** Love isn't perfect, but behind its imperfection, you'll find the happiness and forgiveness. **SHANNON'S POV** Mataman lang akong nakatingin sa mga anak ko habang masigabo silang naglalaro dito sa living room namin. Sila talaga ang kaligayahan ko pero pati ba sila nasasaktan ko na dahil sa mga mali kong desisyon? "Hija, Manghihingi sana ako ng pera pamalengke, ubos na kasi ang stock natin ngayong linggo." "Hija, malalim na naman yata ang iniisip mo, may problema ka ba?" Biglang tanong ni Manang na nakapagpalingon sakin sa kanya. Hindi ko napansin na kanina pa pala siya nakatayo sa harapan ko, masyado kasing preoccupied ang utak ko sa dami na ng nangyari, kahit kasi ako ay iniisip ko pa rin kung tama nga ba ang lahat ng naging desisyon ko o baka naman ito lang ang desisyong pinili ko

