Deserved ko matulala dahil maarte ako. Yun ang palagi na nasa isip ko sa mga nagdaan na buwan. Hindi ko akalain na ang pag-alis ni Geo ay magtatagal. Dalawang taon na ang kambal namin ngayon at wala pa rin kahit anino ni Geo. Monthly nandito ang kanyang kapatid at magulang, nagdadala ng sustento na gatas at mga kailangan. May regular na padala din sa bank account ko na hindi ko ginagalaw, umabot na yata ng ilang milyon. “Good morning, ma’am. Nandiyan po kadarating lang ng mga Villafuerte.” Sabi sa akin ng isa sa aming kasambahay. Unang linggo kasi ng buwan, ganito ang araw na madalas nilang pagpunta dito. “Hello po, kamusta po?” Sabay halik ko sa pisngi ng mommy ni Geo at beso sa ama ng aking asawa. “Ayos naman kami, kayo ba dito? Ang daddy mo, makisig na ulit. Maaari na ulit man

