Nakaupo ako ngayon sa hot seat, kaharap ko ang ama ni Venus at Ritchel. Pinatawag ako para daw pag-usapan ang aming nalalapit na kasal, gusto ko matawa sa matandang ‘to. Dati siyang Mayor na pinalitan ko. Tumakbo sa mas mababa na pwesto, nanalo naman. Noong panahon na aalis na ako sa aking kinau-upuan, siya ang umakyat at naupo sa iniwan ko na pwesto. Akala ata ng matandang ‘to, hindi ko alam ang mga kalokohan niya. Hindi makakaligtas sa akin ang kasing amoy ng aking ama. “Nag-usap na kami ng ama mo, mamaya lang nandito na ang parents mo.” Nakuyon ko ang aking kamao. Ayaw ko sa lahat, ang pinapangunahan ako. Kelan kaya mauubos lahat ng tao na magaling mangmanipula ng buhay ko? Akala ba nila, habang buhay nila ako mapapa-ikot? “So, nag-usap na pala kayo ni daddy huh? Para saan pa b

