Tahimik ako na nakaupo sa gilid ng bilog na lamesa habang nandito kami sa party ng anak na panganay ni Adam Villafuerte. Ika-pitong kaarawan kasi nito, at sinama ako ni Geo. Gusto daw niya ako ipakilala sa kanyang mga pinsan. Lalo na sa malapit sa kanya na dating gobernador ng bayan namin. “Kuya. I’d like you to meet my wife, Love Hanson. Baby love, Si kuya Adam.” Nakipag kamay ako sa lalaki, hindi ito ngumiti man lang, kaya medyo napanis ang ngiti ko. Habang sa tabi ko si Geo na pinipigilan tumawa. “Nice meeting you. Mag enjoy kayo dito huh? Balik na muna ako sa table namin, walang bantay sa bunso ko.” Paalam ng lalaki na nakapamulsa lang at parang wala man lang emosyon. Pero ang gwapo pala ng lalaki na ‘yon. Sa mga tarpaulin ko lang kasi at sa screen nakikita ang mukha ng dating g

