Nahiya ako bigla because all of the students were looking at me and waiting for what will I say to him. Inaabangan rin nila kung kilala ko ba 'to or hindi.
Gosh. No! Hindi ko siya kilala. Wala akong kilalang jejemon.
"Excuse me, I don't know you," maarte kong sabi at hinila na si Dawn.
"Teka lang, lods!"
Hindi na ako lumingon dahil patakbo kong hinila si Dawn para hindi niya kami maabutan.
"You sure you don't know him?"
"Of course not. Hindi naman ako mahilig sa jejemon, sis."
"Ok," sagot niya lang at tumahimik na ulit.
Well sana naniwala siya. Bakit nga pala nandito ang lalaking 'yon?!
He’s the water vendor sa Barangay Sardinas. 'Yong gwapong lalaki na binilhan ko ng tubig!
Hellysheyt. I don't want to see him anymore not because he looks like a tambay. Nahihiya ako kasi may sinabi ako noon sa kanya.
Makapal na ata ang mukha ko. Gesh.
"You. Tomato."
Napalingon ako kay Dawn nang sabihin niya 'yon. I arched my brow kaya tinuro niya ang mukha ko. Hinawakan ko ang pisnge ko at doon ko lang napansin na mainit 'yon. I took my mirror at tinignan ang mukha ko sa maliit na salamin. My face is red! Sheyt.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Tumingin ako sa pinto ng classroom namin na agad ko ring pinagsisihin kasi nakita ko ang lalaking water vendor na pumasok sa room.
My eyes widened and my jaw dropped. What is he doing here!?
"He's a transferee."
Masyadong halata ata sa mukha ko kaya sinagot ni Dawn ang tanong ng utak ko.
"A scholar?" I asked.
She shrugged and turned her gaze outside the window. Nasa harap kami nakaupo at nasa likod naman 'yong water vendor. I fake a cough and slowly moved my head to look at the back. Busy ang lahat since hindi pa dumadating ang adviser namin. Hinanap ko 'yong water vendor at muntik na akong masamid sa sarili kong laway nang magtama ang mga mata namin. I don't know if he was already looking at me or ngayon lang din pero parang hinahabol ko na ang hininga ko sa gulat.
Ngumiti siya sa akin kaya tumaas ang kilay ko. He chuckled with no sound or hindi ko lang narinig dahil malayo siya. Nasa likod kasi siya naka-upo.
He moved his hand on the air tapos tinuro niya ang sarili niya at ako naman ang tinuro. Para sa isang transferee na katulad niya ay masyado siyang feeling close sa akin. I hate that kind of people.
I rolled my eyes at him. Bakit ba ako tumitingin sa kanya na parang magkakilala kami?
"Hi, Ell."
Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. My forehead creased when I saw the girl earlier. 'Yong bumati sa akin sa hallway.
"Yes?"
Lumaki ang ngiti niya at umupo sa upuan na nasa tabi ko which is supposed to be my bag's place. Hindi naman sa masyado akong pa-special kasi may pwesto talaga ang bag ko, it's just that walang kaklase ko ngayon ang gustong tumabi sa akin dahil nahihiya sila.
"Gosh. Sabi ko na nga ba hindi ka talaga maldita tulad ng cousin mo. We're friends na, ha?"
Tumaas ang kilay ko. Is she talking about Dawn?
Tumingin ako sa pinsan ko na parang walang pakialam kahit siya ang tinutukoy ng girl na kumakausap sa akin ngayon.
"By the way, my name is Nikkie. I'm from STEM-Emerald," aniya at nilahad ang kamay sa akin.
STEM-Emerald is section B. Anong ginagawa niya dito sa section A?
"What are you doing here then?" I asked her not minding her hand waiting for mine.
Nakatingin na sa amin lahat ng kaklase ko waiting for what will happen next.
I am Elliza Themis Fuentevida. Maraming gustong makipag-kaibigan sa akin pero nahihiya at natatakot dahil masama nag ugali ko. Pero mero’n ding makakapal ang mukha katulad ng isang 'to.
My classmates are waiting kung makikipagkaibigan ba ako sa babaeng 'to or not.
"Oh," she chuckled. Alam kong napahiya siya dahil hindi ko tinanggap ang kamay niya. "Nandito ako kasi magkaibigan na tayo, right? You smiled at me earlier so I think we're friends na. Mabuti ka pa nga namamansin unlike your cousin na wala talagang pakialam. She's not that pretty naman to act that way."
Nagpapasalamat ako kasi nakasalampak na naman sa tainga ni Dawn ang headphones niya kaya alam kong wala siyang naririnig dahil malakas ang music at naririnig ko pa.
"What made you think na porke nginitian kita magkaibigan na tayo?" tanong ko kay Nikkie.
I looked at the back and I saw that water vendor guy looking at me and to the girl in front of me. Naguguluhan rin siya at mukhang walang alam sa nangyayari. Maybe because he is a transferee at wala siyang alam kung sino ako at ano ang ginagawa ko.
