Habang pauwi ako at binabagtas ang daan patungo sa aking condo unit, bigla akong nag U-turn. Iinom muna ako sa bar, para makatulog ako kaagad. Hindi ko alam kung saan ngayon tumuloy ang mga magulang ko, nandito kami ngayon sa siyudad, at ang bahay ng aking pamilya ay nasa probinsya. Sabihin man na nagagalit ako sa aking magulang, hindi naman maiiwasan na hindi ako mag-alala. Kaya't matapos ko lang lahat ng problema ko kay Venus at sa ama nitong tuso, babalik na ako sa probinsya. Hindi naman nagtagal, nakarating na ako sa isa sa mga mga bar ko na malapit lang. Kaagad akong pumasok at umakyat sa taas, nakita ko ang isang manager na si Rara. “Ay! Big boss, anong drinks mo? May mga bago akong babae, gusto mo ba?.” Tanong ng bakla sa akin na inilingan ko lang. Ayaw ko ng babae. Nakakawal

