Napatingala ako sa ganda ng sikat ng haring araw. Dinama ko ang init na hatid nito at napatingala ako. Parang perfect na ang buhay ko. Nasa akin na ang anak ko, nahanap ko na ang kapatid ko, kahit papano ay okay na kami ng daddy ko. “Nasaan ba tayo, Geo?.” Tanong ni Love na nagpalingon sa akin. Nakatayo kasi ako sa harapan ng terrace ng aking bahay. Nagpapa-init at dinadama ang sariwang hangin. “Sa mansion ko, maligo ka na. Mamaya darating ang magkakasal sa atin, kakilala kong judge.” Sabay talikod ko kay Love na ikinalingon ko kaagad, dahil binato ako nito ng unan. “Hindi kita pakakasalan! Sinabi ko na sayo, ayaw ko ng pinangungunahan ‘e. Isa pa, hindi pa ako handa. Mahirap ba ‘yon intindihin?.” Sigaw sa akin ng babae na binalewala ko, siguro ay ganito lang ito na laging nakasi