Well, let me show him this. Kung ano ang ginagawa ko sa mga feeling close.
"What? Hindi pa tayo friends? Then why did you smile at me earlier? Ang choosy mo naman. Do you know na anak ako ng Mayor? I am also rich so we can be friends."
Natawa ako ng sarkastiko sa sinabi niya. Ang sarap niyang tirisin. Gosh.
"Alam mo, Nikkie, hindi ako tanga. Masyado kang gaga kung iniisip mong magiging magkaibigan tayo," sabi ko kaya biglang natawa ang mga kaklase ko.
Napatayo si Nikkie at galit na tumingin sa akin.
"Oh? You look mad, girl. Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko kapag lumapit ka sa akin tapos lalaitin mo lang ang pinsan ko sa harapan ko?"
"Masama ang ugali mo!" sigaw niya.
"Alam ko."
"You're such a b*tch!" sigaw niya ulit.
"Anong pake mo?"
Hindi na siya sumagot at padabog na umalis na lang ng classroom. Napahiya siya dahil sa 'kin. I am sure makakarating na naman sa mga pinsan ko ang nangyari at papagalitan na naman nila ako.
I am a Fuentevida. Ako ang Fuentevida na maldita at kayang manira ng araw ng mga schoolmates ko kapag hindi ko nagustuhan ang ginawa nila sa akin.
Dumating na si Ms. Renda which is our adviser at naghanda na for checking the attendance.
"You don't have to do that, Elliza," bulong ni Dawn sa akin.
"What?" I asked innocently.
"I heard everything, witch."
Napairap ako at tumawa. "I'm Elliza. What do you expect?"
She tsked. "Hindi pa umiinit ang pwet mo pero may kaaway ka na agad."
"Hindi ka ba nasanay, sis?"
Napailing na lang siya at hindi na ako kinausap ulit.
Inaamin ko naman na masama ang ugali ko pero hindi ako ganito palagi. I just hate it when someone is talking about my cousins. Naalala ko pa last year noong binully si Echo ng mga Senior High, nagalit ako kaya gumawa ako ng paraan para matanggal sila sa school.
People know me as the maarteng apo ng mga Fuentevida pero kilala akong masama sa school.
"Bida-bida ka. Isusumbong kita kay Daddy-Lo."
Napairap ako sa sinabi ni Hint. Nasa cafeteria kami ngayon for lunch. Nalaman nila 'yung nangyari kanina dahil sinabi ni Dawn sa group chat namin.
"Magsumbong ka. Akala mo ba hindi ko alam na kinuha mo 'yong alaga niyang bayawak para pantakot sa kapitbahay niyo?" Nakataas ang kilay ko as if hinahamon ko siya.
"Masyado kang seryoso. Joke lang naman, e," aniya at kinurot ang pisnge ko.
Agad ko namang hinampas ang kamay niya. "Hint naman! You're so annoying."
"You're so maarte," he mimicked my voice.
"Ang ingay niyo," saway ni Hexdo sa amin na tahimik na nagbabasa. Maybe may quiz sila mamaya at nagsisikap siya kasi alam niyang mangongopya si Ixion at Hint sa kanya. Masyado siyang mabait. Sana ganyan din sa akin si Dawn pero masyadong madamot sa sagot ang bestfriend ko.
"Sinong o-order ng lunch?" tanong ni Echo habang kumakain ng chocolate na binigay sa kanya ng admirer niya.
"Nakakahiya naman sayong nauna nang kumain." Umirap si Hint at nilaro ang buhok namin ni Dawn. Pilit niyang tinatali kaya hinampas ko siya kasi kakasuklay ko pa lang.
"Si Dawn na lang. Nasa kanya ang pera ko," sabat ni Ixion while holding his phone. It's a miracle seeing him na walang babae kasi usapan namin na kapag magkakasama na kaming lahat ay bawal silang magdala ng expired food (babae) sa harapan namin kung ayaw nilang magsumbong kami ni Dawn kay Daddy-Lo.
"Ok," Dawn answered and stood up.
"I'll go with you na, sis," I said at hinampas ang balikat ni Hint kasi ayaw niya pa akong padaanin.
I ordered for Hint and Echo while she ordered for Hex and for his brother. I decided na carbonara na lang ang kakainin ko for lunch while bumili naman ako ng rice at ulam para kay Hint at Echo. They like eating heavy lunch kasi hindi naman sila kumakain ng breakfast.
We, Fuentevida's, have our own card to buy what we like here in cafeteria. Iisang card lang ang ginagamit namin at si Daddy-Lo ang naglalagay ng pera do'n kaya wala kaming gastos. Sinabi lang ni Ixion na hawak ni Dawn ang pera niya kasi ayaw niyang tumayo sa kinauupuan niya. So tamad.
"I will call Hint to help us," sabi ni Dawn at sandali akong iniwan.
I waited for them dahil hindi ko naman kaya ang lahat ng 'to. While waiting ay nakita ko na naman ang water vendor guy na pumasok sa canteen at lumilingon sa paligid.
Mag-isa lang siya at parang nawawala. Some of the girls inside the cafeteria were eyeing him. Mukhang nagugustuhan nila ang mukha ng water vendor na mahilig talian ang buhok niya gamit ang rubber band. I wonder kung hindi ba siya napapagalitan ng mga teachers. Pero naalala ko na hindi naman strict ang school when it comes to the hair of the students. Kulay purple ang ibang strands ng hair ko at walang pake ang faculties kung maging pink man 'to.
"Let's go. Gutom na ako." Hint's voice made me stop staring at the water vendor guy.
Siya na rin ang nagdala ng pagkain ko kaya wala na akong dala nang pabalik na kami sa table.
"Lods!"
Bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ang boses na 'yon. Hindi ko alam ang gagawin dahil alam kong ako ang tinatawag ng lalaki kasi sa akin siya nakatingin.
I looked at my cousins. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi naman nila napansin na may tumawag sa akin but some of the students were looking at me. Their eyes were asking kung kilala ko ba ang lalaking 'to na parang tambay kong tawagin ako.
Nakakahiya. Hindi nila ako pwedeng makita kasama ang guy na 'to.
Papalapit na sa akin ang lalaki kaya tumakbo ako papunta sa table namin at nagpaalam sa mga pinsan ko.
"I'll just go to the rest room. Mauna na kayo," I said and walked away.
Why is this guy following me ba? Papansin siya! Akala niya siguro may gusto ako sa kanya!? As if!
Hindi ako pwedeng makita ng mga students na kasama siya. First of all, he's a transferee, a scholar, at parang tambay. Ano na lang ang sasabihin nila sa akin? Ng mga pinsan ko? I am sure magtatanong sila kung bakit ako sinusundan ng lalaking 'to. Ma-issue pa naman ang mga tao ngayon.
Pumunta ako sa likod ng building para magtago. Hoping that he will not follow me until here pero nagkamali ako. My eyes widened when I saw him smiling at me. Nakalabas ang ngipin niya and in fairness for a tambay like him, ang puti ng ngipin niya.
"Why are you following me?!"
Hindi man lang siya natinag nang marinig ang pag sigaw ko. Napakamot lang siya sa ulo niya.
"H-hi..."
Eh? Parang sira.
"You keep on following me. Nakakahalata na ako sayo. You are from Barangay Sardinas, right? What are you doing here? May gusto ka ba sa’kin kaya sinundan mo ako rito?" I asked.
Well, hindi naman malayo ang magiging dahilan niya kung bakit siya nandito. That explains his reaction nang makita niya ako sa hagdan kaninang umaga. Maybe inalam niya rin kung anong section ako para maging magkaklase kami.
"Ang kapal naman ng mukha mo, Lods."
Nanlaki ang mata ko. What the hell?
"W-what?"
He laughed. Ginamit niya ang nakakuyom niyang kamay habang tumatawa. "Grabe, hindi ako makapaniwala na hindi lang pala maganda ang mukha mo, makapal din."
"How dare you!" galit kong sigaw. Ngayon lang ako nasabihan ng ganito at hindi ko alam kung anong klaseng galit ang mararamdaman ko.
"Hindi kita sinusundan kasi may gusto ako sayo. May girlfriend na ako, uy. Sa gwapo kong 'to?" Tumawa na naman siya.
"You're crazy. I didn't asked kung may girlfriend ka na," I hissed.
"Ay hindi ba? Akala ko interesado ka," pang-aasar niya.
"Excuse me?" I arched my brow.
"Bakit? Dadaan ka?"
D*mn it. Ang sarap niyang sakalin!
"You're so gago. What do you want from me?!" I yelled again.
Bumuntong hininga siya at kumamot na naman sa ulo niya. "Nahihiya ako, e."
Talaga naman. Mababaliw ako sa inis.
"Then leave me alone kung ayaw mong masira ang araw mo," sabi ko at akmang maglalakad pero nagsalita na naman siya.
"Pero mas mukhang sira ang araw mo kaysa sa araw ko, Lods."
Naiinis akong tumingin sa kanya. "I'll double it for you. You want?"
Tumawa na naman siya sa likod ng nakakuyom niyang kamay. ‘Yong action ng kamay niya habang tumatawa ay masyadong papogi kaya nakakirita. "’Wag po. May utang ka pa nga sa 'kin tapos sisirain mo pa araw ko."
"Utang?"
Kaylan pa ako umutang? Hindi ako poor para mangutang. I own a lot of Chanel things kaya!
"Yes, lods. I need bayad."
"Excuse me? You're in the wrong person. Wala akong utang sayo," sagot ko at naglakad na palayo.
Pero nagsalita na naman siya.
"Hindi mo nabayaran 'yong tubig na binili mo sa'kin. Hindi na rin ako nakasingil agad kasi natulala ako sa ganda mo. Next time wag ka na bumili, nalulugi ako."