"Pa-special 'tong si Elliza. Umabsent ba naman sa first day of school para lang mag-shopping."
Agad na umikot ang mga mata ko sa sinabi ni Ixion. "Wow, ah? Para namang pumasok ka rin sa klase mo kahapon?"
If I know, nasa gilid na naman siya at nakikipagtukaan sa mga babae niya. Hindi naman nawawalan ng kalandian ang isang 'to. Kulang na lang pati walis na nakapalda patulan niya. At saka anong masama kung umabsent ako kahapon kahit first day of school? I am already warned that first day of school is boring. Hindi naman agad-agad magle-lesson ang mga teacher kaya mas pinili ko na lang na mag-shopping.
"Pumasok ako. Late lang. Tagal kong malabasan, e."
This g*go!
"Shut up! Ang baho ng hininga mo!" naiinis kong sigaw sa kanya. Ang bastos ng bunganga kasi!
"Bakit ang tagal mong malabasan? Anong ilalabas?"
I frowned when Echo asked that question. Expected from an innocent guy like him. Nakakunot pa ang noo niya habang nakatingin kay Ixion.
"Sperm," sagot nito.
"How?"
Hinampas ko ang braso ni Ixion nang akmang sasagotin na naman niya ang tanong ni Echo. ‘Wag niya talagang susubukang haluan ng kamanyakan ang utak nitong pinsan namin dahil sisipain ko talaga siya palabas ng kotse kahit siya ang nagmamaneho.
We're on our way to school now. Kasama ko sa sasakyan si Dawn, Echo at Ixion. As usual, may sariling mundo na naman ang bestfriend s***h cousin ko na nasa tabi ni Ixion sa harap na nagmamaneho. Si Echo naman katabi ko dito sa likod. Kaming apat ang laging magkasama kapag papuntang school since magkalapit lang naman ang mga bahay namin. Also, si Ixion lang ang marunong mag drive sa aming apat and I prefer coming with them than to have my own driver. Ang boring kapag hindi ko sila kasama. Ang kambal naman ay may kanya-kanyang sasakyan kaya free na free.
When Ixion's car stopped at the school's parking lot, the students started eyeing us. Para kaming mga celebrities na kakarating lang and I hate it. I am famous here in school pero hindi ko nagugustuhan 'yon. Plasticity is everywhere.
"Another boring day. I need to have a girlfriend this morning," rinig kong sabi ni Ixion habang nilalaro ang keys ng car niya. Dawn and I rolled our eyes at him. Hindi ba niya alam na pinapapunta kami sa school ng mga magulang namin para matuto and not to flirt like what he is always doing? Gosh! Ginawa niyang dating place ang school!
"Nakita ko ang mga mata niyo, ah!"
Dawn tsked. "May nakikita ka pa pala bukod sa mga hita ng babae? Nice, brother."
Napahinto si Ixion at pinitik ang noo ni Dawn. "Don't be a sarcastic lady, Dawn Hestia."
"And don't be a malanding gago, Ixion Helius."
I laughed because hindi na nakasagot si Ixion dahil hinila na ako ni Dawn paalis. Hindi naman kasi siya pwedeng sumunod sa amin kasi magkaiba ang building namin.
"Wait for me! Hinaharang ako!"
Nagkatinginan kami ni Dawn at sabay na napalingon kay Echo na tumatakbo palapit sa amin. Oh, we forgot about him!
He is the youngest Fuentevida kaya siya ang laging pinagtitripan ng mga first, second and third year. Girls are always blocking his way kapag nakikita siya ng mga ito to ask for pictures and fan signs. Parang artista nga talaga.
"May bago akong crop top and off shoulder from Chanel. 'Yon ang binili ko yesterday kaya ako umabsent," chika ko kay Dawn habang naglalakad kami paakyat sa classroom namin. It's on the 3rd floor according to the info I got from the Head and it is annoying. Ang hirap kayang umakyat! Tapos pagpapawisan pa ako kahit kakaligo ko lang.
"Haha, nice."
I frowned.
Tumawa si Echo na nasa likod ko dahil sa sinagot ni Dawn. Obviously, wala siyang pakialam sa mga pinagsasabi ko.
Of course, Ell, you're talking about crop top and off shoulder and she loves oversized sh!ts.
"I was calling you yesterday, sis. Akala ko kasi hindi ka rin papasok. I wanted you to come with me because I am thinking of dying my hair again," sabi ko while touching my hair at inaamoy ko pa. I really love the smell of it.
"Magagalit ang teacher," Echo commented while playing my hair at the back. Hinahampas niya ang buhok ko kaya nagugulo.
"Stop it," saway ko sa kanya.
"I fell asleep yesterday," Dawn answered.
I looked at her as if I am asking 'seriosly'? Argh. Minsan talaga nakakainis siya.
Sino bang hindi maiinis? Madaldal akong tao and everytime na nag-uusap kami nagmumukha akong tanga. She will just answer you 'ok' 'haha' 'nice' 'cool' at parang ipagpapasalamat mo pa kung mahaba ang sinabi niya.
"Bye! See you later!" sigaw ni Echo nang makita na niya ang room niya.
I don't know kung nasaan ang room namin kaya sumunod na lang ako kay Dawn. People were greeting us good morning at ako lang ang sumasagot. Masyadong tamad si Dawn magsalita.
"Good morning, Ell."
I smiled. "Morning."
Parang hindi makapaniwala ang babaeng 'yon na sinagot ko siya pabalik.
"She is not maldita pala. Ang bait!" tili niya habang kausap ang mga friends niya ata.
Napangiwi ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Dumadami na ang mga tao sa hagdan kasi malapit na ang time kaya nagkakabanggaan na. Kumapit ako kay Dawn para hindi kami magkahiwalay. It's okay to be late basta siya ang kasama ko. Ayaw kong ma-late nang mag-isa. Sabay naman kaming pumunta dito sa school kaya dapat kung late ako late rin siya.
"Padaan, mga lods! Pasensya na, nagmamadali lang."
Tumaas ang kilay ko nang may lalaking nagmamadaling umakyat sa hagdan kaya nagkabanggaan ang mga students na umaakyat.
"Pareho lang tayong nagmamadali rito. Hindi mo naman kailangang banggain kami," reklamo ng isang student na muntik nang mahulog because of the guy.
Huminto ‘yong lalaki at humarap doon sa student. Nakatalikod siya sa amin ni Dawn kasi nasa taas na kami at nasa baba naman siya.
"Hindi kasi ako pwedeng ma-late, lods. Baka mawala ang schoolarship ko," sagot no'ng guy.
His voice is familiar. Saan ko ba narinig 'yon? Pero wala naman akong kakilala na mahilig tumawag ng 'lods'.
"May nawawala bang scholarship dahil sa late?" I asked Dawn.
She shrugged at naglakad na kami ulit pero laking gulat ko nang may bumangga sa akin kaya muntik na akong matumba. Kung hindi lang ako nakahawak kay Dawn baka gumulong na ako pababa sa hagdan.
"Oh my gesh!" tili ko.
Parang nagulat rin ata 'yong taong bumangga sa akin kasi hinawakan niya ako sa braso para hindi ako malaglag sa hagdan.
Naiinis ko siyang nilingon pero gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang mukha niya.
Natulala ako.
"Uy, ikaw!" Para siyang natuwa nang makita ako.
Dawn looked at me and her eyes are asking kung kilala ko ba ang lalaking 'to na tinalian ng rubber band ang bangs.
OMG.