SUMAPIT NA NAMAN ang lunes at heto back to work na naman ako pero kabadong-kabado ako dahil ngayon ang dating ni sir Phoenix.Yeah uuwi na ngayon si sir after two months and one week.Oh di ba hindi halatang inaabangan ko!Oh god!Ayon pa kay sir Oreo ay hindi daw kasama ng kapatid ang fiance nito na hindi ko na inalam pa kung ano ang dahilan kung bakit mag-isa lang na uuwi si sir Phoenix. Naiisip ko pa lang na kaming dalawa lang ang magkakasama sa bahay nito at pwedeng makapagsolo ay agad na nag-iinit ang pisngi ko.Excited ako na makita ang binata pero may lungkot rin dahil hanggang tanaw na lang ako dito.Hindi pwede na bumigay ako at maging marupok sa harap nito.Kailangan kong suwatahin ang damdamin ko namumuo para rito para habang mas maaga pa ay mapigilan ko. Aligaga ako sa kusina sa pag

