Chapter 13

1149 Words
Franchesca "Ano?" gulat na gulat kong sagot dito. Kaya pala nakasalubong ko siya ay dahil dito ito nakatira. Pero bakit parang hindi ko naman siya namamataan dito. "May binili lang ako sa labas kanina nung magkasalubong tayo. Galing ka ba sa bahay? taga dito ka rin ba?" sunod sunod na tanong nito sa akin. "Ah oo, andyan kasi ang nanay at kapatid ko. Kinuha ko lang yung susi ng bahay, iuuwi ko muna tong pinamili kong libro." nginitian ko naman ito saka nagpaalam na rin. Dumiretso ako sa gate palabas ng may mga kamay na humaklit ng gamit ko, hindi na ako nakahuma sa gulat kaya nabitiwan ko na rin ang mga ito. nang lingunin ko kung sino ang kumuha, nakita kong si Chester pala ito na nakasunod na pala sa akin. "Hatid na kita." sabi nito habang nakangiti pa. Pilit ko namang kinuha ang mga gamit ko dito ngunit matigas ito, ayaw niyang ibalik. Sa huli, nanatili na lang akong naglalakad kasabay siya. Walang umiimik sa aming dalawa. Pinakikiramdaman ang bawat isa hanggang sa makarating kami sa bahay. Hinintay na rin niya akong matapos kaya naman sabay na rin kaming bumalik sa kanila. Habang naglalakad kami, nauna siyang bumasag sa katahimikang namuo sa aming dalawa. Nagkakwentuhan kami tungkol sa mga bagay bagay, sa mga pinagkakaabahalan sa buhay at sa kung saan sila dati nakatira. Nalaman kong nasa ikatlong taon na pala nito sa kursong Political Science at dati silang nakatira sa Makati. Napili nilang bilhin ang bahay na ito sa bulacan dahil sa aliwalas ng lugar, malayo sa polusyon at sa ingay ng siyudad. Sa maiksing paguusap namin, nakapalagayan ko na rin siya ng loob. Nakapag share din ako ng mga ginagawa ko sa buhay, maging ang unang taon ko sa school at ang sa kursong kinukuha ko. Naikwento ko rin na ang anak ng nagma mayari ng bahay nila ay dati kong kababata na ngayon ay nobyo ko na. "Swerte naman niya." sabi nito habang nakangiti pa. "Bakit naman?" kunot noo ko namang tanong dito. "Syempre bihira yung childhood crush mo tapos magiging girlfriend mo na. Ang haba din ng taong hinintay niya kaya swerte siya kasi sinagot mo siya, mahal mo rin siya. Nasulit yung mga taong hinintay niya." patuloy nitong pagpapaliwanag. Natuwa naman ako sa isiping yun 'Oo nga noh' sabi ng isip ko habang nakangiti. "Kinilig kana diyan." agaw pansin naman nito kaya napabalik ako sa ulirat. Nginitian ko na lamang siya at saka naglakad papasok ng gate. Mula ng makapalagayan ko ito ng loob, hindi na rin ako nito iniwan sa buong selebrasyon ng house warming nila. Siya na mismo ang umasikaso sa akin kaya naman naging magkaibigan na rin kami sa maikling panahon. Marami pa akong mga nalaman sa kanya sa mga sumunod na oras. Madaldal si Chester, ang dami niyang kwento at isa pa may pagka comedian din ito. I never feel dull that moment, palagi siyang nagpapatawa. I even joke him na dapat hindi siya nag Pol Sci, dapat nag comedian na lang siya dahil mukhang bagay yun sa kanya. He make me laugh all night, he entertain me well kaya naman hindi ko na ito nasungitan. 'Mabait naman pala siya' i thought. That night he started calling me cupcake, aside from it's s his favorite dessert, he says that my smile is as sweet as this small cake, easy to be with and just like this small cake, he finds me attractive who can blend into everything. I don't know if i feel flattered in his definition but one thing strike in my mind 'Ang corny' lang ng may mga ganun endearment. But on a second thought, napaisip ako kung si Kevin ba? parang wala naman siyang mga sweet endearment na tawag sa akin kundi yung tipikal na 'honey' lang. Well then, i just thought of maybe i can initiate calling him something with meaning. Thanks to Chester, he opens my eyes for it. Nang sumapit na ang gabi, nagpaalam na rin kami ng ate at nanay na mauuna na. Maging ang ibang kababaihan naming kapitbahay ay nagpaalam na ngunit naiwan naman ang ilang kalalakihan dahil sa sila pa ay nagkakasiyahan. Chester offer to accompany us to our home but nanay refuse kaya nakuntento na lang siyang tanawin kami sa labas ng kanilang gate. Nakarating kami sa bahay at kanya kanyang nagpahinga na rin dahil sa pagod na naramdaman. Agad kong inisip kung ano ba ang pwede kong itawag kay Kevin as my enadearment to him. I thought of 'Angel' kaya lang parang it is very common na. Nagisip pa ako ng nagisip hanggang sa pumasok sa isip ko ang . . . . Video Calling Kevin: Hi hon, hows your day?" Pupungas pungas pa ito ng sagutin ang tawag ko. Me: Good morning 'My Boo'. Agad itong napadilat saka nakakunot ang noong tumingin sa akin. Kevin: 'My Boo' you call me 'Boo' honey." he smile Me: Yeah, i just thought na wala naman akong eanderment sayo kaya nagisip ako sa pwedeng itawag sayo and yeah i decided to call you My Boo, you know why? Kevin: Why? Me: I was in love with you when we were younger, you were mine (my boo) And I see it from time to time, I still feel like (my boo) And I can see it no matter how I try to hide (my boo), You will always be my boo but i don't have another man ah. It's just that i loved this song tsaka some part tayo diba?" i gave him a sweetest smile i could have. I know even my eyes smile at him too. Napangiti din naman ito Kevin: It started when we were younger, you were mine (my boo) Now another brother's taken over, but it's still in your eyes (my boo) Even though we used to argue, it's alright (my boo) I know we haven't seen each other in a while But you will always be my boo napakanta din ito habang malaki ang ngiti nito na nakarehistro sa screen ng laptop ko. Saka siya napatigil at napatitig sa akin ng matagal. Kevin: "I miss you so much My Boo." malungkot ang mga mata nitong sabi. Kevin: "Subukan kong makauwi diyan sa Christmas." Me: "Ano ka ba, it's ok. basta magiingat ka lang diyan. Makakapag bakasyon ka rin dito soon. Wag kana ma sad ok? hmm I love you My Boo." dama ko ang lungkot sa mga mata nito, sa huli nakuntento na lang kaming magkausap at hinahaplos ang mukha ng bawat isa sa screen. Ito ang hirap ng isang LDR at bukod dun, nagsisimula pa lang kami sa isang romantic relationship. Magkaiba yung magkaibigan pa lang kayo. Matapos naming mag-usap, nag handa na rin ako sa pagtulog. Akmang hihiga na ako ng muling tumunog ang cellphone ko. Bumangon ako sa pagaakalang si Kevin ito ngunit kumunot ang noo ko ng isang unknown number ang rumehistro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD