“Maupo ka dito sa tabi ko, anak.” Tawag sa akin ni mommy sabay hila ng upuan. Paglingo ko sa garapan ko, gusto kong maiyak sa pag-aasikaso ng babae sa aking asawa. Na ako dapat ang gumagawa noon. “Sino ka?.” Nakataas ang isang kilay na tanong ko sa babae na mukhang sopistikada at mahinhin. Magsasalita pa lang sana ang babae, pinutol na kaagad ni Geo ang sasabihin at hinawakan ang babae sa braso para pigilan ito. “Maupo ka na muna, Love. Mamaya natin pag-usapan ang mga bagay bagay.” Mahinahon na sabi ni Geo habang ako ay ngumisi ng nakakaloko. “Siguraduhin mo na ikatutuwa ko ang pag-uusapan natin Geo, dahil kung hindi? Alam mo na di ko ugali na manahimik lang.” Matapang na sabi ko sa aking asawa sabay upo ng maayos sa aking silya. Naghain si mommy ng ulam at kanin, nilagyan ako. M

