Hindi ako naka-imik sa sinabi ni Love. Nagulat talaga ako, hindi ko akalain na ganun ako kaagad mapapatawad ng aking asawa. Ilang beses akong napakurap ng aking mga mata. Iniisip ko na lasing pa ito, pero hindi talaga. Walang bakas na mas ispirito pa dito ng alak. Kilala ko kung gaano katigas ang ulo nito at gusto lang niya ang laging nasusunod. Pero ngayon, habang pinagmamasdan ko siya na nakatingin sa salamin ng sasakyan, parang naluluha ako. Nag-iisip na ng tama ang aking asawa, hindi na katulad dati na sinasabi lahat ng gusto niyang sabihin at gagawin ang gusto niyang gawin. “Salamat, baby love.” Mahinang sabi ko sa babae sabay abot ng kanyang hita. Hindi naman nagreklamo si Love, kaya't ang haplos ko, umabot sa kanyang singit. “Tigilan mo yan, Geo.” Saway ng aking asawa na

