CHAPTER: 4

1048 Words
Napatingala ako sa langit. Tinakip ko ang aking palad sa mukha ko na nasisilaw ng sikat ng araw. Napangiti ako na nilibot ang aking paningin sa paligid. “Malaya na ako.” Mahinang bulong ko, paglingon ko sa hindi kalayuan, kumakaway ang driver ng pamilya Dimagiba. Ngumiti ako dito at lumapit. “Mayor, magandang umaga po. Ako po ang nautusan na mag sundo sayo.” Magalang na pagbati sa akin ng matandang lalaki. “Salamat po, Manong. Pero, wag mo na po ako tawagin na mayor, hindi na po ako ang nakaupo ngayon.” Magalang na sabi ko sa matanda na tumango lang sa akin at pinagbuksan ako sa likod na upuan. “Ang dating bise alcaide na ama ni Ritchel na ngayon ang nakaupo na mayor, lumala ang bayan natin sa droga. Nakakatakot na para sa mga kababaihan na gumala sa gabi. Ang pinsan mo ay nanahimik na din, wala ng Villafuerte ang nakaupo, kaya't ang bayan natin ay nakaka-awa na ngayon.” Malungkot na sabi ng matanda. Hindi ako umimik, dahil mas kailangan ko isipin sa ngayon ang sarili ko na buhay. Sa susunod na ang buhay ng ibang tao. “Sigurado ka ba Mayor na dito ka na lang?.” Tumango ako sa matanda at nagpasalamat. Hindi ako nagpa-hatid sa bahay ng aking mga magulang. Sa condo unit ko ako nag pababa. Dahil maaga pa, tinawagan ko ang mga bangko. Ang ilan ko na kilala na nag asikaso sa mga ari-arian ko at negosyo na iniwan noong nakulong ako. Kinamusta ko kung nalugi na ba o lumago. Bwenas naman na lahat ay okay. Hindi ako nagkamali sa mga tao na pinagkatiwalaan. Napangiti ako ng matapos ako maligo ay tumunog ang aking cellphone. Nasa labas na daw ang aking bagong sasakyan. Sinulyapan ko muna ang aking kabuohan sa salamin, bago ako napangiti. “Boss” Pagbati ko sa gwardya na nag-abot sa akin ng susi. Nagmaneho ako sa hindi ko matukoy na paroroonan. Hanggang sa makarating ako sa kabilang bayan. Sa Sta. Elena ako napadpad. “Hoy! Geo! Pasakay nga!.” Sigaw ni Love na napakalakas. Nananahimik ako na naninigarilyo sa gilid ng daan habang nagmumuni-muni, pero may parang sirang plaka na nag-iingay at ginulo ang pananahimik ko. “Wala ka bang pera pamasahe? Mayaman na kayo ah?!.” “Manahimik ka nga Geo, naiirita na nga ako sa buhay ko ‘e. Kelan ka pala nakalaya?.” “Ngayon lang, tara ihahatid na kita. Uuwi na ako, mukhang may masamang mangyayari, huling kita natin nakulong ako ‘e.” “Tarantado ka lang talaga, anong kinalaman ko sa ilegal na pinasok mo?.” Nakakarindi ang bunganga nito at masakit sa tenga. Kung mananahimik sana ito magandang babae talaga ‘e, peri dahil sa ingay nakaka-turnoff. Sa hindi kalayuan, hinatid ko na ang babae sa kanilang bahay. Napakaligalig talaga nito kaya't biniro ko na sasakalin. Napangiwi ako ng tumikhim ang kapatid nito na panganay. “Gagi, kita ka ni ate! Hahaha! Aakalain nyan jowa kita, pupusta ako.” “Kakilabot ka Love, kahit tigang ako hindi kita jojowain. Mahal ko pa buhay ko, tatay mo nga di ka napatino ‘e, ako pa kaya.” Pagbibiro ko sa babae na hinampas ako ng malakas sa balikat gamit ang kanyang bag. “Masakit huh? Baka masakal talaga kita ng tuluyan.” “Ughhhh! Choke me, Geo! Ughhhhhhhhh!.” Labas dila habang nakatirik ang nga mata na umaarte ang babae na akala mo talaga sinasakal ko, pero kamay naman niya ang nasa leeg niya. Naiiling na lang ako sa kabaliwan nito. “Bahala ka sa buhay mo! Baliw!.” Sabay pasok kong muli sa aking sasakyan. Naiiling ako na napapangiti habang nagmamaneho. Noon pa man ay komedyante na ang babaeng ‘yon, kaya nga marami siyang kaibigan noon sa school. Likas na masiyahin ni Love at madaling bagayan. __ “Bunso, wala ka na ba talagang plano na mag-asawa pa? Aba, baka malagyan ka na ng yellow label niyan sa supermarket.” Sabi ng aking nakatatandang kapatid habang tinatalian ng buhok ang kanyang anak na panganay na si Cataliya. “Alam mo ate, kung may darating edi good! Kung wala, edi don't.” Balewala na sagot ko sa aking kapatid na umiling lang. “Treinta y tres ka na Love, baka nakakalimutan mo? Remind lang kita." "Sus! Ano naman? May anak na akong isa, nandyan naman si Ian Blake, bakit pa ako malulungkot?.” Seryoso na sabi ko sa aking kapatid na tila ba nananaginip ng gising. Nakangiti pa ito na akala mo may naaalala na magandang pangyayari. “Alam mo ba kagabi, kinain ni Fran ang ano ko. Grabe bunso, parang mababaliw ako. Tapo—.” Hindi na natapos ng kapatid ko ang kanyang sasabihin ng nilayasan ko na ito at takip ko ang aking tenga habang naglalakad papalayo, papasok sa aking silid. “Nakakainis naman! Bakit kasi iniwan mo ako Blake?." Nayayamot na tanong ko sa picture frame na nasa ibabaw ng aking mesa sa gilid ng aking kama. “Kapag nagsalita ang picture ni Blake bahala ka." Sagot ng boses sa gilid ko, hinarap ko ito at inismiran. Ang kapatid ko na babae, si ate Heart. Asawa niya si Blake, dahil minahal ko din ang asawa niya. Pumayag siya noon na magsalo kami para lang hindi ko na ulit pag tangkaan ang aking buhay. “Next month birthday na ni Fran, sa Palawan tayo huh? Nangako ka na sasama ka, hindi ko na tatanggapin ang pabago-bago na sagot.” Napabuntong hininga na lang ako, ganito pala kapag nagkaka-edad na. Nawawalan na ng gana sa mga parties, ayaw ko na rin halos lumabas ng bahay at mas gusto na lang matulog kaysa gumala. “Oo na! Manahimik ka lang, doon ka na nga. Manonood ako ng porn, magkakamay.” Naiinis na sabi ko sa aking kapatid na tumatawa habang palabas ng aking silid. Nahiga ako sa aking kama at ininat ang aking katawan. Ang pagod ng maghapon ko. Nakipagkita ako sa mga clients namin. Kung saan-saan ako napadpad. Mabuti na lang kanina nakilala ko si Geo, wala palang sasakyan na dumaraan doon sa pinuntahan ko kanina. Napangiti ako ng maalala ang mukha ng lalaki, unfairness. Bumagay sa kanya ang kanyang balat ngayon na medyo naging tanned. Hindi katulad noon na mukhang baby boy, dahil tisoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD