CHAPTER: 3

1003 Words
Nagising ako na hinahabol ang aking hininga. Napaka-init at ang sikip talaga duto, sa selda kung saan ako nakahiga, sa baba o sahig ay meron din nakahiga na kasamahan ko, gamit lamang ang karton. “Pre, hindi ka rin makatulog? Ganito dito, grabe ang alinsangan kapag tag-init. Kapag tag-ulan naman, manginginig ka naman sa lamig.” Hindi ako umimik, halos isang buwan na ako dito, medyo nakakapag adjust naman na ako sa panahon. Ngayon lang talaga na grabe ang init, halos hindi ako makahinga. “Pamaypay?.” Abot sa akin ni Kael ng kapirasong karton. Kinuha ko ito at namaypay na nga ako. Kinapa ko ang ilalim ng aking higaan. Tiningnan ko ang rolex ko na wrist watch, ala-una na ng madaling araw. Kaya pala medyo inaantok na ako. Ilang oras na lang, gigisingin na naman kami ng jailed guard para maglinis ng banyo. “Matulog na tayo pre, mamaya magkukuskos pa tayo ng banyo, kailangan natin ng lakas.” Natatawa na sabi ni Kael. Habang ako ay iniisip ang bwesit na Ritchel na ‘yon. Gusto ko makita ang aking anak, na ayaw niyang ipakita sa akin. Hindi ko naman minahal ang babaeng ‘yon, sadyang nay nabuo lang sa madalas namin na pagniniig. Kaso ang baliw na babae, gusto pa ay kasal. __ Mabilis lumipas ang mga araw, ang pananatili ko sa piitan ay inabot na ng tatlong buwan. Medyo nasanay na rin ako sa loob, nakikipagbalyahan sa kapwa preso at nakikipag agawan sa pagkain. Isang beses lang sa isang buwan kung dumalaw si kuya Adam, katulad ng mga naunang pagpunta niya dito, may mga dala na mga kung ano-ano na kailangan namin dito sa loob. Ang ama ko at ang aking ina, ni minsan ay hindi dito naligaw. Nakakatawa isipin na parang si Kael na lang ako, solo sa buhay. Ang pagkakaiba lang nga namin, umaasa ako. Habang ang kaibigan ko dito sa loob, tanggap na mag-isa na talaga siya sa buhay. “Pre, magdadala daw ng mga babae dito mamaya ang ka kosa sa kabila, gusto mo ba? Kuhaan kita? Isang libo lang, unli putok ka na.” Natatawa ako kay Kael habang nagsasalita na napapangiwi pa. “Ikaw, baka gusto mo? Ako na lang magbabayad para sa’yo?.” Seryoso na tanong ko dito, umiling lang ito at sumandal sa harapan ko na rehas ng bakal. “Hindi na, may mga preso din dito na babae. Libre lang, basta may condom ka.” Nakangisi nito na sabi, hindi naman malabo na maraming magkagusto dito, may laban naman talaga ito sa itsura. Kaya siguro pinagnasagan ng bakla na kanyang napatay. “Bali-balita dito makakalaya ka na daw ah? Kapag nasa labas ka na, dalaw ka dito huh? Sabon at de lata lang malakas na.” Hindi ako umimik, alam ko ang tungkol doon, sinabi na sa akin ni kuya Adam, nagpaalam din ang pinsan ko na sa America muna sila na pamilya, medyo nalungkot ako. Pero ganun talaga, mahalaga masaya na sila ni Cassandra. “Padalhan na lang kita ng isang kahon na sardinas.” Pagbibiro ko kay Kael na tumawa ng malakas. “Wag lang kapag tag-init pre, bakbak bayag natin niyan. Hahahaha!.” Sabay kami na nagkatawanan dalawa, dahil ang langsa talaga sa katawan ng sardinas, lalo pa at dito sa amin, may oras lang ang paliligo. Kinapa ko sa ilalim ng aking higaan ang aking relo. Patago na inabot ko sa kamay ni Kael. “A—Ano ‘to?.” Nagtataka na tanong nito sa akin habang nanginginig ang kamay. “Kalahating milyon ang halaga niyan, mahigit pa. Kapag magkagipitan dito sa loob, pwede mo yan ipang suhol kila Onil. Kung mabigyan ka naman ng parol, isangla mo yan, sigirado ako na tatawagan ako ng pawnshop kung saan mo yan dadalhin, lalo kung dito lang naman dahil naka-ukit ang pangalan ko sa relo. Tutulungan kita sa labas magbagong buhay. Dito sa loob, hindi ako makagalaw, nasa secret account ang mga pera na meron ako.” Paliwanag ko sa lalaki na tumango naman. Wala akong kaibigan kahit sa labas ng selda na ito. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon, dahil nga mahigpit ang papa ko. “S—Salamat dito, pre! Iingatan ko ito.” Tumango ako dito, alam ko na ilang araw na lang ako dito. Sabi nga ng pinsan ko, limang araw matapos ang dalaw niya ay makakalaya na ako. Ngayon ang pangatlong araw, kahapon pinapirmahan sa akin ng hepe ang mga papeles. Kaya't alam ko na ilang araw na lang ako dito. “Iiwanan ko din lahat ng gamit ko, sa’yo na lang lahat. Naintindihan mo? Hangga't maaari, umiwas ka sa gulo. Uunahin ko lang hanapin ang babaeng baliw na nabuntis ko, pagkatapos ay aayusin ko ang mga papeles mo.” Nakita ko na naiiyak si Kael, gusto ko ang ugali nito. Hindi tamad sa loob, hindi din burara. Hindi sipsip at tahimik lang sa gilid, nagbabasa. “Hindi ko alam ang sasabihin ko sayo, pre. Basta, alam mo na ‘yon. Balikan mo man ako dito o hindi, masaya na ako na nakilala kita.” Tumayo na ako at iniwanan ito. Inilagay ko sa kabilang lamesa ang picture frame na nilagyan ko ng varnish paint. Ito ang kabuhayan ng mga nakapiit dito sa loob. Dito sila kumukuha ng pambili ng mga personal needs, mga sabon o brief, mga pambili ng bisyo katulad ng yose. Habang nakahiga, medyo nalulungkot ako na iwanan si Kael dito. Madalas kasi ito agawan ng pagkain sa loob, lagi pa nakukulong sa banyo at mag-isa naglilinis. Habang ang matatanda na kasamahan niyang naka toka sa banyo ay nagsusugal lang. Pilit ko na inalis sa aking isipan ang mga gumugulo. Tinuwid ko ang aking pagkakahiga at ipinikit na ang aking mga mata. Sana sa paglabas ko dito, may babalikan pa rin ako na buhay. Kakalimutan ko na rin ang aking ama na wala naman ginawa kundi ang pahirapan ako at huthutan ng pera. Pipilitin ko makawala mula sa kamay ng mapangmanupula ko na ama. Magbabago na ako, at aalis sa pulitika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD