiko niyang saad. Naiinis man ako sa inasal nito ay tumalikod nalang rin ako. Hindi ko alam kung bakit pa nga ba kailangan kong magpaalam sa kanya. Asawa ko nga siya pero hindi naman ganun ang turing namin sa isa't isa. Pero bakit parang iba ang nararamdaman ko. Mali ito, I don't feel anything special for him at all, wala na talaga at wala na dapat. Dumeretso nalang ako sa loob ng banyo dala-dala ang mga damit na kinuha ko sa aparador para maligo. Nagshower lang ako at hindi na nagtaggal, 30 minutes lang siguro ang itinagal ko sa banyo at lumabas na rin kaagad. Pagkalabas ko ay nakita kong tulog na si Johann kaya naman tumabi na rin ako dito at tumalikod sa kanya. Nagtatabi kami sa kama pero wlang kahit anong espesyal na ibig sabihin iyon dahil para sa kanya ay walang halaga ang pagsasama naming dalawa. Hindi ako mapakali kaya humarap ako sa kanya, nakaharap din ito sa gawi ko kaya kitang-kita ko ang gwapo at maamo nitong mukha. Hindi ko mapagkakaila na pinagpala talaga siya. Sana nga lang kung gaano siya kaamo pag tulog siya ay ganun din siya sakin kapag gising siya pero mukhang malabong mangyari na iyon dahil gaya nga ng sabi niya. Hindi niya ako mahal. "Nalilito na ako alam mo ba iyon?" Nagsasalita ako habang tulog ito. This past few months na magkasama kami ay hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung tama ba ito pero parang unti-unti nakong nahuhulog sa kanya sa ikalawang pagkakataon. "This can't be..."Kasalukuyan kong hinahaplos ang mukha niya ng maisip kong mali itong ginagawa ko. Kaya dali akong tumalikod at sa hindi inaasahang pagkakataon ay napahawak ako sa aking dibdib na matindi ang kabod. This can't be happening. Dali kong ipinikit ang mata ko sa pagbabakasakaling paggising ko kinabukasan ay magbabago na ang nararamdaman ko. Pero mali ako....... ** Hindi ko alam pero bakit parang lahat ng itinanim ko noon sa isip ko na gagawin ko kapag nagkita kami ay nawala nalang ng ganun kabilis. "Manang Lourdes, paki-ayus naman po yung table. Iserved ko na po itong niluto ko" Si manang Lourdes ang kasama namin dito ni Johann since lumipat kami dito. Mataggal ko na siyang kilala dahil isa siya sa mga kasambahay sa bahay dati nila Dad at Mom (Johann's Parents). Pinalipat lamang nila Dad at mom si manang dito para may kasama si Johann dahil sa amerika na rin kasi nakatira ang mga magulang nito tanging silang magkapatid nalang ang naninirahan sa pilipinas. Si Jess naman ay wala nakong balita ang alam ko lang ay lumipat ito sa batanggas. Hindi rin kasi ito gaanong nagkwekwento sakin pero tinatawagan niya ko minsan para makipagkwentuhan busy rin kasi siya as a lawyer sa isang firm sa batanggas. Ang alam ko ay graduate siya as magna cumlaude, matalino naman din kasi si bestfriend medyo tamad lang siyang magreview dati pero halata naman na matalino siya ehh lagi nga akong nagpapatulong sa kanya dati kahit alam kong magkaiba ang course namin at mga subject ay tinutulungan pa rin niya ako. "Nako hija, umalis na ang asawa mo kanina pa, sayang naman ang inuluto mo?" Saad naman nito, medyo nalungkot ako pero sanay na rin naman na ako. Hindi naman kasi niya talaga ako sinasabayang kumain kahit na nung nagluluksa ako ay dinadalhan lang niya ako ng pagkain pero never niya akong sinabayan. "Hindi ho masasayang iyan manang. Tara na po sa dining area, tayong dalawa ang kakain nito." Pag-aya ko rito na hindi ko pinapahalata ang lungkot. Aaminin ko na, I later realized na mahal ko pa rin pala talaga si Johann wala ehh ganun talaga yata kapag first love. Pinilit kong kalimutan siya pero dahil sa isang halik lang ay bumigay ang puso ko. Naalala ko pa nga kung papaano nangyari iyon, iyon din kasi ang araw kung kailan mas lalong lumayo siya sakin na mas ikinalungkot ko. ** "Johann, bakit ka naman naglasing!" Saad ko dito. This is the first time he went home drunk kaya gulat na gulat ako. Wala naman kaming naging problema at wala rin naman akong alam na may problema siya sa pamilya. "Y-YOU DON'T C-CARE!!!" Sigaw nito sabay alis ng kamay ko sa braso niya. Inalalayan ko kasi ito dahil gegewang-gewang ang kanyang paglakad kaya ako itong si concern citizen na umaalalay sa kanya. Kahit ayaw niyang alalayan ko siya ay hinawakan ko pa rin siya. "WAG MATIGAS ANG ULO MO, HALIKA NA!" Pirmis kong saad sabay hawak sa braso niya at dahan-dahan ko siyang inalalayan paakyat ng hagdan. Dinala ko siya sa kwarto namin para makapagpahinga na rin kami. "ANO KA BA NAMANG LALAKI KA! HINAHAYAAN NA NGA KITA PERWISYO KA PA!" Saad ko dito habang hinuhubad ang kanyang coat, hinubad ko din ang sando niya para mapunasan ko ang katawan niya pero parang wrong move yata ang ginawa ko dahil natulala nalang ako sa kanya. Dati iniisip ko kung ano ba ang kinakikilig ng mga babae sa abs ng mga lalaki ehh buto lang naman iyon pero ngayong nasa situation nako kung saan kitang-kita ko ang katawan ni Johann ay mukhang naiintindihan ko na rin sila. Namumula man at nahihiya ako ay pinilit ko paring punasan siya at iwinaglit ang nasa isip ko. "SPGHPJPP" Nagsalita nalang siya bigla ng hindi ko maintindihan. Lumapit naman ako para marinig ko ng maayos ang sinasabi niya. "Bumalik.....ajgdalsdadfds"hala wala akong nainitindihan kundi yung bumalik na sinasabi niya. Kaya naman mas lumapit pako para maintindihan siya. "Bumalik ka na please...Sohhdlkld" Naintindihan ko na rin yung sinabi niya pero hindi klaro ang huli niyang binanggit. Napaisip naman ako kung sino ang sinasabi niyang gusto niyang bumalik na? napaharap naman ako bigla sa kanya dahilan para mas lalong mapalapit ang mukha ko sa mukha niya, muntikan ko narin siyang mahalikan. Pero mas malaki palang pagkakamali ang ginawa kong iyon dahil kitang-kita ko ang dilat niyang mata na nakatingin sa mga mata ko. Nagpanik ako kaya akmang aangat na ko ng pwesto pero hindi ko na naisagawa pa dahil dali niyang kinabig ng ulo ko at hindi ko inaasahan na halikan niya ako. Hindi ako nakakilos kaagad sa ginawa niya kaya nakuha niya ang pagkakataong iyon para mabaliktad ang pwesto namin at siya na ngayon ang nasa ibabaw ko. Hindi ko alam ang gagawin ko sa pagkakataong ito pero pinilit kong makawala ngunit sadyang malakas siya hanggang sa hindi ko na kinaya ang tension. Napagtanto ko nalang na kusang kumilos ang katawan ko sa ginagawa niya sakin ngayon, nahinagap ko nalang na nagrerespond na pala ko sa mga halik niya. Hindi ko alam kung anong espesyal ang meron sa halik niya ngayon pero parang kakaiba ang mga ito sa mga unak halik na pinagsaluhan namin. Ilan beses na rin niya akong nahalikan at masasabi kong ang lahat ng iyon ay walang pagmamahal dahil sa marahas ang pagawad niya sakin noon pero ngayon ay ibang-iba, dahan-dahan ito at puno ng pag-iingat kaya hindi ko masisi ang sarili ko na nandito ako sa ganitong situation. Hindi ako pumalag at hinayaan siya sa pag-aakalang para sakin ang mga halik na iginagawad niya. Pero mali parin talaga ako..... Dahil ang akala ay mananatiling akala lang.... Dahil sa mga sinabi niya matapos niya akong halikan. Nagbago ang lahat. "I LOVE YOU.......SOPHIA" saad niya bago ako siniil muli ng halik pero hindi ko na siya hinayaan pa dahil natauhan na ako. Dali ko siyang itinulak at umalis sa kama. Nang tingnan ko siya ay tulog na ito. Doon na napatulo ang mga luha ko.......masakit pala talaga kapag narinig mong sabihin ng asawa mo ang pangalan ng ibang babae habang hinahalikan ka niya pero ang higit na mas masakit ay ang malaman mong......................YOU FALL FOR HIM AGAIN!!!! AND IT SUCKS! ** Talo na naman ako sa sitwasyong ito dahil ako parin ang unang nahulog saming dalawa. Mahal ko siya to the point na kayang kong magtiis makasama lang siya kaya kahit aloof siya sakin ay ginagawa ko pa rin ang lahat para manatili lang siya sa tabi ko. Nakita ko naman si Johann na bumaba sa kotse niya kasama ang isang babae, nakasilip kasi ako dito sa veranda ng kwarto namin. Minabuti ko nalang bumaba dahil paniguradong may magaganap na namang kababalaghan sa kwartong ito at iyon ang ayaw kong masaksihan. Umalis kasi kaninang umaga si Johann, ang akala ko ay para sa business pero ngayong dumating na siya ay nakumpirma ko na kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Pagkababa ko ng kwarto ay dumeretso ako sa kusina agad para hindi nila ako makita. Nagpasya nalang rin akong mauna ng kumain dahil gabi na rin naman na. Ayoko namang makaabala pa sa kanilang dalawa, NAKAKAHIYA NAMAN KASI! "Hija,wag ka sanang magagalit pero bakit hinahayaan mo si Johann na gawin sayo ang mga bagay na ito." Biglang nagsalita si Manang matapos nitong marinig ang mga yabag paakyat sa hagdan, siguro ay sa kwarto na namin ito dederetso. Ang tinutukoy niya ay ang pagdadala ni Johann ng iba't-ibang babae dito sa bahay. I don't know his reason either pero simula ng sabihin niya sakin ang set up ng kasal na ito ay palala na ng palala ang mga ginagawa niya. Dati kasi ay hindi niya ginagawa ang magdala ng mga babae sa bahay namin, hanggang opisina lang niya pero ngayon ay ginagawa na niya hanggang dito sa bahay. "Hayaan niyo napo siya manang napag-usapan napo natin ito diba po?" Paliwanag ko dito. Sinabihan ko kasi ito na hanggat maaari ay hwag na sanang makarating kila Dad at Mom ang mga pangyayari dito sa bahay at sinunod naman niya iyon. "Hindi kita maintindihan hija. Maari mo naman siyang pigilan, ikaw ang asawa kaya ikaw ang may karapatan" Sagot naman nito. "It's my fault kaya siya nagkakaganyan manang, tsaka hindi niyo po ba naalala ang nangyari last time na kinompronta ko siya tungkol dito" Yun nalang ang nasabi ko kay Manang bago ako tumayo para imisin ang pinagkainan ko. Totoo namang sinubukan kong pigilan siya noong una niyang ginawa niya ang pagdadala ng babae dito pero ako pa ang napahiya ng sabihin niyang katulong lang ako dito sa bahay. Imbis na ako ang kampihan niya ay mas kinampihan pa niya ang babae niya kaya hindi nako nakialam. Pero hindi iyon natapos dun dahil ng sumunod na araw na nagdala siya ng ibang babae sa bahay ay kinaladkad ko ang babaeng iyon palabas ng bahay dahilan kaya nauwi kami sa pagtatalo hanggang sa naungkat niya ang nakaraan. Sinisisi niya ako kung bakit siya iniwan ng babaeng mahal niya, ipinamukha niya sakin na kasalan ko ang lahat kung bakit naging miserable ang buhay niya kaya dapat ganun rin ako. Masakit nung isumbat niya sakin ang lahat ng iyon dahil hindi niya alam ang totoo pero ano pa bang rason para magpapaliwanag pa ko. Tapos na ang lahat at nangyari na ang dapat mangyari kaya paninindigan ko nalang kung anong sitwasyon ko ngayon. "Manang alam niyo naman na po kung saan ako matutulog" Saad ko dito at tumango naman ito. Sa guestroom ako natutulog sa ganitong sitwasyon halos ayoko ko na ng matulog sa kwarto namin ni Johann dahil naiimagine ko kung ano ang ginagawa nila ng mga babae niya sa kama namin at masakit na wala akong magawa patungkol roon. Nang gabing iyon ay wala akong ginawa kundi ang magmukmok sa kwarto ko. Hindi ko kasi lubos maisip na katabi lang ng kwartong kinalalagyan ko ang kwarto namin ni Johann kung saan sila gumagawa ng milagro. Pinilit ko nalang ipikit ang mata ko para matulog at hindi ko na maisip pa ang mga bagay na ginagawa nila. Pinaparusahan ko lang ang sarili ko sa ginagawa kong ito pero wala naman akong magawa, hindi ko siya maiwan dahil sa kabila ng lahat mahal na mahal ko parin siya. ** Kinaumagahan ay maaga akong nagising kaya dumeretso ako sa kusina kung saan ko nakita si Manang na naghahanda ng almusal namin. "Good morning Manang" Bati ko rito. "Good morning din Hija" Tinulungan ko naman itong ihanda ang lamesa, nagluto lang ito ng hotdog, ham at sunny side up at nagsangag na rin ito ng kanin. Nang matapos ay umupo na ako para magsimula na ring kumain. Inaya ko na rin si Manang para may kasabay ako tutal naman hindi naman sasabay si Johann sa agahan. "Manang sabayan niyo napo ako" Ngumiti naman ito at umupo na rin. Patuloy lang kaming kumakain ng mapagtanto kong namutla si Manang at napatingin sa likuran ko. Napagtanto ko nalang kung bakit ng marinig ko ang hindi kaaya-ayang boses. "Oww.....how insensitive you were, hindi pa nga kumakain ang mga amo. Nanguna na kayo. Mga patay gutom nga naman!" Maarte nitong sabi dahilan para magpantig ang taenga ko. Napatayo ako at tinitigan ko ito ng masama bago ako nagsalita. Ang buong akala ko kasi ay pinauwi na ito ni Johann kagabi pero ng makita ko ito rito ngayon ay talagang nagngingitngit ang ngipin ko sa galit na natulog siya sa pwesto ko ng buong gabi. Ipapasunog ko na talaga kay manang yung kobrekama na hinigaan nila, hindi na kasi malamang tatalab ang laundry dun! "Excuse me? And who do you think you are to tell us that?" Sarkastiko ko namang sagot dito na ikinakunot ng noo nito. Hindi naman ako magpapatalo sa malditang ito, sinimulan niya ako kaya tatapusin ko ang kamalditahan niya, wag na wag sasabihin ni Johann na pinakialaman ko naman siya dahil ang babae niya mismo ang lumapit para sa gulo, kung umuwi nalang sana ito ay hindi na ito makakatikim sakin pero imbis na ganun ang gawin nito ay hinahamon pako. "Oh Well, ako lang naman ang Girlfriend ng Amo niyo and soon to be his WIFE" Saad nito na ipinagdiinan pa ang salitang WIFE. Really? Dream on! "Oh really? I don't know if you're just crazy or insane pero alinman don alam kong nababaliw kana" Saad ko dito ng may pag-uuyam. Nakita ko namang rumehistro ang galit nito at alam ko na ang susunod nitong gagawin kaya naman hindi nako nagulat. "YOU b***h!!!!KAKALBUHIN KITA!" Bigla itong sumugod pero bago pa man niya iyon magawa ay kinuha ko ang tinidor na nasa mesa at itinutok ko ito sa kanya. "You know what, before I stab you with this thing, leave our house now! This might not kill you but I'm sure it'll hurt. Umalis kana bago ako MAWALAN NG PASENSYA!" sigaw ko rito nakita ko naman na natigilan ito sa ginawa ko. "HOW DARE YOU!!!! KATULONG KA LANG DITO!!!" Magsasalita pa sana ako ng biglang magsalita ang isang lalaki sa likuran nito. "What's happening?" aniya sa babae. Napalingon naman ito sa kanya at ang malanding babae ay tumakbo sa kanya at humalik pa sa labi nito bago ito yumakap at nagsumbong. Masakit na makitang halikan siya ng iba sa harapan ko mismo, gusto kong kalbuhin ang babae pero wala akong laban dahil si Johann ang makakalaban ko sa oras na gawin ko iyon. "BABE....YOU'RE MAID SLAP ME!! I want you to fire her now!" demand nito. Hindi lang pala malandi ang babaeng ito kundi sinungalin din. Nakita ko naman na nagreact si manang sa sinabi nito dahil alam nito na hindi ko ito sinaktan pero sinenyasan ko nalang si manang na umalis muna dahil ayaw ko itong madamay sa manyayari. Hindi naman sumagot si Johann sa babae dahil nakatingin lang ito ng masama sa akin. Alam kong galit siya kaya hindi ako makatingin dahil natatakot ako na mas kampihan na naman niya ang babae niya kung magsasalita pa ako. "Rebecca, go home ....ako ng bahalang kumausap sa kanya" Nakita ko namang napangisi ang babae at tumingin ito ng nang-aasar. Tumalikod na rin naman na ito pero bago ito umalis ay humalik ulit ito sa labi ni Johann sa harapan ko pa mismo. "It's Teressa babe, ikaw talaga." saad ulit nito at yumakap muna bago tuluyang lumabas. Inihatid muna ito ni Johann sa labas bago ito bumalik. "Mag-usap tayo!" Saad nito ng pasigaw. Alam kong nagtitimpi pa ito kaya sumunod na ako para hindi na lumala pa ang away na ito. Nang pagpasok namin sa kwarto ay ang matatalas na mga mata nito ang sumalubong agad sakin. "WHAT'S THAT!" sigaw nito. "I'M JUST DEPENDING MYSELF!" Pabalik kong sigaw dito. "Depending yourself, Huh? I know you SHANNON, depending is far different from attacking!" saad niya. So hindi siya naniniwala sakin. "We're just wasting our time here, hindi ka rin naman naniniwala kaya tigilan na natin ito!" Balik kong sagot dito. Akmang tatalikod na ako ng bigla niya kong hilahin. Nagulat ako sa mga sumunod niyang ginawa, siniil niya ako ng halik at mabilisan niya akong naihagis sa kama. Tatayo na sana ko pero naging maagap siya kaya naman nasa ibabaw ko na siya dahilan para hindi ako makakilos. Doon niya ulit ako siniil ng halik. Isang halik ng mapagpaparusa, masakit ang paraan ng paghalik niya halos umilag ako pero hindi niya ako tinigilan hanggang sa hawakan niya ng marahas ang panga ko at halikang muli. Halos malasan ko na ang dugo sa labi ko ng dahil sa mga halik niya na iyon dahilan para mapaluha ako. Naramdaman ko nalang na napatigil siya sa ginagawa at tumingin ng deretso sa kin. "You leave me no choice kaya wag kang iiyak-iyak dyan!" saad niya ng nakatingin sa mga mata ko. Alam kong labag rin sa loob niya ang ginagawa niya base sa nakikita ko sa mga mata niya pero ang akalang kong titigil na siya ay isa pa palang pagkakamali. Lumipat ang mga halik niya sa aking leeg, doon ko naramdaman ang kakaibang sensasyon, pinipilit kong manlaban ang nararamdaman ko pero hindi ko nagawa. Namalayan ko nalang na nahubad na nito ang pang-itaas ko samantalang nakadamit pa rin siya. Kakaibang sensasyon ang naramdaman kong muli ng maramdaman ko ang kanyang mga palad na hinihimas ang aking dibdib. Naiilang ako na nahihiya sa nangyayari dahil ngayon palang may lalaking nakahawak sakin pero hinayaan ko siya dahil hindi ko na rin mapigilan ang bugso ng damdamin ko. Napaiktad ako ng maramdaman ko ang mainit na bagay sa tuktok ng aking dibdib and to my surprise, he's sucking it already, hindi ako mapakali sa kakaibang pakiramdam na dulot nito kaya dali kong kinuha ang kanyang mukha at hinalikan ito sa mga labi. Naramdaman ko naman na nagrespond ito kaya ikinawit ko ang aking mga braso sa kanyang leeg para lumalim pa ang paghalik na ginagawa niya. Nang maramdaman kong nauubusan na ako ng hininga ay bumitiw ako sa halikan namin at nakita ko nalang na nakatingin ito ng deretso sa mga mata ko marahil siguro sa pagtataka sa ginawa kong paghalik pabalik at doon na ako humugot ng pagkakataon para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. "I-I LOVE YOU.....J-JOHANN" Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya na tila hindi alam ang gagawin. Nagulat nalang ako ng dali itong tumayo at walang lingon-lingon na lumabas ng pinto. Ang padabog na pagsara nalang ng pinto ang huli kong narinig bago ako tuluyang humagulgol. For how many times should I cry...........? **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD