** Is love selfish? **SHANNON'S POV** "WHAT ARE YOU DOING HERE!" Narinig kong sigaw mula sa labas kasunod ng sigaw na iyon ang dalawang maliliit na boses. "WaaaAAAAHH............Mameee!!!!" "UwaaAHH...." Nataranta ako ng marinig ko ang mga tinig na iyon kaya nagmadali akong lumabas. Naglalaro kasi ang mga bata sa bakuran at kasama nila si Jonathan roon. Wala rin kasi si Manang dahil umuwi ito sa kanilang bahay dahil na rin sa dayoff nito. Pumasok lamang ako sa loob para kumuha ng miryenda nila. Dali akong lumabas sa taranta na baka kung ano na ang nangyayari sa kanila pero nang paglabas ko ay napagtanto ko kung ano ang dahilan ng pagsigaw ng mga ito. Laking gulat ko ng makita ko ang dalawang bata na humahagos ng iyak. "JOSEPH! JOSHUA!!" Dali kong sigaw ng makita ko si Johann at

