Chapter 12

1014 Words
Franchesca "Hi Papa Chester" bungad na bati naman ni Sander sa bagong dating. Nanatili lang itong nakaupo malapit sa tabi ko. Binati niya rin ang ibang mga kaibigan ko saka ako binalingan. Iniabot niya sa akin ang isang kamay niya saka nagpakilala "Chester" sabi nito. Tinignan ko lang siya maging ang kamay niya saka sumagot "Chesca" saka muling binalingan ang mga kaibigan ko. "Guys let's go? Mala late na tayo sa klase natin." baling ko sa mga kaibigan ko saka inayos ang mga gamit, sumang ayon naman ang mga ito maliban kay Sander na panay ang tutol at padabog dabog na. "Bakla mamaya na ito naman, kakarating lang ni Papa Chester eh. Mag kwentuhan muna tayo dito tsaka maaga pa oh. Bilis na kasi." oangungulit ni Sander. Tinignan ko lang ito saka sinagot na "Hindi pwede." saka ako aktong tatayo ng may isang kamay ang pumigil sa palapulsuhan ko, nang lingunin ko ito, walang iba kundi si Chester. "Chesca can we talk?" tanong nito sa akin Tinignan ko ito at saka tinignan ko rin ang mga kaibigan ko, nagaabang lang sila ng isasagot ko saka nila ako tinanguan at umalis. Nanatili kami ni Chester sa bench, nakaupo, saka ko ito binalingan. "Tungkol ba saan?" tanong ko dito "Gusto ko sana humingi ng paumanhin sa nagawa ko sayo, sa pag bunggo, ok na ba yang balikat mo?" bakas sa mga mata nito ang sinseridad kaya naman minabuti ko na ring harapin ito. Tipid ko naman itong nginitian saka sumagot "Ok naman na to, salamat sa pagaalala" sagot ko dito. Nanatili lang itong nakatingin sa akin kaya ako na ang bumasag sa katahimikang namayani sa pagitan naming dalawa. "Kung wala ka na sasabihin, mauuna na ko. Mala late na ako sa klase" saka ko kinuha ang mga gamit ko at tumayo, tumayo na rin ito pero nagulat ako sa ginawa niya. Kinuha niya ang mga gamit ko saka sumabay sa akin sa paglakad. "Akina yan, ako na diyan" baling ko dito "Ako na. Ihahatid na kita sa room mo." sagot naman nito "Wala ka bang klase?" muli ko namang tanong Ngumiti naman ito at humarap sa akin "Meron, mamaya pa." sabi nito Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa pinto ng room ko, iniabot naman nito sa akin ang mga dala kong gamit. "Salamat" sabi ko dito. "Pwede ba kitang ihatid mamaya?" "Hindi pwede" saka mabilis ko siyang iniwan. Umupo agad ako sa pwesto ko at hinanap ang mga kaibigan ko. Nang makita ko sila, iba ang paraan ng pag tingin nila sa akin. Para bang nanguusisa at nagtatanong ang mga mata. Si Sander naman agad akong nilapitan saka tinanong "Ano napagusapan niyo girl?" tanong nito na para bang kinikilig kilig pa. "Wala nag sorry lang" sakto namang pagpasok ng professor namin kaya bumalik na rin si Sander sa pwesto niya. Sumapit ang uwian, masaya kaming naglalakad ng mga kaibigan ko pauwi ng mamataan ko si Chester na nakaabang sa may gate ng eskwelahan namin. Nakatingin ito sa gawi namin habang nakangiti. "Mukhang may tama sayo si Chester ah" siniko ako ni Sander saka tinuro ang gawi ni Chester. "Hindi yan. Tsaka may boyfriend na ako, hindi rin siya uubra." nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang matapat kami sa pwesto ni Chester. Wala naman itong ginawa, nakatingin lang ito sa amin kaya naman nilagpasan na rin namin ito. Nang makarating sa bahay, agad na binisita ko ang cellphone ko. Tanging 'goodnight, sweetdreams at i love you' na lang ang nadatnan kong message ni Kevin sa akin. Hindi na kami nakapag videocall dahil na rin sa pagod sa klase at sa kaibahan ng oras namin. Lumipas ang araw, sumapit ang araw ng linggo. Araw ito ng house blessing sa dating bahay nila Kevin. Umalis muna kami nila Jenny para bumili ng mga kailangan naming libro. Hapon na ng makabalik ako sa bahay. Ang sabi ni ate, dumiretso na raw ako sa bahay nila Kevin dahil nandun na daw sila at dala nila ang susi sa bahay namin kaya naman doon na ako nagpahatid kina Jenny. Ang plano ko'y kuhanin muna ang susi ng bahay at iuwi muna ang mga pinamili ng makapag palit na rin ng damit. Habang naglalakad ako, narinig kong tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa pagaasam na si Kevin na ang nag message na hindi naman ako nagkamali. Habang nagta type ako ng reply sa kanya, nabitawan ko ang cellphone dahil sa isang bultong bumangga sa akin. Pinulot ko ang cellphone kong nagkahiwa hiwalay dahil sa pagkakabagsak. nang hindi ko makita ang battery hinanap ko muna ito ngaunit may isang tinig akong narinig at pag angat ko ng ulo, nakita ko ang kamay ng isang lalaki na hawak na ang battery ng cellphone ko. Agad akong tumayo at nagpasalamat dito ngunit agad din nagbago ang rehistro ng mukha ko ng makilala ko ang taong ito "Ikaw na naman?" gulat na may halong pagkainis na sabi ko dito. "Sorry hindi kasi kita napansin kaya kita nabangga. Sorry Chesca, ang dami ko nang kasalanan sayo." paghingi naman ng paumanhin nito habang nakangiti. "Ikaw ba ang nakabanggaan ko? Sorry rin hindi kasi ako nakatingin." sabi ko naman saka kinuha ang battery ng cellphone ko at inumpisahang ayusin ito. Nang mabuo ko, nginitian ko siyang muli saka nagpaalam na. Nang makarating ako sa dating bahay nila Kevin, agad kong pinuntahan ang ate at kinuha ang susi ng bahay namin. Nagpaalam din ako agad at nangakong babalik pagkababa ng mga gamit ko. Paglabas ko ng bahay, habang nasa veranda ako, nagulat ako ng makasalubong ko na naman si Chester. Bigla akong napaisip, bakit nga pala siya nandito sa lugar namin? Taga saan ba siya? at ngayon ay nandito siya sa bahay nila Kevin? Ano naman ang ginagawa nito dito? Napansin din niyang pasalubong ako kaya umayos siya ng tayo at sinalubong ako ng ngiti. "Chester, bakit nandito ka? Sino ang kasama mo?" tanong ko dito habang lumalakad papalapit dito. Ngumiti naman ito sa akin saka kumamot kamot sa may batok na para bang nahihiya ito saka sinabing "Dito ako nakatira" at muli siyang ngumiti
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD