**
Sometimes, you're making records of the things you wanted yourself be reminded of the happiest memories in the past. The only conflict in it is that the reality of getting it into reality was just beyond reachable.
**SHANNON'S POV**
"Woah! Let's party!" Sigaw ni Lovely ng makapasok kami sa loob ng bar. Napatakip naman ako sa tenga dahil sa sobrang lakas ng tunog. Nakakainis, do it have to be this loud?
"Have fun! Ano ka ba naman Shannon! Is this your first time?" Tanong naman nito and yes this is my first time to enter a bar. Kung hindi lang niya talaga birthday ay hindi ko siya pagbibigyan. Lovely is one of my co-employee na naging close ko.
"It's too loud!" Ganting sigaw ko naman dito para marinig niya na nabibingi na ako.
"Don't worry, you'll get used to it later." Ani Lovely sabay tinanggal niya ang kamay ko na nakatakip sa aking tenga.
"Let's get a sofa. Come on!" Anya at sumunod naman kaming lahat. Iilan lang naman kami tsaka puro girls naman din kami kaya napapayag niya ako at isa pa ay close ko din naman ang mga ito. Hindi na rin ako nagpa-alam kay Johann tutal sabi din naman niya ay wala dapat kaming pakialamanan pero sinabi ko naman ang lakad ko kay manang bahala nalang si manang kung sasabihin niya iyon kay Johann pero malamang na hindi na nito sabihin dahil hindi naman nito ugaling magsalita kung hindi tinatanong.
Nakita ko nalang na may kinausap na waiter si Lovely at tumango-tango lang ito sa kanya.
"Let's go, girls" Saad ulit ni Lovely at sinundan naman namin siya habang ang sinusundan naman niya ang waiter.
Huminto kami sa isang lugar doon na may sofa "This is your place, Ma'am, pasensya na po. Ito nalang po kasi ang vacant" saad naman ng waiter at tumango nalang si Lovely, wala namang kaso samin kahit saan pa ang pwesto as long as comfortable naman.
"Thanks" Nagpasalamat nalang siya sa waiter at naupo na kami, para sakin ay ayus nga pwesto naming dahil hindi masyadong nakakabingi ang tunog dito. Talagang sa dancefloor lang ang todo ang tunog na parang bibigay ang system nila, I can't even imagine na natitiis ng mga sumasayaw ang ganun kalakas na music halos nakakamatay kasi ang lakas.
"Still not comfortable Shan?" Tanong naman ni Justine, financial analyst sa company, madalas din kasi siya sa floor namin dahil nandun ang boyfriend niya kaya naging close din kami dahil sa madalas ko din kasi siyang kausap.
Umiling nalang ako at ngumiti sa kanya.
"No...I'm fine now, buti nga hindi masyadong nakakabingi ang tunog dito" Natawa naman ito sa sinabi ko.
"Mas mahina ang tunog sa may bar stool, kung nabibingi ka na talaga, doon ka muna if you want. Don't worry naiintindahan naman namin dahil hindi ka sanay" Ani naman ni Natasha na siyang Accountant naman sa company namin.
Tumango naman si Lovely at ang iba pa kaya ngumiti ako at nagpaalam sa kanila para pumunta sa bar stool.
"I will." Nakita ko naman na tumayo na rin sila upang pumunta sa dancefloor.
Tumayo na ako at ng marating ko yon ay totoo ngang hindi maingay sa part na iyon. Hindi pa man ako natatagal sa pag-upo ko roon ay may humintong waiter sa mismong harap ko.
"Vodka, Ma'am?" Tanong nito sakin at nakangiti akong umiling.
"No, thanks." Sabi ko at tumango lang ito saka nagsimula ulit maglakad.
Kung umiinom lang sana ko ng alak ay baka tinanggap ko ang ang inaalok nito dahil nauuhaw nako at nagugutom. Ang buong akala ko pa naman kasi ay kakain lang kami sa isang restaurant, dapat talaga ay nagduda na'ko ng sabihin niyang magsuot ako ng hindi masyadong old fashion although hindi naman talaga ako manang manamit.
"Do you have any Juice or whatsoever durable to drink? Yung hindi nakakalasing ha?" Tanong ko sa bartender.
"Upstairs, Ma'am. We have foods there too." Saad naman nito at tumango nalang ako bago ko umalis at pumunta sa sinasabi nito.
Natuwa naman ako ng maramdaman kong ibang-iba ang atmosphere dito sa itaas. Kung sa ibaba ay masyadong brutal at maingay ang mga musics na pinapatutog. Dito naman ay swabe lang yung tipong Jazz at rnb ang pinapatugtog which I really liked.
"Pineapple juice and spaghetti" saad ko ng marating ko ang counter.
"One moment, Ma'am" Anya at tumango nalang ako.
Dito nalang ako umupo sa may stool ng counter para naman hindi na masyadong hussle kaysa naman bumaba pa ako tutal mag-isa lang naman ako dahil paniguradong busy ang mga kasama ko sa pagsasayaw at isa pa, ayaw ko rin silang gambalain pa.
Kinuha ko nalang ang phone ko habang hinihintay ang pagkain na inorder ko ng may biglang may nagsalita sa gilid ko.
"SHANNON, IS THAT YOU?" Napatingin naman ako dito.
"Do you remember?"
Napatingin naman ako dito pero dahil sa madilim sa gawi niya at wala akong balak makipag-usap sa hindi ko kilala ay hindi ko nalang siya pinansin.
"I don't even know you. Have we met before?" Tanong ko nalang ng mapagtanto kong nakatingin pa rin ito sakin.
"OUCH, HOW SAD NAMAN, SABI MO PA NAMAN MAGDIDINNER TAYO KAHIT LUNCH OR BREAKFAST PA NGA OKAY LANG. NAKALIMUTAN MO PALA AKO?" Parang nagtatampo naman nitong tugon pero teka? Parang may naalala nga akong sinabihan ko nun.
"Well, what do you think? Have you remembered me already?" Nang sabihin niya iyon ay napatungo naman ako dahil sa kahihiyan.
"HAHA...PASENSYA KA NA JONATHAN RIGHT?" Tanong ko rito pero sigurado naman akong yun nga ang totoong pangalan niya.
"I'M IMPRESSED! You're the only girl I know na laging nakakalimutan ang pangalan ko." Napatawa nalang rin ako sa sinabi niya para maitago ang kahihiyan.
"Pasensya ka na talaga" Paumanhin ko pa. "It's Jonathan Caizen Sandoval. Ayan ha..wag mo ng kakalimutan"
"Don't worry, hindi naman ako galit, ano nga pala ang ginagawa mo dito?" Tanong naman nito ng nagtataka.
"Bakit naman, hindi ba pwedeng nag-eenjoy lang?" I asked para kasing sigurado siyang hindi ako pumupunta dito sa uri ng tono ng pananalita niya.
"Not really, you don't like it here, do you?" aniya.
Napatingin naman ako ulit sa kanya "Ou na tama ka, this isn't my thing, bakit? siguro ikaw nandito ka para maghanap ng chicks noh?"
"Hahahahaha.......I don't think I even need to find one." Mayabang naman nitong sabi pero sabagay gwado naman talaga siya. No doubt.
"By the way, why are you even here?" tanong naman nito muli kaya naman sinabi ko sa kanya na birthday ng friend ko.
"It's my friend's birthday. I have no choice. She wants to celebrate here." Sagot ko. Bigla naman dumating ang mga inorder ko. "Thanks" sabi ko sa naghatid nito at nagsimula ng kumain.
"Mee too." Sabi niyang ikinagulat ko.
"Ha?"
"Bars are not my thing. It's just my cousin is celebrating too kaya kasama ako dito" anya.
"Why don't you even like it here?" tanong ko naman para kasing imposibleng ayaw niya dito. Ineechos yata ako ehh. Men are usually active when it comes on bar hopping and so on kaya nakakapagtaka lang.
"Ahmmm...you know. It's too loud in here" saad naman niya "and I hate people flirting in public places. It's over rated." Dugtong pa niya.
"I feel the same too." saad ko at ngumiti sa kanya."
"If you want, we can walk outside after you eat, to lessen up the garish atmosphere."
Tumango naman ako "Okay, let's go then, I kinda not liking the food here" Sabi ko at kahit hindi pa ubos ang kinakain ko. Hindi ko rin kasi gusto ang lasa kaya okay na umalis na rin kami.
Lumabas na rin kaming dalawa at nagtext nalang ako kay Lovely na lumabas ako dahil masyadong maingay, hindi ko naman na hinantay kung magrereply siya dahil baka nageenjoy pa yun sa dancefloor.
"What's your surname again Shannon?" Tanong naman nito bigla.
"Medyo mataggal na rin kasi kita kilala pero hindi ko alam ang full name mo?" Sabagay wala rin naman masama kung ibibigay ko.
"Vue.....Yu, yun ang apelido ko." Saad ko dito.
"Is that really your surname? VUEYU? That's kinda weird" natawa naman ako sa sinabi niya.
"Hahaha YU ang apelyido ko. May pumasok kasing lamok sa bibig ko kaya sabi ko Vue.....PWE...." Palusot ko naman pero mukhang hindi siya kumbinsido. Bakit ba kasi nakalimutan ko na hindi ko pwedeng sabihing may asawa na ako eh. Ako ang nagsabi nito kay Johann kaya kailangan kong panindigan. Noong nirequest ko kasi sa kanya na ayokong malaman sa opisina na may asawa ko ang sabi niya ay ayaw na niyang malaman ng kahit na sino kaya pumayag na rin ako since wala naman siyang pakialam naman talaga sakin.
Ipinakita ko naman ang ID para maniwala siya since hindi ko naman pinapalitan ang apelyido ko roon.
"Here's my ID." Sabay abot ko sa kanya na siya namang kinuha nito. Tiningnan niya ito na parang kinakabisado ang buong pangalan ko which is kind of weird too.
Iniabot naman niya pabalik sakin ang Id ko sabay ngiti sakin. "I'm going to call you Raine, effectively today, para naman maiba. Okay lang ba?" Bigla niyang tanong ng nakangiti matapos ibalik ang id ko.
"Bakit naman? Hindi ako sanay na tinatawag ako sa second name ko." Saad ko naman dito pero ngumiti lang ulit ito.
"Ayaw mo nun? Para kapag may tumawag sayong Raine ay alam mo na agad na ako yun." Aniya. "Kung iyan ang gusto mo. Walang problema" pagpayag ko sabay ngito sa kanya. Ilang sandali pa lang ng magtanong siyang muli.
"So you're working on the Vuenavista's Hotels and Restaurants?" He asked. Tumango naman ako at napangiti siya roon.
"Yeah, but I'm not a staff in there, sa head office ako nakaassign as a secretary." Tumango naman ito na medyo napatawa.
"I thought you're a model?" Natatawang tugon nito dahilan para mapailing ako. "No. Office girl ako, nakita mo na sa i.d ko diba?"
"Hahaha.....so I was wrong afterall, it's just that your attire saying that you're a model that's why." Paliwanag naman niya na ikinapula ng mukha ko. Hindi naman daring ang suot ko although fitted ito sa katawan ko.
"Anyways, gusto mong ihatid na kita? Almost 1am na rin and it's quite dangerous going alone." Suhestyon naman niya.
"Sigurado ka ba naroon pa kasi ang mga kasama mo sa loob hindi ba?" sabi ko. Totoo naman ang sinasabi ko baka kasi nakakaabala na ako ay hindi ko pa alam. My pagka insensitive pa naman din ako kung minsan.
"Of course, I'm sure besides, nasa loob parin naman ang mga kasama mo. I'll just text 'em that I'm leaving"
"You sure hah? Medyo malayo ang bahay namin, it's out cubao, sa Makati pa kami."
"Hah? Diba magkatabi lang ang bahay natin?" Nagtataka naman ako pero ng maalala ko na tama siya ay ipinaliwanag ko na lumipat na ako ng tirahan dahil mas accessible sa office.
"Well then, mas lalong kailangan pala kitang ihatid ngayong alam kong malayo ka pa pala dito." Anya at naglakad na kami papunta sa parking area kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan.
Matapos kaming makasakay sa kanyang sasakyan ay pinaandar na niya eto. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano hanggang sa nakita ko nalang na nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin.
"Nandito na tayo." Saad nito.
"Thanks ha" Saad ko bago ako bumaba pero nagbiro pa ito.
"So rich kid ka pala?" He asked na ipinagtaka ko naman.
"Hindi ahh. Bakit mo naman nasabi?" Tanong ko naman na may pagtataka.
"As what you said earlier, you're a secretary and as much as I calculated your salary might be 25 thousand or less kaya naman nakakapagtaka lang that you can afford a hundred million house in this subdivision." Napatanga naman ako sa tinuran niya. Talaga bang hundred million ang halaga ng mga bahay dito.
"Haha....h-hindi ko rin alam eh. Sa....b-bestfriend ko kasi ang bahay na yan, ako lang ang pinapatira muna niya while she's away." Pagsisinungaling ko. Alangan namang sabihin kong sa asawa ko iyan. Pero ang mahal pala grabe.
"Sige pumasok ka na sa loob." Pagkasabi niya non ay bumaba na ako sa kotse at nagpasalamat pang muli. Hiningi niya rin ang phone number ko kanina para daw matupad ko yung pinangako kong date. Medyo naiilang nga ako pero syempre hindi ko iyon ipinahalata.
"Sige ingat ka. Salamat ulit." Saad ko ulit bago ko pumasok at ngumiti lang ito.
"You're always welcome" Kumaway pa siya bago pinaharurut ang sasakyan.
Agad naman akong pumasok sa bahay at naabutan kong nakadimlight nalang ang mga ilaw sa sala. Ibig sabihin na pati si Manang ay tulog na rin. Medyo nagugutom pa ako pero hindi na ako nag-abalang pumunta pa sa kusina dahil na rin sa baka mabulabog ko pa si Manang katabi lang kasi ng kusina ang kwarto niya at nakakahiya kung maabala ko pa siya kaya umakyat nalang ako ng dahan-dahan sa kwarto para wala akong magising.
Nang nasa tapat nako ng kwarto namin ni Johann ay dahan-dahan ko itong binuksan pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakikita ko. Sa ilang buwan na kasal kami, this is the first time na nakakita ako ng babaeng nakahubad at nakayakap din sa asawa kong nakahubad habang natutulog.
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang nagbabayang luha at agad kong sinara ang pinto saka dumeretso sa guestroom kung saan palagi akong natutulog. Nang maisara ko ang pinto ng kwarto ko ay doon na tuluyang lumabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
I can't believe this is really happening, I never imagine na makikita ko si Johann sa ganung sitwasyon na may kayakap na iba. Napaupo ako sa sahig at doon tuluyang bumigay ang lahat ng hinanakit ko. Itaas ko ang ulo ko ay dali kong nakita ang isang kahon. Lumapit ako roon para tingnan ang laman nito at ng makita ko ang bagay na naroon ay bumalik ang ala-ala na naisulat ko sa mga sulat na iyon kabilang na ang dahilan kung bakit pinili kong sirain ang relasyon ni Johann sa babaeng mahal niya.
**
Noong araw na nakita ko si Sophia na kasiping ang ibang lalaki sa gymnasium ay ang araw na nagdesisyon akong agawin si Johann mula sa kanya. Pero papaano ko naman gagawin iyon kung alam ko mismong wala akong laban dahil siya ang mahal ni Johann.
Kinabukasan ng araw na iyon ay dali akong nagtungo sa room ng babaeng si Sophia. Malandi siya kaya kailangan ko siyang turuan ng leksyon kahit pa magalit si Johann pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.
Nasa harap na ako ng room ni Sophia ng makita kong lumabas ito na parang nagmamadali kaya sinundan ko ito ng palihim hanggang sa nakarating kami sa engineering department, sa likod ng stage ito pumunta kaya nagtaka ako.
Imposible naman na kasing may tao pa roon sa ganitong oras kaya naman sinundan ko ulit ito ng hindi nito nalalaman kaya naman hindi din inaasahang narinig ko ang pagtatalo nila ng kanyang boyfriend.
"MAHAL MO BA TALAGA AKO!!! BAKIT BA HINDI MO MAIWAN ANG JOHANN NA IYAN! MAS MAGALING BA SIYA HAH!" Singhal ng lalaki at narinig ko namang lumapit si Sophia dito para aluin. Nasabi ko nalang ang salitang b***h!
"Babe, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko hindi ba? I just need him for our company. Our company is in big trouble right now kaya kailangan ko siya para tulungan kami ng Daddy niya." So yun lang pala ang rason niya. Malandi talaga, kahit puri niya ay kaya niyang ibigay para lang sa sariling pangangailangan.
"KUNG IYAN LANG ANG PROBLEMA MO, HANDA AKONG KAUSAPIN SI DADDY PARA TULUNGAN KAYO." Sabi naman ng lalaki rito. Nakita ko naman na naging Masaya ang expression nito kaya dali itong lumapit para humalik dito.
"THANK YOU BABE! YOU DON'T HAVE ANY IDEA HOW HAPPY I AM, DON'T WORRY, BUKAS NA BUKAS RIN AY HIHIWALAYAN KO NA YUNG BORING NA LALAKING IYON! HE'S USELESS AFTERALL. AND I'LL MAKE SURE NA MASASAKTAN SIYA KAPAG NALAMAN NIYANG GINAMIT LANG NATIN SIYA, DIBA YUN ANG GUSTO MO BABE ANG MAKAGANTI SA KANYA DAHIL SA PAG-AGAW NIYA NG PAGIGING VARSITY LEADER SA BASKETBALL MULA SAYO." Ngumiti naman ang lalaki sa tinuran ni Sophia. They are so ridiculous! Napakasama nila, hindi ko alam kung sinong demonyo ang nagpalaki sa kanila para manira ng tao.
Yun ang naging hudyat para lumabas ako.
"SO THIS IS YOUR PLAN?" I asked.
"NAPAKASAMA NIYO! PAANO NIYO NAATIM NA MANAKIT NG ISANG TAO DAHIL LANG SA WALA KWENTA NIYONG MGA RASON!" I exclaimed.
Nakita ko naman na nagulat sila ng makita ako pero agad ding nakabawi. Alam kong hindi nila ko kilala pero bakit parang kilala yata nila ako kung tingnan kasi nila akong dalawa ay parang walang bahid ng pagtataka.
"SO YOU'RE THAT GIRL?" Saad bigla ni Sophia. Hindi ko alam ang sinasabi niya kanya tinanong ko.
"WHAT ARE YOU TALKING ABOUT?"
"You're the one who's chasing Johann, right?" Napatigil naman ako.
"Wala akong pakialam sa pinagsasabi niyo, kailangan malaman ni Johann ito?" Saad ko naman na akmang tatalikod na pero hindi pa man ako nakakatalikod ng magsalita na siya mismong ikinagulat ko.
"You're not telling anything to him or else this picture will come out throughout the campus." Napahinto naman ako sa narinig at daling napalingon. Nanginig ang kalamnan ko ng makita ang dalawang taong naghahalikan sa litrato na nakasave sa phone niya at base sa litratong iyon ay parang may nagaganap na kababalaghan sa dalawa dahil sa nakahubad na pang-itaas ang lalaki samantalang ang babae ay nakahawak sa leeg ng lalaki. Namutla ako dahil sa itsura ng dalawang tao ay mukhang nagsesex sila kahit may natitirang mga suot pa.
At ang labis na kinatakot ko ay ang mga bida sa litrato na walang iba kundi si JOHANN AT AKO....
Paano niya nakuhanan ang ganung litrato, alam kong totoong kami iyon ni Johann dahil sa noong minsan na nalasing ito ay aksidenteng nasukahan niya ang sarili niya na umabot hanggang sa damit ko dahil sa inaalalayan ko siya noon kaya hinubad niya ang pang-itaas niya samantalang ako ay inalis ko ang jacket ko kaya Jersey sando nalang ang natira. Hindi ko naman inaasahan na hahalikan ako ni Johann noon pero nangyari dahil sa kalasingan niya at ang malala ay aksidenteng lumaylay ang jersey sando sa balikat ko dahil sa paghawak ni Johann.
Hindi ko alam kung anong ang mararamdaman ko ng ipakita niya sakin iyon. Paniguradong pag lumabas ang litrato ay hindi kami makakagraduate ni Johann kaya kinailangan kong gumawa ng paraan. Pero paano?
"Wala kaming relasyon ni Johann."
"Alam kong wala kayong relasyon pero sinong makakapagsabi kapag nakita nila ang litratong ito, lalo pa kapag nalaman nilang magkasama kayo sa iisang bahay, what do you think? Ano kayang iisipin ng lahat?" Tanong niya ng may pang-uuyam.
"W-what do you want?" Tanong ko ng medyo kinakabahan.
"You know what, wala sana akong balak ilabas ito dahil ang gusto ko lang naman ay mahirapan si Johann sa ginawa niya sa boyfriend ko pero dahil pakialamera ka! I will ruin both of you." Na siya namang ikinatakot ko.
"P-please don't do this, kahit ano gagawin ko!" Pakiusap ko ng nanginginig ang boses.
"Are you sure?" Tanong pa nito na naniniguro. Nag-aalinlangan man ay kailangan kong gawin ito para kay Johann.
"Kahit ano, w-wag mo lang idamay si Johann." Saad ko.
"Okay then, madali naman akong kausap eh, Makikipaghiwalay na'ko kay Johann, at first gusto ko sanang malaman niya na may iba na'ko para masaktan siya pero dahil dumating ka, naisip ko tuloy na mas masasaktan siya kung isa sa malalapit sa buhay niya ang gagawa ng ikasisira niya." Kinabahan ako sa mga sinabi niya pero wala akong nagawa dahil pigil ang kilos ko.
Nang dumating ang araw ng kumprontasyon nila ay wala akong nagawa ng sabihin ni Sophia ang mga kasinungalingang iyon para masira kami ni Johann. Masakit na makita ang reaksyon niya na parang niloko ko siya when in fact biktima rin ako pero wala akong nagawa kundi ang manahimik at sumang-ayon.
Ipinagpasalamat ko nalang na kahit nangyari iyon ay tumupad sa usapan si Sophia at ibinigay niya sakin lahat ng kopya ng litrato. Nagtiwala ako sa kanya dahil sa sinabi niyang hindi niya sisirain si Johann. Okay lang sana kung ako lang ang masisira pero hindi ko kaya kung pati si Johann ay madadamay kaya itinago ko ang lihim na iyon sa mahabang panahon dahil sa wala rin namang dahilan pa para ungakatin ang bagay na iyon. Tanging sa isang sulat sa sobre ko lamang inilagay iyon na ako lang ang makakabasa.
I really hate this letter because this is the only letter I entitled "The witch "Sophia Marie Lagasca""
**
Napahinto ako sa pag-iisip ng biglang marinig ko ang mahinang katok mula sa pintuan kaya pinahid ko muna ang mga luha ko at ibinalik ang kahon na pinaglagyan ko ng mga sulat bago ako lumapit sa pinto para pagbuksan ang taong kumakatok.
"Oh manang, kayo po pala?" Tanong ko rito ng makita kong napatitig ito sakin na puno ng awa.
"Pasensya ka na hija kung naabala kita, hindi kasi ko nakatulog sa kakahantay sayo kaya naman ng maramdaman kong may pumasok ay lumabas agad ako." Paliwanag naman nito.
"Naku manang pasensya na po kung napuyat ko kayo dahil sakin." Inakay ko naman ito papasok ng kwarto at umupo kami sa kama.
"N-Nakita mo ba sila hija?" tanong nito ng may alinlangan kaya napalihis nalang ang mata ko sa kanya pero hindi naiwasang túmulo ang luha ko.
"O-opo."
"Ehh bakit nandito ka pa? pwesto mo yun hija kaya marapat lang na ipaglaban mo." Payo naman nito pero hindi ko kaya ang sinasabi niya. Ayokong dumoble pa ang sakit na mararamdaman ko ngayon kung gagawin ko ang sinasabi niya.
"Pasensya ka na hija kung nagiging pakialamera na rin ako?" saad ulit nito na siyang ikinatingin ko.
"O-okay lang iyon manang, t-tanggap ko na tsaka m-msasanay rin po siguro ako." Sagot ko nalang ng may pag-aalilangan. Sana nga dumating ang araw na masanay ako sa nagaganap. Hindi ko napansin na túmulo na ang mga luha ko na siya namang nagtuloy-tuloy dahilan para mapahikbi ako.
Dali naman akong inalo ni Manang, niyakap niya ako para kahit papaano ay mabawasan ang sakit at nagpapasalamat ako na nariyan siya para sakin.
"Manang, ngayon lang po nangyari 'to...." Iyak ko. "Kaya ko pa po sigurong makita na pumapasok at umaalis din agad ang mga babae niya dito sa bahay. Pero yung makita ko mismong nakahubad sila at ang masakit pa ay nakahiga ang babae sa kamang hinihigaan ko.....nandidiri po ako manang."
Naramdaman ko naman na hinimas-himas niya ang likod ko.
"Magpahinga ka na hija. Wag mong masyadong isipin yun. Bukas na bukas din ay papalitan ko ang kobrekama para sayo."
"Matulog ka na." Ani pa niya.
"Salamat po manang, pwede po bang tabihan niyo kong matulog." Tumango naman ito at pumwesto na kami sa kama para matulog.
Sana nga makalimutan ko ang lahat ng nangyaring ito........