bc

TEMPTATION SERIES:The Billionaire's Twins Heir

book_age18+
2.7K
FOLLOW
23.7K
READ
billionaire
HE
escape while being pregnant
second chance
powerful
bxg
lighthearted
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Mature Content|R-18+

SYNOPSIS

Simple lang ang pangarap ng dalagitang si Jellybean na taga probinsya, ang makaahon sila sa kahirapan ng buhay.Kaya naman ng makapagtapos ng pag-aaral na High School ay sinikap niya makatungtong ng kolehiyo.

Hindi naging madali ang pag-aaral niya sa kolehiyo dahil halos nag-woworking student siya para lang matustusan ang pag-aaral.

Pero at the end hindi rin niya pala matatapos ang pag-aaral sa kolehiyo dahil kinailangan niya tumigil para magtrabaho na lamang.

Dala ng kahirapan ay nangibang bansa siya sa bansang Singapore siya napadpad.Dito binuo niya mangarap para sa pamilyang naiwan sa pilipinas lalo na sa dalawa niyang kapatid.Nagsikap siya para may maipadalang pera sa pamilya.

Ngunit sa kasawiang palad ay nilulustay lamang ng ama niyang lasinggero at walang matinong trabaho ang kada sentimo napapadala niya at ang ina naman niyang isang labandera at may pagkataklesa pero may pagkahilig rin sa sugal na bingo ay gano'n rin ang ginagawa sa pinapadala niya pera.Masama man ang loob niya sa magulang dahil sa halip na maibigay ng mga ito ang kailangan ng kambal niya kapatid ay hindi nagagawa dahil ang pera niya pinapadala ay napupunta lang sa walang ka kwenta-kwentang bagay.

Dalawang taon ang lumipas hanggang sa matapos niya ang kontrata.Nagkayayaan sila magkakaibigan na mag-celebrate para sa kukunin panibagong kontrata sa isang Hotel. Inuman dito inuman doon.Dala ng sobrang lango sa alak ay napasok siya sa maling kwarto na naging sanhi para mawala sa kanya ang kanyang iniingatan p********e.

She lost her virginity to the stranger.

Paano kung ito ang magiging simula ng kalbaryo ng buhay niya?May pagpipilian pa ba siya?o uuwing sawi sa pilipinas na lang? 

Mag-krus pa kaya muli ang landas nila ng lalaking nakakuha ng pagka birhen niya?

Abangan ang kwento ng dalawang taong

magkaiba ng estado sa buhay.

Published On:16 February 2023

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE: Jellybean's POV "Oh gising na pala ang magaling kong anak", napalingon ako sa nagsalita ang kanyang ama na mukhang lasing na naman kahit umaga pa lang. Limang araw na ang nakakaraan ng umuwi ako rito sa amin sa probinsya—Isabela. Hindi ko na kasi naipagpatuloy pa ang pagkuha muli ng kontratang panibago para sa trabaho sana dahil sa isang dahilan— dahilan na alam ko na magpapabago ng buhay ko. "Magandang umaga po itay."saad ko sa ama na nakasinghal na naman. "Walang maganda sa umaga.Ipaghain mo ako nagugutom na ako.Bilisan mo ang kupad-kupad!"sigaw naman ng ama ko sa akin na ikinagitla ko ng bahagya. Mabilis ang naging kilos ko para maghanda ng makakain ng aking ama.Nagluto lang ako ng pritong itlog at tuyo, sinamahan ko na rin ng noodles na pwede isabaw sa kanin. Inihain ko na rin agad ito sa lamesa naming gawa lamang sa kawayan na nababalutan lang ng mantel na sapin.Plastic chair lang rin ang meron kami upuan.Pagkatapos ko maayos ang pagkain ay agad ko na rin ginising ang kambal kong kapatid para makasabay na rin sa pagkain. "Jellybeannnn.." Mabilis akong napalabas ng kwarto namin magkakapatid ng marinig ang dumadagundong na sigaw ng aking ama. "T-tay bakit po?Ano po iyon?"saad ko na nautal pa dahil sa kaba. "Sinong buntis sa inyo?Ikaw ba?Sumagot ka kundi malilintikan ka sa akin!"singhal na naman ng aming ama sa akin habang matalim ang tingin nito.Nagtago rin sa likuran ko ang kambal kong kapatid. "T-tay..p-patawarin niyo po ako..H-hindi ko po sinasadya!"kinakabahan kong sagot at naiiyak dahil sa takot—takot na pwedeng gawin ni itay sa akin. Ito ang dahilan kung bakit ako napabalik agad ng pinas.Nang dahil sa isang gabi na iyon.Isang gabing naisuko ko sa kung sino man ang gwapong lalaking iyon ang p********e ko na matagal kong iningatan. "Putangina naman!Kaya ka ba umuwi na ng pinas?Ano nag-puta ka lang sa ibang bansa?Sumagot ka Jellybean?Anong ginawa mo trabaho roon huh nagpaka pokpok ka?" sigaw na salita ng aking ama na bawat katagang binibitawan nito ay parang palasong tumutusok sa akin.Ang sakit na pag-isipan ka ng ganon. Hindi ko alam ang isasagot sa ama kaya tanging pagluha na lang ang nagawa kong gawin.May nakabara rin sa lalamunan ko para hindi makapagsalita at saka hindi ko alam kung paano ipapaliwag ang naging sitwasyon ko ngayon. "Ano nagputa ka nga doon?Wala kang silbi!Lumayas ka ngayon rin bago ka pa samain sa akin.Wala akong pakialam kung buntis kang malanding babae ka!Putangina wala ka na nga maibigay na pera tapos nagpabuntis ka pang malandi ka!Lumayas ka!!!"saad pa nito sa akin kaya naman halos mag-unahan na nama sa pagpatak ang mga luha ko. "T-tay wala po akong mapupuntahang iba. Parang awa niyo na po wag niyo akong palayasin.M-magtatrabaho po ako kahit po buntis ako."pagmamakaawa ko saad sa aking ama. Isang malakas na sampal lang ang inabot ko sa aking ama.Pakiramdam ko ay umikot ang paligid ko sa lakas ng pagkakasampal at samahan pa ng kamuntikan ko nang pagkatumba sa lapag kung hindi lang ako nasalo ng dalawang kapatid ko na nasa likuran ko pala.Hindi ako makapaniwala na magagawang pagbuhatan ako ng kamay ng sariling ama ko. "Wala kang kwenta na malanding babae ka!Putanginang buhay 'to oh mahirap na nga nagdagdag kapa ng palamunan na hayop ka!Umalis ka sa harapan ko Jellybean baka hindi lang sampal ang abutin mo sa akin!" Kahit na nahilo dahil sa sampal ay pinilit ko na tumayo ng maayos muli ng marinig ang sinabi ng ama ko.Natatakot ako sa totoo lang baka nga kung ano pa gawin ng ama sa akin at makasama pa sa pagdadalang tao ko. "Anong kaguluhan ito?At ikaw Kulas lasing ka na naman agang-aga pa, isa ka pa Jellybean anong iniiyak mo riyan aber? Pahingi ako ng pera may babayaran ako ngayon na." Napatingin ako sa aking ina na bagong dating at agad na lumapit sa kinaroroonan namin sabay lahad ng kamay nito para sa perang hinihingi.Paano ko pa mabibigyan ang ina kung konti na lang ang naitatabi ko na pera tapos pinapalayas pa ako ng ama saan na ako nito pupulutin ngayon?Saan ako sisilong pansamantala?May tutulong ba sa akin na patuluyin ako kung sakaling umalis na nga ako dito sa bahay namin?Pero sino at saan?Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong sa sarili. "Iyan malandi mong anak nag-puta sa ibang bansa at ayan buntis ang putanginang yan. Wala na nga malamon dito nagdagdag pa ng palamunin.Mga walang silbi!"saad ng ama ko sa aming ina na siyang matalim na tumitig sa akin matapos nito tingnan ang ama at pakinggan ang sinabi nito. "Totoo ba 'yon sinabi ng ama mo Jellybean buntis ka?Anak naman sino nakabuntis sayo babae ka.Jusko talaga nga naman oo, dagdag ka pa sa kunsumisyon!"naiinis na salita naman ng ina sa akin. Lalo lang ako naluha dahil pakiramdam ko ay hindi ako mauunawaan ng ina o nang kahit ng ama ko.Galit na galit nga ito eh, to the point na pinalalayas na ako. "I-inay patawad po.Wag po kayo mag-alala hindi po ako magiging pabigat m-magtatrabaho pa rin po ako!"aniya sa ina na nauutal pa ng walang maisip na ibang sasabihin rito. Halo-halo ang tumatakbo sa isipan ko ngayon kaya naman hindi ako makapag-isip ng maayos.Samahan pa na alam kong galit ang ama at hindi matatanggap ang sitwasyon ko ngayon. "Paano ka makakahanap ng trabaho eh buntis kang gaga ka.Ipalaglag mo yan Jellybean habang hindi pa nalaki ng tiyan mo!"salita muli ng ina na tunay na nagpagimbal sa sistema ko at hindi makapaniwala na tumitig sa ina at inaarok dito kung seryoso ba ito sa sinasabi at tunay nga na seryoso ito sa nais na ipagaw sa akin.My ghad hindi ko akalain na masasabi iyon ng aking ina sa akin. "I-inay naman po naririnig niyo po ba yan sinasabi niyo?Kasalanan sa diyos ang kumitil ng sariling buhay ng may buhay at ito po nasa sinapupunan ko ay wala pang muwang sa mundo tapos ganyan na po ang sasabihin niyo sa akin?H-hindi ko po kayang gawan ng masama ang anak ko.Pasensya na po kayo inay hindi ko kayo susundin!" Hindi na nakatiis na sagot ko sa ina at medyo tumaas na rin ang boses ko dahil sa inis.Sino ba naman matutuwa sa tinuran ng ina ko—wala di ba!Walang kalaban-laban ang nasa sinapupunan ko para gawan ng masama gayong hindi ko pa nga nailuluwal at saka hindi pa ako nahihibang para gawin yun!Di bale ng palayasin nga ako ng mga ito basta bubuhayin ko ang anak at hindi susundin ang nais ng ina.Isang malaking kasalanan iyon sa poong maykapal. Ano iyon ipapalaglag ang nasa tiyan kopara lang masabi dalaga pa ako at hindi na disgrasyada?Hindi na baleng maging single mom ako basta hindi ko gagawan ng masama ang anak ko.Wala ako pakialam sa sasabihin ng ibang tao dahil hindi naman nila alam ang tunay na kwento sa likod ng nangyari sa aking ito at saka isa pa wala silang ambag sa buhay ko! "Ah gano'n hindi mo ako susundin na malandi ka, lumayas ka ngayon rin wala kang silbi at kwentang anak.Hirap na nga tayo magdadagdag ka pa ng palamunin kagaya niyan mga kapatid mong walang silbi.Magsilayas na kayo at wag nang babalik pa!Mga malas kayo, bwisit!" Salita pa ng ina sa akin sabay sabunot sa buhok ko at sampal na kinahilo ko na naman habang hila-hila nito ang buhok ko palabas ng bahay namin.Tiniis ko ang sakit ng anit bunsod ng pagkakasabunot na mahigpit ng ina.Hindi ko na rin nagawang punasan pa ang luha na humalo na sa sipon ko. Binitawan ako ng ina ng makalabas ng bahay.Halos mapasalampak ako sa lupa.Dinaluhan naman agad ako ng kapatid na gaya ko ay luhaan na rin. "Inay tama na po wag niyo na po saktan si Ate!"narinig ko pa na salita ni Justin isa sa kambal na kapatid ko. "Sumasagot ka na huh.Bwisit ka isa ka pa edi sumama na kayo diyan sa ate niyo mga walang kwenta!Mga pabigat at palamunin lang rin kayo rito.Pwe!"singhal pa ng ina namin kaya sinaway ko na ang kapatid ko dahil baka kasi pati ito ay mapagbuhatan ng kamay. Inalo naman ako ng kambal ng talikuran na kami ng ina.Inutusan ko si Joana na kunin ang gamit namin pati ang pera na naitabi ko na nasa ilalim ng higaan namin.Agad naman tumalima ang kapatid para kunin ang kanilang gamit.Wala na ako magagawa kundi ang umalis sila magkakapatid.Hindi ko rin naman hahayaan na iwanan roon ang kambal isasama ko talaga kahit na anong mangyari, kahit na hindi ko alam kung saan kami tutungo ngayon. Isang malaking bag at backpack ang dala ni Joana paglabas pati ang sling bag ko kung nasaan ang pera at selpon ay dala rin nito. Talagang hindi sila pipigilan ng magulang na umalis bagkus pinagsarhan pa sila ng pintuan.Halos pagtitinginan sila ng mga tsismosa nilang kapitbahay at ang iba ay nagbubulong-bulungan pa.Wala ako pakialam sa mga taong usiseroa na habol pa ang tingin sa aming magkakapatid. Ni hindi na ko na naagawang magbihis pa. Mabilis kami pumara ng masasakyan at nagpahatid sa sakayan patungong Maynila. Yeah siguro doon na lang sila magsisimula malayo sa magulang nilang buhay pa pero inabandona na sila ng ganon-ganon na lang basta.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook